CHAPTER 5 - TV Guesting

2380 Words
CHAPTER 5 - TV Guesting “Hanep! Gwapong-gwapo, hindi naman kaya himatayin sayo ang mag-iinterview sayo mamaya niyan? Sa gwapo mo na yan! Baka malusaw pa yung mga makakapanood at makakapansin sa gwapo naming pinsan." Bulalas sa malakas na pagkakatawa at hayag ni Dos habang umiikot at tinitingnan mabuti ang pormahan ng kasuotan ng kanilang pinsan. Si Troy na ngayon ay may isang TV guesting sa isang station ukol sa mga kilala at napapa linya sa mga mayayaman at bagong usbong na nagiging matunog sa larangan ng business world sa buong bansa. Isama pa at isang bachelor ang kanilang pinsang si Troy. Lahat naman sila na magpipinsan ay mga binata, pero yun nga lang ay hindi tulad ni Troy na sineseryoso ang negosyo na itinayo ng tulong-tulong ng kanilang mga magulang. Sila nga lang ang mga namamahala na sa ngayon. Pero maging ganun man. Itong si Troy ang bukod tangi na siyang sumasalo sa lahat dahil sa wala silang mga hilig sa negosyo. May mga pinsan pa si Troy maliban kay Dos, si Uno, si Alfred at ang nag-iisa nilang babaeng pinsan. Si Romina na madalas ring katuwang ni Troy sa negosyo. Pero itong si Romina ay nag-aaral pa habang ang tatlo nilang pinsan na lalaki ang siyang kasama ni Troy madalas sa pamamalakad ng kumpanya ng magulang nila. Dahil si Troy ang may hilig sa negosyo at mas nakakaalam sa mga pasikot-sikot ng kanilang kumpanya. Sa kanya buong ipinagkatiwala ng mga kapatid ng kanyang magulang ang pamamalakad ng buong kumpanya. Pero syempre, nasa likod niya ang mga pinsan niyang todo naman ang suporta sa kanya. Kung minsan nga lang, madalas mga pasaway pero keri naman din dalhin ni Troy dahil sa nakasanayan na rin niya ang pagiging mag-isa sa pagdala ng pamamahala ng negosyo. “Troy, ang gwapo mo talaga. Promise, If I know nga lang ang mga isasagot sa TV interviews. Sasama na rin ako sayo. Aba, pangarap ko ata na makita sa buong bansa na ang gwapong ito. Isa rin sa mga anak ng nagmamay-ari ng company. Kaya nga lang…" “Huwag mo nang pangarapin!" nang may biglang sumabat at nagpahayag ng komento sa mga sinasabi ni Dos ukol sa mga panayam mamaya sa kanilang pinsang si Troy. “Alfred!" bulalas ni Dos. “Do you know the first thing that you need to know? Wala kang utak! Utak kamoteng kahoy lang ang meron ka at itong si Troy, utak ng matatalino. Kaya nga lang may kulang sa kanya…" nang mapatigil pa ito sa pagsasalita. Napalingon sila sabay-sabay ng bumukas ang pinto ng kwarto ng office ni Troy. “Hello! Am I bothering you guys? Sorry sa biglang pagpasok ko. I just want to know na okay na lahat para mamaya. Kuya Troy, dapat okay lahat ahh. Please, wag ka naman ganyan ka seryoso sa camera. Ngumiti ka naman ng mapansin ng mga viewers mamaya hindi lang ang gwapo mong itsura. Sana madala mo rin sila sa mga sagot mo sa mga itatanong nila sayo. And make sure na good point ito sa company." Habilin at nagpapaalala si Romina nang bigla nalang din ito pumasok sa kanilang eksena kung saan ay nag-umpisa na naman mang-uyam itong si Alfred sa kanilang pinsang si Dos. “Nasaan pala si Uno?" hayag na nagtanong si Troy ng mapansin na ito nalang ang wala upang sana ay makita siya bago pa tumungo sa interview niya. “Wag mo na isipin ang isang yon. Mukhang malabo na makarating yon dito ngayon. Katatapos ko nga lang tawagan at mukhang hindi pa bumabangon sa kanyang pagkakatulog nang alam niyo na ang nais kong ipunto. Mukhang, he is in heaven the whole night. Aba at pagkatawag ko naghihikab pa nga!" tawa-tawa na hayag ni Romina sa tatlo niyang pinsan. Habang naglalakad din ito papalapit pa sa tatlo at may hawak itong bulaklak na kanyang isinabit sa may dibdib ni Troy. “Ayan! Mas bagay at nakakadagdag sa kagwapuhan mo. And please lang, Kuya Troy. Gaya ng nasambit ko na kangina. Uulitin ko lang sayo. Please, don't forget to smile until the end of the airing of the TV interviews. Para naman hindi nila sabihin na napaka walang kwenta naman ng guest nila for today." Saad na idinagdag pa ni Romina sa mga pag-papaalala niya sa pinsan niyang si Troy. ”Hello!" isang istorbo na naman ang dumating habang nakangisi ito at natatawa. Biglang bumukas ang pinto ng lumingon sila mga sabay-sabay sa bumukas na pintuan. Isang hindi nila inaasahan ang dumating pa ay hahabol bago umalis si Troy para tumungo sa TV interviews na gaganapin sa isa sa mga hall ng hotel. “Sorry, I'm late. Kasi naman kakagising ko lang." paliwanag nito at halata naman dahil sa itsura nito habang pumapasok sa kwarto ng office ni Troy. “Halata naman, no need to explain dahil nakikita naman namin sa itsura mo pa lang. Sana man lang maghilamos ka muna at nangangasim pa ang amoy mo at masangsang hindi mo ba inamoy muna bago ka tumungo dito?" Saad na pagkakasabi ni Alfred ng diretso na pagka-kawika at pagpa-paalala nito mula sa mga naaamoy nila ng kanilang mga pinsan. Nangangamoy naman kasi talaga si Uno. Amoy na amoy siya ng apat niyang pinsan dahil sa amoy ng katas ng babaeng nilamon niya sa buong magdamag. Sinisid niya sa buong gabi na umabot pa siya ng ilang beses sa pinaka ilalim. Magdamag siyang nag-enjoy mula sa mga pagpayag ng ilang ulit ng babaeng kanyang kalaro at sinisid sa magdamag. Panay tuloy ang panunukso at pagpuna sa kanyang amoy mula sa bunganga niya nang maibuka ito ng dahil sa pagsasalita niya. Amoy na amoy nga talaga siya nang kanya pang inamoy ang nasambit ni Alfred. Tulad nga nang nasabi sa kanya ay naamoy nga niya ang katas mula sa hininga sa bibig niya. “Kasi naman, kung sipsipin mo… Wag naman pa-obvious mas lalo ka lang na mapapansin sa lagay mo na yan. Saka pwede ba kahit sana nagtoothbrush ka nalang sana ay ayos na… bago ka pa sana tumungo dito. Kakapit lang 'yang amoy---" “Tumigil na nga kayong dalawa!" sita at hayag naman ni Troy na naiinis na sa mga pagbubunganga ng dalawa niyang pinsan. Inayusan pa siya muna at pinasadahan ni Romina bago pa siya lumabas sa kwarto ng opisina niya. “Kayo na bahala rito." “Anong bahala?" bulalas ng tumawa si Alfred. “Sasama kami ano…" “Wag na kayo sumama. Panira lang kayo ang iingay niyo pa!" inis niyang tugon at tumalikod. “Hey! Seryoso, sasama talaga kami to support you alam mo na, dapat may konting pampabwenas din sayo nang hindi ka magkamali mamaya. Wala ka 'ngang girlfriend na magbibigay support sayo, so kami nalang nila Romina, kaya nga nandito kami lahat to support and samahan ka at baka mamaya mablangko ka kasi gwapa yung baklang host na mag-iinterview sayo diba at ayaw mo sa gwapo… Mali pala sa mas gwapo sayo." Nakangisi na pagbibiro ni Alfred habang hinila na ang mga pinsan niya upang sundan si Troy na hindi pinansin ang sinabi niya. Hatak-hatak ni Troy sila Romina ng umangal ito. “Bitiwan mo nga muna ako at may tawagan lang ako. Mauna na kayo sa baba at susunod ako." “Okay! Sumunod ka ahh!" bulalas ni Alfred ng bitiwan na niya si Romina at maiwan na muna sa labas ng opisina ni Troy. Kinuha nito at dinukot ang kanyang cellphone sa bulsa at kanyang hinanap ang number ng kanyang kaibigan si Gia. Tumikhim pa siya habang inaantay ang pagsagot ni Gia sa cellphone ng kanyang tawagan. “Hello!" bungad agad ni Gia tahimik pa ito dahil sa panunuod sa mga nagkakagulo niyang dalawang kapatid. “Napatawag ka?" Saad na patanong ni Gia habang naituon na ang kanyang mata sa biglang pumasok na lalaki sa isang tv show. Gwapo ang lalaki at nakaagaw ito ng pansin sa kanyang mata. Nakangiti ng maluwang ang baklang host sa tv show habang sinalubong ang pagdating ng isang gwapong guest nito. “Salamat Mr. Vargas sa pagpapaunlak sa aming paanyaya. You're too young and so handsome. Hindi na ako magtataka kung ang mga kababaihan dito sa kumpanya niyo ay pinagkakaguluhan ka talaga. Ako nga itong nakatunghay pa lang sayo sa pagdating mo. Tumalon agad ang puso ko sa tuwa na isang gwapo at kagalang-galang na tulad mo ang guess ko today. So anong masasabi mo?" “Wala!" matigas na pagkakasabi ni Troy. Napamulagat ito, ang baklang kaharap at nagulat sa kanyang pagkakasagot sa mahabang pahayag at pagtatanong sa kanya. “It was a joke. Binibiro lang kita." nang biglang tumawa at ngumiti si Troy. Kinakabahan kasi siya at parang napakaweird at ayaw niya ang tanong nito. “Actually wala naman ako masabi. I think nagkakamali ka lang ng conclusions mo sa mga pagkakaalala na ang isang tulad ko titingalain ng maraming babae. Sa totoo lang palagay ko nga ay mali. Dahil, iniiwasan nila ako…" Putol na pagkakasabi niya at pagkasagot muli sa baklang host na napamulat na naman ang mata sa pagkabigla, sa kanyang sagot. “You mean ba, Mr. Vargas. Sa kumpanya mo walang babae ang nagkagusto sayo?" “I don't think so." “Really?" bulalas sa gulat na naman nito at napaayos ng pagkakaupo. Nakangiti ito habang bahagyang yumuko saka nagtanong. “Parang hindi naman ako makapaniwala… " ngiting-ngiti na pahayag. “O, maybe baka may jowa ka na? Girlfriend?" umiling naman si Troy habang tumaas naman ang kilay ng bakla. “Really?" napabuga ito sabay tumawa ng malakas. “Oh my gosh!" sabay pumilantik ang daliri at humaba ang nguso habang nakaharap sa kanya at sa camera na nakatutok sa kanila while running the show. “Wala ka naman asawa diba?" umiling pa rin si Troy. “Mr. Vargas, you are a very interesting person. I can't believe you're a certified bachelor like other business owners of well-known companies in the country." “Ganon ba?" Tumango ang bakla habang seryoso lang si Troy. He expected na rin naman na ganitong talakayan ang mangyayari once na bakla ang host ng isang segment. “Mr. Vargas, you are also a prominent person, according to our source who provided information about your being an honorable president of the company. Napakabait mo raw at talagang ubod ng kasipagan pagdating sa trabaho. They say you are a very generous boss, and it can be said that you lead your company well. That is why your business is very successful in the business industry. Totoo ba ito?" “Mahusay ang source mo. Maaari mo bang ituro?" nang biglang bumulalas sa tawa ang bakla at napatapik sa hangin habang nakaharap kay Troy. “Mapagbiro ka rin pala talaga, Mr. Vargas. Hindi ko agad nahuli ang kiliti at kung paano ka makiharap sa isang gaya ko na nagtatrabaho naman sa Entertainment Industry. But I'm so glad na pinaunlakan mo talaga ako at kahit sobrang busy mo ay naisingit mo pa rin ang request namin sayo." “Okay lang! It is our pleasure. Wala naman problema sa akin. Sa company, pero sino ba talaga ang source mo?" nang muli niyang pagpapahayag ng kanyang tanong. “Secret nalang yon. Pero, makulit ka rin pala ano?" nakangiti niyang maluwang na pagkakatanong. “Mapagbiro ka rin. Ang tingin ko at nabasa ko sayo nung una kang sumagot. Kinabahan ako, akala ko ay lalamunin na ako rito sa kinauupuan ko. Nakita mo naman, umayos ako at baka malaglag nalang ako sa pagkakaupo ko once na magtuloy ang pagtataray at pagiging may bahagyang pagkaarogante mong pagsagot, o sa madaling salita. Pilosopo nalang din siguro parang mas bagay at magkatunog." “Ahh! Yun ba?" Tumango, ngumiti ang bakla. “It was a joke nasabi ko na nga diba kangina?" “Yap!" “So, tapos na ba ang interview?" tahasan at diretso na tanong. “It was a joke again." tumawa nalang din siya at naiilang at inis na rin siya sa nangyayari ng ikot at pag-usad ng usapan nila. Gusto na niya sana tapusin at mukhang walang maganda na patutunguhan ang usapan nila habang ang mga trabaho niya nagtambak na sa taas, sa opisina niya. Huminga ng malalim ang baklang host at nginitian pa rin naman si Troy habang napalunok. “Mr. Vargas, incase in the future at may babaeng mabighani sayo. Ano ang gagawin mo? Ikaw na ultimate bachelor, may chance bang mahulog sa isang babae na bigla nalang susulpot sa hindi inaasahan? Or, hindi mo nalang papansinin at hahayaan mo nalang siya na kusang umalis at layuan ka?" “Pwede bang wag ko nalang sagutin?" tapat na pagkakasabi niya. Ayaw naman talaga niya sagutin at ayaw na sana niya na pag-usapan ang mga gaming tanungan. “Sorry!" napahilamos siya sa mukha at napamulagat ang mata ng bakla muli ng biglang seryoso na naman si Troy habang nakikipag-usap sa baklang host. Tumikhim muna siya at saka nagsalita. “Siguro sa ngayon, wala pa ako maisasagot. Pero once in the future at mangyari nalang bigla ang sinabi mo. Maybe, kung siya talaga ang nakaplan para maging alam mo na— tingnan nalang natin sa future kung mangyayari. Very updated ka naman ata sa source mo tungkol sa buhay at napakarami mong nakalap na impormasyon tungkol sa pagkatao ko at sa pagiging president ng company." Tuloy-tuloy niya lang sagot na ipinahayag ang kanyang pagtugon mula sa tanong ng baklang host. Nasa utak ni Troy na sana ay matapos na ang mga tanungan ng baklang kaharap pero hanggang ngayon sa nakikita niya ay marami pa itong nais na mga itanong sa kanya. Nahihiya lang siyang ipagtabuyan ito at live broadcast pa naman ang ginagawa nilang iyon habang iniinterview siya ng baklang host. Habang ang bakla naman ay nagbabasa na muna sa mga ilan pang katanungan na hindi pa niya natatapos na maitanong kay Troy. Nag-announce ito ng break sa mga crew na kasama niya sa show. Habang si Troy nakahinga muna at tumayo upang magpaalam muna para may saglit siyang puntahan. Pumayag naman ang baklang host upang sa ten minutes break nila bago muli umpisahan ang live broadcast ng kanilang show. Medyo kinabahan din siya kangina habang nakasalang sa live broadcast na kanyang ginagawang. Medyo may katarayan at pilosopo kung sumagot paminsan-minsan si Troy na kinakakabog ng kaba ng bakla pero ayaw niya lang magpakita ng kanyang tense na nararamdaman habang kaharap ang successful businesman na kanyang guest.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD