PROLOGUE - Suddenly nausea

1147 Words
PROLOGUE - Suddenly nausea Lunch na at mainit dahil sa mataas na sikat ng araw. Madami ring mga dumadaan na sasakyan buhat sa mga kalsada na siyang nagdala ng trapiko sa mga sasakyan. Mahaba ang mga pila ng mga sasakyan dahil sa mahabang traffic sa lansangan. Kaya naman naisip ni Gia ang maglakad na lang kesa ang sumakay at dadaan siya sa mahabang traffic. Baka hindi pa siya umabot sa kanyang part-time job na pinapasukan. Gaya ng kanyang inaasahan ay natatanaw na nga niya ang napakahabang traffic na napuno ng mga kanya-kanyang pwesto na mga sasakyan at walang malaman saan mga dadaan at mga lulusot. Kaya ang naging resulta ng mga pasaway na sasakyan na mas nagdudulot ng traffic ay naipit sa traffic na sila rin mga may gawa. Ang ingay pa ng mga maiingay na sasakyan na kanya-kanyang pindot ng busina. At ilan pa ay mga nagpapalitan sa pagbusina na parang mga musika na nakakabingi at hindi nakakatuwa at nakakaganda sa pandinig ng mga dumadaan sa kalsada. Ang mga tao mga nakatakip pa ng mga taenga nila. Habang ang mga kawawang commuters na mga nakasakay sa pampublikong sasakyan ay mga maiingay at sumisigaw habang nagagalit na rin at mainit ang ulo ng dahil sa sobrang traffic. Kung tutuusin ay hindi naman mga kasalanan ng mga driver iyon. Pero may ilan din kasi sa mga pampublikong sasakyan ang mga pasaway at naging dahilan din ng traffic ng dahil sa paliko-liko na pwesto at kung saan-saan mga nakabalandra. That's why Bea is happy and still smiling as she hurriedly walks down the middle of the street. Ayaw niya kasi mahuli at malasin sa pakikipagbuno at pag-aantay na lang na gumalaw ang traffic. Nagmamadali na siya na naglalakad. Binilisan ang bawat kanyang hakbang ng bigla nalang siya mahilo. “Miss! Are you okay? Mukhang may sakit ka, namumutla ka---" “Poh?" aniya niya habang napasapo at naihawak ang kanyang kamay sa noo. Nag-angat siya ng kanyang mukha at napatingin sa Ale na nagtanong sa kanya. Bigla nalang siya nahilo at para siyang babagsak sa kanyang pakiramdam kaya mabilis din siya na napahinto sa kanyang mabilis na paglalakad. Pinakikiramdaman niya ang sarili pero para siyang nawawalan ng kanyang kotrol sa sarili. Pakiramdam din niya ay bumibigat ang kanyang mga talukap ng kanyang mga mata at para na rin itong pipikit ng dahil sa kusa itong bumabagsak— At hindi na rin mapigilan pa… “Miss okay ka nga lang ba?" muli na pahayag ng pagtatanong ng babae. Isang babae ang nakasalubong niya at nagtanong sa kanya ng bigla nalang siya mahilo at maging manlabo ang kanyang paningin habang naglalakad siya sa kahabaan ng edsa. “Ayos lang po ako." sagot niya na nai-pikit-pikit niya pa ang kanyang mga mata. Huminga rin siya ng pagkalalim at naibuga. “Nahilo lang po ako." pagdadahilan niya sa babae pero ang hilo na nararamdaman niya may halo na pagkalam ng sikmura. Mali! ang sabi niya pa sa isip ng nangangasim at para bang may umiikot sa sikmura niya na para naman lalabas, o gusto lumabas sa kanyang bibig. Sa madaling salita! Nasusuka siya. Naduduwal siya at parang nais unahon ng kanyang kinain. “T-teka— wag dito." pigil na sabi ng babae at inalalayan siya nito. Bakas sa mukha nito ang biglang pagbabago ng awra ng mukha dahil sa takot na baka masukahan s'ya at wala pa naman pamalalit na dala. Inalalayan siya, nataranta na rin yung babae at siya na paghila sa kanya at inalalayan siya na makaalis sa maraming tao. Marami ang mga naglalakad sa daan kung saan ay bigla siya halos mawalan ng panimbang at gewang-gewang na naglalakad nang mapansin siya ng babaeng may akay sa kanya. “Ano ba kasi nangyari sayo?" napahawak siya sa sikmura niya at nai-angat din niya ang kamay papunta sa kanyang bibig. Habang kanyang pinipigilan ang paglabas ng nasa kanyang bibig. Yung isip niya naglalakbay habang iniisip ang nangyayari sa kanya at kung bakit ganun ang nararamdaman niya na ngayon ay hindi na talaga niya mapipigilan dahil nakaipon na lahat sa kanyang bibig. Naikot at umiikot ang sikmura niya ng tuluyan na nga naibuka ang bibig. Naisuka na niya ang laman ng bibig niya at madami pa. Hinihimas ng babae ang kanyang likod habang nakayuko na sinusuka ang mga laman ng kanyang tiyan. “Hey! Kaya pa ba?" bulalas ng babae na nakatawa habang ang babae na iwas ng iwas mula sa mga naisuka niya. Panay ang iwas nito mula sa mga talansik ng suka habang naduduwal pa rin siya at nanakit na ang lalamunan niya at may lasang mapait, mapakla pa ang pagkakalasa niya na masakit sa kanyang lalamunan. Tinodo na niya ang kanyang pagsuka! Tinodo na rin ang pag-buntong hininga nung babaeng hindi niya kilala. Naluluha na siya, tumulo na ang luha niya at halos nahihirapan na rin siya sa mga pagduwal. Saglit siyang namahinga pero— Hala at sumuka pa siya habang halos wala na nga lumalabas ay nasusuka at naduduwal pa rin siya. Kahit nahihirapan na siya ay hindi niya mapigilan at sumakit na rin ang dibdib at lalamunan niya sa pilit niyang pagsuka ng walang nilalabas. Napabuntong hininga siya at malalim na huminga ng mapahinto na at maging okay na rin ang kanyang sikmura. Maging ang katabi niya ay napabaling na din na pailing-iling ang ulo at humingi. What happened to her made her very miserable and she thought that she might end up losing her life because of hard vomiting. Kasi nga dahil sa sobrang pinahirapan siya ng kanyang umiikot at nangangasim na sikmura. Ilang minuto ng mahimasmasan siya. Inabutan siya ng tubig ng babae. “Inumin mo." pahayag nito na may pag-uutos hindi pag-aalok. Sa kalagitnaan ng mainit na araw. Daig pa nila ang nakabilad dahil sa walang silungan ang kanila mga pwesto. Pero dahil sa nangyari kay Gia. Kinakailangan nilang tumabi sa maraming dumadaan ng hindi sila makasagabal at maging kahiya-hiya. “Kadiri naman. ewww! A-ang damiiii… bakit ba kasi ang dami 'mong si'nuka?" wika nito na maarte nagpahayag ng kanyang pagpuna sa may ilang minutong pagkaka-tuwad ni Gia habang ito ay sumusuka. Umayos ng pagkaka-tayo si Gia, sa kanyang pagka-tayo. Pinunasan niya ang kanyang bibig ng bigyan siya ng may maasim na mukha, yung babae na tumulong sa kanya. Hinarap niya yung babaeng tumulong sa kanya sa hindi pag-iwan sa kanya at binigyan pa siya ng tubig na maiinom upang mawala ang pait sa bibig niya at mas naginghawahan siya nang makainom ng tubig. Malaking pasasalamat ni Gia ng dahil may isang tao ang naawa sa kanya at sa dami ng mga dumaan at nakakita sa kanya buhat sa pagkahilo na nararamdaman niya kangina. Itong babae sa kanyang harapan na umaarte ng pabiro at nakatawa ay hindi siya iniwan. “Baka buntis ka?" ang naibulalas nito pa at siyang nagpatulala sa kanya. Buntis??? nang mawalan muli na naman siya ng panimbang at muntik na naman mabuwal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD