Chapter 11 Habang papasok kami ng canteen napansin kong may napapatingin na naman sa akin. Parang nanliliit na naman ako dahil hindi man lang sila nahiya na pagbulungan ako. "Kung pwede ko lang hawakan ang kamay mo para mas maramdaman mong hindi ka maalangan, ginawa ko na," ani Darren na pansin rin ang tinginan sa akin. "Wala namang nagbabawal," nangingiting sabi ko. "Ha?" "Ang sabi ko, you can hold my hand whenever you like..." Akala ko magugulat na naman siya pero hinagip na niya ang kamay ko, ako ang nagulat. Lalo na nang maramdaman ko ang mainit niyang palad na nakasakop sa palad ko. This is my first time na nakipagholding hands. Hindi ko na namalayan ang mga tao sa paligid. Nakatingin lang ako sa mga kamay naming magkahugpong at hindi na alintana ang mapanghusgang titig ng mga t