CHAPTER 3 - Fake News
Pabalik na siya ke Gwen dala na ang bihisan at ang planggana na may malinis na tubig pamunas sa katawan nito na may maruruming parte at sa mga sugat at galos na plan niya rin gamutin matapos na maka-paglinis ng katawan at makapag-bihis ang bunso nilang kapatid.
“Sorry na Ate Gia. Lagi ka nalang nag-aalala sa akin…" namuluhang sambit nito na kinabuga niya ng hininga ng lapitan niya si Gia at pigaan ng mabuti ang bimpo upang maalis ang tubig sa bimpo habang itinapat naman sa planggana na dala niya habang pinigaan ang bimpo.
Napahinga siya ng malalim habang pinupunasan ang katawan ni Gwen. Nakatitig si Gwen sa kanya habang tahimik niyang pinupunasan ang braso ni Gwen na kanyang inuna.
Bakas ang kalmot sa braso nito na kinagilid ng luha ni Gia.
Mukhang nakuha na naman niya ang nangyari at kung bakit ito napaaway… iyon ay dahil na naman tiyak sa kanya. Kay Gia na madalas na ipinagtanggol lang ni Gwen sa mga pang-aalipusta ng kanilang mga kapitbahay. Kaya ito madalas na umuwi na madumi at maraming sugat. Buhat sa pakikipag-away at pagtatanggol lang nito sa kanya.
Napalunok si Gwen, alam niyang galit na naman ang Ate Gia niya, pero hindi naman nagagalit si Gia, dahil sa pagkokontrol nito sa inis na nararamdaman buhat ng malaman niya ang madalas na dahilan kung bakit ito napapaaway.
“Saan ka ba nanggaling Gwen? Bakit ang dumi ng katawan mo?" hayag niya na malumanay na pagtatanong, kontrol ang sarili na mahinahon lang siya na nagtanong upang wag tuluyan bumagsak ang luha na pinipigilan niya.
“Makita ka ni Mama at Papa mapa-pagalitan ka na naman dahil sa itsura ng katawan mo. Ang dumi nakikita mo? Napaka rami mong libag. Nagpagulong-gulong ka ba sa lupa? Bakit ang dami mo ring galos sa katawan? Sana naman binalutan mo muna bago ka nag-umpisa na nagpagulong-gulong ng hindi ganyan ang inabot ng mga braso at ilang parte pa ng katawan mo na may maruruming libag na kumapit sa katawan mo. Ang sangsang pa ng amoy mo! Sa may itikan ka ba nagpagulong-gulong?"
Muli niyang hayag na pagtatanong at dinaan nalang sa biro pero seryoso niyang ipinahayag ang pagtatanong niya at pagbibitiw ng kanyang salita.
Napabuga na naman siya ng malalim na kanyang hininga.
Habang nagtatanong na sinusita na rin kasama ang pagpuna sa marumi nitong damit at galos na napapadaing pa si Gwen at kinangiwi ng mukha sa tuwing napipisil niya at madidiinan ang sugat nito.
Maging si Gia ay napangiwi habang pinipigilan na mapangiti at nakagat pa niya rin ang pang-ibabang labi niya. “Sorry na Ate Gia."
“Okay lang naman. Lagi naman accepted ni Ate ang sorry mo. Kaya nga lang once na makita ka nila Mama at Papa tiyak na iinit na naman ulo ng mga iyon at tataas ang presyon ng mga dugo nila. Alam mo naman ang mga iyon. Kahit simpleng sugat at galos na makita sayo, sa ating tatlo nag-aalala na yon pero andun yung sermon na hindi naman natin kayang iwasan dahil dala ng pag-aalala nila sa ating tatlo."
Tugon ni Gia sa kapatid niya pero mababa lang ang tono at pagkakasabi niya. Bumuga na naman siya ng mapahinto at humugot ng malalim. Dahil sa kanyang pagpipigil ng kanya sarili madalas pa siya napahugot ng malalim at nagbubuga ng hangin marelax niya lang ang sarili.
“Pasensya ka na Ate Gia hindi ko naman po sinasadya na maulit-ulit. Sila naman po kasi ang nauna at hindi naman ako…" umiyak na ito bumagsak ang mga butil ng luha na nag-sunod-sunod pa, pinahiran ni Gia ang luha ni Gwen gamit pa rin ang tissue na nakuha niya kangina.
Tatlo nga lang kasi sila na magkakapatid at panganay siya sa kanilang tatlo. Subalit, itong bunso nila na si Gwen ang pinaka madalas talaga napapasama sa gulo at hindi naman nila makontrol dahil uuwi na lang itong tapos na at napasabak na sa away mga teenager.
Kahit sixteen years old lang ang bunso nila, inuunawa na lang din niya palagi at ganun din ang isa niyang nakababata pa sa kanya. Si Grey na nuon ang buong plano talaga ng kanyang magulang ay hindi na siya susundan sa hirap ng kanilang pamumuhay. Dahil nga sa isang fisherman lang ang kanilang ama habang tindera ng isda ang kanyang Ina.
Subalit ang hindi inaasahan ay nangyari at nagbunga ng isa. Si Greg yon na makaraan naman ng dalawang taon ay nasundan pa ng isa at ito na si Gwen ang bunso nilang kapatid.
Kaya upang maiwasan na ang pagdami nila. Nagpatali na ang kanilang ina upang masiguro na wala na susunod pa kay Gwen.
Kay Gia nga lang ay nahirapan ang kanyang magulang na tustusan ang kanyang pangangailangan.
Gatas, pagkain nila sa araw-araw. Pero ng masundan pa ulit ng isa mas naging matipid ang kanilang magulang lalo pa ng dumating ang bunso nila. Pero kahit malayo sa kagustuhan ay maluwag na tinanggap ng kanilang magulang ang pagdating ng mga blessings sa kanila. Yun nga ang pagkakaroon ng mga kapatid ni Gia.
Kaya nga lang dahil sa panganay siya malaki ang expectations ng kanyang magulang kaya ganun na lang ang pagsisikap ng parents niya na makapagtapos siya ng kanyang pag-aaral ng sa ganun ay makakatulong naman siya sa gastos sa pag-aaral din ng kanyang kapatid.
Dahil sa nalalapit niyang pagtatapos sa kolehiyo. Sa kurso na kinababaliwan niya at kinahiligan mula pa ng bata siya.
Ang photography at mahilig rin siya sa arts pero mas kinahiligan niya ang pagkuha ng mga litrato. Kaya naman ang pinili niyang kurso ay Bachelor of Fine Arts.
Pero ayaw sana ng parents niya yon dahil sa gatos at talagang magastos sa madalas nila mga group projects na kailangan niyang sumama.
Sa pambili pa lang ng mga materials ay kapos na siya at kailangan niya pang pumasok sa isang part-time job upang may maipantustos siya pambili ng mga kailangan niya sa school.
Kadalasan din ay kailangan nila ang magpunta sa mga lugar upang kumuha ng mga ideas para sa projects na ibinibigay sa kanila ng kanilang professor.
Hindi naman sila mayaman. Pero may mga trabaho naman ang parents niya pero kung minsan ay hindi sapat para sa pang-araw-araw nila lalo na at tatlo na rin sila na mga nasa kolehiyo.
Kaya ganun na lang ang pagpupursige ni Gia na makapagtapos siya dahil din sa pagtutulak at pagsisikap ng kanyang magulang na suportahan siya kahit kapos sa pera.
Isang masunurin na anak si Gia na mabait rin at mapagmahal na kapatid sa kanyang dalawang nakababatang kapatid.
Mahal niya ang dalawa niyang kapatid at ganun din naman siya… Mahal na mahal siya ng mga kapatid niya at iniidolo rin siya dahil sa talino at husay ni Gia.
Subalit kabaligtaran naman ng tingin sa kanya ng marami. Lagi siya kinaiinggitan ng mga tao sa paligid nila. Mga kapitbahay na tsismosa at walang magawa. Mga kasama ng ama at ina nila sa pangingisda at pagbebenta ng isda. Maging mga tropa, kalaro at mga kaklase niya, at maging mga kapatid niya na ang tingin kay Gia ay pawalang babae dahil sa malalapit siya sa mga lalaki.
Barkada lang naman niya ang mga ito. Pero ang tingin ng marami ay mga jowa at pineperahan niya lang may mapangtustos lang sa kanyang pag-aaral.
Pero ang totoo, may time na nabigyan nga siya ng mga kaibigan pero may tanging nag-iisa sa mga kaibigan niya ang pinakamalapit sa kanya at talagang nakasupport sa kanya mula pa nang mag-umpisa siya sa pagpasok sa kanyang pag-aaral sa kolehiyo.
Pero minsan na niya ito nakilala pero hindi lubusan na magiging kaibigan at makakasama niya sa iisang school.
Kaya ang mga plano ni Gia sa kanyang pagtatalos ng pag-aaral.
Ang makapag-umpisa na agad siya na magtrabaho nang sa ganun ay makatulong agad siya sa mga Mama at Papa niya sa mga gastusin nila sa bahay at sa mga pag-aaral nang kanyang dalawa pang kapatid.
“Pero hindi ba, dapat hindi mo nalang din sila mga pinatulan? Ikaw na mas may malawak na pag-unawa at nasa matinong pag-iisip. Dapat ikaw nalang ang umiwas sa kanila. Nang hindi ka na napasama at napaaway."
Pahayag ni Gia sa kapatid niya, panay ang hingi ng sorry sa kanya. Siya naman ay panay ang buga ng hininga at pilit rin na iniintindi ang kanyang kapatid.
“A-ateee..," bulalas nito sambit.
“Hindi naman naman po ako papayag na ganun nalang ang salita nila at paninira nila sa pamilya natin. Lalo na po sayo…" pangangatwiran na hayag nito na isinagot sa kanya pa at kinailing niya ng ulo at huminga.
“O-ouuuu…" gilalas niya naman sagot niya sa kapatid na nangangatwiran at pilosopo niyang tinugon.
“Andon na tayo pero hindi nga dapat pumatol ka pa. Tulad ng sinabi ko sayo, tulad ng madalas kong turo at pangaral sa inyo no Greg. Dapat tayo na mas nakakaunawa… Tayo na dapat ang magpasensya at hayaan nalang wag na palakihin— Gwen, alam kong mahirap pero ikaw na mas bata pa sa kanila. Ikaw na dapat nalang ang mag-adjust ng hindi ka na nagkakaganyan. Tingnan mo nga, nakita mo na ang itsura mo? Tulad nila, para ka na rin walang pinagkaiba sa kanila. Kasi nga maging ikaw, ginagawa mo na rin ang ginagawa nila. Kaya wag mong patulan kung ano man iyon, kung ano man ang sabihin nila o paninirang binibitawan nila. Hayaan mo sila, sila Naman hahaba ang ilong dahil sa mga pagkakalat nila ng fake news."
“Ate! Nagagawa mo pa talaga magbiro? Kahit alam mo na ikaw yung pinagtatawanan at pinag-uusapan nila ng walang tigil sa pagkakalat nila ng mga nakitang hindi naman maganda sa pandinig. Pero, totoo ba?" turan na bulalas nito na pagsagot ng tugunin ang kanyang pagbibiro.
Hindi nagugustuhan ni Gwen ang lagi niyang sagot at paliwanag sa mga madalas nitong pagkakasangkot sa mga fake news na nakakalap at naririnig nito. “Sorry na!" siya na ang nag-adjust at humingi ng pasensya at nagpakumbaba kesa makipagtalo at makipagpalitan pa siya rito sa mga ipinagpilitan nito na hindi naman akma sa paniniwala niya.
“Hayy! Si Ate Gia, lagi nalang po sayo biro ang lagi pagpuna at paninirang puri ng mga tao sa paligid. Except na nga lang kung totoo..." napahinto si Gwen sa pagsasalita at huminga.
Isang malalim at bumuga siya na seryoso na nakatitig sa seryoso niyang mukha. “Ang sabi ni Tat-tat may boyfriend ka na raw tapos sabi niya hindi ka na raw po makakatapos sa pag-aaral at hindi mo na matutulungan sila Mama at Papa na makapag-aral ako at si Kuya Greg kasi nga raw…"
Mabibigat nang humugot ng hininga si Gwen nang mag-umpisa na tumulo ang luha nito habang nangangatwiran pa rin at nagtanong tungkol sa fake news na naman na narinig nito sa mga kalaro at kapitbahay.
Pinahid ni Gia ang luha ni Gwen ang bunsong kapatid niya na naiyak na dahil sa balita at pag-aalala nito at sa uri ng pagtatanong at pagkompronta sa kanya. Kina-buntong hininga niya.
Ayaw na ayaw ni Gwen na maririnig ang mga salitang sa kanya ay kadalasan na ibinabalibag sa kanya at madalas pa kasi ipagkalat ng mga tsismosa nilang kapitbahay ang paninira na hindi naman din totoo.
Tulad ng dati ng ipamalita sa marami ang pagkakaroon raw niya ng bagong cellphone at iPhone pa ito na pinakalatest na unit na bagong labas. Regalo raw ito ng kanyang boyfriend na ipinamalita rin nila. Isang mayaman na boyfriend raw ang siyang nagbigay sa kanya at kapalit ay ang p********e niya.
Muntikan na siya mapatay ng kanyang Mama at maging ang Papa niya na sa huli pumipigil nalang sa Mama niya dahil sa pag putok ng labi niya gawa ng paghampas ng ilang ulit at tumama siya sa isang maliit na lamesita.
Marami rin siyang galos nuon. Kung hindi lang pinigilan ng Papa niya ang Mama niya, baka mas matindi pa ang natamo niya sa nakuha niya sa mga hampas na may kasamang panunulak ng kanyang ina habang galit na galit ito na nagbubunganga sa galit sa loob ng bahay nila.
“Buntis ka ba Ate Gia?" bulalas na sabi nito ng putulin ang pananahimik sa pagitan nila.
“Buntis ka ba talaga? Ate Gia…" nang mabatukan niya ng hindi sinasadya ang bunsong kapatid sa muli na pagtatanong na narinig niya habang naglalakbay ang isip.
“BUntis?" bulalas niyang usal na kinatango ng kapatid. Napahinto ito sa pagpahid ng luha niya at sa pag-iyak habang nakatingin at tinitigan siya sa mukha habang nagdadrama kangina.
“Buntis ka raw po kasi sabi nung kalaro ko. Isa sa mga tropa namin ang nagkalat na buntis ka raw at totoo raw iyon ang sabi raw ng Mama niya. Nabuntis ka raw po at yung boyfriend mo ang nakabuntis sayo."
Sa pagkakataon na yon ay huminga ng malalim muli si Gia. Hindi niya malaman paano niya explain sa kapatid niya ng tama at mauunawaan nito ng hindi siya magkamali sa pagpapaliwanag na isang malaking fake news na naman ang kumakalat sa lugar nila.
Nakita na naman tiyak ng kanilang kapitbahay ang kanyang kasama at naghatid sa kanya na isang kotse pero ang driver nuon ay hindi niya boyfriend. Kundi driver iyon ng kanyang kaibigan na pinakisuyuan lang na maihatid siya ng dahil sa ginabi na siya sa mga researcher nila para sa projects at thesis na ipapasa nila sa susunod na linggo.
Unang beses na umuwi siya na may naghatid ng kotse sa kanya.
Unang beses rin na ginabi siya ng sobra at halos umagahin na siya sa paghahanap ng mga materials nila at mga ilang researcher ng mga kakailanganin nila para sa projects na kailangan nila maipasa at kasama pa ang lahat ng impormasyon na need nila para sa thesis nila na kailangan na rin masubmit at maireport sa kanilang professor.