Chapter 5: Tinamaan si Pepper

2451 Words
“Ba–Bakit kita hahalikan, Boss? Baka, hindi na ako makakikita ng chicks ko rito,” sambit ko. “Inuutusan kita na halikan mo ‘ko ngayon din! I’m your boss, kaya sundin mo ‘ko!” matigas niyang sambit sa akin dahilan upang lumunok ako nang lumunok. “Dalian mo na!” gagad pa niya, kaya naman hinalikan ko na siya sa noo. “What the— s**t! Ginawa mo naman akong lolo mo,” reklamo niya. “Ba–Bakit? Saan ba dapat kita halikan, Boss?” kabadong sambit ko. “Sa labi ko, okay! Dalian mo na dahil palapit na sa atin si Olivia at sasakmalin niya agad ang rooster ko. So, kiss me right away!” muling utos niya sa akin. Pero, hindi ako makakilos at tila na–freeze ako sa aking kinatatayuhan. “Fvck, ang tagal mo!” muling gagad niya at siniil niya ako nang halik, dahilan upang manlaki ang mga mata ko. “Dear!” narinig kong protesta ni Olivia. At matagal na naglapat ang aming mga labi ni Krypton, hanggang sa maramdaman ko na gumagalaw ang labi niya. “Krypton, Dear, siya na ba ipinalit mo sa akin, ha?” sambit ni Olivia, kaya naman pinakawalan na ni Krypton ang labi ko. “Oh, I’m sorry, My Olivia dahil hindi ko pala nasabi sa ‘yo that I have a new girl now. Sorry, for the late info, My dear,” ani Krypton dito. “So, ang babaeng ‘yan ang ipinalit mo sa akin, ha?” hindi makapanwalang sambit nito. “Yeah,” mabilis na sagot ni Krypton, dahilan upang mapatingin ako sa kanya. “Bo–” Hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil hinawakan niya ang kamay ko. “I can’t believe this, Krypton na sa isang baduy at tomboy ang ipinagpalit mo lang sa akin!” gagad ni Olivia at pinukulan niya ako nang masamang tingin. “I don’t mind if she’s a boyish or what. What matters to me is she has a pvssy,. At alam mo namang ilan kayong babae sa buhay ko, ‘di ba?” maawtoridad na pahayag ni Krypton, kaya naman pakiramdam ko ay lulubog ako sa kinatatayuhan ko. “How dare you! Okay lang sana kung ipagpalit mo ‘ko sa kahit sinong babae at oo na marami kaming mga babae mo! Pero, iyong idinagdag mo ‘yang tomboy na ‘yan sa listahan mo’yt hindi katanggap–tanggap! And from now on, hinding–hindi mo na matitikman ang katawan ko!” muling gagad nito at nagmartsa na ito palayo sa amin. “Ba’t mo naman sinabi na babae mo ‘ko, Boss, kahit ‘di naman. Baka, patambangan pa ako ng babaeng ‘yon sa kalye,” nagkakamot na saad ko. “May baril ka naman pang proteksyon, ‘di ba? Kaya, kayang–kaya mo ang sarili mong ipagtanggol,” pahayag niya sa akin at iniwan niya na ako. Sinundan ko na lang siya at lihim kong dinama ang labi konmg hinalikan niya. “Kilig ka, Pepper? s**t! Ang guwapo ng humalik sa ‘yo!” bulong ng isipan ko. “Oh, My Krypton, Darling!” narinig kong tawag ng isang babae sa ‘di kalayuan. Naka–minis skirt lang ito. Pero, mas maganda pa ito, kaysa sa mga naunang girlaloo ni Krypton. “ “Hello, Darling,” tugon naman ni Krypton at nakipagbiso siya rito. “Um, who is she? Your driver?” tanong nito. “Yeah, my new driver and she’s a boyish,” ani Krypton. “By the way, her name is Pepper. Um, Pepper, she’s Jenie Batara. My chatting mate and one of my— you know,” ngiti ni Krypton sa akin at kuha ko agad ang ibig niyang sabihin. Napailing na lang ako dahil ayaw niyang mahawaan ng aids, pero kung sino–sino naman ang ikinakama niya. “Um, Boss, doon muna ako at juice lang o–order–in ko dail baka kung alak ay hindi na tayo makauwi,” pagbibiro ko sa kanya. “Maki–join ka na lang sa amin, Pepper dahil panget naman kung mag–isa mo lang uminom kahit juice pa ‘yan,” pahayag niya sa akin. Hindi na ako nagprotesta pa. Umupo na kami at um–order na si Krypton ng alak. “Um, Boss, uuwi pa ho tayo, kaya huwag ka masyadong uminom,” bulong ko sa kanya. “I can manage myself, Pepper. At hindi naman ako ang magmamaneho, eh. Saka, kaunti lang naman ang iinumin ko,” aniya sa akin. Bumuntong–hininga na lang ako. Sanay na pala siya sa bar. Pero, ang inaalala ko ay kung may naghihintay na kalaban sa labas. Saka, kailangan ko ring malaman kung ba’t gusto siyang patayin ng mga kalaban. Imposibleng sa negosyo lang? Dumating ang order namin. Juice lang talaga ang akin dahil iyon. Inubos ko kaagad ‘yon at palinga–linga ako sa paligid. Hindi naman ako halatang bodyguard ni Krypton dahil dahil naka–White sleeve ako. “Um, Boss, C.R lang ako,” paagpapaalam ko. “Okay,” narinig kong sambit niya nang hindi man lang tumitingin sa akin. Tumayo na ako. Tinungo ko ang CR ng mga babae dahil babae naman talaga. “Ay ano ba ‘yan! Lalaki pero, dito naman iihi,” reklamo ng babae. “May pvke rin naman ho ako, Ma’am kahit tomboy po ako,” ngiti ko. “Pero, babae ang gusto ninyong karelasyon?” gagad nito, kaya naman hindi ko na ito pinansin pa. Pumasok na ako sa at umihi na ako. Lumabas agad ako nang marinig ko ang lalaking nagkukuwentuhan sa labas. “Bantayan mong mabuti si Delaser dahil kailangan nating maiuwing buhay ‘yan. Masyado nang perwisyo ‘yan sa atin lalo na at namatay na naman ang ilang kasamahan natin kanina,” narinig kong sambit ng lalaki. “Ngayon lang ‘to nangyari, Boss na lagasan tayo ng kasama. Siguro’y may back up si Delaser ngayon, kaya kailangan nating maingat,” saad naman ng isa. “Kahit may back up siya o wala, kayang–kaya n’yo siyang patayin! At kung mayro’n man siyang kasama ngayon, patayin n’yo rin,” anang kausap nito. “Nasa loob na mga kasama natin, Boss at nagkalat na sila roon,” narinig kong pahayag ng lalaki, dahilan upang maalarma ako. Bumalik ako sa banyo. Isinuksok ko ang bala sa dala kong baril na calibre 45. Mabuti na lang at binigyan ako ni Krypton ng bala. Isinuksok ko ito sa baywang ko. At lumabas na ako. Wala na ang mga lalaki rito, kaya naman binilisan kong bumalik nang marinig ko ang sunod–sunod na putok at nagkagulo na ang mga tao. “Krypton?” bulong ko. I ran and immediately grabbed my gun. I couldn't see Krypton, which made me nervous. “Huwag ka nang magtago sa palda ng babae, Krypton dahil ka maiiligtas ng mga ‘yan! At oras na rin para kami naman!” sambit ng maskuladong lalaki. “Ang dami n’yong satsat! Patayin n’yo na ako nang magkaalaman na!” narinig kong sigaw naman ni Krypton. ‘Loko ba siya? Pa’no kung tuluyan siya ng mga kalaban? Hay naku!” bulong ko sa aking sarili. Nakita kong palapit na ang dalawang kalaban sa kanya, kaya namang pinaputukan ko ang mga ito sa ulo. “Ughh!” sigaw ng mga ito. “Sino ang pvtang bumaril!” narinig kong sigaw ng lalaking kalaban. “Ako! Kaya ako ang harapin n’yo mga Kolokoy!” sigaw ko at muli akong nagpakawala ng bala sa ilang mga kalaban. “Pakialamera kang tomboy ka!” bulalas nito at binaril ako nito. Nagpagulong–gulong ako palapit kay Krypton dahil alam kong siya ang pupunteryahin ng mga ito. “Tumakas ka na, Ma’am Jenie dahil baka madamay ka pa rito,” sambit ko. “Nagkalat ang mga kalaban sa labas,” pahayag nito dahilan upang kumunot ang noo ko. “Pa’no mo alam na nagkalat ang mga kalaban sa labas?” untag ko. “Dahil marami sila,” sagot nito, ngunit hindi ko na lang ito inintindi dahil muli kaming pinapatukan ng kalaban. “Dapa!” sambit ko at itinulak ko ang mga ito. “Boss, iyang kamay ninyo,” saad ko kay Krypton dahil nadapahan ko ang kamay niya at tamang–tama iyon sa s**o ko. “Hayaan mo na ‘yang kamay ko riyan, Pepper at hindi naman niya gagalawin ‘yang sus0 mo dahil maliit ‘yan at buto mahahawakan ko riyan,” segunda niya sa akin. “Tapusin mo na sila at isama mo na ‘yang tomboy!” narinig kong utos ng lalaking kalaban. “Masusunod, Boss!” sagot naman ng lalaki at muli kami nitong binaril. “Shete!” sambit ko. Ikinasa ko ang baril. Sinilip ko ang kalaban sa silong at nakita kong palapit na ang mga ito sa amin. Kung hindi ako makipagsasabayan sa kanila’y mamamatay kami rito. “Boss Krypton, kung sinabi kong takbo, tumakbo na kayo. Tumago kayo kung kinakailangan dahil kung hindi kayo aalis dito’y pare–pareho tayong mamamatay!” maawtoridad na sambit ko. “Paano ka?” gagad niya. “Kaya ko ang sarili ko,” saad ko. Muli kong sinilip ang mga kalaban at pinag–aralan ko mga kilos ng mga ito. “1, 2, 3, tayo, Pepper!” sambit ko at tumayo ako at sunod–sunod na bala ang pinakawalan ko sa bawat kalaban na nakikita ko. “Tumakbo na kayo, Boss Krypton!” utos ko at tumakbo naman ang mga ito. “Sumunod ka sa amin, Pepper,” ani Krypton sa akin. “Huwag mo na akong isipin. Ang mahalaga ay ang kaligtasan mo at ang rooster mo!” wala sa sariling sambit ko. "Nakatago itong rooster ko, kaya hindi ito matatamaan!" pahayag niya sa akin. Nakalabas na ang mga ito. At habang nakipagpapalitan ako ng putok sa mga kalaban ay mabilis ang mga hakbang ko palabas ng bar na ito nang . . . “Huli ka,” anang lalaki sa likuran ko at tinutukan ako nito ng baril. “Ang lakas mo naman bata para kalabanin kami. Sino ka ba at ipinagtatanggol mo ang mahigpit naming kalaban, ha!” sigaw nito, dahilan upang mapapikit ako sa bingi. “Ano ba sa akala mo, ha!” gagad ko at mabilis kong kinuha ang kamay niya at binigyan ko siya ng hammerfist punch, dahilan upang mabitawan nito ang baril at sinipa ko ang p*********i nito. “Pvtang!” Dinampot ko ang baril nito at binigyan ko ito ng isang putok. “Ughh!” sambit nito at bumagsak ito sa semento. “Boss!” narinig kong sambit ng kalaban at pinaputukan ako. Nakatago ako, ngunit natamaan pa rin ang braso ko. “Shít!” napangiwi na sambit ko. “Pepper, sumakay ka na!” narinig kong sambit ni Krypton. “Mamamatay ka na, Tomboy kaya magdasal ka na sa lahat ng santo rito sa Pilipinas!” sigaw ng kalaban. “Putik! Mauna ka!” nanggigigil na sambit ko at dalawang baril ang ginamit ko dahil nagsisulputan na ang mga ito . “Get in, Pepper!” muling sigaw ni Krypton sa akin at bumungad ang sasakyan niya sa likuran ko. Marami sila, kaya baka hindi ko sila kakayanin lalo na at may sugat ako. Paatras akong naglakad patungo sa kotse, habang nakikipagpalitan ako ng putok at kinuha ko ang pagkakataon na sumakay at mabilis na pinatakbo ni Krypton ang sasakyan pero patuloy pa rin ako sa pakipagbabarilan. At upang hindi nila kami masundan ay isa–isa kong pinakawalan ng putok ang mga sasakyan ng mga ito dahil may sumakay na kalaban doon. At nang malayo na kami ay isinarado ko ang pinto at sumandal ako sa upuhan. “May tama ka, Pepper. May sugat ka na nga, nadagdagan pa ng isa pang sugat,” sermon pa ni Krypton sa akin. “Malayo sa bituka ito, Boss kaya huwag kayong mag–alala,” sambit ko. “ Pero, nasaan na si Jenie?” tanong ko pa. “Nauna na sa sasakyan niya,” sagot niya sa akin. “Hindi tayo uuwi ngayon sa bahay dahil tiyak na may naghihintay sa ating peligro doon. Sa condo muna tayo rito sa Pasay,” pahayag niya sa akin. I looked in the side mirror. No one is chasing us. It's also surprising that no police came. Pagkalipas ng halos kalahating oras na biyahe ay huminto kami rito sa Condo Casa. “Wait for me,” aniya sa akin at mabilis siyang bumaba. Pinagbuksan niya ako ng pinto at inalalayan niya akong makababa. “Thank you,” sambit ko. Isinuot niya sa akin ang coat jacket niya upang hindi halata na may tama ako ng baril. Tiinungo na namin ang condo. Sumakay kami sa elevator at pagkabukas niyon ay agad naming tinungo ang condo niya. Itinapat lang niya ang electronics key card sa pinto at binuksan niya iyon. Pumasok na kami sa loob at pinaupo niya ako. “Kuha lang ako ng first aid kit,” aniya sa akin at tinungo niya ang kuwarto. Hinubad ko ang coat niya nang bumalik siya at may dala siyang band–aid, alcohol, gaza, bulak, betadine, at micro tape. “Hubarin na natin ‘tong sleeves mo,” aniya sa akin. “Ha–Ha? Ah, eh. . . A–Ako na,” kinakabahang saad ko. “Mahihirapan ka niyan, kaya tulungan na kita,” aniya sa akin. Wala naman akong nagawa, kaya tinulungan niya na akong alisin ang long sleeve ko. Lihim akong napalunok dahil titig na titig siya dibdib ko kahit may plaster ito. “Naiinggit ka ba sa suot kong plaster, Boss? Gusto mo ba nito?” I asked with a smile, even though I was really nervous. “Remove your plaster dahil lalo kang mahihirapan niyan,” saad niya. “Hi–Hindi naman,” sagot ko. “Aalisin ko, okay,” he said authoritatively at wala akong nagawa nang alisin niya iyon at napangingiwi na lang ako nang alisin niya dahil tape iyon. “Ouch!” usal ko. “From now on, ‘wag ka nang magsuot ng ganito,” gagad niya sa akin. Dumaloy ang dugo sa dibdib ko, kaya kailangan itong linisan. “A–Ako na maglilinis, Boss dahil kaya ko na ito,” saad ko. “Don’t be stubborn, Pepper,” matigas na wika niya sa akin. Kinuha niya ang bulak at nilagyan niya iyon ng alcohol at idinampi niya na sa duguhan kong braso, patungo sa aking dibdib. I could also feel his hand shaking, while he was looking at my breast, that's why I was even more nervous.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD