Chapter 7: Nakayakap Si Krypton Kay Pepper

1411 Words
“Um. . . “ usal ko, sabay tulak ko sa kanya. “I–Iba na halik mo, Boss. Para ka na kasing si boy dila,” walang prenong sambit ko. Ang lakas ng t***k ng puso ko na tila gustong kumawala nito sa katawan ko. “My bad again, Pepper dahil nadala ako. Akala ko, ikaw si Jenie dahil masarap at magaling humalik ang babae na ‘yon,” paliwanag niya sa akin. “Kayo naman, Boss. Purong babae ‘yon si Ma’am Jenie Batara, kaya expert talagang humalik. Eh, ako? May halo ho ako,” I said authoritatively. “Tsk!” asik niya. “Magdamit ka na para hindi ka malamigan. Iyong with button sando na lang isuot mo,” aniya sa akin. “Wala naman akong damit dito, Boss dahil nasa bahay mo lahat, kaya papaano ako magdadamit?” muling depensa ko. “Iyong damit ko isusuot mo dahil alam kong wala kang damit dito,” gagad niya sa akin. Tumayo na siya at tinungo niya ang kuwarto. Pagkalabas niya’y may dala na siyang saando. “Tulungan na kitang magsuot nito,” dagdag pa niya sa akin. Hindi naman ako puwedeng tumanggi dahil hindi ko kayang isuot na mag–isa ito. He held my hand and millions of volts flowed through my veins, causing me to swallow. Shīt! Sumulyap ako kay Krypton at nakatingin pala siya sa akin, kaya agad kong iniwas ang tingin ko sa kanya. “I notice something strange about you, Pepper,” aniya sa akin. “A–Ano ‘yon, Boss?” tanong ko na hindi tumitingin sa kanya. “Tumingin ka sa akin para alam kong may kausap ako. Para ka kasing hangin minsan. Kung saan–saan ka tumitingin samantalang kaharap mo lang ako,” gagad niya sa akin. “Okay lang na hangin, Boss basta’t huwag lang utot,” segunda ko. Itinikom ko ang bibig ko dahil natatawa ako. “Gano’n? Mabuti pa nga ang utot dahil magre–reak ka kapag naamoy mo. Eh, ikaw? Tsk!” asik niya sa akin. Nakayuko ang ulo ko dahil natatawa ako sa kanya. Akala ko pa man din, seryosong Krypton ang babantayan ko. Kaso, mas kenkoy pa yata ito sa akin. “Natatawa ka ba?” muling gagad niya. “Natatawa ako, sa ‘yo, Boss? Lahat naman tayo’y magre–reak dahil mabaho ang utot. Nawawala tuloy ang sakit ng sugat ko, Boss,” napapailing na sambit ko. “You know what, hindi ko alam kung totoo kang tomboy dahil lagi kang umiiwas sa akin sa tuwing tinitingnan kita,” seryoso na aniya dahilan upang mapalunok ako. “Tumingin ka nga sa akin,” matigas pa na saad niya. Tumingin ako sa kanya. “Tomboy ho ako, Boss. ‘Kita n’yo naman sa pananalita ko at sa pananamit ko.” “Oo nga. Pero, the way you look at me ay hindi ka makatingin sa akin,” segunda niya. “Eh, pa’no naman kasi. . . ano, eh. Iyong ano n’yo— iyong ano–” “Anong iyong ano ko? Ang alin ang ano ko? Sabihin mo na kasi ‘yong ano ko? Itong rooster ko ba at sa baba ka nakatingin? Masakit tumingin 'to at nanunuktok ito," inis na sambit niya. Tapos niya nang maisuot sa akin ang button sando. At ibubutones na lang ito. “Hi–Hindi naman ‘yang rooster mo, Boss dahil hindi ko naman nakikita. Puwera na lang kung gustong magpakita sa akin—este, gustong lumabas dahil naiinitan na,” wala sa sariling sambit ko. “Tsk! Sabihin mo na kung ba't hindi ka makatingin sa akin. Hindi itong rooster ko dahil nananahimik na ito,” matigas na sambit niya. “Um, ma–may muta ka kasi, Boss kaya ayaw kitang tingnan,” sabi ko sa kanya. Hindi ko alam kung matatawa ako dahil may muta naman talaga siya. Pero, hindi naman malaki. Inalis naman niya agad ito. “Mabuti naman at sinabi mo.” “Kaya, hindi ako tumitingin sa ‘yo, Boss,” sagot ko. “O, wala na akong muta. Tumingin ka na sa akin,” matigas niyang sambit. Para hindi na siya makulit pa’y tumingin na lang ako sa kanya. Matagal ang titigan naming iyon at siya rin naman ang nagbaba nang tingin. “s**t!” mahinang sambit niya. “Ako ang panalo, Boss dahil nakatitig lang ako sa inyo. Saan ang premyo ko?” pagbibiro ko. Tumaas ang kilay niya. “Halik, gusto mo?” “Tsk! Kadiri, Boss. Kinikilabutan ako sa pinagsasabi n’yo dahil pareho tayong the man of steel,” pahayag ko. “Man of steel ka riyan. The man of rooster ako,” irap niya. “Matulog na kayo, Boss at dito na lang ako sa sofa. Ako na rin magbu–butones nitong sando. Salamat ulit sa sando na ito.” Sumaludo pa ako at umupo na ako sa sofa. “Okay. I know na kaya mo na rin ‘yan,” aniya sa akin at umalis na siya sa harapan ko. I let out a deep breath and now my knees are shaking “Chill lang, Pepper, chill lang,” mahinang sambit ko. Narinig ko naman siyang nagmura, kaya napalingon ako sa kanya. Nakita niya ako at pagbagsak niyang isinarado ang pinto. Kumunot tuloy ang noo ko dahil sa ginawa niyang iyon. “Anyare kay Boss Krypton?” bulong ko sa aking sarili. I just sighed. I lay down and closed my eyes. At hindi ko na alam ang sumunod na nangyari. Nagising na lang ako na nanginginig ang buong katawan ko. “Pepper,” narinig kong sambit ng boses ng lalaki. Pilit iminulat ang talukap ng mga mata ko kahit mabibigat ito. “Bo–Boss?” halos pabulong na sambit ko. “Damn! Ang init mo!” aniya sa akin. Naramdaman kong binuhat niya ako patungo sa kama. At ipinahiga niya ako. Kinumutan niya ako at umupo siya sa pharapan ko. Pero, nanginginig pa rin ako. Nakita kong kinuha niya ang phone niya. At nagdial siya roon habang nakatitig sa akin. “Dok, ano po bang gamot sa nanginginig na tao? Um, okay. Paracetamol lang. Pero, paano ho kung hindi pa rin tumitigil ang panginginig niya, Dok? Sige, ho at iyon na lang siguro gagawin ko at mas mabisa ho ba ‘yon?” narinig kong sambit niya sa kausap. “Okay, Dok,” dagdag pa niya at binabahan niya na nang tawag ang doktor. Tumayo siya at may kinuha siya sa cabinet. Saglit siyang lumabas at bumalik din siya agad dala ang baso ng tubig. “Ininom mo ito saglit, Pepper,” aniya sa akin. Ipinatong niya ang tubig sa katabing mini table at inalalayan niya akong bumangon. Kukuhanin ko sana ang tablet sa kamay niya, ngunit isinubo niya na iyon sa akin. At pinainom niya ako ng tubig. “Humiga ka na,” saad pa niya at ipinahiga niya na ako. “Salamat, Boss,” ngiti ko sa kanya. Pero, hindi ko maiwasang hindi mahiya dahil sa ginagawa niyang pag-aalaga sa akin. Ngayon lang niya ako naging empleyado pero ang bait naman niya yata sa akin. “Tulad nga nang sabi niya sa ‘yo, “Na–Nakalimutan ko pala. Balik na ako sa higaan ko,” saad ko na babangon sana ako, subalit pinigilan niya ako. “Stay here, okay, para alam ko nangyayari sa ‘yo at hindi na ako lalabas,” sambit niya. “Nakahihiya naman, Boss,” saad ko. “Tsk! Pulos ka na lang nahihiya. Mas nakahihiya ang magnakaw,” gagad niya. “Kung gano’n, matutulog na ako, Boss,” saad ko pa at tumalikod ako sa kanya. ‘Di ko maiwasang hindi talaga mailang lalo na at asikasong–asikaso ako sa kanya. Kung tutuusin ay hindi niya dapat ito ginagawa kahit empleyado pa niya ako. “Okay at babantayan na lang kita dahil baka magseizure ka na naman. Mabuti na ‘yong sigurado,” aniya sa akin. Hindi na ako sumagot. Ipinikit ko na lang ang mga mata ko dahil ang bigat ng talukap ng mata ko, hanggang sa makatulog na ako. KINABUKASAN, naalimpungatan ko dahil pakiramdam ko’y may mabigat na nakapatong sa akin. At may nararamdaman akong nakatusok sa puwetan ko. “Boss?” sambit ko. Iminulat ko ang mga mata ko. At nanlaki ang mga mata ko dahil nakayakap si Krypton sa akin. At ang masaklap pa ay hubad siya at nakabra at panty lang ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD