CHAPTER 9 - Why Gia???

2375 Words
CHAPTER 9 - Why Gia??? “Naalala mo na?" tanong ni Troy na kinatango at kinangiti naman, ni Romina. Natatawa na lang itong si Romina sa mga kanyang notes na ibinigay niya sa host ng talk show. Hinabilinan niya rin kasi si Baklang host na kulitin na sumagot si Troy. Sayang nga lang at bigla nalang siya ipinatawag kangina, nang hindi na niya iyon napanood. Ngayon na naalala niya, hindi pa nga pala niya nabisita ito sa CUTETUBE para panuorin ang replay ng isinagawang interview sa kanyang Kuya Troy. Kaya naman napangiti nalang siya at excited na marinig at mapanood ang isinagot nang kanyang Kuya Troy. Pinsan niya lang ito, pero mas favorite niya sa iba. Parang kapatid na ang kanyang turing, kaya mas madalas niya itong pinagtitripan. Madalas kasi itong mapikon sa tuwing aasarin niya at bibiruin sa tuwing magkausap sila. Natutuwa siya pero hindi rin naman makuha nito magalit sa kanya. Tatawa lang din ito nang tulad ng ngayon ay nakikita niya. “Ikaw, Romina… Ikaw may gawa nun di ba? Ikaw ang nag-utos at nag-umpisa kung bakit naging katawa-tawa ako habang isinasagawa ang interview?" “Kuya Troy… Masama ang mambintang ahh! Bakit ko naman gagawin yon? Give me a reason why I have to do that to you? Wala naman diba? So you have no proof that I did, except for the fact that you insist I did it." Tumatawa si Ramona habang kanyang sinasagot ang pambibintang sa kanya ng kanyang Kuya Troy. “Look... Is that still not proof? You're laughing, so I know you're the one who ordered that fagot to tease me and investigate my private life." pagalit niyang wika at pahayag sa natatawa pa ring si Romina. Buti nalang din at nakaorder si Romina ng maiinom at habang umaarte at nanenermon ang kanyang Kuya Troy ay sinasabayan naman niya ng pagsipsip sa baso ng orange juice na kanyang inorder habang sa Kuya niya naman ay pineapple juice. Naisip ni Romina na asarin muli ang Kuya Troy niya, kaya naman isang baso ng pineapple juice ang kinuha niya at inorder para sa pinsan. Subalit panay pa rin ang daldal nito at hindi niya pa maibigay ang juice na ibibigay niya talaga dito. “Is it because I'm laughing? I am the one who immediately accuses you and turns the false accusations against me that I didn't really make." sagot niya naman ng ipahayag ang kanyang pagkontra sa mga paratang sa kanya na siya talaga gumawa. Ayaw niya lang aminin muna, upang hayaan lang ang kanyang pinsan sa kakadada nito at halos lumaki na ang butas ng ilong nito sa inis, pero nakakatawa pa rin naman tingnan. Gwapo nga naman kasi talaga itong si Troy, kahit galit ay gwapo pa rin siya at hindi maitatago iyon. Wala nga lang jowa, walang majojowa. Kasi nga ay masungit at mainitin na agad ang ulo. Pero madali rin naman din lambingin at biruin. “Kuya, let's drink muna." sabay inabot niya yung juice sa dumadaldal niyang pinsan. “Gosh! Talagang dadaanin mo ako sa pa juice. Nakakainis lang kasi, kung bakit, kailangan talaga kung kelan live at marami ang nakakakita, nakarinig, at napapanood ng interview? Duon mo pa talaga ako, kinorner?" he asked, habang inihahayag at kinokontra ang pagtawa at pakikipagsalungatan nitong si Romina sa kanya. “I hope you just asked me. Then you no longer use the media, social media, etc., para lang makuha ang sagot sa tanong mo at malaman kung may girlfriend ba ako sa ngayon, o may tinatago na babae na siyang nakapagbibigay inspirasyon sa akin sa ngayon." sinamahan niya pa nang masama na tingin si Romina na kinatuwa na naman nito at naibuga yung nasipsip na juice pabalik sa baso. “Yuck!" bulalas sabay tumawa ni Troy. Mula sa pagiging seryoso ay natawa na naman siya ng tuluyan kahit pinipigilan niya pero napapangiti at napapatawa pa rin siya ni Romina habang nakikipagpalitan siya ng mga paliwanag nito na ayaw naman niyang paniwalaan. “Maka-yuck ka naman! Mukha kang pusa na diring-diri naman." biro ni Romina na kinamulagat na naman ng kanyang mata. “Romina, you're not still like a baby. Wag kang umarte na parang batang laki sa marumi at magulong lansangan. Wag ka nga humilera sa mga kaibigan mong wala naman mga kwenta kundi ang turuan ka sa mga walang kwenta na pagsagot-sagot mo nang ganyan." Bumalik na naman si Troy sa pagiging seryoso at aburrido dahil sa mga salitang binitawan ni Romina na para dito, masaya lang siyang gamitin at nakakatuwa na nakikita niyang naaasar ang pinsan niyang si Troy. “Stop being childish." panunuway niya kay Romina. “It makes no difference to you, Romina, because it makes no difference to me. You are no longer a baby, unlike before, so I will not treat you like a baby anyway. Especially since you are at the right age now." dagdag pa niyang pahayag sa pinsan niyang nasamid na sa kakatawa dahil sa pakikipag-usap ng pabalang at sagutan sa kanya. “Tama na nga! I surrender myself. Okay ako na po may gawa. So, please lang Kuya Troy wag kang magpaka-OA masyado. Same lang naman tayo. So, be happy nalang and wait…" nang mapahinto siya at kunin ang cellphone. Inalis niya sa pagkakalocked yung phone niya at pumunta sa CUTETUBE. Hinanap niya yung replay ng interview ni Troy, at duon ay napatawa ng napatawa si Romina. Tawa siya ng tawa nang dahil sa napansin niyang bwisit na itsura ni Troy habang nakasalang sa makulit na baklang host. Ipinagpatuloy niya ang panonood habang tinutukso niya si Troy. Habang tawa ng tawa itong si Romina at tuwang-tuwa nang makita at mapanuod niyang naiinis si Troy, nang makailang ulit itong tinanong at binanggit ang tanong sa kung may kasintahan ba siya, asawa, o babaeng nakapagbibigay pa inspired sa kanya. Napansin niya rin ang paggamit ng bading na host sa mga milyong viewers na mga nagtatanong, at nag-aabang sa isasagot ni Troy. Marami kasi naman talaga ang siyang sumubaybay sa segment ng bading na host ng si Troy, ang sumalang sa isang talakayan pagdating sa pamamalakad ng isang negosyo, kung paano maghandle ng libo-libong empleyado. Pero bago pa man tumungo ang mga tanong sa mga iyon, hindi rin talaga tumigil ang baklang host na hindi masagot ito ni Troy. Duon na napahinto ng tawa si Romina, nang matingnan ang seryoso, pero inis na mukha ni Troy habang napabuntong hininga pa ito bago humugot ng isasagot. “Gia" Napamulagat ang mata at napaangat ng kanyang mukha. Tiningnan niya si Troy at nakataas ang kilay nito habang nakita ang reaksyon ng mukha ni Romina, nang huminto ito sa walang tigil na pagtawa. “Gia?" bulalas ng patanong na inihayag ni Romina habang ang mata nakatuon sa mukha ni Troy. Napahinga pa siya ng malalim. “Gia, talaga? Did I hear right?" “Bakit? Bingi ka ba? Haven't you heard?" pabalang niyang sagot kay Romina. “Why Gia? Is Gia also the name of the new one you like? Girlfriend or inspiration? Hindi naman siguro ako nagkamali ng narinig?" takang hayag na itinanong ulit ni Romina nang may ilang ulit kay Troy. Unang pumasok sa isip ni Romina ang kanyang kaibigan si Gia, pangalawa. Wala naman nababanggit sa kanila si Kuya Troy niya na may bagong babae na nagpapatibok rito, o kaya naman ay nagbibigay inspiration. Dahil kung girlfriend, malabo. Dahil sana ay nalaman na niya sa daldal, nang iba pa nilang pinsan. “No one of the two" “Why did you answer that her name is Gia?" “Nothing! Umuwi na tayo. At itong juice, inumin mo nalang sa pag-uwi mo." utos ni Troy kay Romina, sinabi niya rin, dahil sa una pa lang alam na niya ang kalokohan na naisip ni Romina, at naamoy agad niyang isang pineapple juice ang laman nung nasa baso. Kahit, hindi pa man niya iyon nahahawakan, alam na niya sa kulay at itsura pa lang kahit blurred yung kulay. “Halika ka na, umuwi ka na at uuwi na rin ako. And please, next time, don't do that again. What you did did not add to the company's image. You just embarrassed me in front of a lot of people, especially if they were watching while I was on the show and while the host was doing the interview with me. I think Mommy and Daddy would definitely ask that question to find out more about that girl. And it was your fault, Romina." “Nag-sorry na nga, hindi ka ba maka get-over?" “Oo na nga, kaya nga sabi ko umuwi na tayo." sagot naman niya at tumayo na siya sa pagkakaupo. “Tumayo ka na riyan." utos niya pa kay Romina, nang mapahawak pa siya sa lamesa. Naalala niya tuloy, bakit niya nga ba nasambit ang pangalan na Gia, nang kulitin siya at tanungin ng makailang ulit. Muli niya naalala na ito ang madalas na mabanggit ni Romina na pangalan ng babaeng kaibigan nito. “Pero, Kuya Troy, hindi mo pa sinasagot ang dahilan mo bakit mo sinabi mong Gia? Who is she? Bakit hindi mo ipakilala sa amin? Bakit tinatago mo pa siya?" makulit na pahayag ni Romina, habang sinusubukan na sundan palabas ng coffee shop si Troy. “Not now, maybe some other time masasabi ko rin sayo, maipakita, at ipapakilala ko rin siya sa inyo. Dito na ako, sumakay ka na rin sa car na dala mo. Kaya mo naman magmaneho? You're not drunk? Kaya, kaya mo naman umuwi ng mag-isa." addition na pagkakasabi niya, nang tanungin si Romina. “Okay, sana naman pakilala mo na siya. Or, kung wala pa, I have a friend. If you want, ipapakilala ko siya sayo. Maganda siya and I think na magugustuhan mo din siya." biro pa ni Romina, pahayag niya habang nanonood na makasakay na si Troy sa sasakyan.. Pinagmamasdan niya lang naman si Troy, habang umalis na nga ito paalis. Si Troy naman ay napaisip, napailing nalang habang tinatawanan si Romina sa kanyang side mirror. MAKULIT TALAGA ANG BABAENG 'YON! Nang naibulong pa, ni Troy habang nagdire-diretso lang ang kanyang pagmamaneho. Naiisip niya na hindi siya titigilan ni Romina, pero anong gagawin niya ng hindi naman totoo ang tungkol sa babaeng nasabi niya na nagbibigay inspirasyon sa kanya sa talk show na nagsagawa ng isang TV interview sa kanilang kumpanya. Saka lang muli naisip ni Troy ang babaeng nakabanggaan niya kangina. Maganda ang babaeng yon, kaya nga lang ang nasa isip niya ay si Romina. Natitigan niya pa itong mabuti ng masulyapan niya ito. Cute naman yung babae, sa isip niya nasambit niya ito kangina. Kaya nga lang, dahil sa ayaw niya sa dumi. Hindi niya iyon pinansin at umalis nalang siya, iniwan ang babaeng siya rin naman ang may kasalanan kung bakit nabangga ito sa kanya, dahil sa hindi pagtingin sa dinadaanan nito. Tulad niya ay mukhang nagmamadali rin ito. Sa palagay ni Troy, nang biglaan at nabigla rin siya ng may bumangga sa kanyang dibdib. Nasaktan din siya, ang pagkakaiba nila lang ay hindi siya tumilapon na gaya ng sa babaeng. Dahil kung nangyari, baka hindi rin nakapagpigil si Troy. Nakauwi na rin si Troy, habang si Romina nasa biyahe na rin habang kausap si Gia. “Sorry talaga, hindi na kita inihatid sa terminal." makailang ulit nagpahayag si Romina ng kanyang paghingi ng despensa sa kanyang kaibigan. “Okay nga lang 'yon. Ang kulit mo rin.' “But it was my fault. Kung hindi kita hinayaan na lumakad papunta sa terminal. Hindi ka bumangga sa siraulong lalaki na yon." bulalas ni Romina, galit sa lalaki na bumangga sa kanyang kaibigan. Kasalukuyang pa rin siya nagmamaneho. “Nakauwi ka na?" “Oo, halos kararating ko pa lang" Kararating nga lang talaga ni Gia, kapapasok niya pa nga lang sa gate ng bahay nila. Sosyal itong si Gia, dahil sa may gate nga talaga ang bahay nila. Pero gawa lang ito sa kahoy na ginawa ng kanyang ama. “Kumusta naman? Hindi ka naman ba naging awkward kangina habang commute ka sa jeep?" natatawa na tanong ni Romina habang ito ay nagmamaneho pa rin ng kanyang sasakyan. Wala na naman traffic. But she's driving little by little para safe na makauwi sa bahay niya. At syempre dahil naka on call siya kay Gia, para kumustahin ito sa naging biyahe commute pauwi sa bahay nila. “Medyo weird kung alam mo lang at nakita. But it was okay, okay lang naman. Kahit pakiramdam ko buong biyahe ko pauwi dito sa bahay. Para bang mga mata ng mga pasahero nasa akin na lahat ang tingin." Sa sinabi at kwento ni Gia, napapreno si Romina. “Why?" kinabahan na tanong ni Gia, narinig niya kasi ang malakas na pagpreno ni Romina. Muntik na kasi itong mabangga. “Hey! Pusang gala! Ano bang nangyari? What happened to you? Ayos ka lang ba?" Nag-aalala na sabi ni Gia, napahinto rin siya sa paghuhubad ng kanyang suot na basang damit. Pero hindi na sumagot si Romina, bigla nalang itong nawala at naputol ang tawag kay Gia. She's weird, ano naman kaya ang nangyari kay Romina? Binubulong ni Gia, habang ipinagpatuloy nalang muna ang paghubad ng basang damit niya at pagpapalit ng panibagong damit nang dahil sa nilalamig na rin siya. Giniginaw na nga siya kangina pa at mukhang pakiramdam na niya na magkakasakit na siya dahil sa panlalamig at biglang init ng pakiramdam niya. Nabahing na siya ng makailang ulit. At panay singhot sa natulong mainit na liquid mula sa kanyang ilong na nagnanais na lumabas. Pero dahil sa marami na din ay kanya na itong isininga. MUKHANG SISIPUNIN PA AKO. nasambit niya habang naghilamos na muna siya ng kanyang mukha. Pagkatapos ay saka na siya nagpunas ng kanyang mukha na basa sa tubig na pinanghilamos niya. Busog pa naman din siya. Kaya naman ang gusto niya ay mahiga na at matulog nang magpahinga na muna dahil sa bigat ng pakiramdam niya sa kanyang sarili at dahil sa bumabagsak na rin ang kanyang mata na nais na pumikit. Lumabas siya ng CR, naglatag ng kanyang mahihigaan saka naman siya nahiga sa tabi ng kanyang mga tulog na nakababatang mga kapatid. GOOD NIGHT SELF! bulong niya sa mahina nang pumikit na rin siya at tuluyan na dinala ng kanyang antok, sama ng pakiramdam at saka nakatulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD