Chapter 3

1544 Words
CELESTINA'S POV Mula ng araw na iyon ay sinikap kong iwasan si Jackson sa paraang hindi niya mahahalata. May girlfriend na siya, ayoko namang magmukhang bida-bidang bestfriend kaya ako na mismo ang dumistansya sa kaniya, pero syempre may pagkakataon pa rin na nagkikita kami lalo na at siya ang boss ko. Pero hindi na gaya dati na isang yaya lang nila ay sumasama na ako. Nagpapasalamat na lang ako kay Francis na siyang nagdadahilan para sa akin minsan. Pero gaya ngayon, may mga pagkakataong ako mismo ang kailangan lumapit sa kaniya dahil sa trabaho namin. Boss ko siya, kaya kahit ayaw ko, magkikita at magkikita pa rin kami. Dala ko ang mga folder ay nagtungo ako sa elevator papunta sa opisina niya. Kailangan na kasi niya itong ma-permahan para ma-release na ang budget para sa promotional ads ng kompanya. Napakunot ang noo ko nang hindi ko makita si Christine sa table niya, nang makatong ako sa floor nila busy naman ang ibang staffs na hindi man lang ako pinansin ng makita ako. Everyone here knows that I am Jackson's bestfriend, may iba nga na nagsasabing nakuha ko ang position ko dahil kilala ko ang isa sa tagapagmana ng kompanya, pero hindi naman iyon totoo. I work hard to reach my position, pumila rin ako ng mahaba para sa pag-apply kasabay ng iba. Wala pa namang nakakaalam na kaibigan ako ng Managing Director. Hindi ko nga binanggit noon kay Jackson na dito ako mag-a-qpply kaya nagulat na lang siya na empleyado na niya ako. Kaya para sa akin, nakapasok ako sa kompanya dahil sa tiyaga ko hindi dahil may backer ako may mga tao lang talagang makitid ang utak. Yes, matiyaga ako. Matiyaga sundan siya rito kaya nga dito ko napiling magtrabaho pero ngayon parang gusto ko nang pagsisihan ang ginawa ko. Dahil wala si Christine sa table niya ay dumiretso na ako papunta sa opisina ni Jackson. Kumatok muna ako ng marahan bago ako pumasok, pero muntik ko nang mabitiwan ang mga folder na dala ko dahil sa eksenang naabutan ko. Napatiim-bagang ako at lihim kong naikuyom ang kamao ko. Parang gusto kong lumapit sa kanila at ihampas ang mga folder na hawak ko para tumigil sila pero pinigilan ko ang sarili ko. Nakakalong si Christine kay Jackson at naghahalikan silang dalawa na para bang wala ng bukas. Huminga ako ng malalim. Mukhang hindi pa nila ako napapansin kaya malakas na akong kumatok sa pintong nakabukas. Mabilis naman silang napatingin sa akin at nanlaki ang mga matang ni Christine nang makita ako. Napabalikwas itong umalis sa kandungan ng boss namin at inayos ang sarili. Isinara ko ang pinto bago pa man may makakita sa kanila. “I am sorry to interrupt your sexy time, but I just need you to sign these papers, sir,” formal na saad ko at siniguro kong walang kahit na anong emosyong mababakas sa mukha ko. Nahihiyang tumango naman sa akin si Christine at mabilis na nagpaalam kaya naiwan kaming dalawa ni Jackson sa loob ng opisina niya. Nanatili siyang nakaupo sa mahabang sofa kung saan sila gumagawa ng kababalaghan kanina ni Christine. Tumingin ito sa akin. “Wipe your lips; there is a red stain,” saad ko at inabot ko kay Jackson ang tatlong folder na dala ko. Parang gusto kong kumuha ng liha at ako na mismo ang magkuskos noon sa nguso ni Jackson para mawala ang bakas ng pakikipaghalikan nito kay Christine. Pero pinakalma ko ang sarili ko. Pinahid naman nito ng hinlalaki niya ang labi para matanggal ang naiwang lipstick doon matapos niya tanggapin ang folders na inabot ko sa kaniya. Kailan pa siya natotong gumawa ng monkey business sa trabaho niya? “Knock first, next time,” biglang saad nito. Para bang ako pa ang pinagsasabihan niya na nahuli ko silang dalawa. Gayong kahit ako, iyon ang huling bagay na gusto kong makita. Kung pwede lang sigurong ibalik ang oras baka mamayang hapon na ako umakyat dito kahit na urgent ang sadya ko para maiwasan ko lang ang tagpong nakita ko kanina. Pinagkrus nito ang mga hita at tumingin sa akin. “I did, but you were busy lapping her lips,” pabalang na sagot ko sa kaniya. Hindi ko mapigilang mainis dahil sa nakita ko. “I thought you wanted to keep your relationship private, but why are you making your office like a hotel? What if ibang empleyado ang pumasok at nakakita sa inyo?” Hindi siya nag-iingat. Hindi ko alam kung sino ang gusto kong batukan sa aming dalawa ngayon. Siya na parang naglalaro ng bahay-bahayan dito sa opisina niya o ako na hindi matiis na mag-alala sa kaniya, kahit parang ang hirap huminga dahil sa nakita ko. “I am your boss, stop nagging, Cel,” balewalang sagot nito na para bang naririndi pa siya sa mga sinabi ko. Mariing pinaglapat ko ang mga labi ko bago ngumiti sa kaniya. “I am sorry if I talked that way, sir. That's unprofessionalism of me,” paghingi ko ng paumanhin sa kaniya habang walang emosyong nakatingin sa kaniya. Nabigla ito sa sinabi ko. “Cel, that's not what I mean. I mean—” “It's okay. I understand. Iiwan ko na lang po sa inyo ang mga papeles na iyan para ma-review at mapirmahan n'yo na. Pasensya na po ulit,” hinging paumanhin ko sa kaniya. Kung gusto niyang makita sila ng iba. Wala na akong magagawa. Baka nga nagiging pakialamera na ako. Napatanga ito sa akin, pero tinalikuran ko na siya. “Celestina,” muling tawag niya sa akin ng bago ko pa mahawakan ang door handle. Lumingon ako sa kaniya. “Yes, sir? May kailangan pa po ba kayo?” “Stop it,” saad nito. Kumunot ang noo ko. Parang nahihirapan ito na hindi ko maintindihan. “You are angry. I am sorry, I did not mean to say that.” Binigyan ko siya ng isang pekeng ngiti. “Hindi n'yo po kailangang humingi ng tawad. Kasalanan ko, hindi ko dapat kayo pinagsabihan. Wala dapat akong pakialam sa ginagawa n'yo kahit makita pa kayo ng iba dahil buhay n'yo naman iyan at tama kayo boss ko kayo, empleyado lang po ako,” sarkastikong sagot ko sa kaniya dahilan para mas frustrated na tumingin ito sa akin. “You are being sarcastic now,” naasar na saad nito. “I am not, sir. Kung wala na po kayong sasabihin, lalabas na po ako,” saad ko at tuluyang binuksan ang pinto at lumabas. Naglalakad ako patungo sa elevator nang harangin ako ni Christine. Isa pa ito. “Ma'am Celestina, can we talk?” Tiningnan ko siya. Hindi ko alam kung bakit parang ang layo na niya sa mahiyaing babae na nakilala ko noong una. Nagtungo kami sa isang room na walang laman at madalas ay ginaganapan ng mga meeting. “Pasensya na po sa nakita ninyo kanina. Nagulat kasi ako na bigla akong hinalikan ni Jackson at nakalimutan kong nasa opisina pala kami,” nahihiyang saad nito. Mariin pa nitong kinagat ang ibabang labi habang nag-aalangang tumingin sa akin. “Just try to be discreet next time. If you really love him, protect his reputation at all cost,” saad ko rito. Kasal pa rin siya, sa mata ng mga tao kapag nalaman ang relasyon nila ni Jackson ang bobong kaibigan ko pa rin ang lalabas na masama kahit sabihing hiwalay na si Christine sa asawa niya. Idagdag pang secretary siya ni Jackson. Dapat alam niya na hindi madali ang relasyong pinasok nila may pangalang iniingatan si Jackson, hindi sila pwedeng umakto gaya ng ibang magkasintahan dahil hindi pa nakakaalis si Christine ng tuluyan sa dating relasyon niya. Kahit sabihing hiwalay na sila ng asawa nila, kasal pa rin sila at kabit pa rin ang kaibigan ko. Iyon ang katotohanan. Mabuti na lang ako lang ang nakakita sa kanila pero paano kung ibang tao na? “Sinasabi n'yo bang masisira ko ang reputasyon niya? Hindi ganoon ang gusto kong mangyari,” biglang tumalas ang pananalita nito. Gustong magsalubong ng kilay ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung mahina bang maka-gets ang babaeng ito o hindi. Hindi naman ganoon ang ibig kong sabihin pero parang iba ang pagkakaintindi niya. Ang akin lang sana mag-doble ingat sila lalo na at walang nakakaalam ng relasyon nila maliban sa aming mga kaibigan ni Jackson. Dapat alam nila pareho na komplikado pa ang sitwasyon nila. Kasal pa rin si Christine sa asawa niya, kahit sabihing hiwalay na sila. Kabit pa rin niya ang kaibigan ko. Idagdag pang boss at secretary sila. Sigurado akong magiging malaking eskandalo ito para sa pamilya ni Jackson oras na biglang pumutok ang balita tungkol sa relasyon nila. “Matalino ka. You should know what and what not to do inside the office,” sagot ko na lamang sa kaniya. “Let's forget it, but be careful not to be caught next time.” Tuluyan na akong lumabas ng board meeting room at naiwan siya sa loob. Ayaw ko ng ganitong sitwasyon. Parang doble ang sakit, pero wala naman akong magagawa. I can't easily unlove him, so I have no choice but to endure the pain. It sucks to have this unrequited love. I am forever the best friend, but I will never be the girlfriend.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD