CELESTINA'S POV
Nakaupo ako sa meeting room na mag-isa habang may chenecheck akong excel sa laptop ko. Matapos kasi ang meeting ay hindi na ako nakatayo sa pwesto ko. Napaangat ako ng tingin nang may pumasok at nakita ko si Christine.
"Here are the papers you requested." Inilapag nito sa ibabaw ng mahabang table ang mga folders na dala.
"Bakit ikaw ang may dala niyan?" tanong ko sa kaniya, hindi naman niya iyon trabaho. May staff na inutusan ako na kunin iyon.
"Because I want to talk to you," nakangiting saad nito.
Kumunot ang noo ko.
"What is it?"
"Malapit na kasi ang kaarawan ng Lola ni Jackson--"
"Sir, we are in the office. I know you are a couple, but learn to address him correctly in front of an employee like me," putol ko sa sasabihin ko sa kaniya.
"Masyado kang strict sa bagay na iyan, Cel."
"Miss Benitez," muling pagtatama ko sa kaniya.
Mariing pinagdikit nito ang mga labi na para bang pinipigilan ang sariling maasar sa akin pero wala akong pakiaalam. Nasa trabaho kami at secretary siya ng managing director kaya dapat alam niya kung paano maging professional lalo na at hindi naman kami close na dalawa.
"Ayaw mo ba sa akin?" biglang tanong nito.
"Anong klaseng tanong iyan?"
"I am trying to be friendly here pero you keep on acting tight. Ang hirap makipag-usap sa iyo kung ganiyan ka. It's like you are building a wall between us. Ayaw mo ba sa akin para kay Jackson? Kasi kung oo..." Nagkibit balikat ito. "Wala ka nang magagawa doon. Mahal ko siya at mahal niya ako. Kaibigan ka lang, madali naman nang magpalit ng kaibigan sa panahon ngayon. Kaya payo ko lang sa iyo. Kung ayaw mong magsumbong ako sa kaniya, matuto kang makisama," masungit na saad nito sa akin bago nag-walk out.
Napabuntong hininga ako at napahilot sa sintido ko.
Damn it. Para bang lumapit lang siya sa akin para ipamukha sa akin na siya ang mahal ni Jackson. Wala naman akong magagawa sa bagay na iyon. Kahit kailan naman hindi ko sinubukang agawin sa kaniya si Jackson kaya huwag siyang mag-alala.
Sumusobra na ba talaga ako sa pagtatama sa kaniya?
Ipinilig ko na lang ang ulo ko at tinuloy ang ginagawa ko. Masyado akong maraming ginagawa para isipin pa siya. Mabuti siya may time pang chumika.
Buong maghapon na nagtrabaho ako. Napatingin ako sa labas ng opisina ko at napansin kong wala na ang lahat ng staff sa department namin. Ako na lang pala ang naiwan. Itinaas ko ang mga kamay ko at sumandal sa swivel chair ko. Medyo inaantok na ako kaya pumikit muna ako sandali. Alam ko naman na may iba pang nag-o-overtime sa ibang department kaya okay lang kahit late akong umuwi. Inaantok lang talaga ako kaya iidlip lang ako kaysa naman mag-drive ako ng parang pumipikit na ang mga mata ko.
Hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako, nagising lang ako nang may tumuktok sa ibabaw ng mesa ko at nabungaran ko si Jackson na nakangisi sa akin nang magmulat ako.
"It's already seven-thirty, hindi ka ba uuwi?"
Napatingin ako sa relo ko. Seven-thirty one na. Agad na pinatay ko ang computer ko bago ako mabilis na tumayo.
Inaantok talaga ako. Medyo masakit ang ulo ko. Parang pinupokpok iyon.
Ipinilig ko ang ulo ko habang nakasunod naman sa akin si Jackson.
“Are you okay?” tanong nito sa amin nang makasakay kami sa elevator.
Umayos ako ng tayo.
“Oo, ayos lang ako. Bakit hindi ka pa umuwi?”
“Pauwi na sana ako matapos kong ihatid si Christine, pero may naiwan ako kaya bumalik ako at nakita ko ang kotse mo sa parking. You look tired,” saad nito at bahagya pang yumuko para silipin ang mukha ko kung okay lang ba talaga ako.
Umangat naman ang mukha ko para salubongin ang tingin niya.
Nagtaas ito ng tingin, habang nakapamulsa.
Hindi na ako umimik hanggang sa makalabas kami ng elevator. Agad na humakbang ako palabas papuntang parking.
Napalingon ako kay Jackson na nakatingin lang sa akin nang makarating kami sa parking.
“May problema ba?” tanong ko sa kaniya habang nakakunot ang noo ko.
Para kasing tatagos na sa akin ang mga titig niya.
“Nothing. Drive safely,” simpleng saad nito bago tumalikod na sa akin at nagtungo sa sasakyan niya.
Bahagyang gumalaw ang kilay ko sa sinabi niya. Parang may gusto siyang sabihin sa akin pero hindi niya tinuloy.
Hindi ko na lang pinansin iyon at sumakay na ako sa kotse ko. Gusto ko nang makauwi, parang pumipintig na ang sintido ko.
NANG mga sumunod na araw ay mas lalo akong naging abala sa trabaho ko. Talagang binubuhos ko ang oras ko sa trabaho. Kapag may ginagawa kasi ako, hindi ako nag-iisip ng kung ano-ano.
Kagagaling lang namin mag-lunch kasama ang mga katrabaho namin nang makita namin sina Jackson at Christine na kadarating lang. Ngumiti pa ng matamis sa amin si Christine nang makita kami.
“Hindi ko alam pero hindi ko gusto vibes niya, parang mapanganib sa ozone layer kapag sinunog mo,” biglang saad ni Len-len, ang malusog na babaeng medyo may kababaan ang height. Isa siya sa mga Team Leader.
“Totoo, parang may kakaiba sa kaniya. Noong nakaraan nga raw sinigawan niya iyong isang intern dahil nagkamali,” sang-ayon naman ni Joana.
Naghihintay kami sa elevator habang pinagchi-chismisan nila si Christine. Tahimik lang naman akong nakatingin sa numerong lumalabas sa taas ng pintuan ng elevator.
“What do you think, Miss Cel?” tanong nila sa akin.
“I think she's okay,” simpleng sagot ko.
Hindi ko pa naman talaga kilala si Christine para magbigay ako ng komento tungkol sa kaniya.
“Kunsabagay, best friend ka ni Sir Jackson kaya sure ako na hindi ka niya matatarayan,” wika ni Len-len.
Isa sa ayaw ko sanang malaman dati ng lahat ay ang tungkol sa pagkakaibigan ni Jackson pero unang araw ko pa lang dito ay bigla na lang dumalaw sa pwesto ko si Jackson para i-congratulate ako kaya nalaman ng lahat na magkaibigab kami.
“Wala namang dahilan para tarayan niya ako,” sagot ko bago pumasok sa loob ng elevator.
Hindi naman mukhang mataray si Christine. Palangiti nga ito, maliban na lang sa naging usapan namin noong nakaraan sa meeting room.
Siguro nga kasalanan ko kung bakit napikon siya. Masyado na siguro akong nagiging mahigpit pero kahit nga si Jackson, kapag nasa trabaho kami, hindi best friend ang turing ko sa kaniya kundi boss ko.
CHRISTINE'S POV
Ngumiti ako ng malaki nang makita ko kung sino ang paparating. Si Miss Martha, ang lola ni Jackson. Kasunod nito ang assistant nito.
Tumingin lang siya sa akin bago siya dire-diretsong pumasok sa loob ng opisina ni Jackson.
Sabi nila ayon sa mga naririnig ko ay medyo strikta raw ito, marami ang natatakot dito pero kung may isang tao na dapat ay magpalapad ako sa kaniya iyon. Kailangan kong makuha ang loob niya para kapag nalaman niya ang tungkol sa amin ng apo niya, hindi siya maging sakit sa ulo ko.
Napatingin ako sa pintuan ng opisina ni Jackson, hindi ko alam kung bakit biglang nagtungo rito ang matanda. Napakadalang nitong magtungo rito mula nang bumaba ito bilang chairman ng kompanya.
Nagpatuloy ako sa trabaho ko, malaki ang ngiti ko habang nakaharap sa computer ko. Nag-lunch kami kanina ni Jackson kaya maganda ang mood ko. Iyong mga restaurants na dati ay gusto kong kainan, nakakainan ko na ngayon.
Kahit na tago lang ang relasyon naming dalawa, masaya pa rin ako. Alam ko rin naman na hindi talaga pwedeng malaman ng iba ang tungkol sa amin, kasal pa rin ako. Napatingin ako sa cellphone ko nang may mag-text doon.
Napangiti ako nang mabasa ang text niya pero agad na nabitawan ko ang phone ko nang biglang lumabas ang lola ni Jackson kaya mabilis akong tumayo at yumuko sa kaniya bilang pagbati.
Bigla itong napahinto sa tapat ko. May kinuha siya sa bag niya na maliit na square na sobre at inabot sa akin.
Malaki ang ngiting tinanggap ko iyon.
“Pwede bang pakibigay kay Celestina? Hindi na kasi siya nadadalaw sa bahay kaya hindi ko maibigay ng personal sa kaniya, nagmamadali naman ako ngayon. Just kindly give it to her,” saad nito sa akin.
“Okay po, ma'am,” magalang na sagot ko sa kaniya.
Tumango ito bago tuluyang umalis. Mabilis namang nawala ang ngiti sa mga labi ko.
Tumalim ang tingin ko sa hawak kong sobre. Binuksan ko iyon at mabilis kong nilamukos at tinapon sa basurahan ng mabasa ko ang nakasulat. Bigla akong nainis.
Invitation iyon para sa 72nd birthday ng matanda.