PHOEBE’S POV
Alpha, totoo ba ang naririnig namin?” Tanong ng lalaki na kasama sa pagkuha sa akin kanina at kumunot ang noo ko habang napatingin sa kanya. Alpha? Bakit niya tinatawag na Alpha ang lalaki na nasa harap ko ngayon? At bakit iba ang pakiramdam ko sa lalaki na ito? Why am I attracted to him? Naguguluhan ako at sumasakit ang ulo ko sa mga pangyayaring ito. Gusto ko ng umuwi sa bahay kahit walang nagmamahal sa akin doon. Mas okay na lang siguro doon kaysa dito na hindi ko alam kung papatayin ba ako ng mga taong ito.
“No,” Malamig na sabi ng lalaki na tinatawag na Alpha and he grabbed my forearms which made me wince in pain but the small sparks are still there at agad kong inalis ang kamay niya.
“B-Bakit ako nakukuryente sa mga hawak mo?” I asked in fear and he looked at me coldly.
“You are now dismissed.” Malamig na sabi niya sa mga lalaki kanina and I saw them bowing their heads.
“Masusunod, Alpha.” Sabi nila at umalis. Napaatras naman ako habang tinitignan ang gwapong lalaki na nasa harap ko. Paano kung mag Mafia sila? Bakit may mga code name sila na hindi ko alam? Paano kung papatayin nila ako? Kailangan kong makaalis dito. Natatakot na ako sa kanila.
“M-Mafia kaba? Anong kailangan niyo sa akin?!” I cried and his eyes were still cold habang tinitignan ako. “B-Bakit ako nandito?” I asked in fear.
“Binenta ka ng ina mo,” He said coldly. My heart ached, binenta ako nila Mama? Bakit nila ginagawa ito? At bakit ako binenta? Why am I sold? Sobrang nakakatakot na. Sigurado ako na may mga masamang balak ang mga tao na ito and I am really scared right now. I just want to run pero natatakot ako.
“We need a maid here.” He said at lumapit sa akin dahilan ng pag atras ko. “At ang mga naging maid dito na tao, ay hindi na nakalabas sa teritoryong ito.” He whispered at hinawakan ang braso ko. Sparks ignited in my body again at agad niya akong binitawan and stepped away.
“This can’t be,” He whispered at napahawak sa ulo niya. Ano ang ibig sabihin niya?
“Savannah,” He called someone at nakita ko ang isang babae na may takot sa mukha habang tinitignan ang lalaki na kaharap ko ngayon.
“Opo, Alpha?” Takot na tanong niya.
“Dalhin mo siya sa kwarto mo.” Sabi niya at agad na tumango ang babae.
“Masusunod, Alpha.” Sabi niya at agad akong sumunod sa babae at tinignan ulit ang lalaki and he is staring at me and then his eyes turned cold at agad na umalis. Napa buntong hininga naman ako at dinala ako ni Savannah sa isang napakaliit na kwarto na kasya lang talaga kaming dalawa. Parang hindi ito kwarto, parang stock room.
“Ito na ang kwarto ko at magiging sa iyo na rin.” Sabi niya at tumango naman ako at umupo sa maliit na kama.
“B-Bakit ako nandito?” Tanong ko sa kanya.
“Ang masasabi ko lang ay mag ingat ka sa mga tao rito.” Bulong niya at nakaramdam ako ng takot.
“S-Sino ba sila? At bakit niyo tinatawag na Alpha ang lalaki kanina?” Tanong ko sa kanya at napapikit naman siya.
“Nandito tayo para maging alipin sa kanila. Huwag na huwag mong tanggihan ang mga utos nila dahil kaya nilang pumatay ng tao.” Sabi niya and I whimpered. Sino ba kasi sila?
“M-Mga Mafia ba sila?” Takot na tanong ko sa kanya and she shook her head.
“Malalaman mo rin sa tamang panahon, ipapakita nila sa iyo kung sino sila. Ihanda mo lang ang sarili mo dahil magiging trauma ito sayo.” Sabi niya at napayuko naman ako and I hugged my knees while tears formed in my eyes.
Bakit ba nangyari ito sa akin? Hindi pa ako nakapagtapos sa pag aaral. Ako ang nagpapaaral sa sarili ko at Nursing ang kinuha ko. Ngayon, hindi ko na matutupad ang mga pangarap ko dahil binenta ako ni Mama sa mga taong ito. Nagpursige ako sa pag aaral kahit hindi tumulong sa akin ang mga magulang ko. Ginawa ko lahat at nag ipon ako at kayod sa trabaho para makamit ko ang mga pangarap ko pero ganito lang ang nangyari sa akin.
Hindi ko nga alam kung saang sulok ang lugar na ito at hindi rin nagsasabi ng mga impormasyon si Savannah. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko.
“Matulog kana, marami pa tayong gagawin bukas.” Sabi niya at humiga sa kama niya. Matatawag ko pa ba itong kama? Kasya lang ang katawan ko sa kamang ito dahil sa sobrang liit. Hindi ko alam kung makakatulog pa ako sa sitwasyon kong ito.
Bigla akong napaisip sa lalaki na tinatawag nilang Alpha. Nakaramdam ako ng kilabot sa katawan ko when I think of him. I remember how our skin felt so good while touching each other which made me confused. How can I feel that on a stranger? Never in my life na naramdaman ko iyon. Nahawakan na ako ng mga lalaki noon pero hindi naman ganito.
I thought about his face again. He has this dark chocolate brown hair which made me run my hands through it. Mayroon siyang kayumangging mga mata at moreno ang kanyang balat. He is so perfect. He is the most perfect person na nakita ko sa buong buhay ko. Pakiramdam ko may lahi rin siya dahil sa itsura niya. His body is also built and strong. Sobrang taas rin niya at taga dibdib lang ako sa kanya.
I shook the thoughts away. Nababaliw na ba ako? Bakit ko siya iniisip sa sitwasyon ko ngayon? He bought me my money para maging alipin dito sa bahay niya, hindi dapat ako nag iisip ng ganit. Hindi ko lang kasi mapigilan at hindi ko alam kung bakit. Parang may humihila sa akin patungo sa kanya. Sobrang lakas ng koneksyon na nararamdaman ko sa kanya. Nababaliw na siguro ako.
“Anong pangalan mo?” Narinig ko na tanong ni Savannah.
“Phoebe,” sabi ko sa kanya and she nodded her head. I closed my eyes and tried to sleep pero hindi ako makatulog. Natatakot ako baka bukas pag gising ko, may mangyaring masama sa akin sa bahay na ito.
Simple lang naman ang buhay ko, bakit pa naging komplikado? Wala akong naging kasintahan since birth dahil nga busy ako sa pag iipon para makapag aral. Ang pag aaral lang talaga ang inaatupag ko and now it’s all taken away from me.
**
Nagising ako dahil sa boses na tumatawag sa akin. “Phoebe,” I opened my eyes at nakita ko si Savannah. “Halikana, kailangan na nating mag linis at magluto ng mga pagkain.” Sabi niya sa akin and I rubbed my eyes and nodded my head. My heart ached to know na hindi panaginip ang lahat ng ito at totoo na binenta talaga ako ng mga magulang ko to be a servant with these people na hindi ko naman kilala.
Sumunod ako kay Savannah at nagluto na kami ng mga pagkain, marunong din naman akong magluto dahil alipin din naman ako sa bahay namin at ako lahat naglilinis at nagluluto doon. I sighed and I suddenly felt goosebumps all over my body at nakarinig kami ng mga yapak.
Napalingon ako at nakita ko ang lalaki na tinatawag nila na Alpha kasama ang maraming lalaki na sumusunod sa kaniya. I gulped at bigla akong kinabahan ngunit bigla rin sumaya ang puso ko nang makita ko siya. Baliw na talaga ako, naguguluhan na ako sa nararamdaman ko.
Napatingin ang lalaki sa akin at agad akong bumalik sa paghahanda ng mga pagkain.
“Alpha Remus, bibisita daw ang anak ng Alpha sa neighboring pack natin, Si Alpha Anisha.” Sabi ng isang lalaki at kumunot ang noo ko sa mga code name nila. And my heart fluttered nang marinig ko ang pangalan ng lalaki. Even his name is perfect. “Remus,”
“Anong pinagsasabi nila?” Bulong ko kay Savannah and she shook her head at hindi ako sinagot.
Hinanda na namin ang mga pagkain sa mesa at nakita ko na aksidenteng natapon ang tubig na dala ni Savannah sa isang lalaki. I gasp nang sinampal ng malakas ng lalaki ang pisngi ni Savannah.
“Walang hiya ka, sino kaba ha?! Omega ka lang dito!” Galit na bulyaw ng lalaki and tears formed in my eyes.
“Adolfos, enough.” Narinig ko ang malamig na boses ni Remus at umupo ang lalaki na nag sampal sa mukha ni Savannah. Nakita ko ang mga luha na umagos sa mukha ni Savannah and I feel so bad for her. I tried my best na hindi magkamali sa paghanda ng mga pagkain baka ako na ang susunod.
Nang matapos na kaming maghanda ng pagkain, napatingin ako kay Savannah habang nakayuko lang ito. “Okay ka lang?” Tanong ko sa kanya and she nodded her head. “Hindi ko alam na ganito pala sila kasama,” I whispered.
“Huwag kang magsalita,” Bulong niya at napatingin ako sa kanya and she glances at the boy who's now eating their foods habang nag uusap.
“They can hear you kahit malayo sila.” She whispered. “Buti na lang nag uusap sila at distracted, kapag wala silang ginagawa, huwag kang magsalita ng kung ano ano.” Sabi niya at napalunok naman ako. Ano ba ang pinagsasabi niya? Paano naman nila maririnig ang boses namin kung ganito kalayo.
“Hindi sila ordinaryong tao,” Bulong niya.