Chapter 10

942 Words
Chapter 10 Sabrina’s POV "Ano bang meron?" hindi maiwasang tanong ko sa sarili dahil kada madaanan kong estudiyante habang papunta sa school building, kung hindi titingin sa akin ng masama, eh, makikipagbulungan sa mga kasama nila. Tipong may nagawa akong mali at pinagchichismisan nila ako. "Grabe, mang-aagaw pala siya ‘no? Tsk. Tsk. Maganda lang pero ang sama naman ng gawi!" napatigil ako sa paglalakad nang marinig ang sinabi ng isang babae sa kasama niya. Naglakad ako paatras para balikan sila. "Ako ba pinag-uusapan niyo?" direksang tanong ko. Hindi kaagad nakapagsalita ang medyo may katabaang student. "Eh, ano naman ngayon kung ikaw?" sabat ng kasama niyang medyo kahawig na ng tingting sa payat. "Ano ngayon kung ako? Okay ka lang? Malamang pinag-uusapan niyo ko, kaya bakit babalewalain ko? Haler? Pakilinaw please?" nakaangat ang kilay na tanong ko. Namukhaan ko ang dalawa. Taga kabilang section sila pareho. "Totoo naman, inagawan mo si Mandy. Boyfriend niya si Jared di ba?" sabat ni Miss Chubby. "At saan niyo naman nakuha ‘yan?" "Kumalat video niyo ng sabunutan at sampalan. Ayan, oh!" halos iduldol ni Miss payat sa mukha ko ang cellphone niya. Kunot noong hinablot ko iyon. Saka iplinay. Nandoon nga ang awayan namin ni Mandy. Clear din ang audio. Nag scroll ako pababa. Nakapost ang video sa group ng Sunbridge Academy sa f*******:. Grabe ang harsh comments sa akin. Tulad ng: -“Kapag maganda ba, required bang maging malandi?”-unang comment na nabasa ko sa isang sss user na di ko kilala. -“Classmate ko ‘yan! She’s always with Mr. President Darren! Two timer? Ah, malandi nga.”- another harsh comment galing sa isang classmate ko na hindi ko naman close. -"Kung sino pa side chick sila pa matapang. Kung sakin ginawa ‘yan, makakatikim sa akin ng side kick ‘yan!"- comment pa ng isang sawsawera. And so on... Hindi ko na kayang basahin dahil naiiyak ako sa mga paratang nila. Dahil sa isang video may bad reputation na kaagad ako. Hindi naman nila alam ang totoo! "That’s not true! Hindi ko inagaw si Jared!" frustrated na sagot ko sa kanila. "Talaga? Eh, may proof na nga, eh." biglang sabat ni medyo payat. "25 seconds na video? Tingin niyo may K na kayong husgahan kaagad ako? Fine. Sige kayo na perfect! Kayong dalawa. Perfect 10!" nakairap na sabi ko matapos silang pasadahan ng nakakalokong tingin mula ulo hanggang paa. Tila napahiya ang dalawa lalo na nang magtawanan ang mga nakarinig. Iiling-iling na iniwan ko sila doon. I just want to get even. Hindi lang naman sila ang marunong manghusga. They insulted me first. Lame reasoning but I can’t help it. Gusto kong maramdaman nila ang pakiramdam na hinuhusgahan ng walang laban. Hindi ako makaconcentrate sa klase. Parang lahat sila masama ang tingin sa akin. Hindi ko na nga namalayan na lunch break na. "Sabrina, halika na," tawag ni Darren. Nagpupulasan na ang mga kaklase namin palabas para maglunch. "Ikaw na lang muna Darren, wala akong gana," tila walang lakas na sagot ko at sumubsob sa desk. Akala ko hindi na niya ako papansinin pero naramdaman ko ang kamay niya sa ulo ko. "May problema ka ba?" mahinahong tanong niya. Malungkot na tumunghay ako. "Hindi mo ba napanood ang video?" "Ano’ng video?" maang na tanong niya. "Video ko. Scandal." Napansin kong gumuhit ang gulat sa mga mata niya kasabay ng pag-awang ng mga labi niya. "May s-scandal ka? Iyong scandal na censored?" Hindi ko alam pero imbes na mainis, bigla akong natawa. Lalo na nang mapansin ko ang pamumula ng mukha niya. Na para bang nag-alangan talaga siyang itanong iyon sa akin. "Sira! Hindi ganoon. Ano namang akala mo sa akin gagawa ng ganoon? Ang bata ko pa kaya!" "Sorry. Sabi mo kasi scandal." "No. Hindi ganoong klaseng video. Scandal. As in iyong away namin kahapon ni Mandy, may nagrecord ng video. Kumalat tuloy sa campus. At ngayon nabansagan na akong malandi. Mang-aagaw, ahas, side chick at kung anu-ano pa," paliwanag ko at nangalumbaba na. "At sino namang nagrecord?" "Hindi ko alam. Sa daming naging usisero kahapon. Tapos iyong nag-upload naman sa group, halatang dummy account. Hindi mo ba napanood?" "W-Wala kasi akong cellphone, eh. Nasisilip ko nga lang ang f*******: ko kapag nakakapagrenta ako ng computer para gumawa ng project," tila nahihiya pang sabi niya. "Oh, right..." nasabi ko na lang. Wala nga pala siya nun kaya hindi kami makapagtext. "Malamang iyong dummy account kilala ng admin ng group. Para sa students lang naman ng Sunbridge ang group di ba? Kaya bakit nakapasok ang dummy account? Pero nandoon naman ako di ba? Hindi naman ako naniniwala sa sinasabi nila." "Thank you. Ikaw na lang yata ang hindi nanghuhusga sa’kin. Hiyang-hiya na talaga ko." "Oo, alam ko namang hindi mo kayang gawin ‘yon. Mahirap, pero siguro ‘wag mo na lang sila pansinin kahit nasa panahon ngayon na nakikita lang ang halaga ng tao sa dami ng like o heart reacts, tulad ngayon, masiyado nilang hinahype iyong kaputol na video at kung anu-ano na sinasabi sa’yo. Masiyado na silang entitled sa opinion nila, kahit na pang-iinsulto lang naman talaga ang sinasabi nila. Pero Sabrina, kung alam mo naman sa sarili mo kung ano ang totoo wala kang dapat ikahiya. Saka kahit na ano’ng sabihin nila, sa’yo lang ako maniniwala." Bahagya akong napangiti sa sinabi niya. Parang naboost ulit ang confidence ko. Tumayo na ako sa upuan at kinuha ang bag ko. "Lika na, kain na tayo. Wala akong care sa kanila. Mainis sila sa ganda ko!" Natawa siya at sinabayan na ako sa paglalakad. Ang bait naman niya, parang gusto ko ulit siyang bigyan ng reward! Rawr!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD