Chapter 1

1071 Words
Chapter 1 Hindi maiwasang balikan ni Sabrina ang nakaraan nila ni Darren 10 years ago... "O ano Sabrina, hindi ka talaga maglalunch?" tanong ni Chloe nang magring na ang bell. "Hindi na, medyo masakit talaga ulo ko, go ahead guys," tanggi ko dahil nasobrahan yata kami ng puyat kapaparty nang nagdaang gabi. Idagdag pang nakatikim na ako ng mga hard drinks. "Hay naku, get used to it na, ah? Para next time na may party, hindi ka na magkakahang over ng ganyan, bawal weak," natatawang sabi ni Bettina. Siya ang may birthday kagabi at dahil pawang mga busy ang parents niya sa abroad, solong-solo nito ang bahay, kaya walang magagalit sa amin kahit umagahin pa kami. Ako naman halos walang time parents ko sa’kin. Kaya kahit tumakas-takas ako, hindi nila napupuna. Sagana nga kami sa mga material na bagay pero wala naman silang sapat na atensiyon na maibigay. Maybe that’s how life goes, you can’t have everything. "We’ll get you a sandwich and juice na lang just in case magutom ka." "That’s so sweet of you Elle, thank you," nakangiting sabi ko pa sa isang kaibigan ko. Apat kaming tinatawag na campus queen ng school, last year lang nanalo akong Miss Sunbridge Academy ng school na ‘to, kung tutuusin nadaan ko lang sa ganda at votes, pero kung Q&A lang, medyo semplang ako. Nagsisilabasan na ang mga classmates ko kaya yumukyok na ako sa armchair. Tumitibok-t***k talaga ulo ko, mahilig nga akong pumarty pero hindi naman ako lasengga, kagabi lang talaga, kaya siguro ganito effect sa a. kin. Tikim-tikim lang talaga dati pero dahil may problema ako kagabi, isinagad ko na ang inom. Halos alas tres na ng madaling araw ako nakauwi. Buti nakapasok pa ko. Paano kasi narinig ko na namang nagtatalo ang Mommy at Daddy ko, ewan kung ano’ng pinag-aawayan pero dinig naman sa labas ng room nila ang pagtataasan nila ng boses, minsan na nga lang sila magsama, nagtatalo pa, paano naman ako gaganahan niyan? Papikit na sana ako nang makarinig ako ng kalansing ng kutsara at tinidor. Napaangat ang ulo ko dahil baka kako may kasama akong multo. Inilinga ko ang paningin ko sa apat na sulok ng room. And there, malapit sa pader. Sa sulok. May tao. Si Darren Villamor. Ang scholar ng bayan at aming consistent top student mula pa nung naging classmate ko siya nung Grade 7. Napatingin ako sa kanya. May baon siya, nandoon siya sa gawing likuran, nagsisimula ng kumain. Siya lang yata ang may pack lunch sa amin. Buong klase kasi namin sa canteen kumakain. Apat na taon na kaming magkaklase pero ni minsan di ko siya nakausap, pwera na lang noong naging magkagrupo kami, pero matipid lang siyang magsalita. Nag-aalangan din akong kausapin siya kasi nga tahimik lang. Konti lang din ang friends niya, siguro naiilang siya dahil iba ang estado ng buhay niya sa amin. Muntik pa akong mapatalon nang lumipad ang tingin niya sa’kin. Siguro ramdam niya ang titig ko. Parang napaso ako sa tingin niya at mabilis ding nag-iwas ng tingin. Awkward. Parang nawala na sakit ng ulo ko, nakaramdam ako ng pagkainip. Tumayo ako sa armchair ko at natagpuan ko na lang ang sarili ko na nilalapitan ang classmate kong si Darren. Di ko alam kung bakit pero parang may nagtutulak sa akin na kausapin ko siya. "H-Hello..." bati ko at itinukod ko ang dalawang kamay ko sa armchair na nasa likuran ko. Napatigil siya sa pagnguya at marahang nag-angat ng tingin. Nagtama ang mga paningin namin, walang emosiyon ang mga mata niyang nakatago sa likod ng makapal na eyeglasses niya. Bagay sa kanya ang eyeglasses dahil mas nae-emphasize ang matangos niyang ilong. "May kailangan ka?" pormal na tanong niya. Wala man lang akong mabakas na friendly tone sa kanya. Nakakailang tuloy. "Ah, wala naman, bakit nga pala dito ka kumakain?" "Bawal ba?" Napalunok ako. Bakit ba nilapitan ko pa siya? "H-Hindi naman, wala lang, hindi ba mas kumportable sa canteen? Saka mas masaya kasi maraming tao," nakangiting sabi ko. "Mas okay akong mag-isa." Okay. Got the message. Mukhang ayaw niya kong kausap. Mas gusto niyang mag-isa. "I see, ah, sige balik na ko sa upuan, enjoy your lunch," paalam ko at tumalikod na. "Okay din namang may kasama," biglang sabi niya kaya napaharap ulit ako sa kanya. "Ha?" "Kaso lang hindi kita maalok, baka kasi hindi ka kumakain nito," aniya kaya napatingin ako sa lunchbox niyang pahaba na yari sa Tupperware. May kanin at pritong isda ang ulam niya. "Ketchup ba ‘yan?" usisa ko nang makita ang pula at malapot na likido sa takip ng lunchbox niya. "Oo." "Pwede pala ‘yon? Fried fish and ketchup?" amuse na tanong ko. "Oo naman, weird ba?" "Medyo, can I try?" tanong ko dahil curious ako. "Ha? Wala akong extra utensil-" Naputol siya nang hagipin ko ang tinidor niyang may laman pa ng isda. Isinawsaw ko iyon sa ketchup at marahang nginuya. I didn’t bother kung naisubo na niya iyon o ano. Mukha lang naman akong maarte pero hindi naman ako maselan. "Okay, siya, ah? Ano’ng isda ‘to? Tuna?" komento ko matapos ngumuya. Masarap naman, eh. Pambalanse sa alat ng isda ang ketchup. Bakas ang gulat sa mga mata niya sa ginawa ko. "G-Galunggong." "Ah, hindi ko kasi madetermine kung anu-ano ang mga isda, eh. Basta may kaliskis at buntot, isda na ‘yon." "Ibig sabihin, ang buwaya isda rin? May kaliskis at buntot rin ‘yon," nangingiting sabi niya. "Malaking isda siguro, hehe..." sagot ko kaya napailing siya. "G-Gusto mo pa?" siya naman itong parang hiyang-hiya ngayon sa akin. "Wag na, baka maubos ko pa," biro ko at ibinalik na ang tinidor sa kanya. Napansin kong napangiti siya kaya lumitaw ang mga biloy sa magkabilang pisngi niya. Yung totoo, ang cute... "Kain ka na." "Okay ka lang ba? Nakasubsob ka sa desk kanina." "Yeah, medyo masakit lang ang ulo ko, but I’m okay, thanks for asking." "Sab, we’re here," tawag ni Chloe kaya napalingon ako. "Oh, bat ang bilis niyo?" takang tanong ko. "We decided to eat here na lang. Here’s your sandwich," ani Elle at iniabot sa akin ang isang sandwich at bottled juice. "Thanks." "Wait, what’s that awful smell?" halos bumukadkad ang malaking ilong ni Bettina sa paghahanap ng amoy. "Yuck! Fish?" maarteng tanong niya nang makita ang ulam ni Darren. "Daga ‘to." halatang asar na sagot ni Darren sabay likom ng lunchbox niya. Walang-lingon likod na lumabas siya ng room.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD