YVAINE'S POV
Nakaharap ako ngayon sa salamin and getting ready for work. Syempre may dark circles kasi hindi nakatulog ng maayos kakaisip sa huling tagpo namin ni Sir Vladimir kagabi.
Panong narinig nya yun?
Sinubukan kong isipin ang mga posibleng nangyari. And I concluded that he might have followed me when the takeouts arrived and heard my conversation with Mica. Wala talagang magandang naidulot sa akin ang isang yun.
So ito na talaga? Last day ko na talaga ngayon? Parang kahapon lang sobrang saya ko pang kumakanta dito sa harap ng salamin at- natigilan ako ng makita ang cellphone sa loob ng nakabukas kong bag. I haven't turned it on since yesterday morning. Wala pa din akong ideya kung pano nalaman ni Austin kung san ako nakatira at kung pano niya nakuha ang number ko. I need to buy a new sim at siguraduhing limitahan lang ang mga bibigyan ng number ko.
For now there is a company phone I'm using kung san ang contact number lang ay ang sa boss ko at ilang mga department heads who are directly reporting to the CEO.
Papasok na ako sa trabaho, but this time ay sumilip muna ako sa labas to make sure na walang pulang sasakyan na nakapark. At nang masigurong wala nga ito ay umalis na ako.
Maaga ako as usual. Kasalukuyan akong nakasilip sa bintana at nakatanaw sa ibaba, hinihintay na dumating ang sasakyan ng amo ko. Mas kinakabahan ako ngayon na makita siya kaysa sa nung first-day ko bilang secretary niya. My hands and feet turned cold seeing the black BMW arrive, and the man I was hoping to be in his best mood emerged from it.
Ngumiti ka lang Yvaine! Payo ko sa sarili.
Nang makitang pumasok na ito sa loob ay tumakbo naman ako sa may harap ng elevator para salubungin si Sir Vladimir. Inayos ko ang suot, pati na ang buhok, at prinactice ang ngiti ko.
"Good morning, Sir Vladimir!" Kaagad kong bati ng tumunog at bumukas ang elevator.
He gave me a side-eye, and continued to walk into his office with a smirk.
That smirk gave me a mini heart attack.
Sinundan ko lang siya sa loob ng office kung san nakahanda na ang coffee niya. As usual, I reminded him of his schedule for today, presented some documents, and that's it. Lumabas na ako pagkatapos ng sabihin niyang wala na siyang ibang kailangan.
Napahawak ako sa bandang puso ko at pinakiramdaman ang mabilis na pagtibok nito.
Am I the only one overthinking?
He didn't fire me, and he's acting pretty normal. Sabagay, maliban kung galit ito dahil sa palpak na trabaho, most of the time ay wala naman talaga siyang ekspresyon sa mukha. Hindi ito ngumingiti, maliban nalang din nung kausap niya ang mga investors, and I don't think it's his genuine smile, but his working smile.
Bahala na nga! I won't make a big deal out of it nalang, at kapag siya ang kusang bumukas sa usapan tungkol sa gurang thing, hihingi nalang ako agad ng tawad sa kanya.
And the morning went by like that. Sa totoo lang ang boring ng trabaho ko. Pero ayaw ko rin naman bumalik sa dati kong posisyon kung san tambak ang paper works tapos uutusan ka pang magprint ng ganito, magprint ng ganyan. O di kaya paxerox nito at paxerox nyan kahit na may iba namang hindi busy. Kung mamalasin ay uutusan pang bumili ng pagkain ng head namin kahit wala naman yun sa job description. Napatingin ako sa orasan. Fifteen minutes nalang at lunch break na.
Ting!
Nagulat ako ng biglang tumunog ang elevator kaya agad akong napatingin doon. Lumabas mula rito ang isang security guard at may mga bitbit ito.
"Ma'am Yvaine Madrigala?"
"Yes, po?" Nagtataka kong sagot at lumapit dito.
"Ma'am, may nagpapabigay nito sa ibaba. Boyfriend mo daw po." Masayang sabi nito at inabot sa akin ang mga bitbit niya.
Samantalang ako parang napako sa kinatatayuan dahil sa mga narinig.
"Sige, ma'am." Paalam nito at hindi pa din nawawala sa mukha nito ang ngiti na animoy kinikilig para sa akin.
It's a bouquet and a coffee. Nakasulat pa rito ang pangalan ko. A small note is attached to the flowers—binuksan ko iyon at binasa.
'I love you, Yvaine. Akin ka lang. Tandaan mo yan.' Mga katagang nakasulat gamit ang pulang ballpen.
Itatapon ko na sana ang mga ito ng biglang bumukas ang pinto ng office ni Sir Vladimir.
I felt pathetic na naabutan niya akong hawak hawak ang bulaklak na pinadala ni Austin.
"Sir, may kailangan po kayo?" Ibinaba ko ang mga hawak at lumapit dito.
"Nothing. I'm eating out." Ani niya sabay suot ng coat.
His phone vibrated at hindi sinasadyang nakita ko ang pangalan ni Sir Lukov sa screen ng basahin nito ang bagong tanggap na mensahe.
Hindi ko na siya sinagot at sinundan nalang ng tingin ng pumasok sa elevator.
Nang makaalis na ito ay nagmamadali kong itinapon ang bulaklak at kape sa may basurahan. Kinuha ko ang bag ko at inilabas ang cellphone saka pinindot ang switch nito. Nanginginig ang mga kamay ko habang hinihintay itong mag-on.
After typing my password ay sunod sunod ang pagpasok ng mga messages at lahat ay galing sa iisang numero lang. Pero hindi ko na binasa ang mga ito at mabilis akong nagtype ng mensahe at sinend agad pagkatapos.
'What the hell do you want, Austin?!'
Hindi pa umabot ng isang minuto ay may reply na kaagad.
Unknown number:
Did you like the flowers, Yvaine?
'Please leave me alone!'
Unknown number:
Yvaine, stop playing hard to get and come back to me. Mahal mo ko di ba? Bumalik ka na sa akin.
'Tigilan mo na ako!' Reply ko
I gasped when suddenly the unknown number flashed on the screen, calling.
Hindi ko ito sinagot at hinayaang kusang tumigil ang pag ring nito.
Unknown number:
Answer the damn phone, Yvaine!
Agad na message nito ng hindi ko sagutin ang tawag.
I switched my phone off again, at binalik iyon sa loob ng bag ko.
Bakit ba ayaw niya akong tigilan? Nananahimik na ako. I'm moving on with my life.
Napahilot ako ng sentido at napapunas nalang ng luha pagkatapos.
VLADIMIR'S POV
"Thanks for the meal, Vlad!" Umakbay ito sa akin.
"Take your hand off me." Saway ko rito.
"Tsk. Is that how you treat your brother?" He pouted like an idiot at inalis ang kamay niya sa balikat ko.
"Now I'm your boss." I reminded him.
Nasa may lobby na kami at nakikita ng ibang mga empleyado.
"Yeah, yeah." He rolled his eyes. "Salamat sa palunch mo, kamahalan." Pang-iinis nito.
Kunot noo ko siyang sinundan ng tingin. He's been bugging me to treat him to lunch since morning and this is the thanks I get?
We parted ways. Nasa 5th floor ang department niya, while the CEO's office is on the 15th floor.
Nang makarating roon ay wala pa sa reception area ang secretary ko, which is not a surprise dahil may 10 minutes pa namang natitira sa lunch break. Baka nasa rooftop nanaman ito, and God forbids, hindi sana nag-aagaw buhay ulit dahil sa kung ano mang kinakain nito. Natatawa pa din ako kapag naaalala ko ang nangyari sa rooftop during her first day. She's a tiny woman, but damn, her slap hits hard.
I took one last sip of my coffee and stepped on the pedal to open the trashcan, pero natigilan ako ng makita ang bouquet na hawak ng secretary ko kanina sa loob nito.
Nag-away ba sila ng boyfriend nya?
I shrugged. Not my business.
I threw the plastic cup and went inside my office.
I'm currently reviewing last month's overall performance, and the files for that are piling up on my table.
Damnit!
It's been hours pero pakiramdam ko ay hindi nababawasan ang mga ito.
"Here's your coffee, Sir." This is the fourth cup this afternoon. "Anything else, Sir?" Hawak niya ang files na pinapabalik ko sa finance department.
"Nothing. Go." I pointed at the door.
I've been doing this repetitive routine for over two weeks, and now I'm not too fond of it. But it's not like I have a choice. Once I took over the COO position again, siguradong ganito pa rin ang tagpo ko sa pang-araw araw. Pero pagnakabalik na si Kaiser, everything will be alright. My brothers are annoying, but being with them is fun.
Muli akong napatingin sa mga natirang files. Sa sobrang dami ay paramg gusto ko nalang sunugin.
Itinabi ko ang mga hindi natapos and got ready to leave. Tatlong oras na rin akong nag-over time. If I don't stop this now, siguradong babangungutin na ako nito mamaya.
"Good evening, Sir." Bati ng driver ng makarating ako sa may parking lot.
Tumango lang ako dahil wala na akong lakas para sumagot pa. I want to go home and rest.
Hindi agad kami umalis. My driver said he'd finish wiping the dirt off the rearview mirrors. Isinandal ko lang ang ulo ko sa headrest at pumikit.
A few more minutes and we exited the parking lot.
We haven't even made it far when suddenly the car stopped abruptly, and the loud squealing sounds of brakes followed. I was caught off guard, and my face hit the back of the front seat.
"Sir, okay lang po ba kayo?" Tanong ng driver ko.
"Ugh, fúck! What the hell is that? Bakit bigla kang huminto?"
At mukha ba akong okay?
Hindi niya ako sinagot at narinig ko nalang na bumukas ang pinto.
"Ma'am ayos," Hindi ko na narinig ang kasunod na sinabi ng driver dahil sumara na ang pinto ng sasakyan. At nang tumingin ako sa may windshield para makita kung ano ba ang nangyayari sa labas, I saw my driver talking to someone.
"What the hell is going on here?!" Agad kong tanong ng makalabas.
"S-Sir, sorry po. Hindi ko pa sinasadya." Kumunot ang noo ko ng makita siya.
"Anong nangyari dito, Manong?" Baling ko sa driver, ignoring my secretary.
"Sir, kasi bigla nalang pong tumawid si Ma'am Yvaine at muntik ko na siyang mabangga." He explained.
Napatingin ako sa secretary ko na mukhang hindi naman nakikinig. She's looking at something kaya sinundan ko iyon ng tingin. I tilted my head a little to see if someone was hiding behind the giant pillar dahil naroon ang mga titig niya, pero wala akong makita. Ibinalik ko ang tingin sa secretary ko na halatang balisa.
"Ms. Madrigala, do you need a ride?" Alok ko rito.
Napatingin siya sa akin. The answer is obviously yes. Mukhang iiyak na siya, and fear is all over her face. Her wet eyes are screaming for help.
"O-Okay lang po, Sir. N-Nakakaabala na po ako sa inyo ng sobra." Pagtanggi niya sa alok ko, but her eyes wander back to the pillar not far from us.
"I insist." I grabbed her arm and pulled her into my car.
"S-Sir, t-teka lang po," Her words and actions didn't match. She may be protesting with her words, but her body doesn't resist.
Nang maipasok ko na siya sa loob ng sasakyan ay muli akong napatingin sa direksyon ng pillar, and I saw a shadow behind it.
The hell, may pinagtataguan ba siyang pinagkakautangan nya ng malaki?
Pagkapasok sa loob ng sasakyan ay hindi ko maiwasang tumingin sa sekretarya ko. She's avoiding my gaze.
We drove off after that and took her home.