Chapter 8

1715 Words
Chapter 8 Kasalukuyan akong nasa harap ng salamin at naghuhugas ng kamay nang pumasok sina Chloe. "Oh hi Sab!" bagamat nakangiti ay alam kong plastic iyon. Kabisado ko na sila. "Have to go," malaming na tugon ko at akmang lalagpasan na siya nang humarang si Bettina. "Seriously? You’re ignoring us? Isang linggo mo na kaming hindi pinapansin!" nakasimangot na ani Bettina. "Hindi pa ba sapat iyong pagpapansin at attention na nakuha niyo last week sa canteen for humiliating Darren?" nakaangat ang kilay na tanong ko. "Just because of that you’re throwing away our friendship?" nakahalukipkip na tanong ni Chloe. "Kayo nga ang tatanungin ko, eh, are we really friends? ‘Cause if we are, hindi niyo gagawin iyon sa kanya." "Kasalanan naman ni Jared ‘yon. Well partly kasalanan din ng dalawang ‘to kasi pumayag sila sa request ni Jared na makishare ng table sa inyo," sabat ni Elle na nakatayo sa gilid ng sink. "Shut up!" saway ng dalawa dito pero inirapan lang sila ni Elle. "Totoo naman, eh. Pinipigilan ko pa nga kayo diyan!" di paawat na sabi nito. "Bakit ba kasi naki-table ang mokong na ‘yon?" tanong ko. "Kasi nga nagtataka na siya. Masiyado na raw yata kayong close at hindi mapaghiwalay. Kaya ‘yon sabi niya, makishare daw kami sa table niyo para malaman niya kung bakit? Di naman namin alam na balak niyang gawin iyong ginawa niya," explain ni Bettina. "Hindi niyo nga alam, pero naging kahoy kayo," naiiling na sabi ko. "Kahoy?" maang na tanong ni Chloe. "Panggatong! Sarap nga ng itinatawa niyo di ba?" naiiling na pakli ko. Hanggang ngayon naiinis pa rin ako sa kanila. "Because it’s funny!" giit ni Chloe. "Alam niyo kayo, ewan ko sa inyo! I’m outta here," naiiling na sabi ko at nilayasan na sila. Lumabas na ako ng comfort room at pababa na sana ako ng school building nang makasalubong ko si Jared. Ngising-ngisi na parang asong nakakita ng taong malalapa sa daan. Sa totoo lang mas cute pa sa kanya si Whitey. "Hi Sab!" bati niya na may pagkaway pa. Inirapan ko lang siya habang napapailing at akmang lalagpasan na siya nang hagipin niya ang braso ko. "Ano ba?" mabilis kong pinalis ang kamay niya na animo’y may nakakahawa siyang sakit. "Hindi na uubra sa akin ‘yang katarayan at pagkasupalada mo. Alam ko namang tactic mo lang ‘yan." "Tactic?" napahalukipkip na tanong ko. "Oo, alam ko na lahat. Gusto mo talaga ko, kaya ka dikit nang dikit kay Darren dahil gusto mong magselos ako. I knew it, nagpakipot ka lang kaya mo ko binasted nung una. Bettina told me everything. At ngayong alam ko na, pwede ng maging tayo babe, hindi mo na kailangang dumikit-dikit sa kutong-lupang Darren na ‘yon," puno ng kumpiyansang aniya at hinagip ang bewang ko pero kaagad kong iniharang ang mga kamay ko sa dibdib niya. "Wait! Wait! Yuck! Babe? O sige magkaprangkahan tayo. Oo, noong una iyon talaga ang balak ko, pero alam mo, mabuti na lang talaga ginawa ko ‘yon dahil nakita ko kung gaano kagaspang ang ugali mo. Turn off ako ng severe. I don’t like you anymore, thank you for making me realized na hindi naman pala ako ganoon kababaw para magkagusto ng head over heels sa kagaya mo," balik pang-iinsulto ko sabay tulak ng malakas para makawala ako sa grip niya. "Ano bang ipinagmamalaki mo? Si Darren? Eh, mahirap pa yata sa daga iyon, eh! Wala kang mapapala doon. Tayo ang bagay. Ano pa ba namang hahanapin mo sa akin? Walang binatbat sa akin ang hampas lupa na ‘yon!" pikon na bulalas niya kaya naningkit ang mga mata ko. Pinamewangan ko siya at nakaangat ang kilay na tinitigan pamula ulo hanggang paa, tapos balik ulit sa mukha niya. "Gwapo ka. Sikat ka. Mayaman. Nasa’yo na nga lahat pero ngayon palang, sinasabi ko na hindi ako magiging sa’yo!" iyon lang at tinalikuran ko na siya. Ayoko na talaga sa kanya. Malamang hindi nga ganoong kalalim ang nararamdaman ko para sa kanya. Hindi pa talaga ako in love ng sobra. Ang sabi kasi nila kapag mahal mo, tanggap mo lahat doon sa tao. Kahit na ang mga kapintasan at pangit na asal nito. Sa kaso ko, attracted lang ako kay Jared dahil gwapo siya. Pero ngayon kahit na gwapo siya, wala na akong pakialam. Palinga-linga ako sa labas ng gate dahil hinihintay ko ang sundo ko. Never ako nagcommute, hatid-sundo ako pagpapasok at uuwi ng school. Napalinga ako sa kanan, medyo may kalayuan sa gate ng school. Nagliwanag ang mukha ko nang makita si Darren kasama ang ilang classmates namin na kumakain ng kung ano sa isang tindero na may dalang maliit na stall. Walang pagdadalawang isip na lumapit ako. Kinulbit ko siya dahil nakatagilid ang pwesto niya sa akin. Medyo nakanganga siya dahil kakagat siya doon sa hawak na stick. Ang cute. "Sabrina! Akala ko nakauwi ka na?" aniya at ibinaba ang stick na may tusok na kung ano. "Wala pa sundo ko, saka may humarang sa aking gorilla, eh." "Gorilla?" "Wala ‘yon, ano ‘yan?" curious na tanong ko. "Ah, kikiam at fishball. Gusto mo? Nagkayayaan lang magmerienda bago umuwi. Kaso baka sumakit tiyan mo?" alanganing alok niya doon sa kulay brown at medyo pahabang pagkain. "Mukha namang masarap, eh, ‘yan? Ano ‘yan?" turo ko sa hawak niyang maliit na baso. May lamang iyon tila pink na inumin. "Ice scramble. Masarap din ‘to." "Ahhh!" nakangiting ngumanga ko. "Sabrina?" maang na tanong niya. "Patikim ng kikiam mo," natatawang sabi ko dahil heto na naman siya, namumula ang tenga. "O-Okay," aniya at marahang isinawsaw iyon sa isang bukod na baso na may lamang sauce na kulay brown. Isinubo niya sa akin iyon at nakatingin siya sa akin habang ngumunguya ako. Tila hinihintay ang magiging reaksiyon ko. "Sarap!" nakathumbs up na sabi ko nang malasahan ang pinaghalong tamis at anghang. "Talaga? Sige ibibili kita," ngiting-ngiting aniya. "Libre mo?" "Oo. Kaya lang hindi to kasing sarap ng icecream na ibinigay mo sa akin dati." "Ano ka ba okay lang, gusto ko maanghang rin ang sauce. Thank you!" "Nice. Si Ms. Sunbridge at ang ating President nagkikiaman na!" biglang sabat ni Michael na namumuwalan pa ng fishball. Kaklase namin siya. Second kay Darren siya pinakamatalino sa klase. At pinakamalusog sa classroom namin, kaya hindi kataka-takang makita ko siya dito "Kumakain ka rin pala niyan? Akala ko puro arte ka lang," ani Jessa. Matalino rin siya at kilala sa pagiging prangka. Nakakaintimidate ang seryosong mukha niya pero hindi naman ako takot sa kanya. "Maarte lang ako pero tao pa rin ako. Okay na?" nangingiting sagot ko. "Haha o ano ka Jessa? Ganda, try mo rin kaya ‘tong iskrambol. Bagay ipares diyan," alok ni Rico. O Rica sa gabi. Dahil isa siyang miyembro ng pederasyon. Kung minsan siya ang clown ng classroom dahil super kwela siya. Sila ang mga kaibigan ni Darren. At tulad ko, magmula nang maging magkaibigan kami parang bihira na lang sila makasama ni Darren. Ngayon na lang yata ulit. Naguilty naman ako. Parang nagkaroon kami ng sariling mundo magmula nang maging magkaibigan kami. "Sab, ito na," abot sa akin ni Darren nang isang baso ng fishball at kikiam. Nakangiting kinuha ko iyon at kinain. "So Sabrina, girlfriend ka na ba ni Darren?" usisa ni Jessa. "Oo nga lagi kayong magkasama, tapos naitsa pwera kami," dagdag ni Michael. "Hindi, ah. Friends kami, di ba?" siko ko kay Darren. "Oo, kayo talaga masiyado kayong usisero," saway ni Darren. "Excuse me! Usisera ko, hindi usisero!" tutol kaagad ni Rico at kunwaring pinalipad ang buhok kahit na ang iksi naman ng buhok niya. Natawa tuloy kami sa kanya. "Talaga? Friends palang. Akala namin kayo na, eh. Kaya nga pinabayaan muna namin si Darren, dahil sa wakas hindi na siya tsope," biglang bulalas ni Michael. "Tsope?" kunot noong tanong ko at sumubo ulit ng kikiam. Ang sarap talaga lalo na ang sauce. "Oo, matagal ka na kasing niyang crus-" napaubo si Michael nang sikuhin siya ni Darren sa dibdib. "Ano ‘yon?" tanong ko pa. "Ah...wala! Eto ice scramble, tikman mo," tila natense na iniabot sa akin ni Darren ang isang baso ng ice scramble. Tiningnan ko iyon, kulay pink ang dinurog na yelo. May choco syrup at milk powder sa ibabaw. Mukhang masarap naman. May libreng maliit na kutsara. At akmang kakainin ko na iyon nang awatin ako ni Jessa. "Teka! Teka!" "Bakit?" maang na tanong ko. "Tuwing hapon, after ng class at kung may pera nandito kami. Sasama ka ba sa amin tuwing hapon para kumain dito." "Oo masarap naman, eh." "So gusto mo na rin kaming maging friends?" tanong ni Rico. "Oo! Bakit hindi?" nakangiting tugon ko. "Kung ganoon, kailangang dumaan ka sa initiation," napatango-tangong ani Michael. "Initiation? Ano kayo frat?" kinabahan ng tanong ko. Wala akong balak magpapadle. "Gagsti. Hindi. Para makasali ka sa amin, kailangan kumain tayo ng ice scramble sa iisang baso. Dito namin matetest kung sincere ka nga. Sorry, ah. Isa ka sa It girl ng campus. Queen ka pa. Malay ba namin kung pagtitripan mo lang kami?" ani Jessa. "Huy hindi naman kailangan. Wag na." awat kaagad ni Darren na halatang nahihiya sa akin. "Okay lang Darren, curious din ako." "K. Let’s start." ani Jessa at nagulat ako nang kumuhit siya ng ice scramble sa baso ko gamit ang kutsara ng ice scramble niya. "Bakla," siko niya kay Rico kaya kumuhit din si Rico sa baso ko. Natulala ako, literal na sharing ang nangyari. Sumunod si Michael. Napalunok ako. "Darren, ikaw na," siko ni Michael dito. Iniangat ni Darren ang kutsara at kumuhit doon. Walang pandidiri na isinubo at kinain niya iyon kahit tatlong tao na ang nakakain at sumadlok. Napatitig ako sa baso na may laway na nilang apat. "O girl kaya mo?" tila naghahamon na ani Jessa. "Okay lang kung ayaw mo," ani Darren. "O-Oo naman! Yan lang!" kasa ko at kumuhit na rin doon. Mabilis kong isinubo iyon at nilunok. Nagulat ako nang magpalakpakan sila. "Welcome!" sabay-sabay nilang bati sa akin. Napangiti ako. Smiling from ear to ear. I felt the warm of their friendship. At masaya ako dahil may mga bago akong friends. Ngiting-ngiti si Darren sa akin at hinagpos pa ang ulo ko. Parang gusto ko rin tuloy haplusin ang ulo niya down there, charot!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD