Prologue - Dangers of a New Life

1416 Words
Matinding kirot sa ulo ang sumalubong sa pagdilat ng mga mata ni Alison. Humugot siya ng malaim na hininga at bahagyang napa-iling. Ilang araw na kasi siyang nakararamdam ng kakaibang bigat ng pakiramdam. “Bumuti na ba ang pakiramdam mo?” bungad ni Gael na nasa kanyang tabi. Nakakulong siya sa bisig nito habang kapwa silang nakahiga sa ibabaw ng kama.  Idinukdok niya ang kanyang mukha sa leeg nito, “May hilo pa rin akong nararamdaman.” sagot niya at ngumuso na tila ba isang bata na nagrereklamo.  “Siguro’y mas makakabuting ako na lamang ang makipag-pulong sa pamunuan ng Cohortes Vigilum.” Hinawi ng asawa ang buhok na tumatakip sa kanyang mukha at ginawaran siya ng halik sa noo.  “Samamahan kita, kakayanin ko naman siguro ang makipagpulong.” giit ni Alison at pilit na ngumiti sa kabila ng p*******t ng kanyang ulo. “The Alphas will be here in three days, we can’t delay this talk any longer.”   “Nag-aalala lamang ako sa kalagayan mo.” May himig ng pagtutol ang boses ni Gael. “Simula nang dumating tayo sa kampong ito’y madalas na ang panghihina ng iyong katawan.”  “Huwag kang mabahala. Isa sa mga manggagamot ni Idriel ang titingin sa aking kalagayan. I just need to get through the meeting.” Hinaplos niya ang mukha ng nababahalang asawa at ngumisi. “Why do I feel like you’re being too overprotective of me these days?” Nagbuntong-hininga ang Alpha at pinisil ang kanyang ilong. “Hindi ko alam kung ako lamang ang nakakaramdam, ngunit mahina ang daloy ng enerhiya mo mula nang umalis tayo sa kampo ng hinirang.”  “Maybe because…” Inillapat ni Alison ang mga palad sa batok nito at dinampian ito ng mabilis na halik sa labi. “I need something to energize me?”  He scoffed at her teasing remark. Hinagit ni Gael ang kanyang beywang at mabilis siyang pina-ibabawan. Ang mga mata nito’y umaapaw sa giliw at pagnanasa.  “Should I make you feel better?” pilyong tanong nito bago sumunggab ng mapusok na halik. Mariin ngunit banayad ang naging pagtatagpo ng kanilang mga labi. “Masyado yata akong nagpabaya sa’yo nitong mga nakaraang linggo.”  Isang mahinang bungisngis sa pagitan ng mga halik ang namutawi sa bibig ni Alison. Napa-igtad siya nang gumapang ang mga daliri nito sa kanyang dibdib ang isa-isang tinanggal ang butones ng kanyang blusa.  “Gael,” hingal niyang pagtawag sa ngalan nito kasabay ng pagbaba ng labi nito sa kanyang leeg. Wala sa isip na napasabunot siya sa buhok ni Gael nang bumaba pa ito sa kanyang puson at doon nagtanim ng mumunting mga halik.  “Feeling any better now?” Naging magaspang ang boses ng asawa sa gitna ng pagpapatuloy sa ginagawa.  Hinahabol man ang hininga’y nagawa niya pang matawa sa panunukso nito, “Napaka-pilyo mo talaga.” bulong niya at napakagat ng kanyang mga labi nang dumakma ang kamay nito sa kanyang hita.  Sa gitna ng mainit na tagpo’y isang malakas na katok sa pintuan ang nagpagitla sa kanilang dalawa.  “Handa na po ang agahan. Kung maaari’y nais ng pinuno na kayo’y makasabay sa hapag.” anang boses mula sa labas.  Nagpalitan sila ng tingin. Ilang sandali pa’y kapwa silang nagtawanan sa kakatwang pangyayari. Matapos noon ay tuluyan nang tumayo mula sa kama ang umiiling-iling na si Gael.  “I guess we’ll just continue our energy-refinement session later tonight.” bulalas nito at kumindat bago tunguin ang salaminan. Kinuha nito ang nakasabit na damit pantaas sa gilid ng upuan at muling sumulyap sa kanya. “Kailangan mo rin kumain. Ilang araw ka nang walang gana at nagsusuka.”  Umunat ng mga braso si Alison at umupo sa paanan ng higaan. Isinaayos niyang muli ang suot na blusa. She rose from her seat and slowly walked up behind him. Maya-maya pa’y inakap niya ito mula sa likuran.  “Gael,” wika niya nang may nanginginig na boses. “What if I’m…” Napalunok siya, tila nagdadalawang-isip sa nais sambitin. “Paano kung nagdadalang-tao ako?”   Mabilis niya hinarap siya ng Alpha at tinapik ang magkabila niyang balikat. Namimilog ang mga mata nito bunga ng gulat bunga ng mga katagang kanyang binanggit. Hindi ito nagsalita ng mga ilang segundo at nanatili silang nakatitig sa isa’t isa. She lowered her gaze amid the fast thumping of her chest. Ang buong akala niya’y nadismaya ang asawa sa inihayag niya, ngunit bigla siya nitong inakap nang mahigpit.  “Are you sure?” bulong nito sa kanyang tenga. Nahihimigan niya ng naka-ambang saya sa tono ng pananalita nito. “You’re pregnant?”  Napahawak siya sa kanyang batok, “Hindi pa ako sigurado. Ngunit noong mapansin ni Idriel ang aking panghihina, sinabi niya na isa iyon sa mga posibilidad.” Yumuko siya upang tignan ang kanyang tiyan. “Kaya’t iminungkahi niyang magpatingin ako sa manggagamot.”  Marahang hinaplos ni Gael ang kamay sa ibabaw ng kanyang tiyan at ngumiti. “Ipagpapasalamat ko sa kalangitan kung sakali mang totoo ang hinuha nila.”  Lumipas nang mabilis ang agahan. Hindi hinayaan ng kanyang asawa na hindi siya makakain kahit na sa totoo’y wala naman siya talagang ganang kumain. Kinahapunan ay nagtungo na sila sa bulwagan para sa pagpupulong at diskusyon na magaganap ukol sa pagdating ng mga Alpha sa kanilang kampo.  “Tulad ng inaasaha’y kumagat sa paanyaya ang Capo ng mga Villaroman,” wika ni Idriel habang naka-upo sa dulo ng mahabang lamesa. “Dahil na rin sa pananggalang na inilapat ni Gael sa kampo, hindi nila mararamdaman ang enerhiya ni Alison. Wala silang ideya na naririto ang anak ng hinirang.”  “Hindi pa rin tayo dapat makampante.” mabilis na agap ni Gael. He neatly placed his hands together on the table top and threw a meaningful glance at Alison. “May kakaibang talino ang Capo. Maaaring may hinuha na rin siyang naririto kami.”  Tumango-tango si Jax bilang pagsang-ayon sa sinabi ng Alpha. “Kaya’t makakabuti din na magkaroon tayo ng plano sakaling mapansin nila ang presensya ninyo.” Lumingon ang binatang Gamma sa direksyon ni Alison. “Hindi pa rin naman tayo nakakasiguro na siya mismo ang pupunta dito sa kampo. Maaaring magpadala lamang siya ng mga kawal o heneral.”  “It doesn’t matter.” buong kumpiyansang saad niya. “Kung isang kawal o ang Capo man ang dumating, itutuloy natin ang plano.”  “Ngunit hindi ba’t isang malaking sugal na ipagkatiwala natin ang planong ito sa anak ni Celeste?” Napatingin ang lahat sa direksyon ni Matisse. Isa siya sa mga tagapayo ni Idriel at nangangasiwa sa pandayan ng sandata sa kampo.  “Anong ibig mong sabihin, Matisse?” May himig ng pagbabanta ang tanong ni Gael. Mabilis namang sinapo ni Alison ang kamay nito sa ilalim ng mesa. Nang magtama ang paningin nila ay umaling siya para pigilan ang galit ng asawa.  “Naiintindihan ko ang iyong pag-aalinlangan.” kalmadong bulalas niya. Isang banayad na ngiti ang gumuhit sa kanyang mga labi. “Ngunit nanumpa ako sa buong Cohortes Vigilum, katulad ng panunumpa niyo sa’min ng inyong pakikipagtulungan. Hindi ko sasayangin ang pagkakataong ito upang patunayan ang aking sarili.”  Hindi na sumagot ang nakatatandang tagapayo. Mahigpit nitong itinikom ang bibig nang makita ang kakaibang ngisi sa mukha ng kanilang pinuno.  “Buo ang tiwala ko kay Alison.” saad naman ni Idriel habang iginagala ang paningin sa mga kasaping nasa bulwagan. Sa gitna nito’y bumalik ang kanyang mga mata sa direksyon ni Alison at Gael. “At sa palagay ko’y makakabuti din ang kalagayan mo ngayon para sa ating plano.”  “Kalagayan?”  Umalingawngaw ang mga bulung-bulungan sa mahabang hapag. Kasunod nito’y sumenyas si Idriel sa kanyang gilid. Lumapit sa tabi ni Alison ang isang babae na nakabihis puting blusa at may takip ang kalahati ng mukha.  “Siya si Anya, ang punong manggagamot dito. Hayaan mong tignan niya ang iyong pulsuhan.”  Hindi naman siya nag-alinlangan at ini-abot dito ang kanyang kamay. Habang si Gael nama’y aamba sana ng protesta, subalit hinawakan niya nang mahigpit ang kamay nito.  Hindi nagsalita si Anya matapos damhin ang kanyang pulso. May kung anong liwanag ang nanggaling sa mga palad nito habang ang mga mata nito’y nanatiling nakapikit. Nang muli itong dumilat, mabilis itong luminga kay Idriel at tumango.  “Apat na linggo.” mahinang wika nito bago tuluyang lumakad palayo.  Humugot ng malalim na hininga ang pinuno ng mga rebeldeng Gamma. “Ang iyong pagdadalang-tao ay makakatulong upang humina ang presensya ng iyong enerhiya.”  “Pagdadalang-tao?” gulat na pag-uulit ni Jax at tumingin sa kanilang direksyon.  Tumango si Gael bilang pagkumpirma at binalingan ng isang matamis ng ngiti ang asawa. Ngunit ilang sandali lamang nanatili sa mukha nito ang saya at muling bumalik sa seryosong wangis.  “Hindi kaya mas makakabuting ako na lamang mag-isa ang magsagawa ng plano?”  “Si Alison lamang ang may kakayahang manghimasok sa alaala ng isang nilalang.” mariin na punto ni Idriel habang iginuguhit ang daliri sa makapal na kilay. “Alam kong nagaalala ka sa kaligtasan niya at ng inyong magiging anak - “  “Wala kayong dapat ikabahala. Kaya ko ang sarili ‘ko.” Matapang na putol ni Alison sa pagsasalita nito at binigyan ng makahulugang tingin si Gael. “Hindi natin maipapanalo ang digmaang ito kung mapupuno tayo ng pagaalinlangan.”  “Pero - “  “This little one will take care of me. Don’t worry.” bulong niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD