Chapter 1 - Sight of an Old Enemy

1222 Words
    Mabilis na dumating ang araw na pinakahihintay ng lahat. Naging masigasig ang paghahanda para sa nakatakdang pagbisita ng ilang kinatawan ng mga Villaroman. Pinamunuan ni Gael at Jax ang taktikal na pagtalakay sa mga maaaring kahihinatnan ng kanilang plano.      “Anumang oras mula ngayon, darating na sa entrada ng kampo ang mga negosyador na ipinadala ng mga Alpha,” anunsyo ng binatang Gamma at luminga sa direksyon ni Idriel, “Ayon sa mga kawal, may tatlong kalalakihan na lulan ng mga kabayo ang kanilang natanaw apat na kilometro mula rito.”      “Mayroon na lamang tayong humigit kumulang tatlumpung minuto,” saad ng pinuno ng Cohortes Vigilum. Inilapat nito ang mga kamay sa ibabaw ng mesa at tumayo. “Nasaan ngayon si Alison? Nakahanda na ba siya?”      “Nakahanda na siya sa isang silid nalalapit sa bulwagan kung saan palihim niyang masasaksihan ang pagsalubong sa mga Alpha,” maagap na sagot ni Gael at nakipagpalitan ng tango kay Idriel, “Nabalutan ko na rin ng pananggalang ang buong silid upang makasiguradong hindi mararamdaman ninuman ang kanyang enerhiya.”      Lumakad ito sa kanyang direksyon at tinapik ang balikat niya, “Huwag kang mabahala, Gael. Sakaling hindi maging matagumpay ang plano, ang kaligtasan ni Alison ang magiging pangunahing layunin ng samahang ito.”      “Idriel.”      “Ang nasa sinapupunan niya ay ang punla ng isang bagong lahi,” Napuno ng misteryosong kislap ang mga mata ni Idriel, “Anuman ang kahinatnan ng digmaan, nasa kamay niyo ni Alison ang kinabukasan ng lugar na ito.”      “Umaasa akong walang bahid ng pagnanasa sa kapangyarihan ang pangakong sinambit mo.“ Isang makahulugang tingin ang  ipinukol ni Gael kay Idriel, “Hindi ko na hahayaang samantalahin pa ng ibang lahi ang kapangyarihan ni Alison o ng aming anak na nasa kanyang sinapupunan.”      Umangat ang magkabilang dulo ng labi nito, “It’s too soon to talk about that. Let’s make this plan work first.”  --     Marahang hinawi ni Alison ang kurtina na tumatakip sa isang maliit na bintana. Mula rito’y malaya niyang natatanaw ang entrada ng malaking bulwagan. Sa lugar na ito niya masisilayan ang mga kawal na ipinadala ng mga Villaroman.      Humugot siya ng malalim na hininga at tumungo pabalik sa kanyang kinauupuan kanina. Hinaplos niya ang kanyang tiyan at bahagyang napapikit.      “Huwag kang mag-alala, pangangalagaan kita.” mahinang sambit niya kasabay ng isang mapait na ngiti, “Sisiguraduhin kong isang payapang mundo ang daratnan mo sa iyong paglabas.”      Napukaw ang kanyang tahimik na paghihintay sa dahan-dahan na pagbukas ng pintuan. Nang imulat niya ang talukap ng kanyang mga mata, tumambad sa kanya ang binatang Gamma na si Jax. Lumakad ito sa kanyang harapan at matamang tumango upang magbigay-galang.      “Ilang minuto na lamang ay darating na ang mga Villaroman,” bungad na sambit nito at tumigil sa kanyang harapan, “Kamusta ang iyong pakiramdam?”      “Ayos lang ako, Jax.” kalmadong paninigurado niya sapagkat nababasa niya sa mukha nito ang labis na pag-aalala. “You don’t need to worry, I can handle myself.”     Tumango ito bilang pagpapatalo sa kanya, “Nababahala lamang ako sa iyong kalagayan. To tell you the truth, I agree with Gael. Tingin ko’y mas makakabuting kami na lamang ang magsagawa ng plano.”      “Ngunit alam natin na hindi magiging matagumpay ito kung hindi ko magagamit ang kakayahan kong pasukin ang isipan ng isang nilalang,” mabilis niyang punto at tumanaw muli sa bintana, “Inaasahan ko rin na gagawin mo nang buong puso ang iyong parte sa planong ito.”      Jax pressed his lips down. Gumuhit ang pagaalinlangan sa nandidilim nitong wangis. “To be engaged to one of the Alphas, iyon lang naman ang papel ko.”      “Hindi magaan na papel ang gagampanan mo, Jax.” matigas na bulalas ni Alison. Hindi pa rin nawawalay ang mga nangungusap nilang mga mata mula sa isa’t isa. “With that fake engagement, mapapaniwala natin sila na tunay ang intensyon nating makipagtulungan.”      “Sa tingin mo ba’y mapapaniwala natin ang Capo?”      Lumapad ang ngiti sa labi niya bunga ng tanong na iyon, “Hindi magpapadala ng tauhan ang Capo kung hindi siya interesado sa ipinadalang paanyaya ni Idriel. Batid niya kung gaano kahalaga ang magkaroon ng kaalyansa sa norte.”      “Ngunit batid ng mga Villaroman na minsan akong itinakdang magpakasal sa’yo.”      “Exactly my point.” Isinandal ni Alison ang kanyang likod sa kahoy na upuan at itinupi ang magkabilang braso. “Alphas tend to use marital relations to strengthen their dominance. Ika-apat ka sa linya bilang tagapagmana ng mga Gamma, hindi nila palalampasin ang pagkakataong ito.”     “Ibang-iba ka na nga, Alison.” Jax exclaimed, visibly amused by her detailed explanation. “Hindi ko akalain na ang nalilitong dalaga na nakausap ko noon ay ang makakaisip ng tusong planong ito ngayon.”      “Life makes us tough, Jax. Alam kong hindi rin naging madali sa’yo ang lahat.”      “Definitely,” Isang mahinang tawa ang namutawi sa bibig nito, “I lost my chance with you. That’s definitely tough.”      “Jax…”      “Nagbibiro lamang ako.” Umiling-iling ito at ibinulsa ang magkabilang kamay. “Masaya ako para sa’yo, Alison.”      “Salamat, Jax.”      Napukaw ang taimtim na kaganapan sa pagitan nila nang isang kawal ang tumigil sa pintuan. Yumukod ito sa harapan nilang dalawa at may ibinulong sa tenga ng binatang Gamma. Matapos nito’y tumingin ito sa kanya at tumango.      “Narito na sila,” napalunok na bulalas ni Jax, “Kasama nila ang Capo.”      Hindi na sumagot si Alison. The look on her face was enough for Jax to understand. Magkasabay na lumabas ang ang kawal at ang binatang Gamma sa silid. Matapos noo’y naramdaman niya ang pag-igting ng enerhiya na bumabalot sa loob ng kwartong kinalalagyan. Marahil ay pinagtibay ni Gael ang pananggalang para na rin sa kaniyang seguridad.      Ilang minuto pa ang lumipas, unti-unting napuno ang bulwagan ng mga kasapi ng Cohortes Vigilum. Isa ito sa kanilang naisip na estratehiya upang bumaba ang tyansang maramdaman ng mga Alpha ang presensya nila.      Halos habulin niya ang kanyang hininga nang makita ang pamilyar na pigura na naglalakad sa gitna ng malawak na bulwagan. Ang Capo ng mga Villaroman. Walang pinagbago ang matapang nitong tindig at matatalim nitong mga mata. Huli niyang nakita ang matandang pinuno ay noong namanhikan ito para sa naudlot na nakatakdang kasal nina Gael at Madison.      Ang pakikipag-kamay ni Idriel sa Capo ang naging hudyat upang simulan niya ang kanilang plano. Hinugot niya ang telang nasa kanyang kandungan at ipinikit ang kanyang mga mata. Gamit ang kanyang mahika, sinubukan niyang ikonekta ang kanyang isipan sa gwantes ni Idriel na nakasapo sa kamay ng matandang Villaroman.      “Sa norte, iparada ninyo ang ulo ni Mercedes.”      “Knowing how fragile they are, nakakasiguro akong walang alinlangan na susugod ang magkapatid na si Alison at Madison.”      “Papalabasin natin na sa magkabilang direksyon tayo aatake, ngunit ang totoo’y gagamitin natin ang Cohortes Vigilum.”      “Nakakasiguro akong iyon din ang nasa isipan ni Celeste. Kailangan lamang ay maunahan natin sila kay Idriel.”      “Si Idriel ay isang Gamma na ganid sa kapangyarihan. Siguradong siya ang unang lalapit sa’yo sa gitna ng digmaang ito.”      It was Rogelio Barcelona’s voice. Dumadagundong ang boses nito sa kanyang isipan habang nabubuo ang imahe ng kasuklam-suklam nitong mukha sa kanyang harapan. Naka-upo ito sa pabilog na mesa kasama ang pinuno ng mga Alpha. Kapwa na may misteryosong ngiti sa mga labi ang dalawa.      Kinuyom ni Alison ang kanyang mga palad. Gusto man niyang magalit, hindi ito ang tamang oras. Naputol ang kanyang pangitain nang magbitaw ang dalawa. Muli niyang ibinalik ang atensyon sa labas at minanmanan ang mga galaw nito.      Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang sibat na dala ng isa sa mga kawal ng mga Villaroman. Napatakip siya ng kanyang bibig at dagling lumapit sa bintana. Hindi siya maaaring magkamali, kilalang-kilala niya ang mukha ni Mercedes!      The head on the spike, with a grimace expression and bathing of dried blood, was her foster mother! Iminartsa ito sa gitna ng bulwagan na tila isang magiting na bandila.   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD