Even with the awkward exchange of words with my boss at the rooftop earlier, naging maayos naman ang takbo ng trabaho buong maghapon. Hindi nagsungit ang boss ko, walang Sir Lukov na nanira ng mood niya. Occasionally he would call me inside to print a copy of this and that, and to serve him a never ending cup of coffee.
Days went by like that. I beat the curse! Five days na niya akong secretary. The longest record before is four.
"Ako ang nagwagi!" Kanta ko sa dulo ng suklay ko habang nakaharap sa salamin at inaayos ang buhok.
I could feel it. Ako na talaga ang nagwagi. Pakiramdam ko ay nakuha ko na ang kiliti niya. I mean, alam ko na ang work ethics niya. I also noticed that he doesn't like to repeat himself, kaya parati akong nakatuon ang pansin kapag nagsasalita siya. And as long as I follow the list of things he told me on my first day, walang problema.
Pwede na akong kumain sa cafeteria. Pwede na akong maglakad ng taas noo. Pwede na akong mang-who you kayo jan sa dati kong katrabaho.
Feels so great.
At dahil may important presentation ang boss ko today, I settled for a neat bun. I'm wearing an apricot coat, paired with a knee length pencil skirt with the same color as my top, and a mid-heel black shoes.
After securing na may enough food and clean water ang alaga kong pusa na si Oreo ay umalis na ako.
"Bye, Kitty!" Kaway ko rito, which as always ay hindi ako pinansin kahit isang meow man lang, at isinara na ang pinto.
Pagkalabas ng gate ay isa isa kong tiningnan ang mga dala ko. My bag, keys, and phone. I'm good!
"Yvaine!" I gasped when someone grabbed my arm forcefully at hinagit paharap sa direksyon niya.
"A-Austin?" My whole body hardened. "P-Panong," Nanginig bigla ang mga kamay ko, at pilit kong binabawi ang braso kong hawak niya, but he won't let go. "P-Pano mo nalamang d-dito ako nakatira?" I panicked.
"Sa tingin mo hindi kita mahahanap? Di ba ang sabi ko kahit sa dulo ng mundo ka pa magtago mahahanap at mahahanap kita!?" He gritted his teeth, at ayaw pa rin akong bitawan. Mas lalo pa akong nagpumiglas. "Don't make a scene, Yvaine! Sasama ka sa akin, ngayon na!" Naramdaman ko ang namumuong luha sa mga mata ko ng makita ko ang kotse niya, and he's pulling me in that direction.
"A-Austin ano ba! Hindi ako sasama sayo! Let me go!" With all the strength I have, I pushed him, and luckily nabitawan niya ako.
"Hoy ano yan?!" Napalingon ako sa pasigaw na nagsabi nun. Isang kuya tricycle driver na ilang ulit ko na nasakyan. Halos ilang hakbang lang kasi sa bahay na inuupahan ko ang sakayan ng tricycle. Halos lahat ng nakaparada doon ay tumayo at umaktong lalapit, ang sisiga pa ng lakad.
Austin stepped back, and I took the opportunity to run towards the drivers.
"Ano yun miss ma'am? Hinaharas ka ba nung lalaki?" Halos apat na driver ang sabay na nagtanong.
They call me miss ma'am kasi akala nila dati ay teacher ako, sa dami at kung ano anong bitbit ko nung naghahanap palang ako ng trabaho. They kept calling me that kahit alam na nilang malayo sa teacher ang kursong natapos ko, at office worker ako.
"W-Wala m-mga k-kuya. N-Naliligaw ata." Agad na akong sumakay sa kuya driver na nakatorno.
Alam na nito kung san ako ibaba para naman sumakay ng taxi.
"Miss ma'am, pagnakita namin yun mamaya, humanda sa amin yun!" Kuya reassured me after ko bumaba.
"Salamat, Kuya ah. Pakisabi na din sa ibang mga Kuya kanina." Sagot ko sabay abot ng bayad at pumara agad ng taxi.
Lumingon muna ako sa paligid, trying to find the red Chevrolet Camaro na gamit gamit ni Austin kanina. Nang masigurong hindi ito nakasunod ay binigay ko na ang destination ko sa taxi.
Nang makarating sa Ymperial Fortune building ay dumiretso ako sa comfort room para ayusin ang sarili. Agad akong pumasok sa cubicle at napaupo nalang sa nakasarang toilet bowl sa loob. My hands are still shaking. No, not just my hands, my whole body is trembling.
Pano niya ako nasundan? Pano niya nalaman kung san ako nakatira? I spent a year and half sa pagpalipat lipat ng tirahan, at kung kelan naman nakahanap ako ng maayos na trabaho this past six months ay saka pa mangyayari to.
'I've moved on.' Pangungumbinsi ko sa sarili ko, massaging my hands na patuloy pa din sa panginginig.
'I'm over this. I have moved on. I'm fine. You're fine, Yvaine!' Ulit ko nanaman.
My phone vibrated and a message popped out of the screen.
Mas lalong tumindi ang kaba at takot ko sa natanggap na mensahe.
'If you think you can escape, you're wrong, Yvaine.'
Muli nanaman itong nagvibrate at lumitaw ang panibagong mensahe.
'You're mine, remember that!'
My phone keeps on vibrating and I got flooded with same messages.
I turned my phone off immediately and threw it inside my bag. Panong pati ang number ko ay alam din niya?
I feel like crying again, pero pinigilan ko dahil na rin sa make up ko. Lumabas na ako ng cubicle pagkatapos, only to find out that my mascara has smudged due to my tears earlier. Dahil alam kong gahol na rin sa oras ay naghilamos nalang ako para matanggal ng tuluyan ang make up ko.
Nang makalabas sa comfort room at saktong pasakay na sana ng elevator ay sya namang pagpasok ng boss ko sa lobby.
Oh no! Yung coffee nya!
Luckily ay nauna akong nakasakay sa kanya. When I reached the 15th floor ay nagmamadali kong hinanda ang mga kailangan ni Sir Vladimir. Dinasalan ko na yung coffee maker para lang bumilis. Nang nakahanda na ay ihahatid ko na sana sa loob ng office niya, pero dumating na rin ang boss ko.
"G-Good morning, Sir." Pagbati ko sa kanya habang bitbit ang baso ng bagong timplang kape.
He didn't greet me back, at pumasok lang sa loob ng office. I followed him, and gave him his daily dose of morning coffee.
"You don't look good. You alright?" He asked, not even looking at me, dahil agad na niyang nireview ang business plan na ipepresent sa mga investors mamaya.
"P-Po? Um, yes, Sir. I'm okay." Dahil hindi naman siya nakatingin ay napahaplos ako sa mukha ko.
"Make sure you are. You know that today's presentation is important." He reminded me.
"Yes, Sir." Tumango ako. "Anything else you need, Sir?"
"Nothing. Go fix yourself."
"T-Thank you."
Nakahinga ako ng maluwag. Buti at hindi siya nagalit na mukhang nahuli ako ngayong araw. My day is already ruined because of Austin. Kung magagalit pa ang boss ko ay sobrang kamalasan naman.
I went to my station and fixed my makeup. The presentation will be after lunch, so the whole morning, I made myself busy just so I could get Austin off my head. Inumpisahan ko na din gawin ang mga paper works na next week pa naman ang due.
Nasira ang plano kong kumain sa cafeteria dahil wala akong ganang kumain. I went to my usual place at nagpahangin nalang.
I have to calm down. Hindi pwedeng ganito pa rin ako mamaya habang nagprepresent si Sir Vladimir. Kapag pumalpak siya dahil sa akin, siguradong katapusan ko na.