CHAPTER 1 - Seriously, talk with Gia.

1114 Words
CHAPTER 1 - Seriously, talk with Gia. "Até, a-ateeeee!" Sigaw ng kapatid ni Gia habang tatakbo papalapit sa kanya. Nasa isang upuan siya nakaupo at nagbabasa ng mga libro ng mga paborito niyang magazines. Isa-isa niya kinokolekta ang lahat ng magazines na mai-bigan niya at kasama na nga ang lahat ng mga hawak niya at nakakalat sa kanyang harapan. Hinihingal pa ang bunso niyang kapatid na tumatakbo pa rin at halos madapa na sa pagtakbo na kanyang ginagawa. Si Gwen, sixteen years old. First year in college pero parang bata pa rin kung kumilos at magsalita. Pero kahit ganun ay mabait naman ito at madalas na naatasan niya pagdating sa gawaing bahay. May isa pa siyang kapatid si Greg na sumunod sa kanya at ngayon ay nasa kolehiyo na rin. Second year in college at papunta na rin sa third year sa susunod na taon. Eighteen years old naman ito habang si Gia ay Twenty years old. Pero may pagka 'pasaway si Greg na malayo sa kay Gwen pero mabait din naman ito at nauutusan niya saka sumusunod naman din ito sa mga kanyang pinag-uutos at nakikinig sa mga pangaral niya bilang nakatatandang kapatid sa kanilang tatlo. Fisherman ang Tatay nila habang ang Ina naman nila ay ang taga benta ng isda sa mga humahango at may pwesto sa palengke. Kung maraming huli naman ang ama nila ay nagtutulong-tulong naman sila sa paglalakad at paglalako ng isa sa mga kakilala, kaibigan, kapitbahay at madalas na nag-babahay-bahay sila maubos lang ang sobrang isda ng kanilang mga magulang ng sa ganun masuportahan sila sa kanilang pag-aaral na tatlo. Mahirap din ang buhay nila dahil sa kapos madalas lalo na kung mahina at matumal ang huli ng isda ng kanilang ama o kaya naman ang bentahan ng isda sa palengke dahil sa madalas mas pumapabor na rin ang mga tao sa mga frozen fish na hinahango sa mga mangangalakal na dumadayo pa sa kanilang bayan upang mag-kalakal ng mga murang isda. Mas mura ito kasi frozen. Habang ang fresh ay malayo ang presyuhan sa frozen na mas mababa ang bentahan sa merkado. “Ano 'bang problema? Halos madapa ka na sa pagtakbo mo— pwede naman lumakad diba?" bulalas niya ng punahin at sutahin ang kanyang hinihingal na nakababatang kapatid. “Bakit ba kailangan tumakbo? Hindi naman ako aalis sa kinauupuan ko. Ano ba't natakbo ka? Huh! Gwen, sige nga at tingnan mong maigi ang itsura at sarili mo." Bulalas niya pa rin at sininghalan ang bunso nilang kapatid. Hinihimas ni Gwen ang dibdib at maging ang lalamunan nito na nanuyo at halos maubusan hininga dahil sa kawalan ng tubig sa kanyang lalamunan. “May tubig ka Ate?" mabibilis ang bawat paghinga nito. Dahil iyon sa mabilis at nagmamadali nitong pagtakbo kangina papalapit sa Ate Gia niya. “Heto!" abot niya sa kanyang lalagyan ng tubig na binili niya pa may ilang taon na rin nito na ginagamit mula ng mabili niya sa palengke. “Wag mong ubusin!" pabiro lang iyon na kanyang hayag sa kapatid na nagmamadali maging sa pag-inom at paglagok ng tubig. “Tama na, ubos na yung tubig ko." Mataray niya na sabi pero kinatawa niya rin ng matawa ang kapatid ng masamid pa ito at maghabol na naman ng hininga dahil sa pagkakasamid at naibuga pa ang tubig sa kanyang harapan. “Ayy, Gwen naman. Bakit sa akin mo pa talaga iniharap at binuga?" bulalas na naman niya ipinahayag ang pagkainis niya ng mabasa ng tubig at mailansikan ang mga kanyang magazine. Pinunasan agad niya iyon at nagmamadali niyang tinuyo ang ilang pahina na nabasa ng tubig. Inis siya pero kanyang pinipigilan na bumulalas ang pagkainis, sa kapatid niyang isip bata. “Sorry po, Ate!" aniya na magalang na pagkakasabi at malambing na humingi ng pasensya kay Gia. Kinabuga nang malakas ni Gia, mailabas lang ang inis kesa ang magsalita siya ng pangit sa kapatid niya. Ayaw niyang gawin ito lalo na at para pa rin ito bata at tila hindi pa rin nagmamature sa edad nitong sixteen years old. “Bakit ba kasi— makita ka nila Mama makagagalitan ka pa n'yan dahil sa itsura mo." hayag niya gilalas sa kapatid na natawa pa matapos na sungitan ng kanyang Ate Gia. Talagang parang batang paslit ang itsura na nakangiti na nakangisi. Kamot ang ulo at ang damit ay kay dumi-dumi. Para rin ba ito nanggaling sa kung saan at nakipaglaro o nakipag-away na naman. Naiisip ni Gia na mukhang galing na naman ang kapatid sa isang labanan sa dungis, pagka-dugyot ng suot nitong damit. Para nga itong nakipag-away at nagpagulong-gulong, dahil sa nakikita niya ang mga sugat at galos nito sa mga braso at ilang parte ng katawan. Baka mini short lang si Gwen habang nakasando ng puti. Kaya yung damit nito ay nagkulay kapo na may pagkakahawig sa chocolate. Kaya madali lang mabasa at malalaman na nagmula nga ito sa pakikipag-away dahil sa gusot-gusot din nitong buhok. At ang tsinelas nito ay may mga putik. Yung isang daliri nagdurugo. “Nakipag-away ka na naman ano?" bulas niya na inihayag ang pagtatanong na napabuga sa paghinga naman si Gwen na nakuha na rin ni Gia ang sagot dahil sa buntong hininga ni Gwen. “Sorry po, Ate…" nang hindi makapagtuloy ng sasabihin sa takot at baka na makagalitan siya, nang kanyang Ate Gia. Maging si Gia na napabuntong hininga. Naaawa siya at nag-aalala na rin dahil sa itsura ng kanyang bunsong kapatid ng hindi pa niya alam kung bakit ito napaaway at paano na naman ito nasangkot sa away. Nag-aalala siya, kaya naman kumuha siya ng mapunas na basang bimpo nang tumayo siya mula sa pagkakaupo. Nakayuko lang si Gwen nang tumayo si Gia upang lumakad papunta sa kusina nila para makakuha ng planggana na nilagyan niya ng malinis na tubig saka niya binitbit kasama niya pabalik sa pwesto niya kangina. Pero bago muna siya tumungo pabalik sa pwesto niya na ngayon ay si Gwen ang pumalit ng paupuin niya ito ng siya ang tumayo. Dumaan muna siya sa kwarto nila at kumuha ng damit na maaari na mai-pasuot, at maipampalit ni Gwen mula sa maruming damit na suot nito. Nag-aalala rin siya na baka maabutan ito ng kanilang magulang na ganun ang itsura tiyak na makagagalitan ito at mabubungangaan ng kanilang Mama na kung makapagsalita sa kanila ay tumatagos sa mga puso nila. Galit ng magulang, salita ng magulang at pag-aalala lang ng isang Ina na ayaw lang na nakikita na nasasaktan ang kanyang mga anak. Nauunawaan naman ni Gia iyon bilang anak at nakatatanda sa kanilang tatlo ng mga kapatid niya. Kaya naman siya ang matanda siya ang mas umuunawa at madalas na sumasalo sa galit ng kanilang magulang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD