Chapter 6: Halik ng isang Tomboy

2000 Words
“A–Ako na lang kasi, Boss. Kaya ko naman ito dahil sanay na ako,” sambit ko. Hindi ko alam kung titingin ba ako sa kanya o ano. “It’s my obligation to do this dahil empleyado kita. Kung wala ka siguro, malamang na pinaglalamayan na ako ng mga tao ngayon, kasama ng rooster ko. At baka hindi na ako magustuhan ng mga chick dahil wala na itong buhay,” he said to me, causing me to shake my head and prevent myself from laughing. “Putulin mo muna, Boss bago kayo ilagay sa ataol kung sakali. Tapos, paghati–hatian ng mga chick ninyo,” natatawa na sambit ko upang ibsan ang kabang nararamdaman ko. “Paghatian nila? Tsk! Baka, lalo lang silang mag–away. Iyong itlog ko na lang paghatian nila at para sa isang babae lang ang rooster ko kung sakali. Iyong alam kong talagang mahal niya ako at mahal ko rin sila,” saad niya sa akin. “Why? Hindi mo ba mahal mga chicks mo, Boss? Halata namang mahal ka ng mga ‘yon,” sambit ko. “Tsk! I feel no love for them. Besides, I know they feel the same way about me. Pareho lang kaming nag–e–enjoy, kaya hindi mahalaga sa akin ang salitang love as long as masaya ako at napasasaya ko rin sila,” pahayag niya sa akin, kaya naman kumunot ang noó ko. “Iba talaga ang playboy,” wala sa sariling saad ko, kaya naman seryoso siyang tumingin siya sa akin. “Nakailang lalaki ka na ba bago ka maging tomboy?” tanong niya sa akin, kaya naman napalunok ako. “Grabe naman ‘yang nakailang lalaki ako, Boss, Parang ang tingin n’yo sa akin ay pakawalang tomboy, ah,” gagad ko. “Pero, nakailan kang lalaki dahil hindi ka na virgin, ‘di ba?” muling tanong niya sa akin. At idinampi niya ang bulak patungo sa s**o ko. Oh, my golly, Pepper! “I–Isa lang. Pero, tomboy na ako that time. Kainuman ko kasi siya at kababata ko sa tomador. Nalasing ako, at hindi ko na alam pinaggagawa ko, kaya ‘ayun, sinamantala niya. Nakita niya ang kagubatan ko, kaya trinoso niya ako. Tapos, paggising ko, wala na siya. Nag–abroad na raw,” mabahang sambit ko. “At paano mo alam na may nangyari sa inyo?” curious na tanong niya. Pakiramdam ko tuloy ay hinuhuli niya ako. “Eh, paggising ko nang umagang ‘yon, may nakita akong ano–iyong dinuguhan,” depensa ko. “Tsk!” gagad niya. “Then, why didn't you look for him? Where did he go abroad at ng ma–hunting natin,” muling tanong niya. “Huwag n’yo nang alamin, Boss,” saad ko. “Saan ngang bansa siya nag–abroad?” gagad niya. “Sa Mexico, Pampanga, Boss,” sagot ko sa kanya dahilan upang idiin niya ang paggamot sa akin. “Ouch! Ang sakit niyon, Boss! May lihim ka yatang galit sa akin dahil hindi ka nakaiskor kay Ma’am Jenie Batara kanina,” segunda ko. “Loko–loko ka kasi. Akala ko pa naman kung saang abroad iyong lalaking nakagalaw sa ‘yo. Iyon pala’y sa Mexico, Pampanga lang,” asik niya. “Eh, lumipat daw kasi siya, eh!” pahayag ko. “Saan naman daw?” untag niya. “Sa Newyork, Cebu,” mabilis na sagot ko. “Pvtang ina, Pepper! Ang seryoso kong nakikipag–usap sa ‘yo, sinasamahan mo naman ng kalokohan,” inis na sambit niya sa akin. “Eh, ang dami mo kasing tanong, Boss. Ako nga, ibinaon ko na sa inodoro ang lalaking ‘yon dahil ‘di naman kasi kapogihan. Kaya, huwag na kayong magtanong,” nagkakamot na saad ko. “Hindi na kita ni–interview kanina dahil wala na akong time. Kaya, may oras na akong interview–hin ka ngayon, kaya sumagot ka nang maayos,” matigas na sambit niya sa akin. “Wala po bang time? Sabi mo, tanggap na ako, eh. Pero, magtanong ka na, Boss basta’t ‘yong kaya kong sagutin,” saad ko. “Really? Huwag na dahil baka hindi mo rin lang magustuhan ang tanong ko. Saka na kapag naisipan ko,” walang ganang aniya sa akin. “Ang seryoso mo pala, Boss,” ngisi ko. “Kaya, magseryoso ka rin kung seryoso ako dahil madalang lang akong magseryoso at sa ‘yo lang ako nakikipag–usap ng matino,” matigas niyang saad sa akin. “Sorry, Boss,” hinging paumanhin ko. “Tsk!” gagad niya. “Pahinga ka muna nang isang linggo. Hindi naman tayo puwedeng pumunta ng hospital, kaya doktor na papupuntahin ko rito,” dagdag pa niya sa akin. "Huwag na, Boss dahil mahirap na at baka matunton pa nila ang doktor at matsugi pa 'yang rooster mo," saad ko. "Hindi ito matutsugi dahil lagi ko 'tong binibilin at tumatango lang naman," natatawang aniya sa akin. “Maybe that won't happen. And I also won't allow them to track us like what happened to papa.” Tumigil siya pagdampi ng bulak nang mabanggit niya si Don Trivorcio. “I know that I had a faults also dahil gano’n siguro ang mag–ama at hindi nawawala ang bangayan. But, I love him. Kaya, hindi rin ako tumitigil na makamit ko ang hustisya. Many people say na maaring ako ang mastermind sa pagkamatay ni papa. Pero, magagawa ko ba ‘yon sa kadugo ko? Pero, hindi ko na sila pinatulan pa dahil lalo lang nila akong ididiin,” mahabang pahayag niya sa akin. At muli niya akong ginamot. Hindi ko alam kung ano’ng sasabihin ko dahil hindi naman ako puwedeng magsalita about sa tatay niya. “Um, napano pala ‘yang isang sugat mo?” tanong pa niya sa akin. “Nagasgas lang sa rough road. Alam mo na, mabilis akong mmagpatakbo ng motor. Mabuti na lang at ito lang napala ko,” depensa ko. “Mabuti nga dahil maraming namamatay sa motor. Hindi mo ba siguro oras dahil may misyon ka pang protektahan ako,” sambit niya dahilanupang tingnan ko siya at nagtama ang aming mga mata. Nakita ko ang paggalaw ng adam’s apple niya, kaya naman ibinaling ko ang tingin ko sa kamay niya dahil sus0 ko na ang dinadampihan niya ng bulak. “Um, Boss. Iba na ginagamot ninyo,” sambit ko. “Ha–Ha?” aniya at napatingin siya sa kamay niya. “Oh, fvck!” he said and immediately removed his hand from my breast. "My bad. And I didn't notice na pala ginagamot ko. Pero, alam ko namang okay lang sa ‘yo ‘yon dahil hindi ka naman pure woman,” depensa pa niya sa akin. “Wala naman akong sinasabi, Boss. Sinasabi ko lang naman sa inyo dahil baka lalo tayong matagalan dito. Saka, daplis lang ito at wala namang balang bumaon, so don’t you worry, okay,” ngiti ko. “Kahit na,” irap niya sa akin. Inabot kami siguro nang ilang oras bago niya natapos ang pagamot sa akin. Nakakailang lang dahil nakasuot lang ako ng bra tapos kaming dalawa lang dito sa condo niya. Samahan pa na panaka–naka pa niya akong sinusulyapan. “Malapit na itong maluto,” narinig kong sambit niya dahil nakatagilid ako sa kanya. “Salamat, Boss. Ako dapat ang magluto riyan dahil bodss kita. Pero, baliktad yata ngayon,” nahihiya na sambit ko. “Hindi ka rin naman makapagluto dahil iyang kanang braso mo ang nadaplisan. Kaya, hinay–hinay ka muna, ha,” paalala niya sa akin. “Thank you ulit, Boss,” pagpasasalamat ko. “Halik ang gusto kong kabayaran, Pepper para masubukan ko naman ang halik ng isang tomboy,” ngisi niya sa akin. “Ewan ko, sa ‘yo, Boss at anmg laakas nga amatz mo,” napapailing na sambit ko. “Anong ang lakas ng amatz ko? Sa tingin mo’y nagbibiro ako? Tsk! May reward ako mamaya at iyon ay ang kiss mo para matikman ko rin kung anong lasa ng labi mo,” muling ngisi niya sa akin. “Hinalikan na kita kanina, Boss kaya okay na ‘yon siguro,” sambit ko. Kinakabahan tuloy ako dahil pakiramdam ko ay hindi nagbibiro ang Krypton na ito. “I couldn't feel your lips earlier because I was thinking about someone else. Ni hindi ko nga alam kung lumapat ang labi ko sa labi mo, eh. Lumapat ba?” tanong niya sa akin, kaya naman kumunot ang noo ko. “Dapat pala, Boss, pinicturan ko kahit keypad lang phone ko, para may ebidensya ako,” depensa ko. Ang lakas ng trip ngayon ni Krypton. Kaunti lang naman ang ininom niya. “Tsk! Ulitin natin ang halikan natin mamaya. Iyong mararamdaman kong mabuti ang labi mo para maranasan ko nga rin na mahalikan mo. Kainis ka dahil ang kulit mo! Paulit–ulit na lang tayo,” gagad niya. “Kuh, Boss, baka malason kayo sa labi ko, kaya ‘wag na. Baka, makagat ko pa kayo, eh!” protesta ko, dahilan upang pukulan niya ako nang masamang tingin. Tapos na siyang nagluto. Ipinaghain niya na ako at mukhang masarap iyon. Pero, papaano ako makakakain kung hindi naman ako kaliwete? “Subuhan na kita para ‘di ka na mahirapan,” ani Krypton sa akin. “Hu–Huwag na, Boss,” saad ko. “Hayan ka na naman sa huwag na. ‘Kita mo ngang hirap na hirap ka, eh!” segunda niya. “Hihigupin ko na lang ‘tong sabaw,” ngiti na sambit ko. “Mahihigop mo nga! Ang tanong, makakakain mo ba ‘yang laman? Alangan namang didilaan mo ‘yang plato?” gagad niya sa akin. Ang daldal talaga ni Krypton. Daig pa niya ang mga babae. Hindi na lang ako nagsalita. Hinila niya ang upuhan palapit sa akin at umupo siya sa harapan ko. “Ako muna mag–aalaga sa ‘yo,” ngiti niya sa akin. Tipid akong ngumiti. “Nakahihiya naman kasi sa ‘yo, Boss. At saka, baka mabalitahan ‘to ng mga babae mo, magalit sila sa akin.” “Hayaan mo lang mga ‘yon. Halik ko lang naman ang makapagpasusuyo sa kanila. Um, nganga ka na at ng mainitan ang tiyan mo,” utos niya. Lumunok muna ako, bago ako ngumanga. At isinubo niya sa akin ang kutsara. “Masarap ba?” tanong niya sa akin. Nginuya ko muna ang food, saka ako nagsalita. “O–Oo, masarap.” “Siyempre, masarap din ako sa kama, eh!” pagmamalaki niya, dahilan upang mabilaukan ako. “Joke lang. Ubusin mo na ‘to,” aniya sa akin. Inubos ko naman iyon kahit naiilang ako. Nagtoothbrush na rin ako dahil may stock siyang toothbrush dito at bumalik ako sa kinauupuhan ko at lumapit si Krypton sa akin. “Ngayon na kita sisingilin,” aniya sa akin. “Wala na naman akong utang sa ‘yo, Boss,” sambit ko. ‘Hina mo namang naka–pick up. I mean, ako ang halikan mo ngayon at wala namang malisya ito,” pahayag niya sa akin. Shuta! Akala ko talaga’y nagbibiro lang siya. “Pe–Pero, hindi ako marunong humalik dahil babae nanghahalik sa akin, eh!” depensa ko. “Kahit na. Sige na, halikan mo na ‘ko at hindi ako gagalaw, promise at steady lang labi ko,” aniya sa akin. “Puwede bang sa ano na—” “Sige na!” matigas na saad niya. Pumikit na siya. Lumunok naman ako nang ilang beses. Pinunasan ko pa kamay ko dahil nanginginig ito. “Naghihintay ako, Pepper,” saad pa niya sa akin. “Wa–Wala itong malisya, Boss, ha,” sambit ko. Inillapit ko na ang mukha ko sa kanya. Napalunok pa ako nang halikan ko siya. Subalit, nagulat ako nang gumalaw ang labi niya at ipinasok niya ang dila niya sa loob ng bibig ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD