Chapter 11

1871 Words
CELESTINA's POV "Mabuti naman at nakarating ka. Magtatampo talaga ako kapag hindi ka pumunta," pagbibiro sa akin ni Lola Martha. Matapos ko siyang batiin ng happy birthday. "Pwede po ba naman iyon? You are my favorite ally," sagot ko sa kaniya at pilyang ngumiti kaya maging ito ay napangiti rin sa akin. Kapag pinapagalitan kasi ako ni Papa o kaya Lolo dati dahil sa kakulitan ko ay siya talaga ang kumakampi sa akin. Kaya nga minsan kahit si Jackson, ako ang pinanangga niya sa Lola niya kapag napapagalitan siya noong bata pa kami. Sabik kasi sa babaeng apo si Lola Martha dahil puro lalaki ang lahat ng naging apo nito kahit na sa bunsong anak nito na si Tito Marcel, kaya ako ang itinuring niyang apo. "Well, enjoy yourself tonight," masayang saad nito sa akin. Tumingin ito kay Jackson at kay Christine na magkasama ngayon. Habang ako naman ay nanatili sa labi ko ang prinaktis ko nang ngiti. Bumati rin ako sa asawa ni Lola na si Lolo Jax at kay Tita Mia na hinanap pa sa akin si Mama, pero sinabi ko sa kaniya na hindi ito makakapunta. Sigurado naman ako na kahit hindi ko sabihin sa kaniya kung bakit, alam na niya ang dahilan nang makita ko si Papa na kasama ang kinakasama niya ngayon. Binigyan ko siya ng simpleng tango at ngumiti naman ito sa akin bago lumapit kina Lola Martha. Hinila ko naman si Francis kung nasaan si Reymond na kumakaway sa amin bago pa tuluyang makalapit sina Papa. Siya ang dahilan kaya ayaw ni Mama na pumarito. Kahit matagal na silang hiwalay ni Mama, hindi pa rin niya kayang harapin ang ama ko at makipagplastikan umano sa bagong kinakasama nito. Napangiti ako kay Rey, may kasama itong isang babae. Ito na siguro ang girlfriend niya. Ang dahilan kung bakit naging madalas na rin siyang MIA. Humigpit ang hawak ko sa braso ni Francis nang maramdaman kong nakasunod din sa amin si Jackson at Christine. Nang makita ko sila kanina papasok pa lang kami ay nahugot ko ang paghinga ko. Sanay naman na akong makita sila. Nakakapanibago lang na sa unang pagkakataon ay hindi na kami ni Jackson ang sabay na bumabati kina Lolo at Lola Martha dahil may iba na siyang kasama at ako, kailangan ko nang dumistansya gaya ng hiling ng girlfriend niya. Kahit matagal naman na talaga akong dumidistansya. "Hey," nakangiting batian nina Rey at Francis. Humalik naman ako sa pisngi niya at napangiti ako sa babaeng kasama nito. "Hello, I am Celestina. Rey's friend," pagpapakilala ko sa babaeng kasama niya at inilahad ko ang kamay ko. Tumayo naman ito sa pagkakaupo. "I am Feliz," pagpapakilala ng babae at tinanggap ang pakikipagkamay ko. "My girlfriend," dugtong ni Rey at hinapit niya ang beywang ng babae. Kaya sabay kaming na, ‘Ohhh!’ ni Francis. Napangiti ako sa kanila. "I didn't know; you know how to court a girl," pagbibiro ko kay Rey na natawa sa sinabi ko. Ipinag-angat ako ni Francis ng bangko kaya kaya napatingin ako sa kaniya at ngumiti. Talagang ibinaling ko ang mata ko kay Reymond para hindi ako mapabaling kay Jackson at Christine. "I am Francis, nice to meet you, Feliz," pagpapakilala naman ni Francis at binalak pa nitong halikan ang likod ng palad ni Feliz, pero pinalo ito sa noo ni Rey kaya natawa kami. "Jackson," simpleng pagpapakilala ni Jackson kay Feliz at tumango lang dito. "He is a grumpy man, pero pabebe minsan kaya huwag mo na lang pansinin. Kulang kasi iyan sa buwan," pabulong na saad ni Francis kay Feliz, pero rinig naman naming lahat kaya muntik na akong matawa pero pinigilan ko. Tiningnan naman ito ng masama ni Jackson. "I am Christine," pagpapakilala naman ni Christine at inilahad ang kamay kay Feliz habang malapad ang ngiti nito. "Hi, nice to meet you," nakangiting bati ni Feliz dito at tinanggap ang pakikipagkamay ni Christine bago kami tuluyang naupo. Paikot ang malaking table. Nasa kanang side ko ay si Feliz at sa kaliwa ko ay si Francis. Bale mula kaliwa ko ay si Francis, Christine, Jackson, Rey at Feliz. Ganiyan ang pagkakaupo kaya kahit pabilog ang mesa si Jackson pa rin ang katapat ko. "I heard a lot of you guys from Rey, especially you, Celestina. That's why I am so excited to meet you," nakangiting saad sa akin ni Feliz. "Really, sana naman hindi niya ako siniraan sa iyo," sagot ko sa kaniya. Natawa ito kaya napangiti rin ako sa kaniya. Ang friendly ng aura niya. Pakiramdam ko magkakasundo kaming dalawa. Mabuti pa si Rey, marunong pumili ng girlfriend. "Don't worry, wala siyang sinabing masama. I hope we can be friends too." "You are my best friend's girlfriend, kaya kaibigan na rin kita," wika ko na mas lalong ikinangiti nito. "Thank you. Nahihiya talaga ako kanina. I am not used to this kind of place tapos sabi niya ipapakilala pa niya ako sa mga kaibigan niya kaya nadagdagan ang kaba ko pero sabi niya mababait naman ang mga kaibigan niya at noong makita kita kanina. I can tell from afar na mabait ka talaga kaya nawala ang kaba ko," pagkukwento ko. Napangiti ako habang nakikinig sa kaniya. "Alam mo, I am just a friend. Kahit sinong maging girlfriend ng kaibigan ko, susuportahan ko sila. Kaya friends na tayo mula ngayon." Tumango-tango ito sa akin na para pang kinikilig. Si Christine nga na karibal ko kay Jackson, nirespeto ko ang relasyon nila kahit na amindao akong hindi ako pabor sa kaniya. Nagpatuloy kami sa pag-uusap na dalawa habang ang tatlo naman ay may kanilang usapan. Kita ko sa sulok ng mga mata ko ang naiinip na mukha ni Christine. Gusto ko man siyang batiin, hindi ko naman alam ang sasabihin ko sa kaniya lalo na at parang may talim ang tingin niya sa akin ngayon. May ibang mga bisitang lumalapit kay Jackson kaya tumayo ito nang yayain ito ng isang matanda pero balak sanang sumunod din ni Christine, pero sumenyas si Jackson na manatili lang ito sa pwesto nito kaya muli itong naupo. "Hi, Christine. I heard you are Jackson's secretary. I--" "You are dating her, pero hindi mo kayang sabihin sa kaniya ang totoo?" biglang baling ni Christine kay Reymond dahilan para hindi maituloy ni Feliz ang sasabihin niya. "I did not lie. Secretary ka naman talaga ni Jackson," sagot ni Rey at hinawakan ang kamay ng girlfriend niya. Alanganing ngumiti si Christine at mabilis na uminom ng wine na nasa harap niya. Hindi siguro nito inaasahan ang magiging sagot ni Rey. "You should know that you are the one who is in a complicated situation, so you can't easily brag that you are his girlfriend," saad naman ni Francis at tumingin kay Christine. “Because you’re still married.” "Iyong totoo? Ayaw n'yo ba sa akin para sa kaniya?" tanong ni Christine sa amin habang tila maiiyak na ito. Hindi ko alam pero parang umaarte lang naman siya. Nagsasabi lang naman ng totoo ang mga kaibigan ko pero parang minamasama niya. "Hindi naman sa ayaw," sagot ni Reymond. "Pero sana unawain mo ang sitwasyon. You are a smart woman; don't be irrational." Nanahimik ito. Hindi ito nagsalita ako naman ay napatingin kay Francis na tinaas lang ang dalawang kilay niya sa akin na parang sinasabing wala siyang sinabing masama. "I am sorry," biglang saad ni Christine at malungkot na ngumiti kay Reymond. "Sorry sa inasal ko. Pasensya na. Alam ko naman na hindi ako matatanggap ng pamilya niya," mas lumungkot pa ang boses nito. "Maybe you need to wait until you annul your marriage, but for now. You have no choice; Jackson is surely just protecting you from his family. If Lola Martha finds out about your marriage, you will surely lose not just Jackson but also your job," seryosong saad ni Rey. “Let's stop talking about it here. People might hear us.” Sa aming apat siya talaga ang taga-sermon madalas. Kalmado siya palagi kahit na nagkakainitan na. Kapag si Francis kasi ay patola ito, habang si Jackson naman ay maiksi lalo ang pasensya noon, kaya madalas Referee si Reymond habang ako naman ay saksi lang. Nakikiawat kapag kinakailangan pero kapag si Francis at Jackson ang nagtatalo hindi ako nakikialam kasi mas lalo silang nagagalit kapag may isa akong kinampihan. Napatingin ako kay Christine. Wala na siyang suot na wedding ring ngayon, pero hindi ibig sabihin noon na hindi na sila kasal. Lola Martha is very conservative. Mahihirapan silang ipaunawa rito ang sitwasyon. Kahit kasi sabihing naghiwalay na si Christine at ang asawa nito ay kasal pa rin sila at may anak. Ang sitwasyon nina Christine at Jackson ay parang sitwasyon ni Papa at ng bago niyang partner ang pagkakaiba lang, ang ama ko ang kasal sa kanila. Paano kung gaya ni mama ang asawa ni Christine? Paano kung hindi rin ito pumayag sa annulment? Si mama kasi, hindi siya pumayag dahil gusto niyang manatiling kabit lang ang babaeng kasama ni Papa ngayon. Hindi raw niya hahayaang maging legal ang relasyon ng mga taong nanloko sa kaniya. Kaya kahit anong gawin ng ama ko, hindi niya mapapakasalan si Anita dahil kasal pa rin siya kay Mama. Nagtama ang mga mata namin ni Christine at hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ako o hindi pero inirapan niya ako. Hindi ko na lang siya pinansin. Bahala siya kahit tumirik na ang mata niya. Hindi ko alam kung bakit parang inis na inis siya sa akin kahit wala naman akong ginagawa. Well, the feeling is mutual. Ayaw ko rin sa kaniya pero hindi ko naman ipinapahalata. Sabay-sabay kaming napatingin sa mababang entablado nang biglang may magsalita. "Now, let us welcome our birthday celebrant, Ms. Martha Hererra," saad ng host dahilan para magpalakpakan ang lahat. May ilaw na tumutok sa may stage at lumabas doon si Lola Martha. Inabot ng host ang mic dito. "Hello, everyone!" masayang bati nito sa lahat. Malapad ang ngiti habang nakatingin sa mga bisita. "Thank you so much for being part of my 72nd birthday celebration. Your presence here brings me joy. I am still thinking, at my age, what thing I did not accomplish? I have a good husband, a happy family. I am happy, so I was thinking, I felt like I already have everything I want except for one thing." Huminto ito kaya nag-aabang naman ang lahat sa sasabihin nito. "A great-granddaughter, but only Jackson can give me that request because his brothers and cousins are still you. So, hijo, when will you make your Lola's wish come true?" Napatingin ako kay Jackson na parang biglang na hotseat. Itinaas lang nito ang kopitang may lamang alak na hawak nito sa ere habang nakangiti kay Lola Martha. Maging ang mga bisita ay tinutukso na rin ito. Hanggang sa baling sa table namin ang tingin ni Lola Martha, malaki ang ngiti nito. "I am not getting any younger, and that's my only wish. A great granddaughter, but if Jackson can't give me that. How about you, Celestina?" Napanganga ako sa tanong ni Lola Martha. Nagtatakang napatingin ako kay Rey at Francis. Maging ang ibang bisita ay napatingin sa akin nang biglang may ilaw na tumutok sa akin. Itinuro ko pa ang sarili ko habang nakatingin kay Lola Martha. Bakit pati ako nadamay?

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD