Chapter 5

1830 Words
CELESTINA'S POV Hindi ko na siya iniiwasan dahil mahirap naman talaga dahil boss ko siya pero nag-lie na talaga ako sa pagsama sa barkada kapag kasama siya para hindi halata na umiiwas ako pero hindi na rin naman gaya dati na lagi kaming nagkikita outside sa trabaho. Hindi na rin kami masyadong nagba-bonding dahil nga nagkaroon na ng girlfriend si Jackson maging si Reymond sa pagkakaalam ko ay may nililigawan na rin kaya naging busy na sila sa mga babae nila. Iba na ang priority nila ngayon. Habang ako naman ay puro trabaho lang. Ilang buwan na rin ang nakakaraan mula nang sabihin sa amin ni Jackson ang tungkol sa relasyon nila ni Christine. Nasasanay na akong makita sila together pero syempre, hindi ko pa rin maiwasang masaktan. Iyon nga lang mas naging magaling na ako itago ang nararamdaman ko. Noong unang mga araw dahil, parang gusto ko palaging umiyak kapag nakikita ko sila kaya umiiwas ako ng todo pero ngayon, kaya ko nang umakto na parang wala lang. Nandito ako sa bahay, walang pasok ngayon dahil linggo at si Mama naman ay umalis para pumunta sa mga kaibigan nila. Minsan kasi ay nagsu-zumba siya at sa pagkakaalam ko ay may birthday ang isa sa mga ka-member nila kaya maaga siyang umalis kaya ako lang ang naiwan dito sa bahay dahil maging ang kasama namin sa bahay nagday-off ngayon. Nakaupo lang ako sa sala at habang kumakain ng sitsirya. Dati noong wala pa silang mga girlfriend, kapag linggo ay barkada day namin, pero nagbabago pala talaga kapag nagkakameron na ng relasyon ang mga kaibigan mo. "Celestina Jane Benitez!" napatingin ako sa may pintuan nang makarinig ako nang sigaw at kalampag ng gate kaya napatayo ako at nagtungo sa pinto. Bumungad sa akin si Francis na nakahawak sa gate namin habang malaki ang ngiti sa akin ng makita ako. Sumandal ako sa gilid ng pinto at tumingin sa kaniya. "Anong problema mo at nambubulahaw ka?" Pwede naman kasi siyang pumasok sa gate dahil mababa lang iyon at hindi pa naka-lock pero sumigaw-sigaw pa siya. "Labas tayo," yaya nito. "Saan naman tayo pupunta?" tanong ko sa kaniya. Ginalaw nito ang lock at pumasok na ito. "Park, mall, anywhere?" "Libre mo?" nakangising tanong ko sa kaniya. "Kaya nga niyaya kita kasi gusto kong magpalibre sa'yo," mas malaki ang ngising saad nito kaya umirap ako sa kaniya. "Umuwi kana lang. Wala akong pera," pagtataboy ko sa kaniya pero bigla itong pumasok sa loob ng bahay. Binangga pa ako nito kaya asar na tiningnan ko siya. "Dali na, magbihis kana. Napaka-kuripot mo," wika nito at dumiretso sa kusina namin. Ganiyan na ganiyan sila rito sa bahay. Masyado silang feel at home, minsan nga feeling nila sila ang anak ni Mama. Close talaga sila kay Mama lalo na noong mga nag-aaral pa kami pero ngayong may mga trabaho na kami madalang na lang silang pumarito pero hindi naman nagbabago ang pagiging feel at home nila dito sa bahay. Nagtungo na ako sa kwarto ko para mabilis na maligo at magbihis. Naiinip na rin naman ako kaya sasama na lang ako kay Francis. Almost one hour akong nag-ready. Naka-pants at black racer back na top lang ako. Paglabas ko ay nakita ko si Francis na siya nang nakaupo sa pwesto ko kanina habang nanonood na ng football sa tv. Kinakain na rin niya ang sitsiryang kinakain ko kanina. "Let's go," yaya ko sa kaniya. Mabilis naman nitong pinatay ang tv at tumayo sa kinauupuan niya. Ngumisi ito sa akin bago nauna pang lumabas kaysa sa akin. "Wala ka pa bang nililigawan at ako pa rin ang ginugulo mo?" tanong ko kay Francis habang nagmamaneho siya. Hindi ko alam kung saan kami pupuntang dalawa. Sumama lang ako dahil naiinip ako sa bahay. Kung hindi siguro siya dumating baka maghapon lang akong tulog. "Wala pa, hindi ko pa nakikita iyong babaeng magpapatibok sa puso ko." "Mabuti ka hindi mo pa natatagpuan, ako matagal ko na natagpuan kaso sa iba naman tumibok iyong kaniya," bitter na saad ko at napanguso ako. "Why don't you to look around? Baka may ibang may gusto sa iyo pero hindi mo napapansin dahil masyado kang pokus kay Jackson. Subukan mong makipagkilala sa iba, pero bago ka makipag-date, ipakilala mo muna sa amin para makilatis namin," payo nito sa akin at lumingon pa sa akin. "The last time na may nanligaw sa akin, tinakot ninyo, remember?" High school ako noon. May nanligaw sa akin at balak ko sana iyong sagutin kasi feeling ko nagkakagusto na ako kay Jackson at gusto kong ibaling sa iba ang nararamdaman ko pero tinakot nila. Bigla na lang akong nilayuan. "Hindi naman talaga ako ang nanakot doon, sumama lang ako. Tinambangan kasi ni Jackson tapos tinakot, sabi niya tenetesting lang niya pero mukhang naduwag kaya hindi na tinuloy panliligaw sa iyo," depensa ni Francis. "Paano naman iyong ka-klase ko noong college? Nakikipagkaibigan pa lang pinagbabantaan n'yo na." Pakiramdam ko ang hirap magka-boyfriend kapag silang tatlo ang kikilatis. "Gago raw kasi iyon sabi ni Jackson. Nakita daw niyang may babaeng pinagsabay kaya pinagbantaan ni Reymond na layuan ka kundi malalagot siya sa amin. Mukha namang totoo ang sinabi ni Jackson dahil iniwasan ka nga," paliwanag nito. Pinagkrus ko na lang ang mga braso ko at napasimangot ako. Paano ko makakalimutan si Jackson at hahanap ng ibang lalaki kung lahat naman ng ibang lalaki na lalapit sa akin ay pinapalayo nila. Ilan lang iyon sa mga pangyayari kung saan talagang tinataboy nila ang mga lumalapit sa akin. Siguro kapag nalaman nila na may nanliligaw sa akin ngayon kahit matanda na ako, makikisawsaw pa rin sila. Kesyo kinikilatis lang daw nila. Napatingin ako kay Francis nang tumigil kami sa isang amusement park. "Anong gagawin natin dito?" tanong ko sa kaniya habang nagpa-park siya ng sasakyan. "Na-miss ko lang. Bakit ba? Let's have fun today." Ngumisi na naman ito sa akin. Mabilis itong bumaba ng kotse at ganoon din ang ginawa ko. Nagbayad siya ng dalawang ticket bago kami pumasok na dalawa. "Are you ready?" tanong sa akin ni Francis. "Ako pa ba, hinamon mo?" mayabang na tanong ko sa kaniya at tumingin sa mga rides. Sanay ako sa mga extreme rides, sa aming dalawa mas matibay ang sikmura ko sa mga ganito. Nagkatinginan kaming dalawa at sabay kaming ngumisi. Isa-isa naming sinakyan ang mga extreme rides. Mula sa Air space, vikings, tower swings, roller coasters, at kung ano-ano pa. Natawa ako ngayon kay Francis na nakahawak sa tuhod niya at nasusuka matapos naming bumaba sa roller coaster. Namumutla din siya. Palaging ganito ang reaction niya kapag sumasakay doon. Para talagang hinihila ang bituka mo kapag hindi ka sanay pero siya, ilang beses na siyang nakasakay hanggang ngayon ganiyan pa rin palagi ang nagiging reaksyon niya. Nakaupo siya ngayon sa isang bench at umiinom ng tubig. Ang lakas niyang mangakit pero ganito naman siya palagi. "Doon naman tayo." Turo ko sa isang tower kung saan sasakay ka tapos mula sa taas ay biglang ida-drop. "Wait lang, iyong kaluluwa ko parang hindi pa bumabalik," hinihingal na saad nito at muling uminom ng tubig. Nakakita naman ako ng nagtitinda ng cotton candy kaya lumapit ako doon para bumili. "I want that too!" narinig kong saad ng isang bata kaya napatingin ako doon habang malapad ang ngiti ko. Nakakita ako ng isang batang lalaki na siguro ay nasa limang taong gulang, nakatingin ito sa hawak ko habang nakatayo siya sa gilid ko. Tila nagniningning ang mga mata niya habang nakatingin sa mga cotton candies na naka-display. Kaya dalawa na ang binili ko dahil balak kong ibigay sa kaniya ang isa. Hindi ko alam kung nasaan ang kasama niya. Masyadong maraming tao dito sa amusement park kaya dapat may kasama siya dahil baka mawala. Inabot ko sa kaniya ang isang cotton candy na hugis Teddy Bear nang may sumigaw. "Josh!" "Mommy!" Itinaas ng bata ang kamay niya at iwinagayway iyon para makita siya ng ina. Napalingon ako sa tumawag at natigilan ako nang makita ko ang babaeng nagmamadaling lumapit sa bata. Medyo natigilan pa ako pero agad naman akong nakabawi. "Sabi ko naman sa'yo, huwag kang bibitaw kay mommy. Paano kung nawala ka?" nag-aalalang saad ng babae habang nakapantay siya ngayon sa bata at tumingala sa akin "Celestina," gulat na saad nito ng makita ako. Ngumiti ako. Praktisadong-praktisado na akong ngumiti ng matamis sa harap ng iba na hindi makikitang hindi ako nasasaktan. "Hi, anak mo? Ang laki na pala," bati ko kay Christine at tumingin sa batang kumakain na ngayon ng cotton candy. "Tito Jackson!" biglang sigaw ng bata at tumakbo ito papalapit kay Jackson na mabilis naman itong binuhat. Napangiti ako ng mapait bago umiwas ng tingin ang kumurap bago saka ako muling tumingin kay Jackson na humakbang papalapit sa amin. Mukhang close na close sila ng anak ni Christine. "What are you doing here?" tanong nito sa akin nang makalapit na sa amin. "She is with me." Napalingon ako kay Francis na biglang sumulpot sa tabi ko gayong kanina ay nakaupo lang siya sa bench sa may kalayuan dahil nahihilo pa siya sa mga sinakyan naming rides. Tumango sa amin si Jackson. Nagtatanong ang mga mata nito. "Josh, they are Tito Francis and Tita Celestina; say hi to them," saad ni Jackson sa batang buhat-buhat nito. Parang amang-ama talaga siya kung kausapin niya ang anak ni Christine. "Hello po, thanks for the cotton candy," nakangiting saad nito kaya napangiti rin ako pabalik sa kaniya. "Are you like my mommy and Tito Jackson?" inosenteng tanong pa nito. "No." Nagkatinginan pa kami ni Jackson nang sabay kaming sumagot sa bata. "We can't tell," nakangising saad naman ni Francis at umakbay sa akin. Alam ko naman na nagbibiro lang siya kaya hinayaan ko na lang. Sanay na ako sa kaniya. Lumapit naman si Christine sa tabi ni Jackson. Para silang isang pamilya ngayon. Ang sakit nila sa matang tingnan. Napatingin ako kay Francis ng hawakan niya ang kamay ko. Maging si Jackson at Christine ay napatingin sa mga kamay namin Francis na magkahawak ngayon kaya ngumiti ako sa kanila. "Sige, mauna na kami. Hindi na namin iistorbohin ang family day ninyo.” Tama si Francis baka nga family day nila ito. Sa daming lugar kung saan pa talaga kami naroroon. Mas lalong bumigat ang isip ko sa isipang iyon.”Balak pa rin kasi naming sumakay sa roller coaster," saad ni Francis at hinila na ako palayo bago pa man makasagot sina Jackson. "Kasasakay lang natin dito, hindi ba?" wika ko kay Jackson nang pumila na naman kami para sumakay sa roller coaster. "Alam ko, pero you need to shout, so let's use this ride as an excuse," sagot nito bago ako muling hinila papasok. Wala na akong nagawa at sumunod na lang sa kaniya. Mabuti na lang kasama ko siya. Sumigaw ako ng todo habang nakasakay kami sa roller coaster habang iyong katabi ko parang naawa ako bigla sa kaniya dahil maputla na naman siya. Dinadamayan lang niya ako pero mukhang mas kawawa ang hitsura niya ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD