Chapter 2

1214 Words
Chapter 2 "Bettina, ba’t ka naman nagcomment ng gano’n? Kumakain ‘yong tao!" kulbit niya sa kaibigan na kinukusot pa ang ilong, parang diring-diri sa isdang ulam ni Darren. Hindi kasi siya talaga kumakain nun. "Yucky naman talaga, eh. Ang lansa ng amoy, arrgghhh! Feeling ko dumikit sa akin ang amoy," reklamo pa niya sabay hugot ng perfume niya sa sling bag at nagspray sa buong katawan. Arte. "Yeah, ang baho naman talaga, saka bakit mo kinakausap ang poor na ‘yon?" tanong pa ni Chloe. "Wala lang, hindi naman masama di ba?" "Right, tao din naman ‘yon. Poor nga lang. Let’s go kumain na tayo," ani Elle. Nginitian ko siya. Sa kanilang tatlo, pinakamaarte si Bettina, pinakamatapobre si Chloe, well si Elle medyo maldita pero sweet naman. Ginawa naming pabilog ang mga arm chairs namin para magkakaharap kami. Kumakain na kami nang pumasok si Jared kasama ang girlfriend niyang si Mandy. Napairap ako sa kawalan at napanguso sa inis. "Selos ka ‘no?" tukso ni Bettina nang mapansin ang pag-irap ko lalo na noong umupo sa sulok ang dalawa at pasimpleng nagharutan. "Why would I?" patay malisiyang tanong ko, kahit ang totoo selos na selos na nga ako. "Sus, ikaw kasi kasalanan mo ‘yan. Niligawan ka na nga ng pinakapopular na guy sa school binasted mo pa. Ano ba namang hahanapin mo sa kanya? Gwapo, MVP, mayaman like us, siya pa ang team captain ng basketball team tapos binasted mo? Ayan naunahan ka tuloy ni Mandy na nerd," dugtong ni Chloe. "Eh, kaso bobo," sabi ko kaya napatawa si Elle, nag-appear kaming dalawa. "Ay ang harsh naman. Bitter ka lang siguro kaya mo nasabi ‘yan," natatawa ring sabi ni Chloe. "Totoo naman, eh. Palagi siyang pasang-awa, ano na lang mangyayari sa aming dalawa? Slow na ko, buffering naman siya palagi. Saka sinubukan ko lang naman siya kung gaano kaserious pero ayan kita niyo naman, wala pang three months, nakahanap na kaagad," naiiling na tugon ko. Sa totoo lang crush na crush ko si Jared since grade 8 pa kami pero ayun nga binasted ko kasi akala ko hahabulin pa rin niya ko kahit ayawan ko. Tinest ko lang naman. Sumuko agad. "Bakit kaya hindi mo siya pagselosin para malay mo, baka sakaling i-break niya si nerdy-Mandy at ligawan ka ulit," suhestiyon ni Bettina. "Paano ko naman gagawin ‘yan? Sino’ng lalaki ang isasangkalan ko para mapagselos siya?" "Si Darren," walang abog na sabi ni Elle. "Ha?" sabay-sabay na react naming tatlo sa sinabi niya. "Why him? That poor guy? Tingin mo magseselos siya? Baka pagtawanan lang niya si Sab imbes na magselos," kontra kaagad ni Chloe. "Sabi niyo nga na kay Jared na lahat, tingin niyo hindi magtataka ‘yon kapag nakita niyang naging close si Darren at Sab? Iisipin ni Jared, ano’ng meron kay Darren na wala siya? Kaya sure akong magsiselos ‘yon at maiinsulto pa," paliwanag ni Elle kaya sabay-sabay kaming napa-‘OHHH’ "On point ha! Ang bright-bright ng idea mo!" halos mapapalakpak na sabi ni Bettina. "Now, the question is papayag ka ba?" tanong ni Chloe sa’kin. "Ewan, bahala na," kibit-balikat na sabi ko at pasimpleng sumulyap ulit kina Jared at Mandy na nasa sulok. Nilalaro ni Jared ang buhok ni Mandy habang nag-uusap ang mga ito. Sweet. Kaya heto ako ang nagso-sour graping. Gee. ~*~*~*~*~*~ "So class before we go, I want you to choose your partner for your project research. Reasons why algebra is perceived to be difficult by most students. Okay? See you next meeting!" paalam ng teacher namin kaya nag goodbye na rin kami. Siniko ako ni Elle, inginuso niya si Darren. "Ha?" "Sa kanya ka pumartner, may mga partners na kami." "Sino’ng mga partner niyo? Ang bilis, ah!" reklamo ko. "Boyfriends namin," parang kinikiliting sabi ni Bettina. Harot ng mga ‘to. Ako na lang talaga walang bf sa amin. Huminga ako ng malalim bago kinulbit si Darren na nasa unahan ko. Doon naman talaga siya nakaupo, nahiya lang siguro talaga kumain kanina sa harapan ko, kaya sa sulok siya kumain ng lunch. "Hello, may partner ka na?" nakangiting tanong ko sa kanya nang lingunin niya ko. "Wala pa." "Pwedeng tayo na lang?" Napansin kong tila namula ang magkabilang tenga niya. Ewan kung bakit. "Okay. Usap na lang tayo pagkatapos ng klase," iyon lang at tumalikod na ulit siya saka nagbuklat ng libro habang hinihintay namin ang sunod na teacher for next subject. ~*~*~*~*~ Uwian na, magkakasabay kaming naglalakad na apat palabas ng campus. Well hindi lang pala apat. Pito kami, kaapungot kasi namin mga boyfriend ng tatlong maldita na ‘to. Puro mga varsity players ng school. "Saan kaya nagsuot si Darren? Sabi niya pag-uusapan namin iyong project natin," palinga-lingang sabi ko. "Yaan mo siya kung ayaw niya pumartner sa’yo, poor naman siya, eh," ani Chloe. Bwisit ‘to. Wala ng ginawa kundi magmatapobre. "Heh! Buti kayo may partner na, eh, ako wala? Diyan na kayo, mauna na ko!" reklamo ko at binilisan na ang paglalakad. "Hey Sabrina!" tawag nila pero hindi na ko lumingon. Kaasar sila. "Uwi na tayo manong," sabi ko sa family driver namin na hatid-sundo ako palagi sa school. Ilang metro palang ang tinatakbo ng kotse namin nang may matanaw ako. "Manong, saglit, pakihinto po ako, tapatan niyo ‘yang lalaking naglalakad, Iyang nakaback pack na black," utos ko nang matanawan ang matangkad na pigura ni Darren. Tingin ko nasa 5’10” or 5’11” height niya. Mas matangkad pa nga siya kay Jared, eh. Pwede rin siyang maging basketball player. Binuksan ko ang bintana nang matapatan na namin siya. "Darren!" tawag ko kaya napalingon siya. Halatang medyo nagulat pa siya pero huminto rin naman. "Bakit?" "Hop in. Saan ka ba umuuwi?" nakangiting tanong ko. "Hindi na. Malapit lang naman bahay ko," tanggi niya kaagad kaya napilitan akong bumaba. "Malapit lang pala, eh, sakay na. Di ba sabi mo after class, pag-uusapan natin iyong project natin? Kaso mukhang tinakasan mo ko." "Hindi naman. Medyo nagmamadali lang talaga ako makauwi," hindi ngumingiting na sagot niya. "See? Mas madadali kang makakauwi kung sasakay ka sa kotse, kaya tara na!" nakangiting yakag ko at hinila na siya sa braso. Pinauna ko siyang sumakay para hindi na siya makatanggi. Hindi ko alam pero parang medyo naienjoy ko ang mga responses na nakukuha ko sa kanya. Ngayon lang ako nakaencounter ng lalaking ubod ng hiyain. "Pwede kang gumalaw," biro ko dahil ang stiff niya lang sa loob ng sasakyan. "Iyong tungkol sa project, sigurado ka bang ako ang gusto mong makapartner?" "Oo naman, okay lang ba sa’yo? Medyo ungas ako, eh," natatawang sabi ko. Hindi ko naman alam dati word na ungas, narinig ko lang sa yaya ko kapag nagagalit siya sa anak niya na kasambahay din namin. "Kung okay sa’yo, okay rin sa’kin," aniya kaya napangiti ako. "Okay, from now on we’re partners. Deal? Partner?" tanong ko at iniabot pa ang kamay ko, sign na payag na talaga siya. Parang nag-aalangan pa siyang iabot ang kamay sa’kin kaya ako na ang humagip at nakipagshake hands. He slowly grasped my hand and started to smile. Medyo natigilan ako nang makulong ang mga kamay ko sa mga kamay niyang may mahahabang daliri. Lalo na nang makita ko siyang ngumiti ng mas malapitan. "Partners..." nakangiting sabi niya kaya nagkangitian na lang kami.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD