CHAPTER 6 - Naughty Host

2370 Words
CHAPTER 6 - Naughty Host Kasagsagan ng panunuod ni Gia ng TV ng bigla nalang tumunog ang kanyang cellphone. Nagtataka siya pero hindi niya inaasahan ang pagtawag ng kanyang kaibigan. Si Romina ang tumawag sa kanya ng makita ang naka register na name sa cellphone ni Gia. “Napatawag ka?" naitanong pa nga niya ng matapos na magpahayag siya ng pagbati rito ng sagutin ang tawag nito. Maiingay pa rin ang mga kapatid niya at mga ayaw mag-pasaway, kahit kangina pa niya, mga ito mga kanyang sinusuway. Pero mukhang malabo dahil sa patuloy na pag-iingay ng kanyang mga kapatid. “Mukhang nagkakagulo diyan sa bahay niyo?" “Oo eh! Hindi ko na nga napakinggan ang panonood ko sa TV. Masyado kasi silang maiingay at ayaw naman mga tumigil sa malakas nilang pagbubunganga sa isa't-isa. Kangina pa 'yan! Pero, heto at ayaw pa rin mga tumigil nakakainis na nga rin pero, ayos lang naman. Basta, wag lang sila magsasabunutan sa harapan ko at baka mamaya makita nila at pareho ko pa sila mga ibalibag duon sa labas ng bahay." Mahabang pagkaka-pahayag niya sa kaibigan ang tugon niya sa pagtatanong nito. “Hayaan mo na sila naglalambing lang mga iyan. Buti nga at may mga kapatid ka na ganyan. Ako na nag-iisang anak, paano pa ako?" sabay tawa ni Romina sa kabilang linya ng kanyang pahayag at naalala na naman na nag-iisa nga pala siyang anak. Wala kasi siyang kapatid at talo siya, naiingit siya kay Gia na may makulit na mga kapatid. Habang siya, makulit lang na mga pinsan. “Naalala ko pala yung project natin na need na ipasa. Pwede ba na ikaw nalang ang magsagawa? Ikaw na lang gumawa kasi may asikasuhin ako. Pero wag ka mag-alala okay naman na lahat at may nakausap na ako na siyang maging model natin. Basta discuss ko na lang sayo sa pagkikita natin sa school. Medyo busy kasi ako ngayon at kasama ko mga pinsan ko. Later tatawagan ulit kita para sa ibang details. Pero sana, Gia, ayos na sayo na ikaw nalang ang magtuloy ng project natin. Hindi talaga kita masasamahan. Sorry." Pakiusap na sabi ni Romina, nalulungkot din ito buhat sa hindi masasamahan ang kaibigan sa pagsasagawa ng kanilang project na kailangan na rin nila maipasa sa susunod na linggo. “Sige okay lang. Basta ayusin mo lang lahat ahh! Wag sana magkaroon ng problem at alam mo naman Ikaw lang din ang inaasahan ko sa paghahanap ng model." tugon na sabi niya sa kaibigan ng napabuga siya ng makita ang maiingay pa ring kapartner. Nabaling naman sa TV ang kanyang mata at naituon sa gwapo pa ring guess sa show. Isa itong interview sa isang kilala at president ng kilala at malaking kumpanya sa bansa. “Natapos na rin ang break natin. So, anong ginawa mo sa sulok, Mr. Vargas? Napansin kong may tinawagan ka. Girlfriend ba?" makulit na pagkakasabi kahit kangina ay nagawa na nitong itanong sa kanya ang mga tungkol sa mga babae, girlfriend at maging kung may asawa na raw ba siya. Kahit nasabi na nito ng ilang beses din mula sa segment ng show nito ang pagkakabanggit na siya ay single tulad ng nasagot niya rin kangina. “Sorry, I totally repeated the same question. But most of your employees here are waiting for your answer. Specially to our millions of viewers na nanunuod ngayon sa'tin. I received a lot of questions na gusto nila malaman sayo. But most of them… They ask about your private life at iyon ay kung may girlfriend ka na raw ba talaga aside as a question if you are married? Kahit ako excited na rin masagot ng diretyahan ang tungkol sa private life ng isang napaka poging president ng company." Madaldal na saad at dagdagan pa ang mga wika nito kangina. Ipinakita rin sa kanya ang ilan sa maraming comment sa mga social media tulad ng CUTEBOOK, CUTETOGRAMS, CUTETUBE, at maging sa CUTEER kung saan ay live din sila habang binobroadcast ang segment ng baklang host. Napakulit nito at walang pagpipigil ang pagkadaldal. Maging ang pamimilit na sagutin ang katanungan na ayaw na sana pakinggan, ni Troy na kinainis na niya pero mahinahon at chill lang siya dahil sa nakikita at tanaw niya ang pag-iling ng ilan niyang pinsan. Huminga siya ng malalim at mukhang talagang dapat na niya sagutin nang dahil sa mukha talagang hindi siya titigilan ng host ng segment. “Finally, mukhang sasagutin na ni Mr. Vargas ang maraming tanong ng mga nag-hihintay niyang fans." bulalas sa tuwa at ngiting-ngiti na bakla ng sumandal pa ito sa kanyang upuan. Habang nakatingin sa camera na sa kanya itinutok. “Sino magsasabi na sa mga oras na ito, sa mga millions viewers ay napakarami mo ng fans na kinikilig sayo habang pinapanood tayo live." bulalas muli at malakas na pagkakasigaw nito ng may kagalakan sa tuwa. “Biruin mo naman, Mr. Vargas sa pagkakataon ngayon na nakapanayam ka namin sa segment namin dito sa talk show ng bayan. Ang walang pinapanigan at walang pinalampas na masagot ang lahat ng mga katanungan ng bayan at nakararami." daldal at saad ng bakla. “Sa ngayon kung mapapansin ng lahat ng mga nanonood may 20 million's na tayong viewers sa lahat ng mga social media accounts natin kung saan na live tayong mapapanood ng marami nating viewers. And thank God. Salamat din kay Mr. Vargas dahil ngayon ay number ONE na tayo sa buong pilipinas. Talagang napaka-tunog at usap-usapan kung may jowa na raw ba itong napakagwapo nating guess na si Mr. Vargas. Kaya naman baka naman pwede na masagot ang tanong ng marami, Mr. Vargas…" Nang maputol ang pagdaldal nito ng biglang magblock out at maputol ang signal ng kanilang pag-bobroadcast ng kanilang show. Nataranta na ang bakla at maging lahat ng stop sa buong show ay mga mabibilis na gumalaw at gumawa ng paraan na maibalik ang kanilang live broadcast. Nagsisigaw na rin ang bakla habang nag-aantay ng tahimik lang si Troy. “Hey! Gia, anong nangyari? Tumahimik ka na naman sa pakikipag-usap sa akin." “Sorry! Yung pinapanuod ko kasi biglang naputol. Nawala ang kulit pa naman nung baklang host at mukhang inis na yung guess sa show sa kakulitan ng pagtatanong nung host." sagot ni Gia habang kanyang tinawag ang dalawa niyang kapatid at inutusan ang isa sa dalawa at sumunod naman. “Asar naman, Ate Gia bakit biglang nawala? Kung kelan na sana aaminin na si Mr. Bachelor saka naman nawala ng bigla. Nakaasar naman nakakainis ang cute pa naman niya habang naiinis dun sa baklang host." nakahaba ang nguso habang maarte na pagkakasabi ni Gwen at nagrereklamo sa pagkawala ng signal at magblock-out yung TV nila. “Pero Ate Gia, look that gay tama lahat yung sinabi niya kangina. Trending nga talaga sila ngayon sa lahat ng social media accounts nila. Kita mo??? Oh my gosh! Ang dami talaga ang nakapansin sa kanya. Lalo na kasi yung way ng pagsagot niya kangina habang pinipilosopo niya ang pagsagot at kinokontra niya yung tanong at sinasabi ng gay na host. Pero sa huli kasi he says that it was a joke at walang katotohanan ang mga pambabara niya sa wika noong host." “Nakita ko nga sa TV kangina diba ipinakita?" tugon na sabi niya sa kapatid niyang titig na titig sa cellphone nito. Mumurahin lang ang cellphone niya at sa dalawang kapatid niya na nabili lang niya ng secondhand mula sa mga nagbebenta sa kanya minsan. Mula sa mga naitatabi niyang kinikita niya sa pagpasok sa kanyang part-time job. Ang lahat ng sobra sa kinita niya ay naibili niya ng cellphone ng dalawa niyang kapatid. Madalas pa kasi na naililibre siya ng kanyang mga kaibigan. Kaya naman tipid siya sa gastusin sa school lalo na pagdating sa merienda at pananghalian ay naililibre siya ng madalas. “OMG! Ate Gia, ang yaman pala talaga niya… That Businessman, he was too rich at maliban sa company na siya ang namamahala, at kanyang pinamamalakaran, kasama at katuwang ang mga pinsan niya. He was an inheritor." sigaw ng may kalakasan nitong si Gwen. Tuwang-tuwa siya habang iniistalked ang social media account ng mayaman na businessman na guest sa show na sila ay nanonood at bigla nalang din nawala. “Look, Ate Gia I was searching in a CUTIEGLE." bulalas nitong hayag sa kanyang paghahanap ng ilan pang impormasyon nang rich man na kangina pa kinalolokohan nitong si Gwen. “Wow, Ate Gia… He was an only child at talagang mayaman nga siya tulad ng sinabi sa CUTEBOOK, CUTETOGRAMS, CUTETUBE at CUTEER account ng show. Napaka interesting naman talaga at napakaswerte ng babaeng magugustuhan niya at mapapangasawa." gilalas na agad nitong usal at nagpantasya pa ito habang tinitingnan ang mga litrato ng lalaking guess na pinapanuod nila. “Sana lang Ate Gia, tulad niya ang mapapangasawa ko. At kung hindi man, sana ikaw nalang para totally na tayo makaangat sa hirap. Nang mapag-aral mo na rin ako sa magandang school at makalipat na tayo ng bahay at hindi na sa ganitong tagpi-tagpi lang na bahay tayo nakatira." Walang tigil na kakadaldal ni Gwen habang si Gia ay natulala nalang at tinitingnan mabuti ang mukha ng lalake sa cellphone ni Gwen. Kahit naman talaga siya namangha siya sa kagwapuhan ng lalaki na guest ng baklang host. Gwapo talaga dahil sa pagpasok pa lang nito kangina sa show ay naakit kaagad ang mata niya ay nakatuon sa mukha ng guest. Hindi naman maitatanggi dahil maging ang kapatid niyang bunso ay gwapong-gwapo sa lalake. “Ate Gia, okay na…" gilalas sa tuwa at binuksan ulit ang TV na pinatay nito kangina. Buti nalang at umalis na naman ang kanilang magulang at may hahabulin lang raw muna sa kabilang baryo at ihahatid ang isdang natira sa pagtitinda ng kanilang magulang. “So, sa wakas ay maayos na din ang technical problem natin kangina. Kaya po sa lahat ng mga nakatutok at nakasu-baybay sa segment natin today. Lubos kami na humihingi ng pasensya sa nangyari kangina. Hindi po natin inaasahan ng biglaan na lang na nagluko ang ating signal." Pahayag muna sa mahabang salaysay nito habang nag-umpisa na ulit sila sa pag-live broadcast. “I'm really sorry again to all those who are waiting for Mr. Vargas to answer the question about his personal life. However, we don't know if Mr. Vargas has a girlfriend or a wife in his private life, or if he secretly has someone who inspires him. Tiyak na marami na sa inyo ang nakaabang sa kanyang sagot at pagsagot sa mga tanong ninyo." Pahayag na naman muli ng baklang host mula sa excited nitong pag-kahayag sa harap ng camera. Tumikhim si Troy at sa tingin niya ay hindi na siya makakaatras pa mula sa mga kagipitan niya sa mga oras na ito. Hindi na siya makakatakas o makatatanggi na sagutin ang mga tanong ng maraming viewers. “Okay!" pauna niyang pahayag at napabuntong hininga pa siya. “Sa ngayon, wala pa naman akong girlfriend. But may babae na hindi niya alam na siya na pala ang nagpapasaya sa puso ko at ngayon ay itinitibok. Kaya nga lang wala akong sapat at lakas ng loob na sabihin sa kanya." Bumuga si Troy ng mapahinto siya at mapaihip ng malalim na paghinga. Hindi na niya alam ang mga gawa-gawa niyang kwento kung saan niya ba nahuhugot at kung paano niya ito nasasabi sa harap ng maraming tao na nanunuod. Ang nasa isip niya lang ay nais na niya matapos at hindi siya mukhang titigilan ng bakla once na hindi niya pa sakyan o sagutin ang mga makukulit nitong mga katanungan. Kinikilig ang bakla sa mga pag-amin niya. “Nakakakilig naman ito. Kung mamarapatin mo, Mr. Vargas, can we find out who the woman you're talking about is who's making your heart beat? Mukhang buong pilipinas ay mga nakaabang at inaabangan talaga habang mga kinikilig sa kani-kanilang tahanan ang sagot… Who is the girl? Ang napakaswerte na babae na nakakapag-pabilis ng puso mo?" Napalunok pa ang bakla at halos nasamid sa pagsigaw ng pagsambit nito habang tinatanong na naman siya at kinukulit na sumagot. “Gia, her name was Gia but I don't think if nanonood siya ngayon while running your show." bulalas ni Troy ng sumigaw na naman ang bakla. “Gosh!!!" huminga ito ng malalim. “Nakita mo ang dami kinilig at nadismaya nang malaman nila na may babae na talaga na nagpapatibok ng puso mo." Hindi nalang kumibo pa muna si Troy. Hindi niya rin alam kung saan niya nakuha ang pangalan na yon at ito ang unang pumasok sa isip niya. Nagtataka rin siya sa mga nasabi niya at kung paano niya ba talaga naisip at nagawa na makainbento siya ng mga palusot at pangalan ng babae mula sa makulit na host ng kangina pa sana niya bubulungan kung maaari na ba nito putulin at tapusin ang kanilang live broadcast. Kaya nga lang at hindi niya masabi-sabi at nahihiya siya tulad habilin sa kanya ni Romina na wag siyang magtaray sa harap ng camera. Ilang mga katanungan pa ang mga tinanong sa kanya ng bakla pero ito ay puro tungkol na sa trabaho at maging sa pagiging batang president niya sa kumpanya. Umikot na rin sa wakas ang kanilang usapan sa dapat na ka puntahan ng interview nito. At nagpapasalamat rin ni Troy ng sa wakas ay matatapos na sila sa ginagawa nito interview sa kanya. “Okay! So, para sa milyon na sumusubaybay sa aming segment today para sa isang napaka-gwapo at kagalang-galang na president ng kumpanya kung saan ngayon ay live natin nakikita at mamaya lang ay kung ipa-pahintulot ni Mr. Vargas ang makasilip tayo at makapag-tour sa company nila. It was our pleasure para ipakita sa inyo kung gaano ba talaga siya kahusay pamunuan ang kanyang company. Stay Tuned at abangan ang mga susunod na detalye." Mahabang pahayag pa ng bakla at sa wakas tulad ng panalangin ni Troy na matapos na ay natapos na rin ito. Natapos na nga ito ng magpaalam at maghayag na tapos na ang oras ng kanilang segment. Ang sinambit nito sa pagtatapos ay nagpaalam rin sa kanya. Pumayag naman siya at hinayaan na lang ang mga ito na makapag-ikot sa kumpanya nila. Habang siya ay nais na bumalik sa kanyang opisina
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD