CHAPTER 2 - Single never been dated
Malawak na opisina ang makikita sa isang building kung saan ay isang gwapo, matangkad na may ka-supladuhan ang nagmamay-ari.
Isang lalaki na may matangos na ilong, mapupungay na mata na madalas ay nakakatakot kung makatingin. Ngunit may katangi-tangi rin itong pag-uugali na naiiba sa kanyang mga pinsan.
Isang lalaki na may busilak din naman ang puso.
Malambot din naman ito kahit madalas na magsungit ay napapalambot din ito ng kanyang mga pinsan sa tuwing kukulitin siya at kukutyain, sa oras na nagsimula na ang mga ito na guluhin siya at hindi tigilan hanggang mapapayag na siya sa mga favor na hinihingi sa kanya.
Wala na siya magawa kundi ang pagbigyan at sakyan ang mga pinsan niyang pasaway pero may mababait at busilak ring mga puso naman.
Mga babaero nga lang at kung madalas ay hindi na niya mabasa at mapigilan oras na nariyan na ang mga nagawa ng mga ito na ayaw na ayaw naman niya.
Ayaw niya ng magulo at pinaka ayaw niya ay maingay sa oras na namamahinga na siya lalo at galing siya sa kanyang trabaho.
Iisa lang din kasi ang mga tinutuluyan nilang bahay na mga magpipinsan.
Isang unit na may tig-iisa silang mga kwarto sa loob ng unit nilang magpipinsan.
Minsan naman nauwi siya sa bahay ng parents niya pero kadalasan ay sa hotel siya tumutuloy lalo na oras na tinatamad na siya na magmaneho ng kanyang sasakyan pauwi ng kanilang bahay.
Siya pala si Troy Vargas ang may pinakamataas na posisyon sa kanilang magpipinsan sa kumpanya na itinayo at itinaguyod ng kanilang mga magulang. Kung saan ay sila naman magpipinsan ang siyang nag-aasikaso sa kagustuhan ng kanilang mga magulang. Kahit may mga sarili naman negosyo ang kanilang mga parents. Nais pa rin ng mga magulang nila ay mapanatili pa rin na maayos ang takbo ng kanilang inumpisahan na negosyo na kanilang itinayo noong mga panahon na mga nasa same age pa nilang magpipinsan ang mga magulang nila.
Pero kahit ganun dahil sa kanilang magpipinsan nananatiling maayos at mas pinalago pa nila ang business ng kanilang magulang.
Nag-iisang anak si Troy at wala siyang kapatid gawa na hindi na talaga siya sinundan ng kanyang magulang.
Hindi na nag-anak pa ang Mommy niya tulad ng napag-usapan ng Mommy at Daddy niya.
Pero lately saka niya lang nalaman na hindi na pala talaga pumayag ang daddy niya na sundan siya dahil sa muntik na mamatay ang mommy niya sa panganganak sa kanya nung mga panahon na maisilang siya ng mommy niya after ng siyam na buwan na pangangalaga sa kanya sa sinapupunan nito.
Kaya nag-iisa lang siya at nag-iisa lang din tagapagmana ng kumpanya ng mga parents niya ang Vargas Empire.
“Troy, lalim ahh---"
“Bwisit ka! Itinulak kaya kita ng malaman mo…"
Sinandya niyang wag na ituloy ang sasabihin ng mainis na talaga siya at naisip na wag na lang patulan ang pinsan niyang may kakulitan.
“Pero, Troy matanong ko lang. Kamusta na pala kayo ni— sorry pero sige alam ko naman na it's about your private life. Hindi ko na dapat ungkatin or magtanong pa kung ayaw mo naman share…"
“Buti alam mo na kung saan ka lang dapat lumugar." gilalas niya ng sabihin sa pinsan niya.
Iniinis pa rin siya nito habang busy pa siya sa kanyang mga binabasa na trabaho. “Pero, dapat naman siguro na kung wala na kayo. Buksan mo na rin ulit iyang---"
“Isa pa! Kung ayaw mong mapalabas dito sa office ko." bulalas niyang ipinahayag at binantaan ang pinsan niya.
Buti na nga lang at kulang pa ito. Wala pa ang tatlo sa mga pinsan niya na para na rin naman kapatid sa kanya.
Although na wala siyang kapatid. Pero may mga pinsan siya na kasabayan niyang lumaki at mga magkaisip na siya naman kasama niya sa madalas niyang pag-ubos ng oras niya sa tuwing weird siya at nais niya na may mga tao na magcomfort sa kanya.
Nung bata kasi si Troy madalas siya na maghanap ng kapatid na hindi na maibigay sa kanya ng kanyang magulang. Kaya ang ginawa ng mga kapatid ng kanyang magulang. Isinama siya sa mga pinsan niya at duon nag-umpisa na naramdaman ni Troy na hindi pala masaya na maraming maiingay na kapatid.
Pero bata pa naman siya that time. Nang lumaki na sila duon niya narealize na masarap pala ang may mga kapatid, dahil sa may matatakbuhan sila, sa tuwing down ang ilan sa kanila o kahit siya na madalas nuon mabroke gawa na ayaw sa kanya ng babaeng nagustuhan niya.
Hindi pa kasi siya marunong mag-ayos nuon. Medyo weird talaga siya at puro aral lang ang gusto pero dumating siya sa punto ng tuluyan na siya mag-binata at duon natuto na ayusin ang sarili niya na naging pinakamalaking achievement na nakuha niya sa buong buhay niya.
Ngayon ay gwapo siya at hinahabol ng mga babae. Yun nga lang, wala na siyang interes sa mga babae kung ayaw n'ya at hindi niya gusto. Pero bukod sa nabanggit ng kanyang pinsan…
Ang babaeng nang-iwan sa kanya at hindi pa bumabalik…
Ang babaeng nabanggit ng pinsan niya at muli na-paalala sa kanya.
Nang mapabuntong hininga si Troy.
“Sorry na… Pero sige at wag na natin pag-usapan." hayag na ipinahayag ng pinsan niya na tawa-tawa pa rin ito, habang na na-bigkas ng tugunin siya na kanya naman ikina-simangot, ang naging hapyaw nito sa pagsagot sa kanya.
“Bakit ba nandito ka? Ano na naman ba ang nids mo? Tutungo lang dito once na may kailangan ka na matindi at hindi maayos na problema. Kaya wag mo sa akin ibalik. You can't fool me. So be honest with me first, or I will be the first to be honest with you."
Mapanghamon niyang tugon sa nakangiting na nakangisi rin niyang pinsan.
Nang mapabuntong hininga na naman siya at makahugot nang isang malalim. “Nothing, just to make sure that you're okay. Baka kasi naburo ka na sa dami ng trabaho mo dito sa office mo. Dapat di ba na mag-relax ka rin kung paminsan-minsan." pahayag nito kay Troy na kinapa-isip niya naman sa huli.
Napag-isip na naman niya pero mukhang malabo pa sa kanya. Ganon na wala pa rin siya magustuhan o kahit nga mailabas lang ay parang naunahan na siya ng kanyang pagiging pihikan.
So far, he had been single and had never dated. MISAN LANG! Nuon na nakilala niya ang babaeng nang-iwan sa kanya.