Chapter 4

1846 Words
CELESTINA'S POV "ARE YOU AVOIDING ME?" napatingin ako kay Jackson. Natigilan ako sa tanong niya, pero hindi ko ipinahalata. Iniiwasan ko talaga soya pero hindi ko iyon aaminin sa kaniya. Dahil wala naman kaming problemang dalawa, ako lang ang problema. Nasasaktan ako kapag nakikita kong magkasama sila kaya umiiwas ako pero mukhang nahahalata niya iyon. Nakaupo ako ngayon sa unahan ng kotse niya habang siya naman ay tayo at nakasandal lang. Nagulat na lang ako ng dumating siya sa bahay at niyaya akong lumabas. Sumama na lang ako sa kaniya dahil wala naman akong ibang choice. Isa pa, wala si mamang alam tungkol sa nararamdaman ko kay Jackson at iniiwasan ko ito. Gabi na, at nandito kami sa mataas na burol kung saan palagi kaming pumupunta dati. Kitang-kita kasi sa lugar na ito ang buong syudad. Maliwanag sa ibaba at kitang-kita ang iba't ibang ilaw na nanggagaling sa mga gusali. Tanging ang ilaw sa unahan ng kotse ang ilaw naming dalawa. Na-short at malaking t-shirt lang ako, hindi na ako nakapagpalit dahil nang makita niya ako ay hinila na niya ako paalis. Hindi man lang ako nakapagpalit. Naka-tsinelas nga lang ako. "Hindi," sagot ko at kumuha sa cup ng may lamang fishball at may sawsawan itong tamis-anghang. Nabili namin ito kanina sa daan. May nakita kasi akong nagbebenta kanina kaya pinahinto ko siya saglit para bumili. "Kasi kung iniiwasan kita, hindi sana tayo magkasama ngayon." Nanatili ang atensyon ko sa kinakain ko. "I just felt like you are avoiding me, or maybe I am just being paranoid," mahinang saad nito. "Yeah, paranoid ka lang. Bakit naman kita iiwasan?" pagmamaang-maangan ko. Two weeks ago, na ang nangyari mula noong mahuli ko sila ni Christine sa opisina niya. Mula noon ay sinubukan ko na talagang umiwas sa kaniya ng husto. Hindi gaya noong mga nakaraang araw na nginingitian ko pa siya kapag nagkakasalubong kami sa kompanya pero ngayon ay parang hangin na lang siya sa akin. "Hindi ko alam. I saw you this morning. Lalapitan sana kita pero umiwas ka at may kinausap. Hindi ka na rin pumupunta sa opisina na ko, dati ikaw naman ang nagdadala ng mga papipirmahan mo pero ngayon inuutos mo na lang. Galit ka pa ba sa akin?" kunot ang noo nito habang nakatingin sa akin. Sa opisina talaga ay madalas siyang makitang seryoso pero may childish side siya na lumalabas kapag kaming magkakaibgan lang ang magkakasama. Ngumiti ako sa kaniya. Mabuti na lang at medyo madilim kaya hindi niya nakikita masyado ang mga mata ko na maari akong tryadorin ano mang oras kapag nakita niya ang totoong emosyon ko. "Hindi. May point ka naman. Hindi dapat ako nakikialam sa personal na buhay mo. Kaibigan mo lang ako," pinilit kong hindi mag-tunog bitter habang sinasabi iyon. "Saka may tinatanong kasi ako sa kaniya kaya nilapitan ko siya kaninang umaga. Hindi ko naman alam na lalapitan mo pala ako," todo pagdadahilan ko kahit na ang tinanong ko lang naman ay kung anong perfume ang gamit noong staff na tinanong ko. Nakita ko talaga siyang papalapit sa akin kaya umiwas ako. "Hindi lang kita kaibigan. You are one of my best friends." Mapait na napangiti ako sa sinabi niya at mabilis na kumain ng fishball. Mariing nginuya ko iyon. Doon ko ibinaling ang asar na nararamdaman ko. Alam ko naman na bestfriend lang ako, hindi na niya pwedeng ipamukha sa akin ng paulit-ulit. "And you were right. Hindi ko dapat iyon ginagawa, kaya mula ng araw na iyon. Makaaasa ka sa aking susubukan kong paghiwalayan ang trabaho at personal na buhay ko," parang nangangakong saad nito. Napatingin ako sa kaniya. Nakatingin siya sa malawak na kabayanan. Mula sa pwesto ko ay kita ko ang matangos na ilong niya. Hindi ako umimik kaya napalingon siya sa akin. “Kaya please bati na tayo?” parang batang saad nito. “Hindi ako sanay na hindi mo ako pinapansin at galit ka sa akin.” “Hindi naman ako galit sa’yo.” “Sorry na.” “Hindi nga ako galit.” “Pero sorry pa rin.” “Ano bang hinihingi mo ng tawad?” “Basta sorry.” Itinirik ko ang mga mata ko sa sinasabi niya. Puro siya sorry. Na-realize ko na baka nga kasalanan ko iyon. Baka hindi talaga ako nag-aalala noong araw na iyon kaya ganoon ang reaksyon ko kundi nagseselos ako. Kaya nga nangako ako sa sarili ko na hindi na ako makikialam sa personal na buhay niya. "Iyon lang ba ang dahilan kaya bigla mo na lang akong hinila rito? Maliit na bagay lang naman iyon, dapat tinext mo na lang." Sana hindi na lang siya nagpakita sa akin para hindi doble iyong sakit. Ang hirap kasing magpigil ng emosyon kapag kaharap ko siya. Tapos sorry lang naman pala ang sasabihin niya. "Dati naman natin itong ginagawa." Tumango ako sa kaniya. "Dati, wala ka pang girlfriend. Pero ngayon, ayaw kong maging dahilan ng away ninyong dalawa." May girlfriend na siya kaya bilang kaibigan niya alam ko ang lugar ko. Kahit mahal ko pa siya, hindi pwede ang dati dahil may tao nang maaring magalit at magselos sa akin kahit wala naman akong ginagawa. I ma just putting myself on Christine's shoes. "Hindi siya magseselos sa iyo. She knew that you are my bestfriend. I met you first before anyone else." Napayuko ako sa sinabi niya. Iyon na nga. Ako iyong una niyang nakilala pero kahit kailan hindi man lang niya ako tiningnan sa paraang inaasam ko. "Kaya kung iniisip mo na magseselos siya kaya iniiwasan mo ako. Don't do that. I choose her because I don't want to lose my bestfriend." Marahas akong napatingin sa kaniya. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko at ilang beses akong napalunok. "What do you mean?" "Alam na niya ang tungkol sa pagkakaibigan natin. I need a girl who can understand our relationship. Someone na hindi ako pagbabawalan na makipagkaibigan pa rin sa'yo kahit kami na," sagot nito at nagtaas ng tingin at tumingin sa akin kaya nagtama ang mga mata namin. Ako ang naunang umiwas ng tingin at tumingin sa mga ilaw ng syudad. Gusto kong murahin ang sarili dahil biglang umasa ang puso ko sa unang sinabi niya pero nasaktan lang ulit ako sa huli. Kailan ba ako matuto? "Do you love her?" Alam kong katangahan ang tanong ko pero gusto ko lang masaktan pa. Baka sa ganoong paraan matauhan na ako. Baka kapag nasaktan ako sa sasabihin niya tumigil nang tumibok ang puso ko para sa kaniya pero alam ko naman na hindi ganoon kadali iyon. Kaya sasanayin ko ang sarili kong masaktan hanggang sa magsawa ako at makalimutan ko ang nararamdaman ko para sa kaniya. "She is nice. I saw how she works hard for her son. She understands me. She is someone who loves to smile even if she has problems. I like how brave she is." Nakikinig lang ako sa sinasabi niya. Kinakagat ko ang labi ko sa loob ng bibig ko upang pigilan ang pagpatak ng luha ko. Matapang din naman ako. Ngumingiti din naman ako sa gitna ng problema ko kahit na nasasaktan ako gaya ngayon, pero bakit hindi niya ako nakita? Hindi ko mapigilang ikompara ang sarili ko kay Christine. "I hope you two can get along too. Sigurado akong magugustuhan mo rin siya," nakangiting saad nito. Napangiti ako sa kaniya pero sa loob ko parang ayaw ko nang makinig pa sa mga sasabihin niya. Muli akong sumubo ng fishball na hawak ko. Malamig na iyon. "Paano ka naman nakakasigurado?" kunwari ay pabalang na saad ko pero sinikap kong tunog nagbibiro ang boses ko. "Kasi parehong-pareho kayong dalawa ng ugali." Sa asar ko ay tinugga ko ang sauce ng fishball pero bigla akong napangiwi kasabay ng pagtulo ng luha ko. Napadila rin ako dahil sa anghang na nararamdaman ko. "What happened?" natatarantang saan nito at mabilis na nagtungo sa harapan ko bago hinawakan ang mukha ko. Nakaupo ako sa unahan ng kotse habang nakatayo naman siya sa harapan ko. "Tu... t-tubig," umiiyak na saad ko at napadila ako habang pinapaypayan ng kamay ko ang dila ko. Mabilis itong nagtungo sa may driver seat at may inabot sa aking isang mineral water. May bawas na iyon. "Bukas na ito, e," reklamo ko sa kaniya habang patuloy na tumutulo ang luha ko dahil sa anghang na nararamdaman ko. "Ako lang uminom diyan kanina." sagot nito. "Sige na, uminom ka na ng mawala ang anghang." Napatingin ako sa kaniya. Hindi ba niya alam iyong direct kiss? Binuksan ko naman ang cup at mineral at itinaas iyon para sana hindi lumapat sa labi ko sa bunganga ng plastic bottle pero nagulat ako ng isubo na iyon mismo sa akin ni Jackson. "Just drink it, Cel. Ang dami mong arte, nagshi-share naman tayo sa kutsara pa dati," saad nito kaya napainom ako na ako. Dati iyon pero iba na ngayon. Pinahiran ko ang mata ko nang luha ng matapos akong uminom. Medyo nawala ang anghang pero ramdam ko pa rin ang mainit sa bunganga ko. "Okay kana?" tanong nito sa akin kaya tumango ako sa kaniya. "Bakit pati sauce iniinom mo? Kung bitin ka sa fishball dapat nagpunta na lang tayo sa night market. Marami doon." "Uwi na tayo," yaya ko sa kaniya at hindi pinansin ang sinabi niya. Bumaba na ako sa ibabaw ng kotse niya. Hinawakan naman niya ang braso ko para tulungan akong bumaba. Napatingin ako sa kaniya nang bigla niyang ilagay sa balikat ko ang jacket na kanina ay suot niya. "Kung kailan tayo uuwi saka mo pa naisipang maging gentleman." Kanina pa ako nilalamig pero ngayon lang niya ako binigyan ng jacket. "Hindi tayo uuwi. We will go to the night market. Eat all you want to eat," saad nito at pinagbuksan ako ng passenger seat. "May pasok pa tayo bukas saka hindi ka ba hahanapin ni Christine?" nag-aalalang tanong ko sa kaniya. Kahit nagpaalam siya sa girlfriend niya hindi ibig sabihin hindi na ito tatawag sa kaniya. Ayaw ko naman may masabi ito sa akin, kaya nga umiiwas na ako, e. HIndi ko naman talaga gustong kumain pa ng fishball. Tinungga ko lang talaga iyong sauce kasi may nakita akong paminta at sinadya ko iyong nguyain para umanghang at may dahilan ako para umiyak ng hindi niya nahahahalata. "Nagpaalam naman ako sa kaniya. She knows I am with you. Saka kakain lang naman tayo. She has nothing to worry about," simpleng sagot nito. “About our work tomorrow. I allowed you to be late.” Siya na boss. Kung may Best in Manhid Award, siguro madami nang trophy itong si Jackson o talagang magaling lang ako magtago ng nararamdaman ko kaya siyang ideya kahit kaunti. "Pero—" "Just get in, we will make your tummy full," anito at tinulak ako papasok ng kotse kaya wala na akong nagawa. I really need to control my emotions. He can’t notice what I feel, lalo na at ganito siya. Parang mahihirapan akong iwasan siya. Kaya dapat magaling akong magtago ng nararamdaman ko, pero nagawa ko naman na iyon ng matagal na panahon, magagawa ko ulit iyon ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD