Magugulo ang mga pinsan ko sa aming sala, pinipilit ang mga magulang namin na payagan kaming lumabas ngayon. Nandito silang lahat -- pati si Diana at Liam. Sayang nga at hindi nila kasama si LJ. Iniwan daw nila siya kay tita dahil ayaw din naman niya itong ipasama. Nagpagawa pa sila ng banana split kay Mommy dahil nakita ni Rion 'yung tira kanina sa ref. Kinailangan pa tuloy utusan ni Mommy si Daddy na dumaan sa grocery para bumili ng isang gallon ng ice cream para lang masunod ang gusto ng mga pamangkin nila. Naubos na kasi 'yung stock ng ice cream. "Saan ba kayo pupunta?" Tanong ni Mommy sa mga pinsan ko. At sa tono ng boses niya ay mukhang hindi niya kami papayagang umalis ngayong gabi. Siguro ay naumay na sila pareho ni Daddy sa lagi naming paggala. "Seventh Street, perhaps? Or mayb