Kabanata 3

1245 Words
YVAINE'S POV Kinabukasan ay pumasok ako ng maaga. Dumaan muna ako sa isang fast food chain para bumili ng kakainin ko mamayang lunch. Ayoko paring kumain sa cafeteria, or lumabas pa para pumunta sa mga resto sa labas. Pagkarating sa office ay agad kong hinanda ang mga dapat gawin. I found black folders sa drawer ng reception table ko, kaya matapos isecure na sakto lahat sa inutos ni Sir Vladimir kahapon, mula font at size, prinint ko na ang schedule niya for today. Actually, for the whole month na schedule na to. Inulit ko lang kasi nga yung format na gusto niya. Nilipat ko na din sa black folder yung mga pipirmahan nya. At pati na din ang mga documents na ipapacheck from the CFO office. Tumingin ako sa orasan. Ito ang eksaktong oras ng pagdating niya kahapon. Sumilip ako sa bintana at tumingin sa ibaba. A familiar black BMW, hindi ko lang alam kung anong model, stopped in front of the lobby, and the man I've been waiting for over an hour exited from it. I poured the coffee into the cup, at nang matapos ay dinala iyon sa loob ng opisina. Oh wait! I forgot something. Bumalik ako sa table ko at kumuha ng Post-It, saka sumulat ng maiksing note dito. Idinikit ko iyon sa burger na binili ko kanina sa fastfood. I run back inside his office, 'Do your magic lil guy!' Isang parang maiksing dasal ko bago inilagay ang burger sa tabi ng coffee. Lumabas ako at sakto namang tumunog ang elevator at lumabas mula dito ang boss ko. "Good morning, Sir!" Buong sigla kong bati. "Good morning." Walang gana niyang sagot. 'Walang gana niyang sagot, but he greeted me back!' Sigaw ko sa aking isipan. This is a good sign! Hindi ako matatanggal sa trabaho! Hindi pa ngayon. Baka bukas pa dahil baka anong kapalpakan nanaman ang magawa ko. Sumunod ako sa kanya sa loob ng office to show him his schedule. "Here's your schedule for today, Sir." Inabot ko sa kanya ang hinandang folder. He grabbed it, but he's looking at something, at nang sundan ko ang tingin niya, he's looking intently at the burger I prepared for him. Hindi ko mabasa ang ekspresyon ng mukha niya. Is he mad that I put it there kahit hindi niya inutos, at ngayon ay nangangamoy burger ang buo nyang opisina? O dahil mas pinili kong magsorry sa sticky note instead of saying it now? Nevermind, alisin natin sa burger ang atensyon nya. "Today at 9am, you have a 30-minute meeting with Sir Montello and his team from CFO office, here are the folders you need to check for that." Inilahad ko ang palad sa bandang kanan ng table as he instructed yesterday. "You have a scheduled lunch meeting at 1:30pm today with Mrs. Ymperial, I need to confirm this please." It's a lunch meeting with his mother. "Cancel it." Biglang may inis sa tono ng boses nito. "I already told the secretary before you to cancel that!" Iritado nitong dugtong. "Noted, Sir." Kumpiyansa kong sagot na animoy hindi apektado ng pagbabago sa boses niya. "Aside from these documents that you need to check and sign, nothing else is scheduled for today. May idadagdag po ba kayo, Sir?" Tanong ko. "Nothing." Sumandal siya sa swivel chair. "Then I'll be outside. Enjoy your coffee, Sir." Sagot ko. Palabas na sana ako ng bigla siyang nagsalita. "Wait," He called. Agad naman akong napalingon. "If Lukov came looking for me again, tell him I died." Pahabol niya. "P-Po?" "Just go!" He said, shooing me with his hand. "Yes, Sir." Pagkalabas ay agad akong napa-yes sa hangin. Today's start is 95% better than yesterday. Sana buong maghapon na maganda ang mood niya, sana ay maging maayos ang meeting, at sana ay hindi bumalik dito ang nakababata nyang kapatid! Iyon kasi ang sumira lalo sa mood niya kahapon. But that prayer wasn't answered. The 9am meeting was a mess! Nakatayo lang ako dun pero the tension is overwhelming, parang pati energy ko nadrain kahit nakatayo lang ako sa gilid. Kahit hindi ko forte ang finance, mahahalata mo talagang hindi nila napaghandaan ang prinesent nilang report. Natusta tuloy sila, at feeling ko nasali ako dun sa nasermonan. After that, my boss stormed out of the conference room in a sour mood. 'Lord, please! Ibigay mo na sa akin na manahimik lang si Sir Lukov sa department nya today! Wag nyo pong papupuntahin ang isang iyon rito sa CEO office.' Dasal ko sa isipan ko. "C-Coffee, Sir?" I asked. "No, just leave!" He said pinching the bridge of his nose in annoyance. "I'll be outside." I told him, and closed the door. He didn't call me for the rest of the morning, which is good. Nang maglunch break ay dumiretso ako sa rooftop para doon ulit kumain. Nakakainis kasi ang tingin ng mga dati kong katrabaho ng dumating ako kaninang umaga. Na para bang inaabangan nila na matanggal din ako sa trabaho dahil nga sunod sunod ang mga sekretaryang inalis ni Sir Vladimir sa posisyon. I can't shake off the idea na baka pinagpustahan nila ako. Ewan ko ba sa mga yun. Anim na buwan din naman akong naging parte ng department na pinanggalingan ko, pero kahit kailan ay hindi ko nafeel na welcome ako roon. I took a big bite on my chicken. This time may nakahanda na akong tubig sa tabi ko. I can't risk na mabulunan ulit, at baka matuluyan na this time. Baka hindi na ako mabigyan ng second chance at tuluyang madeads. Binalingan ko rin ang inorder kong fries at sumubo ng tatlo. Inis kong nginuya ang pagkain. Kapag naaalala ko mga katrabaho ko dati, at kung panong pinagtulungan nila akong masisi dun sa maling files para matanggal ako sa trabaho ay kumukulo ang dugo ko. It feels like working as Sir Vladimir's secretary is 10x better than working with them again. Namilog ang mga mata ko at kamuntik pang mabulunan ulit when I noticed the black shoes sa malapit, at nang iangat ko ang tingin ay nakita ko ang amo ko na nakasandal sa wall, chomping on the burger I gave him this morning. "Sir," Agad akong napatayo, at napapunas pa sa bibig. "May kailangan po kayo?" Tanong ko. "I'm just checking if my slightly useful secretary is still alive." Nag-init ang mga pisngi ko sa sinabi niya at naalala ang nakakahiyang nangyari kahapon. Pero huy, pinuri nya ako! I'm slightly useful daw. May silbi na ang tinawag niyang stupid kahapon! "M-May dala na po akong tubig." Nakayuko kong sagot. "Good. I'm relieved I won't be accused as s*x offender today." Inginiti ko nalang ang sinabi niyang iyon, mukhang minasama nya talaga ang sinabi ko kahapon. "S-Sorry nga pala kahapon, Sir. Hindi na mauulit. Akala ko po kasi..." Humingi na ako ng dispensa, lalo na at nasampal ko pa ito. He didn't answer and continue eating the burger. Sa laki ng kagat niya ay agad nawala sa mundong ibabaw ang kinakain nya. "Talagang hindi na mauulit. And for you to know, I'm not interested on clumsy secretaries." He crumpled the burger wrapper and threw it on the bin. Umalis na din siya pagkatapos. "He's not into what?" I was confused for a moment, but then I realized what he meant. Wait! Wait! Iniisip ba niya na inaakit ko siya something like that? Purya gaba! Gusto ko siyang habulin para linawing wala akong ganung intensyon, pero baka mamaya ay magalit nanaman ito sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD