CHAPTER 10 - Nervous Umaga na! Kakasikat pa lang nang liwanag ng araw ng tumawag na agad itong si Romina. Hindi pa nga siya nakapag hilamos ng mukha, kahit nga na makapagmumog ng bibig niya. Hindi pa rin, kahit toothbrush ng teeth, hindi pa rin. Kasi nga ay kagigising niya lang ngayon, halos napabalikwas siya ng kanyang pagbangon nang bigla nalang tumunog ang cellphone niya. Ayaw pa nga halos dumilat nang kanyang mga mata, naunat-unat niya pa ang kanyang dalawang braso, kasabay ng pagbuka nang bibig niya, dahil sa naging paghikab. NAKAKAANTOK PA! wika niya. Kung bakit wala pa rin siyang naging tulog dahil sa pagkamulat ng mga mata niya ng marinig niya ang malalakas— Puro kulog at kidlat ang narinig niya ng magising siya at naalimpungatan kangina dahil sa lakas at walang tigil na pag-