CHRISTINE'S POV
"Hindi ako si Celestina, babe," saad ko.
Napamulat nang tuluyan si Jackson at nagulat ito nang makita ako. Bigla itong napabangon nang makita ako.
"Fck! I am sorry, babe. Akala ko si Celestina ka dahil siya ang kasama ko kanina rito," humihingi ng tawad na saad nito.
Ngumiti ako sa kaniya.
"It's okay. I understand."
Hinawakan niya ang kamay ko.
"Thank you. I am really lucky to have you," nakapikit na saad nito habang nakasandal sa headboard ng kama. Halatang masama pa ang pakiramdam nito.
Ano ba ang ginawa ni Celestina rito kung hindi naman bumuti ang pakiramdam ng boyfriend ko. Sana hindi na lang siya pumarito kung wala naman siyang naitulong.
Napatingin ako sa cool aid na nasa noo ni Jackson. Iyon lang ba ang ginawa ni Celestina?
Sana kanina pa tinawagan na niya ako. Siguro nag-presenta siyang mag-alaga sa boyfriend ko. Hindi ko talaga gusto ang babaeng iyon kasi pakiramdam ko minsan ayaw rin niya sa akin.
Sure naman ako na hindi talaga siya tatawagin ni Jackson habang nanaginip siya. Bakit naman inakala lang talaga niya na si Celestina ang lumapit sa kaniya. Ganoon na nga. Jackson loves me, iyon ang paniwalaan ko.
Walang gusto sa kaniya ang boyfriend ko. Dahil kung meron, sana matagal nang naging sila pero ako ang pinili ni Jackson. Kahit alam niyang hindi madali ang magiging sitwasyon namin dahil kasal pa ako, he still chose me. Isa lang ang dahilan, dahil mahal niya ako.
Napatingin ako sa gwapong mukha ng nobyo ko. Hindi ako papayag na maagaw siya sa akin ng kahit na sino.
Siya ang tutupad sa mga pangarap ko kaya akin lang siya.
Muling nagmulat si Jackson at tumingin sa akin kaya mabilis akong ngumiti sa kaniya.
“Magpahinga ka na lang muna. Aalagaan kita,” masuyong saad ko sa kaniya at inalalayan siyang tumayong muli.
Nagtungo ako sa walk-in closet niya para lumuha ng pamalit niya ng damit. Kumuha din ako ng basang towel para ipunas sa kaniya.
“Jackson,” tawag ko sa pangalan niya.
Muli itong nagmulat.
“Magpalit ka muna. Baka matuyuan la ng pawis,” saad ko sa kaniya dahil pinagpapawisan na rin siya.
Siguro uminom na siya ng gamot at umeepekto na iyon sa kaniya.
Nagulat ako nang bigla itong bumangon. Ipinilig pa nito ang ulo. Kinuha niya ang hawak kong damit.
“Saan ka pupunta?” tanong ko sa kaniya nang akmang baba pa siya ng kama.
“Magpapalit,” sagot nito.
“Dito na lang tutulungan na lang kita,” nakangiting wika ko sa kaniya.
“I just need to pee too,” sagot nito at pinilit na tumayo.
Mabilis na lumapit ako sa kaniya para sana alalayan siya.
“Don't be too close,” saway nito sa akin at umiwas bago ko pa mahawakan ang braso niya. “Baka mahawa kita,” pagdadahilan nito kaya napatigil ako.
Tuluyan na siyang pumasok sa cr kahit mukhang nanghihina pa siya.
Napatingin na lang ako sa pinto nang sumara iyon.
Napangiti ako. May sakit na siya pero concern pa rin siya sa akin.
Pero habang nakangiti ako ay nakakuyom ang mga kamao ko. I know the truth. Pinapaniwala ko lang ang sarili ko para hindi ako masaktan.
CELESTINA'S POV
Nagtatakang nakatingin ako ngayon kay Christine. Hindi ko alam kung ano ang kailangan niya at gusto niya akong makausap ngayon.
Two days na mula nang magkasakit si Jackson at mukhang maayos na siya dahil nakita ko na siyang pumasok kanina. Sure naman ako na inalagaan siya nitong girlfriend niya. Mabuti na lang at tinawagan ko siya.
“Anong dapat nating pag-usapan?” tanong ko kay Christine habang nakatingin sa mga gusali. Nasa rooftop kaming dalawa ngayon.
“Pwede bang makiusap sa iyo? Alam kong close kayo ng boyfriend ko. Sabay kayong lumaking dalawa at marami na kayong pinagdaanan na magkasama. Pero andito na kasi ako. Pwede bang layuan mo na siya?” pakikiusap nito sa akin habang kulang na lang ay magmakaawa ang kaniyang tingin.
Napatitig ako kay Christine. Hindi ko alam kung bakit hinihiling niya ang bagay na iyon gayong wala naman akong ginawa para agawin ang atensyon ni Jackson mula sa kaniya.
Umiiwas na nga ako. Bakit parang hindi pa rin sapat?
“May nagawa ba ako?”
Umiling ito habang malungkot na nakangiti sa akin.
“Nandiyan ka kasi palagi. Iyong isang tawag lang niya sumusulpot kana, kaya nasanay siya na ikaw tinatawagan. Pwede bang sa susunod, kapag tumawag siya sa iyo. Sabihin mo sa akin. Ako na lang ang pupunta. Babae ka rin, siguro alam mo ang pakiramdam na may ibang nag-aalaga sa lalaking gusto mo. Huwag mo sanang masamain ang sinasabi ko. Gusto ko lang maging mabuting girlfriend sa kaniya pero paano ko magagawa iyon kung laging andiyan ang bestfriend niya?”
Napatitig ako sa kaniya. Kumibot ang bibig ko pero hindi ko alam ang sasabihin ko.
Dumistansya na ako. Nagkataon lang na may sakit si Jackson noong tawagan niya ako. Tinawagan ko rin naman siya para puntahan ang boyfriend niya pero mukhang minasama pa rin niya ang ginawa ko.
“Alam kong magkaibigan na kayo bago pa ako dumating sa buhay ni Jackson, pero ako kasi iyong makakasama niya hanggang pagtanda kaya ngayon pa lang gusto kong masanay siya na sa akin sumasandal. For sure, magkakapamilya ka rin sa future at hindi na rin maging available para sa kaniya. Kaya sana ngayon pa lang, sana subukan mong dumistansya,” nakangiting saad nito sa akin pero ramdam ko ang mga talim sa bawat salitang binitawan niya.
“Okay pero gusto ko lang sabihin sa iyo na kahit kailang hindi ko binalak na sumingit sa relasyon ninyong dalawa. I know how to respect relationship,” may diing sagot ko.
Kasi kung wala akong respeto, baka ipinilit ko pa rin ang nararamdaman ko. Kaso marunong akong rumespeto at tumanggap ng pagkatalo ko.
“Mabuti naman kung ganoon.”
Palagi siyang nakangiti habang nag-uusap kami. Parang ang bait-bait niya at ako ang masama sa aming dalawa. Hindi ko maiwasang bumigat ang dibdib ko.
Iyong kahit wala na akong ginagawa, may nakikita pa ring mali.
“Iyon lang ba ang sasabihin mo?”
Tumango ito habang hindi nawawala ang ngiti sa mga labi niya.
“Oo, huwag ka sanang magalit sa akin.” Napayuko ito. “Nasaktan lang ako na ikaw ang una niyang tinawagan hindi ako noong may sakit siya.”
Huminga ako ng malalim. Sabi ni Jackson ayaw niyang mag-alala si Christine kaya hindi niya ito tinawagan pero mukhang iba ang naging dating noon sa babae.
“Huwag kang mag-alala. Kapag nagkasakit siya next time at tinawagan niya ako, ikaw agad ang tatawagan ko para ikaw ang pumunta,” sagot ko sa kaniya. Gusto kong maging sarcastic pero pinigilan ko ang sarili ko.
“Hindi na kailangan. Alam ko namang next time ako na talaga ang tatawagan niya, kasi iiwasan mo na siya, hindi ba?”
Tumigas ang pagkakalapat ng mga ngipin ko dahil sa sinabi niya pero nanatili akong nakatingin sa kaniya at sinisigurado kong hindi nagbabago ang ekspresyon ng mukha ko.
“Oo naman. Para sa peace of mind mo. Ayaw ko rin naman kasing pagselosan kahit wala naman akong ginagawang masama.”
Mas lumapad ang ngiti niya. Iyong ngiti niya na nagsisimula ko nang kaasaran dahil parang sinasadya niya. She is trying to be sound and look nice by smiling, but her choice of words are bit offending.
“Sige, aasahan ko iyan. Sure naman akong makakahanap ka rin ng sa'yo kaya hindi mo na kailangan dumikit pa sa boyfriend ko. Si Francis, bagay kayo,” suhestiyon pa nito.
“Enough. Pumayag na ako sa gusto mo, kaya tapusin na natin ang usapan na ito. May trabaho pa ako. Excuse me,” saad ko at nilampasan siya para bumalik na sa trabaho ko.
I respect their relationship. Kaya gaya ng hiling niya iiwas ako. Wala naman akong ginagawang masama, kahit kailan hindi ako gumawa ng bagay na pagseselosan niya. Pero mukhang hindi pa rin iyon sapat para kay Christine.
Nagpapasalamat na lang ako na hindi alam ni Christine ang nararamdaman ko para kay Jackson. Kasi baka isipin niya inaagaw ko pa sa kaniya ang boyfriend niya, isang bagay na hindi ko naman gagawin.
Nahihirapan lang ako.
My mind always says I want to move on, but my heart wants the otherwise.
Ang hirap, ang dali lang kasing sabihin na mag-move on na. Pero ang hirap naman palang gawin. Before ang tingin ko, ang tanga-tanga ng mga taong hindi makapag-move on.
Bakit sila na-stuck sa isang bagay na alam naman nilang wala ng chance pero ngayon habang nararanasan ko iyon. Hindi pala talaga madali.