Chapter 9

2218 Words
Hindi kami nag-uusap ni Qino. Iyon ang malinaw at napansin ng mga magulang namin mula noong makauwi sila. Mag-i-isang linggo na kaming hindi nagkikibuang dalawa. We used to fight and almost kill each other like a typical siblings do, pero 'yung dahilan no'ng pag-aaway namin ay masyadong bago para sa akin. Siguro ay para na din sa kanya. At inaamin ko naman na nagsisisi ako na nasampal ko siya dahil kapatid ko siya at matanda siya sa akin. Pakiramdam ko ay nawalan ako ng respeto sa kanya. Ganoon din naman siya sa akin. Kapag naaalala ko 'yung sinabi niya ay nasasaktan ako. Sino ako? Kapatid niya -- kapatid lang niya. Naiintindihan ko na nasabi niya iyon dahil sa nasampal ko siya ngunit hindi ba niya naisip na nasaktan din ako? Tinitigan ko ang notebook na nakapatong sa kama ko. Hindi ko alam kung papaano ko sasagutan ang mga nakasulat dito. Ayoko namang hingan ng tulong si Qino dahil baka mapahiya lang ako. Bumuntong-hininga ako at dinampot ito. Kay Daddy na lang ako magpapaturo since magaling din naman siya pagdating sa mathematics. Naglakad ako palabas ng kwarto at tinungo ang kwarto kung saan madalas naglalagi si Daddy kapag may tinatapos siyang project. Kumatok ako ng tatlong beses saka na pinihit ang doorknob. Medyo nagulat ako nang makita kong kausap ni Daddy si Qino. Pareho silang napatingin sa akin. Pilit akong ngumiti. Agad ding inalis ni Qino ang tingin niya sa akin at ibinaling kay Daddy. "Yes, Dad. Kung pwede lang po sana na sa apartment na lang ako ni Rion mag-stay. Siya lang naman doon," ani Qino na hindi na binigyang pansin ang presensya ko. "Son... alright. But we still have to talk about that later," ani Dad. "Darling, come here." Baling sa akin ni Daddy saka iminuwestra ang kamay na lumapit ako. Dahan-dahan akong naglakad palapit sa pwesto nila. Nginuya ko ang inner cheeks ko nang umupo ako sa harapan ng table kung saan kaharap ko naman si Qino. "Ah, Dad... magpapaturo po sana ako sa assignment ko sa Math. Medyo mahirap po kasi ito." Alangan kong sabi saka ipinakita ang notes ko. Madalas naman akong magpaturo sa kanya noon kaya alam kong walang magiging problema. At alam naman din niyang hindi ako masyadong magaling pagdating sa mathematics -- pero magaling ako sa ibang subjects. Bahagyang tumawa si Daddy saka tumango. Nanatili namang tahimik si Qino na nakaupo at nakatulala sa mesa. "Kailangan na yata kitang ikuha ng tutor, Aisla?" Pabirong sabi ni Daddy. Bumungisngis ako. "O kaya ay magpaturo ka na lang sa kuya mo? Mas madali niyang ma-e-explain ang mga detalye nito sa'yo. Tsaka, baka magkamali ako dahil matagal na noong pinag-aralan namin ito," dagdag pa niya habang tinitignan ang mga nakasulat sa notebook ko. Lumunok ako at lihim na sinulyapan nang tingin ang kapatid ko. At sa hitsura niya ay wala siyang balak na turuan ako. "Dad, balik na lang ako mamaya." Paalam ni Qino saka tumayo. Tumango naman si Daddy. Pinanood ko ang likuran niya hanggang sa makalabas siya sa kwarto. "Hindi pa din kayo nagkaka-ayos ng kuya mo?" Biglang tanong ni Daddy. Umiling ako. "Ano ba ang pinag-awayan niyo?" Ngumuso-nguso ako dahil hindi ko alam kung sasabihin ko sa kanya ang dahilan kung bakit. At ayoko din sabihin na sinampal ko ang Kuya ko. Nagkibit-balikat na lang ako saka pilit na ngumiti. Tumawa ulit si Daddy. "You two..." iiling-iling niyang sabi. "Akala ko ngayon na nasa kolehiyo na kayong pareho ay magkasundo na kayong dalawa. But I guess I'm wrong! Sino ba ang nag-umpisa ng away, Aisla?" "Ako po," amin ko. O baka siya. O baka nga ako. Hindi ko na matandaan. "Make it up to him. Magkapatid kayo. You should love and value each other. Pinagsabihan ko na din ang kuya mo," pangaral ni Daddy na hindi na bago sa pandinig ko. Lagi naman na ganito ang sinasabi niya sa aming dalawa ni Qino kapag alam niyang may samaan kami ng loob. "Sige po, Dy." Tango ko. "Magpaturo ka na din sa kanya ng assignment mo. Hindi ka matitiis ng kapatid mo kahit pa na anong ginawa mong ikinasama ng loob niya." Aniya saka isinarado ang notes ko. "Alam mo ba na gustong umalis ng kuya mo at tumira na lang sa apartemnt ni Rion?" Natatawa pang sabi niya na ikinagulat ko. Aalis siya? Nang dahil lang sa pag-aaway naming dalawa? Nang dahil lang sa akin? Ganoon na ba kalala ang nagawa ko sa kanya? Nagpaalam ako kay Daddy na aalis na saka na naglakad palabas ng kwarto. Ano nga ba ang eksaktong ikinasama ng loob niya? Ang pagsampal ko sa kanya? Okay. I will make it up to him. Ako na 'yung magso-sorry para lang hindi siya umalis dito sa bahay namin dahil lang sa akin. Humugot ako ng isang malalim na hininga saka naglakad tungo sa sala sa pag-aakalang nandoon siya, ngunit si Dominic lang ang nandoon at si Mommy na tinuturuan siya sa mga lessons niya. Tumungo ako sa harapan ng kwarto niya. Muli akong humugot ng isang malalim na hininga bago kumatok. "Come in!" Rinig kong sabi nito. Pinihit ko ang doorknob at dahan-dahang binuksan ang pintuan. Sumilip muna ako sa loob. Nakita ko siyang nakaupo sa harapan ng study table niya habang binabasa ang isang makapal na libro na nakapatong doon. Saglit itong lumingon sa akin saka muling itinuon ang atensyon sa binabasa niya. Kinurot ang puso ko pero pumasok pa din ako kahit na para bang hindi ako welcome dito. Sinarado ko ang pintuan sa likuran ko at lumakad palapit sa kama niya saka umupo. "S-sorry," bulong ko habang nakatingin sa likuran niya. Hindi ko alam kung narinig niya o hindi dahil hindi pa din niya ako pinansin. "I won't be a help with your homework. Madami akong kailangang tapusin," biglang sabi nito. Nainis ako pero hindi ko na lang iyon pinansin dahil gusto ko na magka-ayos kaming dalawa. "I just... wanted to say sorry for what happened the other night," wika ko. "Okay," malamig niyang sabi -- kasing lamig ng buong kwarto niya. Bumuntong-hininga ako saka na tumayo. That's it. Kung ayaw niyang makipag-ayos, I'm fine with it. Basta ako, ginawa ko na ang part ko. Sinunod ko ang Daddy ko at nag-sorry sa kanya. Pero hindi pa din maalis sa isip ko na bigo akong magka-ayos kaming dalawa. At bigo akong magpaturo sa assignment ko sa kanya. Tumayo ako saka na naglakad palabas. Hindi ko alam kung bakit naiiyak ako nang isarado ko ang pintuan ng kwarto niya. Mukhang kailangan kong pagpuyatang gawin itong assignment ko ngayon. Diretso akong pumasok sa kwarto ko at piniga ang utak ko, pero kahit na anong gawin ko ay hindi ako makapag-focus sa ginagawa ko kaya itinabi ko na lang sa ibabaw ng drawer ang notes ko at humiga sa kama. Bahala na bukas. Pwede naman akong kumopya kay Ivette dahil kaklase ko siya. Bahala na talaga. Ilang minuto akong nakatunganga sa kisame nang marahas na bumukas ang pintuan ng kwarto ko. Napaupo ako sa sobrang gulat at napangiwi nang makita ko ang pagpasok ng pinsan ko. "Aisla! Akala ko tulog ka na sabi ni Tita!" Ani Amara. Tumakbo ito palapit sa kama ko at pabagsak na humiga. "Ginabi ka yata?" Tanong ko. "Ikaw lang?" Dagdag ko pa. "Nope. Kasama ko si Rion; nasa sala niyo. Nagpahatid ako sa kanya dito," tugon nito. Tumango ako. "May lakad ba tayo ngayon?" Ngumiti ako. Ganito naman kasi sila minsan. Bigla-bigla na lang dumarating dito kahit gabing-gabi na para lang magyayang lumabas. O kaya ay bumili ng kung anu-ano o mag-road trip. "Uh, wala. Nagpapagawa lang ako ng assignment sa kuya mo." Aniya saka ibinalot ang sarili sa comforter ko. "Ang lamig naman dito sa room mo!" Puna niya. "Ginawa ba niya?" Tanong ko. Hindi ko pinansin ang pagpuna niya sa lamig nitong kwarto ko dahil hindi ko talaga pinapatay 'yung aircon. "Yup. Ginagawa na nga niya kaya hihintayin ko na lang." Nakaramdam ako ng inis. Kapag si Amara, hindi siya makatanggi. Pero sa sarili niyang kapatid, madami siyang ginagawa kaya hindi niya magawa? I get that we're not cool! Pero, wow lang. Gusto ko siyang sugurin sa kwarto niya at sumbatan pero baka mapahiya lang ako. "Dito ka matutulog?" Matabang kong tanong. Hindi niya ako sinagot kaya nilingon ko siya. Napailing na lang ako nang makitang nilamon na siya ng kawalan. Ang bilis talagang makatulog ng isang 'to! Humiga na lang din ako at pumikit. Baka makatulog din ako nang mabilis dahil sa inis ko sa kapatid ko. Kinabukasan ay nagpahatid ako kay Daddy sa school dahil maaga daw umalis ang kapatid ko. Kung hindi ko na lang sana alam na ayaw niya akong isabay sa pagpasok, eh. Mula noong nag-away kami, hindi na niya ako isinasabay. Sinusundo lang ako ni Yosef sa bahay o kaya minsan ay ni Gregg. Lagi siyang may nakahandang dahilan para hindi niya ako maisabay sa pagpasok. "Bye, Daddy! Ingat po," sabi ko nang huminto ang sasakyan sa tapat ng paaralan. Humalik ako sa pisngi niya saka na bumaba. Paggising ko kanina ay wala na din si Amara sa kama ko. Marahil ay umuwi din silang dalawa ni Rion. Ni hindi ko din nakita si Rion kagabi. Nagmadali akong naglakad tungo sa room. Nabungaran ko si Princess na nakapangalumbaba sa table niya. Tipid itong ngumiti nang makita ako. Apologetic naman akong gumanti ng ngiti sakanya. Noong ikwento niya sa akin ang naging resulta no'ng date nila ng kapatid ko ay sobrang saya at kilig na kilig siya. Kunwari na din akong kinikilig para sa kanilang dalawa kahit na ang totoo ay alam ko kung ano ang ginawa ni Qino pagkatapos no'ng date nila. Pina-kwento din niya ako tungkol sa date namin ni Jarred at noong sabihin ko na inaya niya ulit ako ay bigla na lang siyang nalungkot -- hanggang ngayon. Kinulit-kulit pa niya akong mag-set ulit ng date para sa kanilang dalawa ngunit tumanggi na ako at sinabing nag-away kami ng kapatid ko na totoo naman. Hindi ko lang sinabi 'yung buong detalye kung bakit at 'yung pagdadala ng babae ni Qino sa bahay pagkatapos no'ng date nilang dalawa. "Vette, nagawa mo 'yung assignment mo?" Tanong ko sa pinsan ko na nakikipag-kwentuhan sa mga kaibigan namin. "Oo, ikaw?" "Hindi, eh. Pakopya na lang?" Ngumiti ako. "Hindi ka ginawan ni Qino?" Singit ni Rianne. Umiling ako saka na kinalkal ang bag ko at kinuha ang notebook. "Gumamit ka ng ibang method, ha? Baka mahalata tayo. Alam mo naman na ang sungit ni Mr. Guzman!" Paalala ni Ivette saka iniabot sa akin ang notes niya. Bago ako kumopya ay nakipag-daldalan muna ako. Naalala ko na wala nga pa lang nakakaalam ng tungkol sa amin ni Jarred sa kanila. Kahit 'yung mga pinsan ko ay hindi alam. At wala akong balak magkwento sa kanila ng tungkol doon. Isusurpresa ko silang lahat kapag naging kami na. Ayoko namang ilihim sa kanila ang tungkol sa amin ngunit mas mabuting hindi muna nila alam para maiwasan namin ang panunukso. "Good morning!" Masayang bati ng isang tinig. Napalingon kaming lahat sa kanya. Nagtahip ang pintig ng puso ko nang makita si Jarred na nakangiti habang nakatingin sa akin. Of course, kaklase ko siya sa first subject namin ngayon. Narinig ko ang pagtikhim ni Rianne at ang mapanuri nitong tingin. Tumaas ang dalawang kilay ko nang manliit ang mga mata nito sa akin habang nakangisi. Nagkibit-balikat na lang ako. Siyempre, alam ko na napapansin na nila kaming dalawa at panay din ang tanong nila ngunit lagi kong sinasabi na magkaibigan pa lang kami. Sinabi ko din sa kanila na hindi siya nanliligaw no'ng minsang tanungin ako ni Layla. Mukhang okay lang naman kay Jarred na ganito muna ang set up namin ngayon dahil hindi pa naman kami. "Umamin ka nga, Aisla! Kayo na ba? O may something na sa inyo ni Jarred?" Mapanuring tanong ni Rianne. Sa akin napunta ang atensyon nilang lahat. "Sila na?! Uyyyy!" Tili ng iba. Nag-init ang buong mukha ko at nahihiyang tumingin sa gawi ni Jarred na halatang nagpipigil ng tawa. "Hindi! Ano ba! Manahimik nga kayo!" Suway ko. "Akala mo wala kaming alam? Ha!" Singhal nito. Nanlaki ang mga mata ko at lalo akong namula. Mabilis kong nilingon si Princess dahil siya lang ang may alam na nag-date kami ni Jarred noong Sabado. Umiling naman ito sa akin na para bang sinasabi na wala siyang kasalanan. "A-anong alam niyo?" Inosente kong tanong nang ibaling ko sa pinsan ko ang atensyon ko. Isa-isa ko silang tinignan. Umiiling naman si Ivette habang may mapang-asar din na ngiti. "Secret! Kala niyo, huh! Pero nakakatampo ka, Aisla! Naglilihim ka na sa amin ngayon! 'Di Ba, Vette?" Nagtatampong sabi ni Rianne. Narinig ko ang pagtawa ni Jarred. At alam ko na kami 'yung tinatawanan niya at nakikinig siya. Ngumuso ako at hindi nalang sila pinansin. Magku-kwento din naman ako sakanila, eh. Pero hindi muna sa ngayon. Binuklat ko ang notebook ni Ivette para kumopya na ng mga sagot. Biglang kumabog ang puso ko at napa-awang naman ang bibig ko nang buksan ko 'yung akin dahil may mga sagot na dito. Lahat. At alam ko kung sino ang sumagot. Kabisado ko ang sulat kamay niya. Malinis at maganda sa mata. Napangiti ako nang malapad at parang tanga na niyakap ang notebook ko. Tama nga si Dad. Hindi ako matitiis ng kapatid ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD