Chapter 12 Sabrina’s POV Habang lumilipas ang mga araw, napapansin ko may kakaiba nasa pakiramdam ko kapag nasa malapit lang si Darren. Parang literal na bolang tumatalbog-talbog ang puso ko kapag nakikita at kasama ko siya. At kung wala naman siya sa paningin ko, namimiss ko siya. Ah, ewan! Nagsimula lang naman iyon nung maganap ang kakaibang ‘eksena’ doon sa library. Hindi naman namin napag-usapan kung ano ba talagang balak niyang gawin sa akin doon? Wala rin naman akong lakas ng loob na tanungin siya. "Ui, ah! Sa Sunday, ‘wag kayong mawawala! Magtatampo talaga ko!" pangungulit sa amin ni Rico habang nakatambay kami sa isang puno ng acasia. Vacant time namin kaya nakakapagkwentuhan kami. "Sus! Magtatampo o balak mo kaming gawing shield sa tatay mo? Paalala lang, pakitago na ‘yo