Chapter 8

2052 Words
Celestina Mabilis akong bumaba nang sasakyan ko habang may bitbit na akong isang supot na may lamang gamot. Dumaan na ako sa pharmacy para bumili ng mga gamot niya bago pa ako dumiretso sa condo kung nasaan si Jackson. Pagdating ko sa unit niya ay hindi na ako kumatok. Alam ko naman ang password niya kaya nakakapasok ako anytime sa condo niya kahit ba walang magbukas sa akin. Madilim sa buong ang sumalubong sa akin kaya kinapa ako ang switch sa may gilid. Ibinaba ko ang dala ko sa mababang parihabang mesa na nasa sala bago ako dumiretso sa kwarto ni Jackson. Madilim din ang buong kwarto dahil nakasarado pa ang makapal na kurtina kaya muli kong kinapa ang switch para buksan ang ilaw. Bumungad sa akin ang magulong kwarto. May mga damit na nasa sahig at napatingin ako sa kama nang may umubo. Nandoon si Jackson na nakatalukbong ng kumot. Humakbang ako papalapit sa kaniya at marahan siyang tinapik sa may balikat. “Jackson, Jackson, Jackson,” tawag ko sa pangalan niya habang tinatapik siya sa balikat. “Hmmm?” gumalaw lang ito pero nanatili itong nakatakip ng kumot kaya hinila ko na ang kumot mula sa may uluhan niya. Nakapikit siya at mukhang lamig na lamig habang mahigpit na nakahawak sa kumot. Dinampian ko ang noo niya at parang mapapaso ako sa sobrang init niya. “You're fvcking hot!” naibulalas ko. Nagmulat ito ng mata. “Sa wakas...inamin mo ring hot ako,” nakangiting saad nito pero halata ang panghihina nito. “Walang duda nagde-deliryo ka na nga. Kung ano-ano na pumapasok sa utak mo. Ang ibig kong sabihin may lagnat ka.” Nilalagnat na siya nagagawa pa niyang bumanat ng kung ano-ano. “Kumain ka na ba?” Tipid itong umiling habang nakapikit kaya napatayo ako ng tuwid. “Where are you going?” paos na tanong nito sa akin nang humakbang ako patalikod sa kaniya. Lumingon ako sa kaniya. Nakamulat na ito ngayon. Para bang natatakot itong umalis ako kung makatingin sa akin. “Magluluto. Kailangan mo munang kumain bago ka uminom ng gamot,” sagot ko sa kaniya bago ako tuluyang lumabas ng kwarto niya. Nagtungo ako sa kusina at nanghalungkat nang kung ano ang pwede kung lutuin. May nakita akong isang buong manok. Gagawa na lang ako ng chicken soup para sa kaniya. Kumuha na rin ako ng carrots, celery at onion na siyang ilalahok ko. Pinakuluan ko muna ang kalahating manok. Kailangan din niya ng may sabaw para mainitan siya. Napatitig ako sa kalder habang hinihintay kong kumulo ang manok. Hindi ko alam kung bakit ako ang tinawagan niya, dati ako talaga ang tinatawagan niya kapag may sakit siya pero ngayong may girlfriend na siya. Dapat ito na ang tinatawagan niya. Napatingin ako sa kaldero nang magsimula nang gumalaw ang takip noon at may lumalabas na usok sa gilid senyales na kumukulo na ang pinapakuluan ko. Mabilis lang naman akong natapos. Naglagay ako sa isang bowl at kumuha ako ng isang tray para doon ko ilagay ang bowl at hindi ako mainitan sa pagdadala. Kinuha ko na rin ang dala kong gamot na iniwan ko kanina sa sala bago ako muling nagtungo sa kwarto ni Jackson. Ibinaba ko sa my side table niya ang tray bago ko siya tinulungang bumangon. Sumandal ito sa headboard ng kama at halatang-halata ang latang-latang katawan nito. “Kumain ka muna nang magkalaman ang tiyan mo,” saad ko at kukunin ko sana ang maliit na table para ipatong sa ibabaw niya at mailagay ko ang bowl nang makakain siya pero hinawan niya ang kamay ko. “Just feed me,” mahinang saad nito. Napatingin ako sa kaniya. Huminga ako ng malalim bago naupo sa tabi ng kama niya at kinuha ko ang chicken soup para pakainin siya. May sakit siya kaya hahayaan ko munang mag-inarte. Hinihipan ko pa para hindi siya mainitan masyado. “Bakit ba kasi bigla kang nilagnat?” tanong ko sa kaniya. Ano bang ginawa niya at nagkasakit siya. Hindi ito umiimik. Nakatingin lang ito sa akin na para bang walang balak na sumagot sa tanong ko kaya pinagtaasan ko siya ng kilay. “I don't know,” nanghihinang sagot nito. “Matanda kana, dapat kapag masama ang pakiramdam mo, umiinom ka na agad ng gamot. Paano kung busy ako? Kung hindi ako available? Kung may date ako? Hindi ako makakapunta rito, hahayaan mo na lang sarili mo?” paninermon ko sa sa kaniya. Matanda na kasi siya kaya dapat kaya na niyang alagaan ang sarili niya. Biglang tumalim ang tingin niya sa akin. “Stop talking nonsense. Subuan mo na lang ako,” masungit na saad nito kaya inirapan ko siya bago ko siya muling sinubuan. Pinapaalalahanan ko lang naman siya. Hindi naman pwedeng ako palagi ang tatawagan niya kapag nagkakasakit niya. Alam kong nakasanayan na niya iyon pero dapat na niya iyong baguhin ngayon. Matapos ko siyang pakainin ay kumuha na ako ng gamot. Inabot ko iyon sa kaniya pero hindi ito kumilos. Nakatingin lang ito sa akin at ilang beses na napalunok. “Inumin mo na, kailangan mong gumaling,” wika ko habang hawak ang isang basong tubig. “Celestina...” nagpapaawang sambit nito sa pangalan ko. Nanggigigil na kinuha ko ang gamot at hinawakan ko siya sa panga. “Ibuka mo,” utos ko sa kaniya na pinabubuka ang bibig niya. Pero mas tinikom pa nito ang bibig. “Isa,” nagbabantang pabibilang ko. Mabilis na ibinuka nito ang bibig at pinitik ko naman ang gamot sa lalamunan niya dahilan para maubo ito at malunok ito. Mabilis na inagaw niya ang tubig sa akin. “Are you going to kill me?” tanong nito nang matapos uminom. “Ang tanda-tanda mo na ang hirap mo pang painumin ng gamot,” sagot ko sa kaniya. “Mapait.” Nalukot ang mukha nito. Ayaw niya sa mapait kaya pahirapan talaga siyang painumin minsan. Kaya madalas dinadaan ko siya sa pwersa. Kumuha rin ako ng cool fever. Itinapal ko iyon sa noo niya para mas mabilis siyang babaan ng lagnat. “Thanks,” saad nito sa akin bago muling nahiga nang maayos itinakip ang kumot hanggang leeg niya. Tumayo na ako mula sa pagkakaupo ko sa gilid ng kama niya. Napatitig ako sa kaniya. Halatang nanghihina pa rin siya. Kaya hindi ko alam kung iiwan ko na ba siya sa lagay niya. Tumingin ito sa akin at sinalubong ang mga mata ko. Medyo inaantok na ito. “Stop staring,” anito at muling pumikit kita ko ang pamumula ng tenga niya. Siguro dahil sa nilalagnat siya. “Hindi ba dapat si Christine na ang tinatawagan mo ngayon? She is your girlfriend,” wika ko habang nakatingin pa rin sa kaniya. Bigla itong nagmulat muli. “Naabala ba kita? Pasensya na,” hindi maitago ang pagtatampo sa boses niya. “Hindi naman pero ngayong may girlfriend ka na. Dapat masanay ka nang tawagan siya bago ako,” paliwanag ko. Ayaw ko namang mag-isip ng kung ano-ano ang girlfriend niya kapag nalaman nito na ako ang tinawagan niya at hindi ito ngayong may sakit siya. “Ayaw kong mag-alala siya sa akin,” sagot nito at naubo. Mariin kong pinaglapat ang mga ngipin ko dahil sa naging sagot niya. Kinuha ko ang tray na may na dala ko kanina at humakbang palabas ng kwarto niya ng walang imik. Mahigpit ang hawak ko sa magkabilang gilid ng tray. Parang gusto ko ngang itapon sa pagmumukha ni Jackson ang hawak ko dahil sa sobrang inis ko. Kulang na lang ay magdadabog ako papuntang kusina. Hindi ko mapigilang masaktan sa naging sagot niya. Tatlong buwan na mula nang aminin niya sa amin ang relasyon nila ni Christine. Ganoon katagal na akong nagpapanggap na masaya para sa kanila. Napatingin ako sa mga hugasan. Huminga ako ng malalim at pinahid muna ang luhang nagbabadyang bumagsak sa aking mga mata bago humarap sa lababo. Dati ko namang ginagawa ang bagay na ito kay Jackson ng walang reklamo. Sanay akong alagaan siya kapag may sakit siya pero ngayong may girlfriend na siya, sa tingin ko hindi na dapat ako ang gumagawa ng ganitong bagay. Matapos kong maghugas ay kinuha ko ang cellphone ko sa bag ko. Tatawagan ko si Christine. Pumasok ako sa kwarto ni Jackson. Tulog na ito, kinuha ko ang phone niya. Alam ko naman ang password noon kaya agad kong hinanap ang number ni Christine. Madali ko naman iyong nakita. Christine lang talaga ang nakalagay, wala man lang siyang inilagay na endearment sa girlfriend niya nang i-save niya ang contact nito. Kinopya ko ang numero bago ko i-dinial. Ilang beses na nag-ring ang telepono pero walang sumasagot. Pinatay ko ang tawag bago muling dinial ang number niya. “Hello? Who is this?” napakunot ang noo ko nang lalaki ang sumagot ng tawag. Wala naman talaga kaming number ni Christine sa isa't isa. Kaya sigurado akong numero lang ang lumalabas sa kaniya ngayon kaya nagtatanong ito kung sino ako. Pero bakit lalaki? “I am looking for Christine Solis, pwede ko ba siyang makausap?” tanong ko sumagot sa tawag. “Sino nga ito?” muling tanong nito na parang naaasar. “Celestina, her boyfriend's bestfriend.” Biglang natahimik sa kabilang linya nang magpakilala ako. Napatingin naman ako kay Jackson na natutulog. “Hello?” muling saad ko nang walang magsalita sa kabilang linya. “Hello, Cel. Why did you call?” Boses na iyon ni Christine. “Pasensya kana sa kapatid ko. Akala kasi prank call,” hingi nito ng paumanhin. “Are you free today? Hindi ka ba busy?” “Hindi naman, bakit?” Muli akong humugot ng malalim na hininga bago nagsalita. “Jackson is sick. Pwede ka bang pumunta muna dito sa condo niya?” tanong ko sa kaniya. “What? Okay, okay. Pupunta na ako,” biglang natarantang saad nito. Bigla na lang namatay ang tawag kaya ibinaba ko na ang phone ko mula sa tenga ko. Napatingin ako kay Jackson nang mapansin ko na pinagpapawisan siya kaya kumuha ako ng towel sa para punasan siya. Lumapit ako sa kaniya at pinunasan ang noo niya. Bigla niyang hinawakan ang kamay ko at idinampi iyon sa pisngi niya habang nanatili siyang nakapikit. Napalunok ako habang nakatingin sa gwapong mukha niya. Ito iyong mukhang ilang beses kong tinilian ng palihim noon. Iyong mukhang dahilan kung bakit kinikilig ako sa kwarto habang nakatingin sa phone ko dahil mukha niya ang nakikita ko. Pero ngayon, hindi na pwede. Hindi na ako pwedeng kiligin sa kaniya kahit palihim lang kasi pagmamay-ari na siya ng iba. Dahan-dahan kong hinila ang kamay ko palayo sa kaniya. Ingat na ingat ako para hindi siya magising. Mabilis akong tumayo at lumayo sa kaniya. Nanatili ako sa sala habang naghihintay kay Christine. Tama lang naman na tinawagan ko siya. Alam kong ayaw ni Jackson na mag-alala sa kaniya ang nobya pero she has the right to know. Ayaw ko naman magmukhang pumapapel sa relasyon nila kaya mas mabuting siya ang nandito kahit na gusto ko ring manatili sa tabi ni Jackson. Napatingin ako sa pinto nang may mag-doorbell. Mabilis akong tumayo at binuksan iyon. Si Christine na ang napagbuksan ko. “Where is he?” nag-aalalang tanong nito. “Nasa kwarto niya.” “Okay lang ba siya?” tanong nito nang makapasok na. “Pinakain at pinainom ko na siya ng gamot kaya medyo okay na ang lagay niya,” sagot ko. “Okay, thanks. Pwede ka nang umalis,” sagot nito sa akin at nagmamadaling pumunta sa kwarto ni Jackson. Napailing na lang ako at kinuha ang bag ko bago tuluyang umalis. Andiyan naman na si Christine kaya sigurado akong alagaan niyang mabuti si Jackson. Binibigay ko na sa kaniya ang mga bagay na dati ay ako ang gumagawa. CHRISTINE'S POV Nagmamadaling pumasok ako sa kwarto ni Jackson, naabutan ko siyang balot na balot ng kumot. “Babe,” sambit ko at mabilis na lumapit sa kaniya. Napatingin ako sa mga gamot na nasa ibabaw ng bedside table niya. Hinawakan ko ang kamay niya nang ilabas niya iyon na parang may kinakapa. Mainit ang kamay niya. “Babe,” muling saad ko at ngumiti sa kaniya nang bahagya siyang nagmulat ng mga mata. “Celestina.” Biglang naglaho ang mga ngiti ko at tumalim ang tingin ko sa kaniya. That woman again.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD