Chapter 13 Hindi ko na nalapitan si Darren para i-congratulate dahil kami ang sunod na isinalang. "Go Jessa! Go Sabrina!" pag-iingay ni Rico. Nakita kong umirap si Chloe sa kanila. Inihagis ng P.E. teacher namin ang bola. Mabilis kong naagaw iyon. Pinatalbog sa sahig habang tumatakbo papunta sa ring namin. Hiyawan din ang mga lalaki. Habol sa akin si Chloe kaya ipinasa ko iyon kay Claire na isang kateam namin. Nataranta agad ito kaya ipinasa kay Olive. Napituhan kaagad si Olive dahil itinakbo lang niya ang bola at hindi pinatalbog sa sahig. Traveling agad ang violation. Halatang hindi nakinig sa rules na ipinaliwanag kanina. Taas noong umiling sa akin si Chloe na parang sinasabing hindi kami mananalo sa kanila. Nagsimula ulit ang game, kina Chloe ang bola. Humabol ako at sinubu