Chapter 10

1446 Words
CELESTINA'S POV "Wow, you look good tonight," saad ni Francis habang nakatingin sa akin. Napatayo siya mula sa sala pagkakaupo niya sa sofa nang lumabas na ako ng kwarto ko at pinasadahan ako ng tingin. Umikot pa ako sa harapan niya upang ipakita ang ayos ko. Sabay kaming dalawa na pupunta sa birthday party ngayon ni Lola Martha. Dati kasi ay si Jackson ang sumusundo sa akin, pero ngayon ay si Francis na ang tinawagan ko dahil sigurado naman ako na may ibang kasama si Jackson sa pagpunta sa party. Isa pa, nakiusap na sa akin si Christine na iwasan ko ang boyfriend niya kaya iyon ang ginagawa ko. Hindi na rin naman tumawag sa akin si Jackson para sabihin na sabay kami at inaasahan ko na iyon. Kaya nga si Francis agad ang tinawagan ko, si Rey naman. Sabi niya, kasama niya ang girlfriend niya. Nakasuot ako ngayon ng isang long satin gown na labas ang buong likod ko. Mababa ang scoop noon sa likod ko pero close naman iyon sa harap ko. "You look not bad either," nakangiting saad ko sa kaniya. Ngumiti siya sa akin. "Where's Tita?" tanong nito. "Na kina Lola. Tita Mia also invited her, but you know her," saad ko na lang sa kaniya. Tumango sa akin si Francis at sabay na kaming lumabas na dalawa. The party will start at seven, may thirty minutes pa kami. Napatingin sa akin si Francis habang nagmamaneho ito. "I hope he will not regret seeing you tonight," saad nito kaya napalingon ako sa kaniya. "Regret? Bakit naman siya magsisisi?" Nagkibit balikat ito at ngumiti sa akin. "Wala lang. He is our friend; we should support him, but I really don't like his girl. He chose to take a risk with a married woman than with his own best friend; that's stupid," wika nito. "He loves her." That's what I realized. Wala talaga siyang nararamdaman sa akin, kasi nagawa nga niyang mag-take a risk sa isang babaeng may anak at kasal pa. Kasi kung sakaling may feelings siya sa akin, hindi ba ako worth to risk? Kaya nga nanahimik na rin lang ako at pilit itinago ang nararamdaman ko. Kaya nga kahit ang sakit tinanggap ko na lang. Siguro kapag nagsawa na ang puso kong masaktan, kusa ko na rin siyang makakalimutan. Kusa na akong bibitaw sa nararamdaman ko. "Let's not talk about it. Magsaya na lang tayo ngayong gabi, lalo na at birthday ni Lola Martha," saad ko na lang kay Francis. Ayaw ko nang pag-usapan pa ang tungkol kay Jackson. Ayaw kong masira ang mood ko. "Yeah, Miss Great Pretender," pang-aasar pa nito kaya natatawang inirapan ko siya. Wala naman akong choice kundi magpanggap. Mabuti na lang at magaling akong magsinungaling kaya walang nakakapansin. Isa pa nandiyan siya para saluhin ako palagi kaya madali lang sa aking magpanggap na okay lang ako. Ngumiti ako ng matamis. Ito ang ngiting makikita ng lahat mamaya. CHRISTINE'S POV Excited at malaki ang ngiti ko nang pumasok kami sa malaking bulwagan. Napakaganda ng ayos ng lugar, halatang malaking party ang nagaganap. Marami nang mga bisita nang dumating kami. Gusto ko sanang humawak sa braso ni Jackson para malaman ng lahat na ako ang girlfriend niya at boyfriend ko siya pero hindi maari dahil wala namang nakakaalam na may relasyon kami kaya nakuntento na lang ako habang nakasunod sa kaniya pero sinisigurado kong kunti lang ang pagitan naming dalawa. Gusto kong maasar. Dapat ipinapakilala na niya ako sa lahat, marami sanang maiinggit sa akin. Napansin ko pa naman na maraming babae ang napapasunod ng tingin sa kaniya. Tinitingnan ko naman sila. Wala na silang magagawa kundi ang maglaway na lang dahil pagmamay-ari ko na ang lalaking dumaraan sa harapan nila. Akin na Jackson. Sinigurado ko rin na maganda ang suot ko ngayon para agaw pansin talaga ako. Kailangan kong magpa-impress sa Lola ni Jackson. I am wearing a grey and glittery long-sleeve gown with long slit. na nakikikita ang maganda at mahaba kong hita kapag humahakbang ako. I already used to attend this kind of party, dahil hindi naman ito ang unang beses na naka-attend ako ng bonggang party ngayong gabi, gusto kong makuha ang atensyon ng celebrant. Inilibot ko ang mata ko sa paligid. Maraming kilalang tao ang nandito. Mula sa sikat na artista, politiko at mga negosyante. Hindi lang talaga ito isang simpleng birthday party. Napangiti ako nang hindi ko makita si Celestina. Sigurado akong hindi siya makakarating ngayong gabi dahil wala naman siyang invitation. Mahigpit sa entrance kanina, lahat ng bisita ay hinihingan ng imbitasyon, maliban na lang kay Jackson na apo ng magbi-birthday. Hindi naman siya apo, kaya wala siyang magagawa. Hindi siya makakapasok. Kaibigan lang siya ng boyfriend ko. Alam kong mahaba na ang pinagsamahan nila, pero ngayong ako na ang girlfriend ni Jackson, dapat alam na niya kung saan siya lulugar. She's just the bestfriend, I am the girlfriend. Ako dapat ang nandito kasama ni Jackson, gaya nang nangyayari ngayon. Ayaw pa nga niya akong isama, pero pinilit ko siya. Sinabi ko na lang na ipakilala niya akong secretary niya. Hindi naman namin kailangang aminin sa lahat na kami na kahit magkasama kaming dalawa. Alam kong nagtataka ang pamilya niya ngayon kung bakit kasama ako, pero ang kailangan ko lang ay kunin ang loob nila para sa susunod, welcome na ako sa Pamilya Herrera. Mas lalong lumaki ang ngiti ko nang lumapit kami sa Lola ni Jackson. "Happy birthday, La," bati ni Jackson sa Lola niya at humalik sa pisngi nito. Ngumiti ito kay Jackson. "Happy birthday po," bati ko at makikipagbeso pero bahagya itong umiwas at nagtatakang tumingin sa akin. Nawala ang ngiti ko pero nang mapansin kong nakatingin sa akin ang ina ni Jackson na nasa tabi ni Miss Martha ay muli akong ngumiti ng matamis. "Where is my Celestina?" biglang tanong ng matanda. "Why you brought your secretary? This is my birthday, not a business meeting." Lihim kong naikuyom ang kamao ko na nakahawak sa purse bag na dala ko at parang gusto kong tarayan ang matanda sa sinabi nito pero pinigilan ang sarili ko at nanatiling nakangiti. Sure naman ako na hindi makakarating si Celestina kaya wala na siyang magagawa. "Mom, let her be. She's already here, Alam ko this is your party pero marami lang bisita na siguradong gustong mag-invest sa company. Kilala mo naman ang apo ninyo, nagmana kay Dad sa pagiging business-minded," saad naman ng ina ni Jackson. Napangiti ako dahil sa sinabi niya. Mukhang magkakasundo kami ng mommy ni Jackson. Excited na akong tawagin rin siyang Mom. "I heard my name," napatingin ako sa isang matandang lalaki na umakbay kay Miss Martha. That's Mr. Jax Herrera, the Chairman of Herrera Prime Holdings, Inc. Ang lolo ni Jackson. Tumingin ito sa amin ni Jackson kaya ngumiti ako sa kaniya ng matamis. Ilang beses akong nag-praktis ng ngiti ko sa harap nila. Bahagya akong yumuko sa kaniya para magbigay galang. "Where is Celestina?" tanong ng matandang lalaki. I secretly gritted my teeth habang nakayuko pa ako at ngumiti nang muli akong magtaas ng tingin. Ano ba ang meron sa lintik na Celestina na iyon? Bakit siya ang hinahanap ngayong ako na ang nandirito? Biglang nagliwanag ang mga mukha nila habang nakatingin sa bagong pasok kaya maging ako ay napalingon kung sino iyon at tuluyan nang nawala ang ngiti ko nang makita kong pumapasok si Celestina at bumabati sa ibang bisita habang nakakapit ito sa braso ni Francis, ang isa sa mga kaibigan ni Jackson. Ang kapal din talaga ng mukha niya. Hindi ko na nga binigay sa kaniya ang invitation, nagawa pa rin niyang dumalo. Sigurado akong sinadya niyang sumama kay Francis para makadalo siya. Hindi talaga siya titigil sa pagiging bida-bida niya. Ngumiti siya sa akin ng matamis nang makita niya ako pero nilampasan niya ako at bumati siya sa matandang may kaarawan na para bang natutuwang makita siya. Napatingin ako kay Jackson. "Mukhang nakalimutan nila na ikaw ang apo nila," wika ko na kunwari ay nagbibiro. "I am already used to it. Lola loves Celestina," balewalang saad nito na para bang sanay na sanay na talaga sa nakikita niya. Nakita ko pa ang simpleng pagngiti niya na mas lalong ikinangitngit ng kalooban ko. Napatingin naman ako kay Francis na mapang-asar na ngumisi sa akin. Sinubukan kong humawak sa braso ni Jackson pero umiwas siya. "You are my secretary," paalala nito. Parang gusto kong magwala sa galit pero pinipigilan ko ang sarili ko. Kailangan kong manatili ang magandang image ko sa harap ng pamilya niya kaya kailangan kong maging kalmado. Itinago ko na lang ang inis ko. Dumating lang ang babaeng iyon, nabaling na sa kaniya ang atensyon ng pamilya ni Jackson. Bwesit siya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD