Chapter 31

2645 Words

Nanlalabo ang paningin ko habang nakasakay sa sasakyan ni Rion. Ayoko sanang maniwala kay Princess kanina sa mga sinabi niya at gusto ko munang kumpirmahin iyon sa kapatid ko, ngunit hindi na kailangan dahil totoo ang sinabi ni Princess. Umalis nga silang dalawa. At nakita ko mismo nang pagbuksan niya ng pintuan si Princess para makasakay ito sa titanium niya. Kilig na kilig pa ang mga kasama namin at pinsan habang pinapanood sila kanina. Habang ako... nasasaktan nang wala man lang nakakaalam. Kung inamin ko ba na may nararamdaman din ako para sa kanya noong gabing tinanong niya ako, makikipag-date pa ba siya kay Princess ngayon? Kung sinabi ko ba ang totoo, yayayain pa din ba niya si Princess? Nagsisisi ako na hindi ko sinabi ang totoo, oo. Pero mas mabuti na siguro ang ganito. Para m

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD