Panay ang reklamo ni Rianne habang nakaupo kami sa loob ng cafeteria, kasama ang mga kabigan namin. Masyado daw masakit ang ulo niya ngayon. Hindi ko alam kung anong oras sila natapos kagabi dahil nauna na akong natulog sa kanila. "Parang gusto ko nang magbakasyon," saad ni Amara habang kumakain ng fries kasama ang manliligaw niya at iilang mga kaibigan. Kasama din namin sa mesa si Yosef at Gregg na halatang nilalandi ang mga kaibigan ni Amara. Tapos na ang limang araw na easter break kaya balik eskwela na ulit. "Damn school works! Kakapasok lang ulit ngayon, tambak na naman. Hindi na natapos!" Reklamo naman ni Rianne. "Lalong sumasakit 'yung ulo ko, grabe!" Dagdag pa niya saka hinimas ang magkabilang sentido. "Tinalo ka ni Aisla, eh. Magbabanyo lang daw?" Sarkastikong singit ni Gregg