Episode 2: Midnight

1642 Words
“Alpha, nandito na po si Alpha Anisha.” Sabi ng lalaki kay Remus. Kasalukuyan kaming naglilinis sa sala ni Savannah. Kanina pa kami naglilinis dito dahil medyo malaki ang bahay at madalas na nandito ang mga kaibigan ni Remus na mga lalaki. “Sino si Anisha?” Tanong ko kay Savannah and she glances at me. “Hindi ko pwedeng sabihin pero may gusto siya kay Alpha Remus.” Sabi ni Savannah at nakaramdam ako ng galit at selos sa puso ko pero hindi ko alam kung bakit ko ito nararamdaman. Hindi ko naman siya boyfriend at kinidnap niya ako, bakit ko ito nararamdaman? “Magkasintahan ba sila?” Tanong ko kay Savannah. “Hindi ko alam,” Sabi niya at tumango naman ako at napakagat labi. Sobra ang galit na nararamdaman ko ngayon. Ayokong may kasama siyang ibang babae, pakiramdam ko ay pag aari ko si Remus. I sigh sadly while brushing off the pain in my heart at nagpatuloy kami sa paglilinis ng buong bahay. Nakarinig kami ng isang mala anghel na boses at napatingin ako sa pinto and I saw a beautiful girl walking inside. Nakasuot siya ng white summer dress. Sobrang ganda niya, she has this brown wavy hair at morena ang kanyang kulay. Para siyang isang supermodel na nakikita ko sa mga magazines. Bakit ang gaganda at gwapo ng mga tao rito? “Remus!” Narinig namin ang bulyaw niya at nakita ko si Remus na napatingin sa kanya. Niyakap siya ng babae at nakaramdam ako ng sakit sa aking puso habang pinapanood sila. No, hindi ko dapat maramdaman ito. Impossible naman akong magselos sa walang dahilan. Hindi naman ako ganito noon. “Anisha, kumusta?” tanong ni Remus. Siya pala si Anisha. “Narinig ko kanina na anak siya ng Alpha at Alpha rin si Remus. Ano ba ang Alpha?” Tanong ko kay Savannah and she sighed. “Please lang Phoebe, hindi ako pwedeng mag salita ng kahit na ano ano.” Sabi niya at nagpatuloy sa pagtatrabaho. “Nakita mo naman kanina ang ugali nila diba? Hindi sila basta basta kaya gawin na lang natin ang trabaho.” Sabi niya at napayuko naman ako. How can I do this if magulo ang nararamdaman ko ngayon? I can’t think straight dahil hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan na makita siyang may kayakap na ibang babae. “Do you want anything?” Tanong ni Remus sa kanya. “Juice na lang Remus, nauhaw ako.” Sabi niya at tumango si Remus at tumingin siya sa akin. “Kumuha ka ng juice,” He commanded and my heart ached at pumunta ako sa kusina at kumuha ng juice. Bumalik ako sa sala at nakita ko silang umupo. Lumapit ako sa kanila at binigay ang juice kay Anisha. “Sabi ni Dad, he will arrange a meeting para makapag usap kayo.” Sabi niya kay Remus. “You haven’t found your mate?” Tanong ni Anisha at napatingin si Remus sa akin. “Why are you still standing there?” Galit na tanong ni Remus at agad akong pumunta kay Savannah habang nakikinig pa rin sa pinag uusapan nila. Ano ang mate? Bakit ang weird ng mga code name nila dito? “No, I still haven’t found her,” Narinig ko ang sabi ni Remus. “We would be perfect for each other kahit hindi tayo mates, Remus. We could bear a very strong child.” Sabi ni Anisha and gasp at hinawakan ang dibdib ko. Magpapakasal sila? “Anisha, let’s talk about this another time.” Sabi ni Remus sa kanya and she nodded her head. Nakayuko lang ako habang naglilinis. The longer I stayed here, the attraction got bigger. I’m going crazy. I have to do something about this. Nang makauwi na si Anisha, gabi na at hinanda na namin ang mga pagkain sa mesa at kumain na sila Remus at ang mga kaibigan niyang mga lalaki. Nang matapos na silang kumain. Nagpaalam na sila kay Remus while bowing their heads. Sino ba talaga si Remus at bakit para siyang Diyos kung sambahin ng mga taong ito? Gusto ko na talagang malaman kung ano ang totoo at gusto ko ng makaalis dito. Hindi ko na kaya ang nararamdaman ko. I feel so attracted to him and it hurts me kapag may kasama siyang ibang babae. I need to get out of here. I saw Remus na papunta na sana sa taas but I stopped him. “Remus,” I called him and his eyes darkened at nagulat ako when I was pinned to the wall. I think I just heard a growl pero baka guni guni ko lang iyon. Sparks ignited all over my body. I was met by dark eyes staring at me and I yelped in fear and tried to push him away from me. “B-Bitiwan mo ako,” I cried. His eyes look so scary, I am pretty sure na brown ang natural na kulay ng mata niya but it just turned deep black. “Don’t ever say my name again,” Galit na sabi niya at hindi ako sumagot. I just whimpered in fear like a coward girl. “G-Gusto ko ng umuwi. Pakawalan mo na ako, babayaran ko ang binayad mo sa ina ko.” I sobbed at binitawan niya ako. “And why would I do that?” Galit na tanong niya at unti unting nilapit ang kanyang mukha sa aking mukha. My heart fluttered when our lips almost touched and I heard him breathing heavily habang tinitignan ako. Bumilis ang kabog ng aking puso habang tinitignan siya. His eyes are now back to brown while staring at me. Napatingin siya sa mga labi ko and I gulped. We heard a gasp at agad na lumayo si Remus at napatingin kami kay Savannah at uminit ang aking pisngi. Remus glared at me and stormed out in his room upstairs. Agad akong pumunta sa kwarto namin ni Savannah while she followed me. “Anong nangyari?” Tanong ni Savannah. “H-Hindi ko alam,” I said in fear. “Matagal kana ba dito?” Tanong ko sa kanya and she nodded her head. “I have been here since 15 pa lang ako.” Sabi niya. “Hindi ko alam ang nararamdaman ko. Sobrang ang attraction ko kay Remus at kapag hinawakan niya ako, para akong nakukuryente sa buong katawan ko.” Sabi ko kay Savannah and her eyes widened. Alam ko na weird para sa kanya ang sinabi ko at naiintindihan ko iyon. “Alam ko na hindi kapani paniwala pero iyon talaga ang nararamdaman ko.” Sabi ko sa kanya. “Ano ang unang sinabi niya sayo nong nagkita kayo?” Tanong niya sa akin at napaisip ako sa time na una kaming nagkita. “Mate.” Sabi ko and she gasped and covered her mouth with her hands. Bakit ganito ang reaksyon niya? “Oh god,” she said in disbelief. “Bakit? Anong ibig sabihin non?” Tanong ko sa kanya and she shook her head at humiga sa kama niya. “Hindi ako makapaniwala,” Sabi niya. “Kaya pala sobrang ang tensyon niyong dalawa kanina.” She whispered. “Please tell me, naguguluhan na talaga ako.” Pagmamakaawa ko sa kanya and she sat up and went towards me. “Full moon bukas, kung gusto mong malaman ang sagot, sumama ka sa akin sa hating gabi.” Sabi niya and I glanced at her like she was crazy. Bakit naman kami aalis sa hating gabi? “Pwede palang makaalis? Sinabi mo na lang sana sa akin. Aalis ako mamaya sa lugar na ito.” Sabi ko sa kanya and she stared at me sadly. “May mga guard sa teritoryo na ito, hindi tayo makakaalis sa ibang teritoryo pero pwede tayong makapag pasya sa loob ng teritoryo na ito.” Sabi niya. Mababaliw na ata ako. “Teka nga! Bakit ganito? Anong teritoryo ang sinasabi mo?” Tanong ko sa kanya. “Sinabi ko na sayo, kung gusto mong malaman, sumunod ka sa akin bukas.” Sabi niya and I sighed and nodded my head. I laid in bed habang malalim ang iniisip. Kailangan ko ng sagot kaya susunod ako kay Savannah bukas. I just need answers at hindi ako matatahimik kapag hindi ko makuha ang sagot na kailangan ko. *** “Oras na,” Narinig ko ang sabi ni Savannah, and I nodded my head at kumuha ng jacket at sinuot ito. Dahan dahan kaming lumabas at kinalibutan ako nang makarinig ako ng umaangal na parang aso sa labas. Hinawakan ko ang mga kamay ni Savannah. “Bumalik na tayo, nakakatakot.” Sabi ko sa kanya. Sobrang liwanag ng buwan and the dogs kept howling outside. Mahigpit kong hinawakan si Savannah and we gasped when we saw a shadow behind us at agad kaming napaatras at lumingon. We saw yellow glowing eyes watching us and I screamed and when I opened my eyes again, I saw a shirtless Remus looking at me with anger in his eyes. “Why are you here outside?!” Malakas na bulyaw niya at napaatras ako sa takot. Alam ko ang nakita ko kanina, and it disappeared in an instant. “P-Pasenysa na po, Alpha.” Takot na sabi ni Savannah. “Go to your room Savannah!” Galit na sabi ni Remus and Savannah ran inside leaving me alone with Remus. “H-Huwag mo akong lapitan.” Takot na sabi ko habang umaatras. He kept on walking towards me at may natapakan akong bata dahilan ng pagkatumba ko. I winced in pain and I heard a growl and fear crept all over my body. “Why the f**k are you here outside at midnight?” He asked coldly and tears formed in my eyes. G-Gusto ko ng sagot. Sino ka?!” I yelled at him.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD