Chapter 3

1823 Words
Chapter 3 "Okay ka lang?" tanong ko kay Darren habang lulan kami ng kotse, ihahatid ko nga siya sa kanila bilang ‘partners’ na nga kami. Napansin kong namumutla siya at parang may namumuong butil-butil ng pawis sa noo niya. "P-Pakihinto ako diyan sa tabi," turo pa niya sa gilid ng daan. "Ha? Bakit?" "B-Basta." "Manong, pakihinto po ako diyan sa gilid," utos ko kaagad sa driver. "Okay po Ma’am," tugon nito at iginilid na ang sasakyan. Pagkahintong-pagkahinto ng kotse, mabilis na umibis ng sasakyan si Darren at nagtungo sa damuhan. Doon siya sumuka. Napababa tuloy ako para kamustahin siya. "What happened to you? Are you sick?" tanong ko at hinawakan pa siya sa balikat. Nakahawak siya sa magkabilang tuhod at umiling-iling. Dinukot ko ang panyo ko sa bulsa at iniabot sa kanya. "Here, gamitin mo muna ‘to," Tiningnan niya muna iyon bago kinuha rin. Ipinunas niya iyon sa bibig niya. "Okay ka na? Halika na," yakag ko. "H-Hindi na, hindi kasi ako sanay sa may aircon na sasakyan kaya nahilo ako." Napalabi ako. "Sorry, hindi ko naman alam, dapat hindi na kita pinilit," nakangiwing paumahin ko. "Okay lang, salamat pa rin, sige mauna na ko, malapit na rin naman ang bahay ko." "I’ll go with you!" nakangiting bulalas ko. "Ha?" "I don’t wanna go home, yet. Sige na, I just wanna see your house, saka hindi pa tayo nag-uusap about the project," paalala ko. Napatitig siya sa akin, parang tinatantiya kung pagbibigyan ba ako sa request ko. Ngumiti naman ako para maconvince siya. Ayoko pa kasing umuwi. Wala namang maghahanap sa’kin. Ang lungkot sa bahay, wala akong kasama maliban sa maids. "Sige, pero ayokong makakarinig ako ng pamimintas, ha? Hindi maganda bahay namin," kondisiyon pa niya. "Oo naman, hindi naman ako pulaera, eh. Let’s go?" Tumango siya at kinuha na ang back pack sa kotse. "Manong dito ka na lang, ah? Antayin mo na lang ako, sasaglit lang ako sa kanila," paalam ko at dali-daling sumunod na kay Darren na nauna na palang maglakad. "Teka, wait lang! Madaling-madali?" "Marami pa kasi akong gagawin." "Like?" "Magsasaing, magluluto, maglalaba rin ako ng uniform ko-" "Ah, okay na! Wew! Ang dami nga pala." awat ko dahil parang ako ang napagod sa mga gagawin niya. Sa amin kasi hindi ako ang gumagawa ng mga iyon. Kaya pagdating sa bahay galing school, chill lang ako. Habang naglalakad, napuna kong rough road pala ang nilalakaran namin. Mabato at magalbok. Bukid na pala itong kina Darren. May nadaanan kaming berdeng-berdeng palayan, halos luntian na rin ang buong paligid dahil sa dami ng puno. "Since birth pa ako dito sa Batangas pero ngayon lang ako nakagala sa bukid. And it’s so nice. Sobrang hangin. Kahit siguro summer hindi ganoon kainit dito ‘no?" daldal ko kay Darren na as usual tahimik na naman. "Oo, saka may ilog naman dito, malamig ang tubig. Doon ako palagi tumatambay pag summer." "Talaga? May ilog?" "Oo, bakit hindi ka pa ba nakakaligo sa ilog?" "Nah. Beach, swimming pool, bathub, hot spring and sauna. Iyon palang ang mga naliliguan ko. Pwede mo kong isama sa ilog pag may time?" "Ikaw bahala." "Okay sige, magdadala ako ng-ahhhh!" napasigaw ako dahil may puting aso na bigla na lang sumugod sa amin. "Aw! Aw! Aw!" mabangis na angil nito kaya wala ng hiya-hiya napayakap ako sa likuran ni Darren sa takot. Nakagat na ako nung bata ako ng aso ng kapit-bahay namin, kaya takot talaga ako sa kanila. "Whitey! Shoo! Tumigil ka!" saway ni Darren at tinaltakan ito ng paa. Namangha ako nang biglang umamo ang aso at pumaluypoy ang buntot kay Darren. "I-Is that your pet?" kabado pa ring tanong ko habang mahigpit pa ring nakayakap sa likuran niya. I don’t know but I feel safe habang yakap ko siya kaya hindi ko siya binibitawan. "Oo, mabait naman ‘yan. Huwag kang matakot. Natuwa lang din siya na makita akong umuwi." "Mabait, pero tinahulan niya ko?" "Binibiro ka lang, gusto ka lang din i-welcome, sige na pwede mo na akong bitawan," sabi niya at hinawakan ang dalawang kamay ko na nakapulupot sa tiyan niya. "A-Are you sure? Baka mamaya kagatin ako niyan?" tanong ko, ayoko pa ring bumitaw. "Ganyan lang talaga siya kapag may mga dayo, pero hindi pa naman siya nakakagat ng kahit na sino. Sige na, tara na." "No, ayoko." tigas sa pag-iling na tanggi ko. Baka mamaya topakin itong aso, sakmalin na lang ako bigla! "Ako bahala, Whitey, uwi!" utos niya sa aso sabay muwestra ng kanang kamay niya at turo sa unahan namin. Sumunod naman ang aso at mabilis naglakad palayo habang lilingon-lingon pa rin siya sa amin. "Wew!" bulalas ko at naipunas ko pa ang likuran ng kamay ko sa noo ko. "Tara na?" tanong niya kaya tumango ako. Nakarating kami sa bahay ni Darren, nandoon na rin iyong aso sa maliit na terrace nila na may tatlong baitang na hagdan. Humilata lang ang aso doon na parang wala lang siyang ginawang kalokohan sa akin kanina. Umakyat kami ni Darren. Napansin kong may mga nakapatong na de pasong halaman sa pasimano ng terrace nila. He must really love nature, I guess? May kinuha si Darren na susi sa bulsa niya at binuksan ang pintuang yari sa plywood. "Pasok ka," yakag niya kaya napasunod ako. Hindi maiwasang gumala ng mga mata ko sa loob ng munting bahay ni Darren. Yari din naman sa bato ang bahay niya pero hindi ganoon kalaki. Malinis at walang kalat sa loob. Sementado rin ang sahig although may mga nakapatong na linoleum doon. "Upo ka muna diyan, magpapalit lang ako ng damit," turo niya sa gilid malapit sa pintuan, nandoon ang mga upuan na yari sa yantok. Sa gitna ay nandoon ang isang maliit na center table na yari din sa kawayan. May TV rin naman sina Darren na nakalagay sa isang mababang mesa, isang dipa ang layo sa mga set nila pero hindi flat screen. Pumasok na si Darren sa isang silid na natatabingan lang ng asul na kurtina. Siguro iyon ang room niya. Umupo ako at hinintay siyang makalabas. "Sino’ng kasama mo dito?" tanong ko nang makalabas siya at makapagpalit ng pambahay. I can’t help myself to check on him. From head to toe. Isang kupas na T-shirt na kulay itim ang pang-itaas niya at grey cargo shorts sa pang-ibaba. Nakatsinelas na rin siya, malinis naman ang mga paa niya especially the nails on his toe. In all fairness mukhang malinis naman siya sa katawan kahit simpleng buhay lang ang meron siya. "Tatay ko. Saka iyong kapatid kong si Kiko." "And where are they?" "Si Tatay pauwi na ‘yon mamaya, galing bukid. Tas si Kiko, ewan ko, nandiyan lang siguro ‘yon naglalaro lang." "Hindi siya pumapasok?" "Nag-aaral, kaso elementary palang siya kaya maaga labas niya, naglalakwatsa muna ‘yon." "And how about your Mom?" "Dalawang taon na siyang patay." "I see...sorry to heart that." "Okay lang." "Kuya!" napalingon kami sa pintuan. Nandoon ang isang batang lalaki na tantiya ko ay nasa walo hanggang sampung taong gulang. Kahawig siya ni Darren pero opposite ang awra dahil bungisngis ang isang ito. Halatang masayahin. "Kiko, saan ka na naman galing? Ang dungis mo," ani Darren sa kapatid na nanlilimahid nga sa pawis. "Ay may bisita tayo?" tanong nito imbes na sagutin ang tanong ng Kuya. "Hello!" bati ko. "Hello din po. Ang ganda mo ate! Para kang manika." "Nice, thank you for the compliment." natutuwang sabi ko. "Girlfriend ka ba ng Kuya ko?" tanong nito kaya bahagya akong natawa lalo na nang makita kong namula ang magkabilang pisngi ni Darren. "Kiko, ano ka ba? Hindi ko pa siya girlfriend," saway nito sa kapatid. "Pa?" maang na tanong ko. Meaning may balak siya? "May balak ka Kuya?" Okay. Kiko, just blurted out what’s on my mind. "Ibig ko sabihin, hindi ko siya girlfriend." pagtatama ni Darren. "Ate, naglalaro ka ba nito?" tanong ni Kiko sabay labas ng isang kaha ng posporo. Binuksan niya iyon. May dahon sa loob pero napasigaw ako nang may lumitaw na malaking gagamba! "Ahhh! Spider!" sigaw ko nang tumalon iyon sa palda ko. "Kiko! Ano ba?" galit na sita ni Darren at pinagpagan ang palda ko, nawala naman kaagad iyong gagamba pero feeling ko nahaggard na ko. Kanina aso, ngayon gagamba? Baka mamaya sawa na! Ayoko na! "A-Ate sorry po, hindi ko naman alam na tatalon, eh," parang maiiyak na sorry ni Kiko. "I-I think I should go, baka hinahanap na rin ako sa amin." nagmamadaling paalam ko at lumabas na ng pintuan. "Sabrina, sorry." hiyang-hiyang ani Darren. "O-Okay lang, sige bye." Mabuti na lang wala na ang aso doon kaya hindi na ko natakot bumaba. Lakad-takbo ang ginawa ko pabalik sa kotse. Napahimas pa ako sa braso dahil nandidiri ako sa gagamba. "Grabe, feeling ko jungle ang pinuntahan ko kanina, may asong sumugod sa akin tapos natalunan ako ng spider!" kwento ko sa tatlong kaibigan ko thru video chat nang makauwi ako. "Kung bakit kasi pumunta-punta ka? Yucky pala do’n." ani Chloe. "Eh, busy kayo sa mga boyfriends niyo, ayokong magmukhang chaperone niyo ‘no?" "But no one ever told you to go there." pairap na ani Bettina. "Yeah right, pero sino’ng nagsuggest na makipagclose ako sa kanya to make Jared jealous? Di ba ikaw?" irap ko rin. "Oo nga, so how was it? Kamusta ang partner mo?" usisa ni Elle. "Di naman kami masiyadong nakapag-usap kasi nga hassle iyong mga alaga nilang pet." "Eh, itutuloy mo pa ba?" tanong ni Chloe. "Ewan, o sige na babye na. See you tomorrow," paalam ko at nagflying kiss pa sa kanila. Narinig ko na ang pagdating ng sasakyan ng Papa ko kaya nagpaalam na ako sa tatlo. "Hi! Dad! How’s your day?" bati ko at humalik sa pisngi niya. Halatang exhausted siya from work. "Okay naman anak, ikaw? How’s your school?" "Okay lang din, nothing new except for the difficult lessons, saka-" "Excuse me lang anak, I have to pick up this call." paalam niya nang magring ang phone niya, saka siya nagtungo sa veranda. Napabuntong-hininga ko, kakauwi lang work pa rin? "Mom!" tawag ko nang makita siyang bumaba mula sa room. "Saan po kayo, pupunta? Mall? Sama ko," prisinta ko dahil bihis na bihis siya. "You can’t, I have meeting with friends. Andiyan na ba ang Daddy mo?" aniya habang nagkakabit pa ng earrings. "Yes po, hindi po dito kayo magdidinner?" "No, just tell him na may pinuntahan lang ako, okay? Bye." paalam nito at nagmamadali pang lumabas ng pintuan. Malungkot na tinanaw ko na lang siya. Palagi na lang ganito. Busy sa work iyong isa, iyong isa naman panay ang lakwatsa na parang dalaga pa rin. May habit kasi ang Mommy ko na palaging nagsusugal. Laman na siya ng iba’t-ibang casino. Kung minsan inuumaga pa siya ng uwi. Parang hindi sila mag-asawa ni Daddy. Parang wala silang pakialam sa isa’t-isa. Buti pa sa bahay ni Darren, kahit mukhang makulit si Kiko parang masaya naman sila. Oh boy this is life. Always unfair.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD