CHAPTER 8 - Collided
Bago pa man sila nagkahiwalay ni Romina, tumunog ang cellphone nito. “Wait lang, Gia, sasagutin ko lang ito." nang sagutin nga ni Romina ang tawag sa kanya at tumalikod pa ito habang seryoso na nakikipag-usap.
“What? Pauwi na nga ako, ihahatid ko na nga yung friend ko." bulalas na pahayag ni Romina sa tumawag sa kanya.
“Leave her, pauwiin mo siya na mag-isa. I need to talk with you. Gusto kitang kausapin." pagalit na seryoso na sambit ng pahayag ng kausap ni Romina.
“But…"
“Anong but? But-batin kaya kita ng malaman mo. Ang laki ng kasalanan mo sa akin. Kaya, antayin mo ako, pauwiin mo mag-isa yung kaibigan mo at bigyan mo ng pamasahe ng makauwi mag-isa ng hindi mo na ihatid sa kanila."
“K-kuya!"
“Don't call me, Kuya. From now on, I don't want you to call me Kuya. Nakakairita, sa laki ng kasalanan mo sa akin kangina, I don't want to hear from you na tawagin mo akong Kuya sa kabila ng pangpalaglag mo sa akin kangina. Nakuha mo pa talaga akong tawagin na Kuya? Hoy, Romina…"
Hayag sa inis nito mula sa kabilang linya.
Si Troy ang kausap ni Romina, napag-alaman kasi niya na si Romina ang nag-suggest sa host na bakla na ipitin siya sa interview niya.
Kaya naman pala ganun nalang, at paulit-ulit ang pagtatanong nito at pamimilit, tungkol sa usapin sa kanyang personal lovelife.
Kaya, dapat na kasama siya sa celebration nila ng kanilang mga pinsan, nagsabi siyang malate lang siya ng dating mula sa usapan nila.
“Hindi kita maintindihan. What do you want Kuya? Okay, sige, aantayin kita." bulalas ring pahayag ni Romina sa kanyang Kuya Troy.
Naiinis din siya sa ginagawa nitong pang-iinis sa kanya. Kaya matapos maibaba, ang tawag ni Troy. Saka naman niya hinarap si Gia.
“Gia, I am sorry pero hindi kita pala maisasabay papunta sa may sakayan. Yung pinsan ko kasi, tumawag at gusto na makipagkita. Tinotopak na naman siguro, nakakainis dahil sa binubuska niya ako at hindi ko alam ang gusto ng pasaway na yon."
Maarte na naiinis na kayang ikinuwento habang kanya ring inihayag ang hindi niya pagpapasabay nito sa kay Gia, papunta sa may sakayan ng jeep pauwi kila Gia.
“Okay lang naman. Ang lapit lang kaya!" ang bulalas niyang hayag. Kahit ang sagot niya kay Romina ay taliwas sa katotohanan.
Napakalayo ng sakayan, mula sa coffee shop papuntang paradahan ng jeep.
Hindi pa nagsasakay kasi ng pasahero sa tapat ng coffee shop. Lalakad ka pa ng pagkalayo, bago ka makasakay ng jeep. Habang ang terminal naman ng jeep kung saan ay pumaparada, ang mga nakapila na jeep na nag-aantay ng pasahero. Sa kabilang side naman ito, at kailangan pa ni Gia ang tumawid sa kabilang kanto upang makarating sa mismong terminal.
Kaya naman mahabang lakaran ang gagawin ni Gia ngayon, na hindi siya maisasabay ni Romina sa kabilang kanto.
“Alam mo nakakainis talaga itong isang pinsan ko na yon." umikot pa ang itim sa mga mata ni Romina habang inis pa rin siya na nagpahayag ng kanyang pagkadismaya ng hindi niya maihatid si Gia.
“Okay nga lang ako, hayaan mo na yung pinsan mo. Baka namiss ka lang siguro, kaya nais kang makita ngayon. Maikling lakaran lang naman, bakit hindi ko ba kayang lumakad? May paa naman ako… Saka, hindi naman ako disabled para lagi mo nalang ako intindihin sa mga araw na magkasama tayo."
Napapangiti na nagbiro si Gia, hindi naman ata nagustuhan nito ni Romina ng simangutan siya at singhalan.
“Sige na, baka mas kagalitan ka pa ng parents mo, anong oras na… Ingat ka nalang ahh, hindi na kita, ihatid sa sakayan, at madagukan ko yung pinsan ko. Kasalanan niya eh!" bulalas na hayag pa muli sa inis pa rin nitong si Romina.
Ngumiti na lang din naman itong si Gia, mabigat ang paa na lumakad ng nakatalikod na siya, kay Romina.
Huminga ng malalim si Gia, habang focus sa kanyang paglalakad. Nailibot niya pa muna ang kanyang mata sa coffee shop. Iilan na lang din ang mga tao, wala na gano, customer nang dahil sa anong oras na nga, at papasarado na nga rin ang coffee shop.
Lakad pa rin si Gia, hanggang sa narating niya ang labasan. Ang entrance ng coffee shop kung saan siya pumasok kangina.
Binuksan niya yung pinto, itinulak niya ito palabas at saka siya lumabas duon.
Nakalabas na nga rin siya, nang bigla naman din umulan.
“Ang malas naman." nang naibulalas niya pa at maibulong habang ang kanyang kamay ay kanya ring pinang-talukbong sa kanyang ulo.
Huwag lang talaga mabasa, at baka umuwi pa siyang tumutulo ang damit niyang suot, nang dahil sa nabasa siya ng ulan.
Papa-takbo na nga sana siya upang takbuhin bago pa mag-green yung traffic light. Gusto na niya makatawid agad, kaya nagmamadali siyang inihakbang ang paa, nang malaking hakbang na parang tumatakbo.
Kaya nga lang sa kanya naman kamalas-malasan. Nang bigla nalang siya tumilapon at napaupo sa basang simento.
Nabangga siya sa isang malapad, matibay at may katigasan.
Hawak niya ang ulo niya na nauntog, maging ang kanyang pwet na basang-basa sa tubig ng dahil sa pagkakaupo niya sa sahig.
“Aray!" nakangiwi niyang sambit habang hinihilot ang balakang na masakit.
Malakas din ang impact ng kanya na pagbagsak. Kaya natural na makaramdam siya ng sakit sa lakas din ng kanyang pagkakabangga sa hindi niya pa alam, pero mukhang clue na kanyang naisip.
TAO!
Tao ang kanyang nabangga, dahil sa amoy nitong perfume na pagkabango.
Natulala pa si Gia, nang kanya itong makilala.
“Si Mr. Bachelor!" ang sambit niyang pabulong.
“Baka namamalikmata lang ako." nang kusutin niya pa, ang kanyang mata.
“Siya nga!" nang muli niyang hayag, bulalas.
Kaya nga lang ay hindi siya nito pinansin.
Saglit nga lang siya nito na sinulyapan, pero, ni hindi man lang siya nito kinamusta o tinanong kung okay lang ba siya buhat sa pagkakatilapon niya sa semento ng kalsada kung saan sila mga nagkabanggaan.
“Antipatiko pala ito! Kala ko naman mukhang mabait, sa personal pala, mukhang mayabang at suplado." napanguso niyang bulong ng talikuran na siya nito, habang pinipilit niyang makatayo.
Medyo pakiramdam niya nga ay parang naipitan siya sa kanyang talampakan. Dinadaing ni Gia iyon, pero wala na si Troy, nang nakatayo na siya at iika-ikang lumakad papunta sa kabilang side ng kalsada.
Si Troy naman ay dumiretso lang nang kanyang paglalakad.
“Mukhang okay naman!" bulong din nito habang lumalakad papalapit na sa coffee shop.
Hindi na rin niya nilingon pa ang babaeng kanyang nabangga.
Hindi nga rin niya tinulungan nang makita niya na ayos naman at mukhang kaya na tumayo. Ayaw niyang marumihan ang kanyang kamay, lalo ng makita niya kung gaano karumi yung kamay nung babaeng nabangga niya na napahawak sa basang simento ng kalsada.
Masyado maselan itong si Troy, lalo na pagdating sa mga kalinisan.
Takot na takot siyang marumihan, lalo at alam niyang maraming germs ang maaari na kumapit sa kanya oras na hawakan ang babaeng nabangga.
Kaya naman, imbis tulungan ay kanya na lang itong tinalikuran.
Malapit na siya sa entrance ng coffee shop kung saan ay naroon si Romina na kanyang pinsan na kanya rin sana kikitain, upang sitahin sa mga nagawa nitong kasalanan.
Hahawakan nalang niya yung handle ng pinto, naglabas pa siya ng tissue paper na nasa bulsa niya.
Meron naman pala siyang dala. Kung bakit, kangina ay hindi man lang niya binigyan yung babaeng nabangga at napaupo sa basang simento.
Napakasama ng ugali talaga ni Troy pagdating sa mga babae. Parang hindi pa siya na inlababo sa lagay na 'yon. Pero ang totoo ay minsan na rin siyang nagmahal. Ngunit, hindi nga lang nagtagal ng iwanan siya at lumayo ito, iniwan siya para sa isang career na pinagpalit sa kanya.
Ikakasal na nga dapat sila. Subalit, nang dahil sa ginawang biglaan na desisyon ng babaeng pakakasalan niya. Naputol lahat at natigil lahat ng kanyang pagpaplano para sa kanilang dalawa ng babaeng kaisa-isang minahal.
Kaya ngayon, malungkot at seryoso ang buhay ni Troy, puro lang siya trabaho. Kaya nga ayaw na ayaw niyang umuwi sa bahay sila ay kung bakit madalas na ungkatin ng kanyang magulang ang mga nakaraan nila ng babaeng nang-iwan sa kanya.
Hindi naman siya sumasagot, ayaw niya talagang sumagot at pinipigilan niya ang kanyang sarili na sumagot sa lahat ng mga tanong, akusasyon at kung ano-ano pang dapat niya raw sagutin pero mas pinipili niyang maging tikom at huwag sumagot sa lahat ng tanong.
Malayo pa lang, tanaw na niya si Romina na nakasimangot at pagkahaba ng nguso habang nakatuon ang tingin sa kanyang cellphone.
Bago pa siya makalapit ay may tinawagan ito.
“Nasaan ka na?" tanong niya ng nag-aalala.
“Nasa sakayan ka na ba?"
“Wala pa! Ang malas ko nga, nakakaasar."
“Bakit?" takang tanong ni Romina na kanyang inihahayag habang kausap niya ay si Gia na nag-papagpag pa ng kanyang basang damit.
“Nabangga ako kanina habang tatawid na sana ako. Tumilapon ako, bumagsak ako sa kalsada, sa semento na may tubig at basa na dahil sa ulan, basang-basa tuloy ako. Para na tuloy ako naihi nito sa sobrang basa, nagmamadali kasi ako, hindi ko na napansin yung lalaking nagkabanggaan ko. Kelan pa talaga umuulan. Saka naman ako minalas ng ganito." naiinis na naluluha na pahayag niya kay Romina.
Kasalukuyan pa rin siya na nakatayo, nag-papagpag ng kanyang suot na damit na nabasa sa ulan.
“Hintayin mo nalang ako, wait. Inaantay ko lang si Kuya, later pag-nandito na siya, subukan kong magpaalam na sa kanya. Antayin mo nalang ako… ako na ang maghahatid sayo ng hindi ka na mag-commute, mahirapan kang bumiyahe ng ganyan ikaw, at basa."
“Hindi na, papa-sakay na rin ako sa jeep. Pinagpag ko lang muna yung damit ko, nang hindi ako nakakahiya na sasakay sa jeep ng basang-basa."
Sagot ni Gia, nasa may terminal na rin siya at nakarating na rin sa wakas ng matanong muli siya ni Romina. Inaayos niya lang ang kanyang sarili upang hindi naman siya nakakahiya na uupo ng basang-basa sa upuan ng jeep at kakatas naman ang tubig sa kanyang katabi.
Baka mamaya ay makarinig pa siya ng mga sarili ay hindi niya pa mapigilan ang sarili mapaaway pa siya dahil lang sa basang damit na suot niya.
Maging kasi ang pag-itaas niyang kasuotan ay nabasa na rin ng bumuhos ang malakas na ulan after niya makatawid. Buti na nga lang at may nakita siyang masisilungan. Kaya duon muna siya nagpalipas ng ilang sandali hanggang tuluyan na tumila ang ulan.
“Ganun ba, pero sure ka na ayos ka na?"
“Oo, okay na ako. Give nalang ng details para bukas." nang kanyang maalala ang pinag-uusapan nila kangina.
“Sige, ingat ka… tawagan kita, bukas ng umaga. Send ko nalang din sayo Yung details, address kung saan ka pupunta." Ang sagot naman ng nag-aalala pa ring si Romina, hindi na niya napansin ang isang tao na bigla nalang tumayo sa kanyang harapan habang nakikipag-usap pa rin siya at nagpaalam na rin naman din si Gia sa kanya.
“Okay sige, paalis na itong jeep. Ibaba ko na muna." nang sabihin ni Gia, ibinaba na nga niya talaga ang tawag ni Romina, sumakay na rin siya sa jeep na naghihintay ng pasahero, kaya hindi muna siya sumakay.
Habang si Romina, nagulat pa at lumaki ang kanyang mata. “Kaloka, Kuya Troy, bakit ba nanggugulat ka?"
“Hindi naman kita ginugulat. Ikaw ang nagulat, hindi ko kasalanan yon." pabalang nitong hayag sa tumaas ang kilay niyang pinsan.
“Bakit ba kasi nandyan ka? Nakatayo, bakit hindi ka maupo." singhal na hayag ni Romina, sa gulat niya muntikan pa siya mapasigaw.
Nagulat nga siya, muntik na rin sumigaw kung hindi nga lang agad niya napansin si Troy at mapigilan ang sarili na napasigaw.
“May kausap ka pa!" Sagot ni Troy.
“Ano kung may kausap?" bulalas na tugon naman ni Romina.
“Sabi mo, bastos 'yon." giit at paalala ni Troy.
“Sus maria! Palusot pa!" salitang balbal at pabalang na natutunan ni Romina sa tuwing makakabiruan si Gia.
Napamulagat ang mata ni Troy, ngayon niya lang din narinig ito. Pero, minsan nasasanay na rin siya kay Romina at may mga time itong nagsasalita ng hindi naman din niya alam ang kahulugan.
“Jejemon ka talaga, Kuya Troy. Makalusot ka lang… Hindi naman halata, sabihin mo nakinig ka lang sa usapan namin ng kausap ko."
“Kahit tumayo, o maupo ako sa tabi o harapan mo. Maririnig ko pa rin pakikipag-usap mo. Baliw!" nang kanyang hayag.
Maging salitang baliw ay natutunan na rin niya kay Romina.
Tumawa tuloy ito. “Naks, mahusay ka na…"
“Ikaw na mga nagturo sa akin nang mga salitang hindi ko naman dati nasasabi. Pasaway ka talagang bata ka!" bulalas niya at tumawa.
Hindi na rin napigilan ni Troy ang tumawa. Madalas kasi ay tatawa lang si Romina sa tuwing magtanong siya sa mga salitang kalabaw nito. Mga salitang kalye at sablay na mga patutsada ni Romina sa tuwing susubukan niyang sungitan ang kanyang pinsan.
“Bakit mo ba gusto makipagkita?" tanong ni Romina agad nang nakaupo na siya sa tapat nito.
“Buti naman pinaalala mo." sagot niya na pahayag. “Ikaw na bata ka, bakit nilagay mo ako kanina sa ganung sitwasyon?"
“Hindi kita maintindihan Kuya."
“Hindi maintindihan? O baka naman ayaw mo lang maintindihan?" gilalas niyang singhal.
“Oo nga, hindi talaga kita maintindihan sa gusto mong tunguhin. Ano ba kasi ang nais mong tukuyin? Bakit hindi mo pa ako diretsuhin?" hayag ni Romina, naguguluhan pero sa huli nanlaki ang mata at tumawa na lang siya nang kanya na maalala ang mga nabanggit ni Troy sa kanya.
“Oh my God!" ang maarteng pagkakabulalas niya sa gulat at saka niya tuluyan naalala ang mga ginawa niya para sa segment ng isang sikat na TV show at tv host na nag-interview kangina kay Troy.
Napatawa nalang si Romina habang inaalala at naisip na ngayon kung bakit si Troy biglang napasugod, sa kanya at ngayon na naka-tabingi, ang nguso at nakangisi na nakatingin sa kanya habang nakangiti siya.