CHAPTER 4 - Handsome Businessman

2405 Words
CHAPTER 4 - Handsome Businessman Sa edad ni Gwen ay para na talagang matanda ito makipag-usap at makipagpalitan sa kanya ng mga salita. Kung tutuusin ay dapat sa edad ni Gwen dapat maging magalang pa rin ito at mas matanda siya rito. Pero sa pakikipag-usap at pangungulit nito na paaminin siya kung totoo ba talaga at ilang ulit pa siya nito tinanong mula sa fake news na yon. Kahit hindi nawawala ang salitang “Po" at “Opo" sa pakikipag-usap sa kanya. Kung mag-isip at manalita naman ito ang kinapupuna niya kapag nakikipag-usap sa mga nakatatanda sa kanya at sa kanya ang kanyang madalas na punahin sa kapatid. Pero madalas ay iniisip na lang ni Gia na sa panahon ngayon ay kakaiba na talaga ang mga kabataan sa panahon niya ng nasa edad pa siya ni Gwen. Si Gwen, sa murang edad kasi nito ay mabilis na itong magpick-up ng mga salita na pagdating sa iba ay hindi pa maunawaan. Tulad niya nuon na para pa rin siya mangmang at madalas pa siya pagtawanan pag may mga usapan na wala siya kaalam-alam. Lalo na pagdating sa usapang puso at pakikipag relasyon na hanggang ngayon ay hindi pa rin niya danas kahit may mga kaibigan naman siyang lalaki at mga nanliligaw na lalaki. Ayaw niya lang talaga ang pumasok sa relasyon at lalo ang masaktan siya at maging sagabal lang sa kanyang pagsisikap na makapagtapos sa kanyang pag-aaral. Nakikita rin naman niya but lately lang paano umiyak at masaktan ang mga kaibigan niya dahil sa mga pakikipag break-up sa mga kasintahan. Nakikita niya napapanood kung paano mga magtalo, hindi magkasundo at lalo na kung sa panahon na break na ang kanyang kaibigan sa nobyo o nobya. Pero ito talagang si Gwen ay kakaibang bata. Mas marami pa nga itong alam at mga kwento tungkol sa mga relasyon o kung ano-ano na bagay na wala talaga siya alam. Masyado rin itong matanong at mausisa sa paligid lalo na sa mga tulad ng sitwasyon nito ngayon ng makarinig na balita na siya ay buntis at ang kasintahan na napamalita na nitong mga nakaraan pa na tinutukoy sa nabanggit ni Gwen na ito naman raw ang ama ng kanyang ipinagbubuntis. Matagal na rin nito naririnig ang mga tungkol sa mga napamamalita na marami na lalaki ang dumaan sa kanya. Pero never na nga lang niya pinapansin at iniiwasan na sagutin. Nais niya sana tumawa at matawa nalang sa itsura ni Gwen habang nakikiusap na masagot niya ang balitang yon kung buntis ba siya. Natatakot na rin kasi ito na ngayon ay graduating na siya. Takot itong baka hindi siya makatapos sa pag-aaral at hindi niya matulungan ang magulang niya maging ang ma-suportahan ang mga pag-aaral ng dalawa niyang kapatid. Pero sa itsura nga ni Gwen ay napaka 'seryoso. Malungkot ang itsura ni Gwen at labis ang pag-aalala nito sa kung ano ang isasagot ni Gia sa nakababata niyang kapatid. Nag-aabang ito habang hinihintay ang kanyang pagbukas ng bibig upang sagutin ang issues na bago sa pandinig ng nakababata niyang kapatid. Huminga na naman si Gia ng isa pang malalim. Makaraan naman ay naipikit niya ang kanyang mga mata ng maikurap niya rin iyon dahil sa tila 'bang mayroon na pumasok sa kanyang mata. Kinusot niya ito ng kanyang isang kamay ng mapaluha ang kanyang mata. Nakuha pa na magtanong muli ni Gwen at ulitin lang ang nakailang tanong na nito sa kanya. Pero bago sagutin ang makulit na pagtatanong ni Gwen at makulit na pamimilit na sagutin niya ang tanong nito tungkol sa pagbubuntis niya raw na isa na naman fake news na ayaw nalang niya muna sana patulan. Malalim na pinag-isipan ni Gia ang lahat. Kailangan niyang wag maging matabil ang dila at pangit ang maging salita niya dahil sa mas nakababata pa rin itong kanyang kaharap at kausap. Ayaw niya rin magbigay ng pangit na komento at pagsalungat sa mga maling pagkakalat ng balita ng kanilang kapitbahay tungkol sa kanya. Kung baga ay ayaw niya lang patulan at makapagsalita siya ng masama sa harapan ng kanya na mapag-usisa na bunsong kapatid. Ayaw niya magbitaw ng pangit na salita tulad ng iba na magmumura nalang sa galit, magwala o sisigaw dahil sa tsismis na pinakakalat ng mga tsismosa. Tumikhim si Gia, seryoso at malalim ang paghinga na malumanay at mababa lang ang kanyang pagsasalita. “Makinig ka sa Ate, Gwen. Hindi buntis si Ate, okay. Mali lahat ang mga iyon. Pero isa lang sasabihin sayo ni Ate, anuman ang mangyari magtatapos ako ng pag-aaral at tutulungan ko sila Mama at Papa, syempre, ikaw na rin at si Greg. Suportahan ko pa kayo di ba sa mga pangarap niyo hanggang makatapos kayo ni Greg. Kaya malabo lahat mangyari ang lahat ng tsismis nila kay Ate, saka natatandaan mo pa, lahat ng mga sinabi at binibitawan kong pangako sayo. Tutuparin ni Ate lahat saka hindi ba at iyon naman ang pangako sayo ni Ate, ang pag-aaralin kita at ililipat sa magandang school hanggang sa makatapos ka ng pag-aaral? Pero sa ngayon, magtiyaga ka nalang muna at hindi pa tapos si Ate, pero once na makatapos na ako ng pag-aaral ko. Magtrabaho na agad ako upang mailipat kita sa maganda at maayos na school. Pati si Greg, alam kong pangarap rin niya ang makapag-aral sa school na gusto niya. Hindi lang siya nagsasabi pero alam kong gusto niya lumipat sa kabilang bayan at duon mag-aral." Tumango si Gwen, habang nangingilid na naman muli ang luha sa mata ng maalala ang mga madalas niyang sabihin at pangako sa nakababata niyang kapatid. Wala pa naman ang parents nila habang si Greg ay nasa barkada niya at gumagawa ng homework. “Kaya ano man ang narinig mo na sinasabi nila tungkol kay Ate. Ako nalang ang tanungin mo at sasagutin ka ni Ate, hindi naman kailangan magtago sayo ni Ate, hindi ba? Saka kailanman alam mong ikaw ang una na nakakaalam at pinagsasabihan ni Ate pag may problema ako. Ikaw kasi yung kaya na magtago ng secrets ni Ate di ba?" tu-mango-tango naman din si Gwen dahil sa totoo naman ito. Habang nagpatuloy si Gia sa pagpapaliwanag niya kay Gwen ay humugot pa rin siya ng hininga at humihinto sa pagsasalita pagtila ba nauubusan na siya ng paliwanag at nag-iisip muna. “Kaya naman Gwen, dapat sa susunod si Ate Gia muna ang tanungin mo bago ka makinig at paniwalaan ang mga sinasabi nila. Napakabata mo pa, dapat hindi mo iniintindi ang mga tsismis nila kay Ate, hayaan mo nalang sila sa mga gusto nila sabihin na paninira kay Ate. Ang mahalaga, hindi totoo lahat ng mga iyon. Nag-aaral si Ate ng mabuti para sayo— para kila Mama at Papa maging kay Greg. Lahat gagawin ni Ate makatapos lang para matupad ko ang mga pangako ko sayo." muli ay bukal sa puso na pahayag niya at huminga saka siya ngumiti. Totoo naman lahat ng kanyang winika sa kapatid niya. Nag-aaral talaga siyang mabuti upang sa ganoon ay maging maayos ang kanilang buhay. Pangarap niya maging isang sikat na photographer pero mukhang malabo at malayo pa siya sa kanyang mga pangarap. Kaya sa office muna niya balak na magtrabaho at mag-apply sa ilang mga kilalang kumpanya. Pero may alok na sa kanya na trabaho. Wala pa nga lang siyang sagot mula sa nag-aalok sa kanya na isang mayamang kaibigan. “Ikaw, mag-aral kang mabuti. Ang isipin mo ang pag-aaral mo at hindi ang pansinin at makisali sa mga— Basta mag-aral ka nalang Gwen. Yun lang important ngayon ang makapagtapos tayong tatlo ni Greg ng sa ganun lahat tayo makakatulong at maibalik naman natin sa mga magulang natin ang lahat ng sakripisyo at mga pagsisikap na maitaguyod tayo at makapag-aral kahit kapos sila at panay ang pagtitiis sa hirap ng buhay." Napalunok siya at muli niyang hayag sa kanyang nakababatang kapatid. Isang pangako na kanya na naman ipinangako at binitawan sa kapatid niyang mahal na mahal niya. “Okay po! Ate Gia, nag-aaral naman po ako mabuti. Pero totoo ba talaga na hindi ka nabuntis ng jowa mo?" nang batukan niya muli ito sa naging reaksyon nito mula sa lahat ng mga nasabi niya. “Ang kulit mo. Sinabi na hindi ako buntis. Pasaway na bata ka! Imbis na isipin mong buntis ako. Mag-aral ka na at baka mamaya dumating pa sila Mama at Papa." “Wala naman yan sila Inay at Itay. Mamaya pa sila, tiyak na gabihin na sila mula sa mga pagtitinda ng isda sa palengke." sumasagot na tugon ng nakatawa na si Gwen. “Si Greg? Nasaan siya?" naitanong niya naman ng maalala ang isa pa niyang kapatid. “Nandito ako." nang ikinalingon nila ng sabay ni Gwen ng magsalita bigla mula sa likod nila si Greg. “Kangina ka pa ba diyan?" “Kangina pa! ang ingay niyo nga eh! ang drama pa." mapang-asar nitong tugon mula sa tanong ni Gia. “Ikaw, Kuya Greg you're so bad ahh! Bakit hindi mo naman sinabi na nariyan ka lang pala. Then, what did you say? Hindi naman kami nag-drama ni Ate Gia, where talking something lang naman. Kaya not mention na drumama kaming dalawa." Inatake na naman si Gwen ng maarte nitong pananalita. “Guest what? Kuya Greg, mukhang you're smell like… hmmm… Ohhh! My gosh! Kuya Greg, are you drunk?" Kung seryoso kangina at may pag-iyak pa itong si Gwen kangina habang kinokompronta ang kanyang Ate Gia, ngayon naman ay maarte itong nagsasalita habang nagpapahayag ng kanyang pagtatanong sa kanyang lasing na Kuya Greg. “Slightly! Why? Masyado bang maamoy? Do you think malaman nila Mama at Papa na uminom ako?" “I think so.. But if I can tell them. Panigurado they will know what you did. Or maybe si Ate Gia ang magsasabi kila Inay at Itay…" “Oh my god! Mama, Papa?" nang mapalingon din sila Gia at Grey ng biglang makita nila ang pagkashocked sa mukha ni Gwen. Pero, biglang tawa ito ng malakas ng mabilis at sabay na nagkatinginan sila Greg at Gia. “G-gwenn!" usal na bulalas sa inis ni Greg dahil sa pagbibiro nito ng sambitin bigla habang nag-uusap sila ang pagtawag nito sa mga Mama at Papa nila. “I am so sorry! Hindi ko naman sinasadya na mabuyo kayo sa joke ko." muli na kay arte na nagsalita ng tugunin si Greg. “I am just kidding pero bakit naman naniniwala agad kayo. And, Kuya Greg, why so drunk at umuwi ka pa ng ganyan ang amoy. Bakit hindi ka nalang muna sana nakiligo sa mga tropa mo ng hindi ka nangangamoy alak dito. Look, what— Oh my God! Thank you dahil ayan na nga sila Mama at Papa." Pabiro na naman nito na inusal at tumakbo na palayo sa kanilang dalawa. Kila Gia at Greg na sumigaw naman ito at hinabol si Gwen. Nailing nalang si Gia ng maiwanan ng dalawa niya pang kapatid habang naghahabulan sa loob ng kanilang tahanan. “Gwennnnn!" sigaw-sigaw ni Greg at napagewang ang lakad takbo nito at mabangga pa sa isang silya at maliit na kabinet na pinaglalagyan nila ng mga lumang sapatos at tsinelas na hindi naman madalas magamit dahil sa meron naman na nabili si Gia na mga bagong sapatos at tsinelas na madalas gamitin nila tatlo ng kanyang mga kapatid. Hindi siya madamot. Kaya once na meron siya at may sobra pag-bumili siya nang sa kanya. Dapat meron din para sa mga kapatid niya. At minsan maging ang parents niya binibilan din niya bilang regalo pag may okasyon sa bahay nila. Bumalik na si Gia sa kanyang ginagawa. Nang maisip niyang buksan ang television nila. “Panood!" bulalas ng dalawa niyang kapatid na bagong mga bihis. Si Greg lang pala at bagong paligo na rin. “Kuya, dapat nag-spray ka rin ng cologne. Kaya naman pinaligo mo nalang kasi amoy alak ka pa rin. I smell you, so dapat kinuskos mo rin sana ng maigi ang bunganga mo ng once you spoke with me and Ate Gia. Hindi namin nalalanghap yung amoy alak mong breath." “Gia, tumigil ka na sa pagsasalita mong walang sense. You speak like a b***h. So please don't speak if hindi ko naman hinihingi ang walang kwenta mong turan at pagsagot maging ang comment mong walang sense of humor." “I am sorry Kuya Greg. Na hurt ko ata ang heart mo sa mga nasabi ko. But I am bokal…” “What? Are you kidding me? Or, you may be kidding yourself. Mali pala… Killing yourself." sabay tumawa. Habang nag-aasaran sila Gwen at Greg. Si Gia naman busy sa panood sa TV. May isang Businessman ang ipinakikita at nainterview sa TV. “Wow, so pogi ahh!!!" sambit na ipinahayag ni Gwen. “Ate Gia, ganyan kagwapuhan ang jowa mo at makabuntis sayo. Okay lang, mayaman at mukhang talagang maraming pera. But else, gwapo na at hindi na lugi." sabay na tumawa habang naghahayag si Gwen ng komento sa napapanood nilang guest na lalaki sa isang tv talk show about sa mga kilala at successful businessman sa buong bansa. “What's the name?" “Lucifer raw tanga!" bulalas na hayag at tugon sa maarte na si Gwen. “Oh my goodness! Hindi naman ikaw ang tinatanong… Yung guest sa TV ang tinatanong ko. And I already know na Lucifer ang name ng nasa harapan ko ngayon at panay ang reklamo pero wala naman sense." “Aba't ikaw na bata ka!!!" inis na hayag at hablutin sana nito ang buhok ni Gwen ng suwayin ni Gia, si Greg. “Wala na ako narinig. Wala na ako maintindihan sa mga sinabi nung iniinterview. Kayo na dalawa. Your both to louder napaka ingay niyo bakit hindi na lang kayo mag-situngo sa mga kwarto nito at matulog o kaya naman mag-aral kayo." “Ateee!" “Bakit?" “Nasaan ang kwarto?" bulas nito. Sabay tumawa ng malakas. Saka lang naalala ni Gia na wala nga pala sila mga kwarto at dito lang sa sala nila, sila mga natutulog, maglatag ng kanilang mga banig at maghati-hati pa sila sa kumot. Kaya madalas kung sino ang nasa gilid. Siyang kawawa dahil sa kakahila ng nasa kabilang gilid na nawalan ng sakop sa kumot na maikli at luma na rin. Nawala na sila sa panonood at napunta nalang sa mga talakayan na inabot ng pagdating ng kanilang mga magulang. Agad na sinalubong nila ang mga ito at mga nagmamano, pagbibigay galang sa mga pagod at mga hinihingal pang Mama at Papa nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD