Kabanata 2

1166 Words
Dahan dahan akong humakbang patalikod para magtago. Hindi niya ako dapat makita. Baka uminit nanaman ang ulo nya pagnakita ako. Tumingin ako sa suot na relo. May forty-five minutes pa bago matapos ang lunch break. Dapat kong ienjoy ang katahimikan bago muling pumasok sa lungga ng leon. Baka mamaya dakdakan nanaman ako nun. I took a big bite on my sandwich. Dapat pala ay dalawa ang binili kong sandwich. Baka gutumin ako mamaya. Tahimik lang ako dito sa sulok para hindi mapansin ni Sir Vladimir. Kumagat ulit ako sa sandwich, hanggang sa huling kagat nalang ang natitira. Pero siguro ako na ata ang pinakamalas na nilalang sa mundong ibabaw dahil bigla itong bumara sa lalamunan ko. Paulit ulit kong tinapik ang dibdib ko, at palakas iyon ng palakas, pero hindi bumababa ang kinain kong sandwich. Napatingin ako sa bench kung san ako nakaupo kanina. Wala akong dalang tubig! Sinubukan kong isuka ang kinain ko, but I'm only making a choking sound. I'm starting to feel dizzy because I can't breathe. My god, is this how I'm going to die? Sana hindi bubula ang bibig ko, or wag sana ako magkulay purple. Nakakahiya naman sa kuya St. Peter na kukuha sa akin. Tapos hindi ko pa tapos bayaran ang memorial plan ko sa kanila. At habang tinatanggap ko na ang katapusan ko, bigla nalang may pumulupot sa katawan ko, particularly sa bandang itaas ng tiyan, and pulling me back and up repeatedly. Naidura ko ang sandwich matapos ng ilang mariin na pagtulak niya sa itaas na banda ng puson ko, but instead of being relieved, my hand swung at the person behind me. "Bastos!" Sigaw ko matapos itong masampal. Ilang beses niyang napisil ang boobs ko! "Wow, that was so grateful of you Ms. Madrigala!" The man held his clenching jaw. "Sir Vladimir! Oh my god! I'm sorry, Sir!" Natataranta kong sabi, trying not to touch the part of his face na tinamaan ng sampal ko. Boss ko pala yun! "K-Kasi naman bakit mo pinisil yung boobs ko?" Pabulong kong sabi. "Excuse me?" Siya pa ang nagulat. Bumaba rin ang tingin niya dibdib ko. "When the hell did I do that?" Tumaas ang boses nito. "Kasi," "I was performing a Heimlich maneuver, and your accusing me of s****l harassment?" Mukhang mas galit pa ito kumpara sa nangyari kaninang umaga. "Unbelievable!" He left the rooftop fuming. Naiwan akong mag-isa sa rooftop. In the span of forty minutes na naiwan sa lunch break, ilang beses kong binatukan ang sarili. Wala na! Siguradong palaboy ang kahahantungan ko nito. Siguradong pagbaba ko mamaya ay wala na akong trabaho. Dapat talaga hindi ako bumili ng bagong phone, eh di sana may ipon pa ako ngayon! Speaking of phones. Kinuha ko ang cellphone ko at sinearch kung ano yung Heim- kung ano man yung sinabi niya kanina. Napasinghap ako ng mabasa kung ano ito, at kung paano ito ginagawa. Hala, I'm stupid nga! Hindi niya pinipisil ang boobs ko, natatamaan lang talaga because he's pulling me closer to him, giving me abdominal thrusts so I could spit out the food. Katapusan ko na talaga to! Ako na talaga ang record breaker mamaya. Hindi man lang ako umabot ng isang araw at natanggal na kaagad bilang secretary. Nang matapos na ang lunch break ay umalis na rin ako sa rooftop. Kasalukuyan akong nasa labas ng pinto ng opisina ng boss ko at iniisip kung paano magsosorry sa ginawa kong akusasyon kanina. Should I apologize now? Or hintayin ko nalang na tawagin niya ako pagmay kailangan siya, then took the opportunity to say sorry? "Move!" Nagulat ako ng biglang may nagsalita sa likuran ko. Napaharap ako rito, isang lalaking mukhang iritado ang agad na bumungad sa akin. He has dark circles around his eyes, at mukhang may gustong sugurin. "How may I help you, Sir?" Tanong ko rito. "Di mo ko narinig? I said move." Ulit niya. "Sorry, pero sabi ni Sir Vladimir ay hindi daw siya tatanggap ng bisita today, or any," Hindi ko natapos ang sasabihin dahil bigla nalang binuksan ng lalaki ang pinto at pumasok sa loob. "Sir, please!" I panicked at sumunod sa lalaki sa loob. May kasalanan pa ako sa nagmamay-ari ng kwartong yan. Matatanggal talaga ako sa trabaho nito! "Damn it, Vlad! I told you I'm busy, didn't I? I didn't even have a decent sleep last night dahil sa kung ano anong pinapagawa nila sa akin sa planning department, tas uutusan pa ako ni Kaiser na sabihin sayong iunblocked mo daw sya!" The man slammed his hands on Sir Vladimir's office table. "I'm sorry, Sir. Hindi po kasi siya nagpaawat." Immediately, my boss gave me a bristled look. Wala na! Finish na. Napapikit ako, waiting to hear him say 'you're fired!'. First day ko palang pero ang dami ko ng kapalpakan. "Leave us." Walang gana niyang sabi. "Y-Yes?" Napadilat ako at naglalipat lipat ang tingin sa dalawang lalaki na ngayon ay napagtanto kong medyo magkamukha. "Y-Yes, Sir." Nagmamadali akong lumabas at bumalik sa reception area sa labas lang ng opisina ng CEO. Napaisip kaagad ako kung sino ba yung lalaki kanina at bakit sila magkamukha ni Sir Vladimir. I remembered him saying he's from the planning department. I did hear some rumors that another Ymperial is working in a lower department. Could it be? Napalingon ako sa saradong pinto. The youngest son of the Ymperial? Nagresearch ako kung tama ba ako ng hinala na siya ang nakababatang kapatid ni Sir Vladimir, and he is. Siya si Lukov De Castro-Ymperial. He's so loud. Kahit nandito ako sa labas ay wala akong ibang naririnig kundi mga pag-angal, that he doesn't want to stay in his department any longer at kung ano ano pang rants sa buhay. Wow, eh kamusta naman ako na hinihintay ang announcement ng boss ko na tinatanggal na niya sako sa trabaho. Napatingin ako sa orasan. Sabi nya kanina ay busy siya, Pero tatlong oras na at nasa loob pa din siya ng opisina ng kuya niya. Pati ako hindi makapagconcentrate because of his loud nagging. Bakit kaya mas mababa ang pwesto nito kumpara sa mga kuya niya? Teka, hindi ko na problema yun. Inayos ko nalang ang table ko at tinapos ang mga naiwang trabaho. At iba talaga kapag anak ng may-ari ng kompanya. Sir Lukov stayed there until evening. Hindi siya nauubusan ng sinasabi. Sobrang hindi na maipinta ang mukha ng boss ko ng maghatid ako ng coffee na inutos niya. Around 6:15pm, lumabas na silang dalawa sa office. Sir Lukov is still following him, parang sisiw na nakabuntot sa inahing manok. May inabot lang na documents si Sir Vladimir sa akin, at umalis na ito. The day ended na hindi man lang ako nakapagsorry. Ni hindi ko man lang nagawang sumingit dahil kay Sir Lukov. My god, I can't stand a person like him. Sobrang ingay. After finishing my work ay umuwi na din ako. Bukas nalang ako babawi sa boss ko. I had everything prepared to impress the one and only Vladimir Ymperial!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD