Trivia

274 Words
Sa mundo ng mga taong lobo, may iba’t ibang grupo na tinatawag na “Pack” May sariling mga pangalan ang kada grupo at sa isang grupo mayroon silang lider na tinatawag na “Alpha” Ang Alpha ay ang pinakamalakas at makapangyarihan sa grupo. Ang Alpha ang namumuno sa isang grupo at may sariling teritorya ang iba’t ibang grupo upang hindi magkagulo. Ang assistant ng Alpha at tinatawag na Beta. Ang Beta ang namumuno kapag may sakit ang Alpha o may inaasikaso na iba. Ang pangatlong namumuno ang ang Delta at ang pinakamamabang ranggo sa mga taong lobo ay ang “Omega”. Ang mga omega ay ang mga tagapaglinis at naghahanda ng pagkain sa buong grupo araw araw, Sa mundo ng mga Taong Lobo, mayroon silang soulmate na itinadhana sa kanila at tinatawag itong “Mate”. Kapag nakita mo na ang iyong mate ay agad mo itong nararamdaman. Parang nakukuryente ang katawan mo kapag nahawakan ka ng mate mo at kapag tumingin ka sa kanilang mga mata, mararamdaman mo agad ang koneksyon na kayong dalawa ay itinadhana sa isa’t isa. Ngunit, may mga sitwasyon na minsan, hindi nila nagugustuhan ang mate nila kaya nire-reject nila ito at maghahanap ng iba na walang mga paris. Pero ang pag reject ng iyong mate ay isang mapanganib na gagawin dahil may posibilidad na mamatay ang isang soulmate because of the breaking of the bond. Ang mga Alpha Males ay itinadhana sa mga Alpha females upang magiging malakas ang kanilang mga anak para sa susunod na pamumuno. Ngunit sa istoryang ito, mukhang magkakamali ang Moon goddess sa pag paris ng dalawang soulmate.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD