Chapter 7
Umalis ako ng canteen. Hindi alintana ang mga tingin at bulungan. Hinanap ko si Darren habang hawak ang dalawang lunchbox niya.
"Have you seen Darren?" paulit-ulit na tanong ko sa mga nakakasalubong ko.
Puro iling o hindi ang napapala kong sagot, may walo na yata ang napagtanungan ko bago may nakapagsabi sa akin kung nasaan siya.
Nagmamadali ang mga hakbang ko papuntang garden ng school.
"Darren!" tawag ko nang makita siyang nakaupo sa isang malaking ugat ng puno. Mahangin sa lugar na iyon. Suot pa rin niya maruming uniporme.
Naupo ako sa tabi niya nang hindi niya ko nilingon.
"Uyyy, alam kong hindi ka okay at sorry sa ginawa nila..." malungkot na sabi ko.
"Bakit ka pa sumunod? Baka mamaya sa’yo naman sila magalit," aniya nang tumunghay sa akin.
Napakagat-labi ako nang mapansing may namumuong luha sa mga mata niya. Nakaramdam ako ng labis na lungkot ngayong nakikita ko siyang malungkot.
"Ano naman ngayon? Kaya ko ang sarili ko. Isa pa kung ganoong klase naman ang makakasama ko, mas mabuti pa sigurong wala na lang akong kaibigan,"
"Sabrina, mas matagal mo na silang kaibigan-" napatigil siya nang yumakap ako sa kanya at isubsob ang mukha ko sa balikat niya.
"S-Sorry talaga..."
I don’t know but I cried as soon as I felt his warmth. He doesn’t deserve to be treated like a trash. Wala naman siyang ginagawang masama. Awang-awa talaga ako sa kanya.
"Sabrina..." he’s caught off guard. Halatang nagulat siya sa ginawa ko. Kumalas din ako dahil baka may makakita sa aming teacher, lagot kami pareho.
"Hindi naman ikaw ang nagtapon sa akin ng ulam, ‘wag ka ng umiyak," aniya at natigilan ako ng pahirin niya ang luha ko sa mukha habang titig na titig sa akin.
His face, it’s perfect. Ang amo ng mukha niya. At may maliit pala siyang nunal sa bandang gilid ng kanang mata, nagbibigay ng kakaibang appeal iyon sa kanya. Mahaba rin ang pilik at mas makapal kaysa sa akin. At ang ilong, ang tangos…
"Pero kahit na, dahil sa akin ginawa nila ‘yon,"
Napabuntong hininga siya at muling umayos ng upo.
"Bakit ba may mga taong katulad nila? Kaligayahan na ang magpahiya at manghamak ng kapwa. Mayaman lang sila at sagad sa yabang pero wala silang kwenta. Maghapong nakabilad sa arawan si Tatay sa katatanim, para may makain kami, tapos itatapon lang niya. Hindi siya tao. Sa totoo lang Sabrina, kung wala lang akong scholarship na iniingatan, manghihiram ng mukha sa aso ‘yang si Jared," napansin kong kumulimlim ang mukha niya. Kumuyom din ang mga kamao niya kaya ramdam ko ang galit niya.
"Hindi ko nga alam kung bakit nagagalit sila, kumakain lang naman tayo."
"Alam natin pareho ang sagot. Hindi ako nabibilang sa sirkulasiyon niyo. Grupo ng mayayaman at popular ang mga kaibigan mo, iniisip nila makakabawas sa pagkatao nila kung makikipag-kaibigan ka sa akin. Sorry sa sasabihin ko, pero masiyadong mataas ang tingin ng kaibigan mo sa mga sarili nila. Para silang mga ginto sa panlabas na anyo, pero sa panloob mga kalawanging tanso," nailing na aniya.
Napayuko ako. Naiintindihan ko naman siya, hindi naman kasi talaga maganda ang ipinakita nina Chloe sa kanya.
"Alam mo, maldita talaga ang mga ‘yon, eh. Hindi ko nga alam kung bakit nakatagal ako sa kanila, siguro dahil maldita rin ako. Hindi naman ako nambubully directly pero kapag may mga nilalait sila, wala akong ginagawa kundi mapapailing or matatawa, hindi ko sila kinokontra. Ngayon lang. This is the first time that I’ve stood for someone…and thank you for making me realized na mali talaga ang ginagawa nila," pag-amin ko.
Bahagya siyang napangiti.
"Salamat Sabrina, pero hindi mo kailangang gawin ‘to. Okay na sa akin na minsan, naging magkaibigan tayo..." umiwas ng tingin na aniya saka tumayo, kaya napatayo na rin ako.
"Minsan? Bakit? Hindi ka na ba makikipagkaibigan sa akin?" kunot noong tanong ko.
"Tingin ko, mas mabuting bumalik ka na lang sa kanila. Palagay ko nagsiselos din ang mga ‘yon. Kasi mas pinapaboran mo ako palagi at mas madalas mo akong samahan kaysa sa kanila."
"Bakit? Kapag may kaibigan ka ba, bawal ka na ring makipagkaibigan sa iba? I think, ang selfish naman n’on."
"Ikaw? Bakit ka nga ba nakikipag-kaibigan sa akin?" tanong niya na ikinabigla ko.
Bakit nga ba?
"M-May aamin ako sa’yo," nakayukong sabi ko.
"Ano ‘yon?"
"Ang totoo, may purposed ang paglapit ko sa’yo. I did that to make Jared jealous."
Inaasahan ko ng magagalit siya sa akin pero isang matipid na ngiti lang ang isinukli niya.
"H-Hindi ka galit?"
"Hindi. Hindi ko man alam ang eksaktong dahilan, pero alam ko nung unang araw palang na nakipag-usap ka sa akin, alam kong may ulterior motive ka. Sorry kung pinag-iisipan kita na hindi totoo ang pakikipaglapit mo sa akin, pero inihanda ko lang talaga ang sarili ko sa ganitong sitwasiyon. Sumabay na lang ako sa agos dahil masaya naman ako kapag magkasama tayo. Hindi ako umaasa na mananatili ka sa tabi ko, alam ko kung ano ang realidad at hindi kita makakasama doon dahil mahirap kang abutin...pero salamat dahil kahit paano naging kaibigan kita," may bahid ng lungkot ang mga mata niya kahit nakangiti sa akin, bago siya tumalikod.
"D-Darren, saglit lang!" pigil ko sa braso niya.
"Sabrina, okay lang ako. Hindi ako galit sa’yo. Hindi mo na kailangang magpaliwanag."
"Darren, sinasabi ko ‘to sa’yo ngayon, dahil naging totoo ako sa’yo. Ayokong may itinatago ako. I want this friendship to continue and be genuine. At magiging mas honest na talaga ako from now on. May dahilan ang paglapit ko sa’yo pero hindi ako nagpanggap, lahat ng ipinakita ko sa’yo, totoo. Totoong takot ako sa aso mong si Whitey, ayoko ng spider ni Kiko, gusto ko ‘yong tortang dulong, the best tutor ka at totoo ang friendship na ini-offer ko sa’yo kaya kita binigyan ng icecream. At..."
"At?" tanong niya nang hindi ko kaagad masabi ang sasabihin ko.
"At masayang-masaya rin ako kapag kasama kita..."
Natahimik siya, pagkatapos ay umangat ang sulok ng labi pero agad ding itinikom ang labi na parang pinipigil na mapangiti.
"Uyyy! Ano ba salita ka naman. Ayaw mo na ba talaga sa’kin? Sa friendship?"
"Gusto kita..."
"Gusto mo ko?" gulat na tanong ko.
"Iyong friendship..." paglilinaw niya.
"Ah...oo," natatawang napatango-tango ako. Kahit na sumirko na naman ang pagtibok ng puso ko.
"Ibig sabihin hindi ka lalayo sa’kin? Magkaibigan pa rin tayo?" tanong niya.
"O-Oo! And just to make sure, let’s seal this friendship,"
"Paano?"
"By making a promise, magpromise ka! Na anu’t-anuman ang mangyari, hindi natin ibibreak ang friendship na ‘to. Hindi tayo magpapaapekto sa kanila."
"Ganito?" tanong niya at itinaas ang kanang kamay.
"Ang luma na niyan, wala bang mas bago?" biro ko.
Napakamot siya sa ulo pagkatapos ay hinagip niya ang kamay ko.
"A-Ano’ng gagawin mo?" medyo natarantang tanong ko nang maramdaman ang init ng palad niya.
"Magpapromise. Ganito si Whitey kapag pinagpa-promise ko siya na, hindi na siya manghahabol ng tao at mangangagat ng manok ng kapit-bahay..." aniya at idinikit sa pisngi niya ang likod ng palad ko.
Ikiniskis niya ang makinis niyang pisngi na para ngang asong naglalambing.
"Promise ko sa’yo Sabrina na kapag kailangan mo ko, andito lang ako, hinding-hindi ako mawawala," aniya matapos ikiskis ang pisngi sa likod ng palad ko.
Ang lakas ng tawa ko. Grabe ang cute niya.
"Si Whitey ka ba?" natatawang tanong ko.
Sumimangot siya.
"Huwag na nga lang," at akmang bibitawan ang kamay ko pero hindi ako pumayag, hinagip ko ang kamay niya at idinikit ang pisngi ko sa likod ng palad niya.
"Promise ko sa’yo Darren, thru ups and down, walang makakabreak ng friendship na ‘to. At susubukan ko ring maging best friend si Whitey!" pangako ko matapos ikiskis ang likod ng palad niya sa pisngi ko.
Tawanan kami habang hindi natitinag ang tinginan namin. I’m really happy...I made him smile.
"Para tayong mga sira," natatawang aniya.
"Okay lang, halika na, malapit na magtime. Ito pala ang lunchbox mo, iginanti pala kita kay Jared, ibinuhos ko sa mukha niya ang natirang pusit kaya naubos yan, sorry talaga."
"Ginawa mo ‘yon?" amaze na tanong niya habang naglalakad kami pabalik sa school building.
"Oo! Major turn off iyong ginawa niya kanina. Di ko na siya crush. Kaya ikaw hubarin mo na ‘yang damit mo, palit ka na ng P.E. uniform, Tutal iyon naman ang next subject."
"Ayoko, nakakahiya baka makita mo abs ko." pagyayabang niya.
"Loko! Ano’ng abs? Baka ribs!" pang-aasar ko at pilyang itinaas ang uniform niya.
"Sabrina!" saway niya.
"Bleh! Sabi na ribs lang meron ka!" halakhak ko sabay tulak sa kanya at takbo palayo.
"Saglit lang!" habol niya habang natatawa.
Well mukhang may positive result naman ang nangyari kanina. We remained friends and that’s a promise to keep…