Chapter 8

2556 Words
Masayang kasama si Jarred. Hindi ako nakaramdam ng pagkainip sa kanya kahit na minsan ay nagkaka-ilangan kaming dalawa. Hindi ko alam kung hindi ba siya komportable sa akin o nahihiya siya sa akin dahil tahimik din siya minsan. Pero sana ay hindi din siya nakaramdam ng inip na kasama niya ako. "Hindi ko na namalayan 'yung oras," ani Jarred habang naglalakad kami tungo sa sasakyan niya. Hindi maalis sa mga labi ko ang ngiti habang pinagmamasdan ang mukha niya. He's just so perfect! At hindi ako makapaniwala na kasama ko siya ngayon! Kung pwede lang nga sana na hindi na matapos ang araw na ito, eh. Okay lang naman sa akin kung makulong kaming dalawa sa loob ng mall. Kahit yata habang-buhay kaming dalawa sa loob ay wala akong magiging problema basta siya 'yung kasama ko. "Oo nga, eh. Hindi ka ba nainip na kasama mo ako?" Tanong ko sa kanya. Kinuha niya ang susi sa backpocket ng pantalon niya at pinatunog ang sasakyan niya. "No. Ang sarap mong kasama. Buong maghapon nga akong parang nakalutang, eh," pahayag nito. Lumundag ang puso ko sa sobrang tuwa dahil sa sinabi niya. Wala din akong ibang nagawa kung hindi ang ngumiti na lang nang malapad sa kanya. Binuksan niya ang pintuan sa passenger's seat saka iminuwestra na pumasok ako. Nahihiya akong ngumiti saka na sumakay sa sasakyan. Napaka-gentleman niya! Umikot naman siya patungo sa kabilang side at umupo na sa driver's seat. "Thank you," sabi ko kay Jarred. Hindi ko alam kung bakit ako nagte-thank you pero gusto ko talagang mag-thank you sa kanya. "Uh, for what?" Tanong niya at nararamdaman ko sa tinig niya na nahihiya din siya ngayon tulad ko. "For this. Nag-enjoy talaga ako lalo na sa arcade kanina." Tinaas ko ang pink na teddy bear na hindi masyadong kaliitan na nakuha niya kanina. "Oh. I enjoyed this day too. Pinilit ko talagang makuha 'yan para sa'yo," aniya at nakita ko ang bahagyang pamumula ng magkabilang pisngi niya. I love seeing him blush! Ang cute niya! "Thank you!" Wika ko habang may malapad na ngiti. "Do you know how to drive?" Biglang tanong niya. "Racer 'yung kapatid mo, 'di ba?" "Uh, yup. Pero hindi pa ako marunong mag-drive," tugon ko saka naalala ang kapatid ko. Well yes. Qino is a racer. Kaya nga medyo may pagkabalasubas siya kung magdrive. Masyado na siyang na-adik sa sport na iyon. Nakikipag-compete din siya at madalas siyang manalo. Local competetions lang naman. Sinusuportahan naman siya ng mga magulang namin sa gusto niya kaya nga dalawa na 'yung sasakyan niya: 'yung isa ay 'yung titanium at 'yung isa ay honda civic na ginagamit niya sa mga drag race. Pero minsan ay hindi maiwasang mag-alala ni Mommy dahil natatakot siya para sa kanya. At kamusta na kaya ang date nila ni Princess? Kinuha ko ang phone at tinignan kung may mensahe ba ako galing kay Princess o sa kanya pero wala naman. "Bakit hindi ka nagpapaturong mag-drive sa kanya? Balita ko ay magaling siya," ani Jarred. Tumango ako. Mas astig ba para sa kanya ang babaeng marunong mag-drive? If so, magpapaturo ako sa kapatid ko. "Hindi kasi pumasok sa isip ko na magpaturo, eh. Pero, sige. Magpapaturo ako." Para sa'yo. Matamis akong ngumiti sa naisip ko. "Marunong din akong mag-drive. Pwede kitang turuan. Wanna try now?" Nilingon niya ako. Kinabahan agad ako at pakiramdam ko ay nawalan ako ng dugo sa mukha. "No! I mean, not now. Natatakot ako, baka mabangga tayo," rason ko. Tumawa ito saka tumango. "Alright. Basta, sabihin mo sa akin kung kailan mo gustong matuto," aniya. Mabilis akong tumango habang matamis na nakangiti. Iniliko niya ang sasakyan papasok sa subdivision kung nasaan ang bahay namin. Alam naman niya kung saan kami nakatira kaya hindi ko na siya kailangang bigyan ng direksyon. Parang ayoko pang umuwi ngunit gabi na. Huminto ang sasakyan sa tapat ng bahay namin at napanguso ako sa sarili ko. "Thank you, Jarred." Ngiti ko saka kinalas ang seatbelt ko. "Ilang beses ka na nag-thank you." Tawa niya. Nag-init ang buong mukha ko. "So... next time ulit?" Umawang ang bibig ko. Is he asking me for another date? Of course, silly. He likes you. "Sure! Next time," masiglang tugon ko. "Bye! Ingat ka." Wika ko saka mabilis na humalik sa pisngi niya na ikinagulat niya. Sobrang namula ang buong mukha niya kaya hindi ko napigilan ang pagtawa. Nag-iwas ito nang tingin sa akin saka napangiti. "Damn, what are you doing to me?" Bulong niya na narinig ko. Para akong kinuryente dahil mukhang malakas ang epekto ko sa kanya. Hindi ako nagsalita habang may malapad pa ding ngiti sa mga labi. Binuksan ko ang pintuan ng sasakyan saka na tuluyang lumabas. "Bye!" Ulit ko. Tumango ito. Isinarado ko ang pintuan at pinanood ko ang pag-andar ng sasakyan niya hanggang sa makaalis ito. Gusto kong tumalon sa sobrang saya pero pinakalma ko ang sarili ko. I really like him. And the feeling is mutual. Hindi ko na patatagalin ito at siguradong sasagutin ko siya agad kapag itinanong niya kung kailan ko siya sasagutin. Ngiting-ngiti akong pumasok sa loob at napansin ko na wala pa ang titanium ng kapatid ko. 'Yung Civic niya at Montero pa lang ni Dad ang nasa garahe. Mukhang maganda ang naging resulta ng date nila ni Princess. Pumasok ako sa bahay at nakasalubong ko si Manang na patungo sa kusina. Huminto ito sa paglakad nang makita ako. "Hindi pa po umuuwi si Qino?" Tanong ko. "Umuwi siya kanina. Nagpalit lang ng suot tapos umalis din agad. Kumain ka na ba?" Kumunot ang noo ko. Nagpalit siya ng suot? Hah! Siguro ay nagpa-gwapo 'yun para kay Princess. "Busog pa po ako, Ya. Thank you. Bihis lang ako," wika ko saka na dumiretso sa kwarto para magpalit ng suot. Tinanggal ko ang kwintas ko at ang mga hikaw. Tinanggal ko din ang relo at bangle bracelet na suot ko. Tinitigan kong mabuti ang bracelet dahil naalala ko 'yung sinabi ni Princess kanina tungkol dito. Well, mahal ako ni Qino dahil kapatid niya ako. Tsaka, hindi lang naman siya ang nag-regalo sa akin ng ganito. Si Daddy ay binigyan ako ng kwintas na may dalawang heart pendant na magka-intertwined. Si Mommy, binilhan niya ako ng bracelet na may heart charm na kapareho no'ng sa kanya. And why the f**k is this bothering me anyway? Itinabi ko sa jewelry box ang mga alahas na ginamit ko. Lumabas ako ng kwarto pagkatapos at tumungo sa may kusina. Kumuha ako ng tubig sa ref saka dinala sa may sala. Umupo ako sa couch at ipinatong ang baso ng tubig sa center table. Kinuha ko ang phone ko at binuksan ang social media account ko. Doon ko lang na-realize na wala nga pala kaming picture ni Jarred. Sayang! May balak pa man din sana akong gumawa ng scrapbook namin. Nang mainip ako sa panonood ng mga shared videos ng mga friends ko ay nag-out na ako. Tumingin ako sa wall clock at nakita kong mag-a-alas nuebe na at wala pa din ang kapatid ko. "Hindi ka pa ba nagugutom, Aisla? Kumain ka na. Oras na," ani Manang nang dumaan siya sa harapan ko bitbit ang mga tinupi niyang mga damit namin. Parang on-cue na kumalam ang sikmura ko. "Hintayin ko na po si Kuya, Ya." "Sige. Tawagin niyo na lang ako kung kakain na kayo para maipaghanda ko kayo," aniya. "Di na, Ya. Ako na lang mamaya. Pahinga ka na. Oras na din naman." Ngiti ko sa kanya. Lumabi ito saka ngumiti at nagmartsa na paalis. Panguso-nguso akong nakatingin sa baso na pinagpapawisan dahil sa lamig. Gusto kong i-text si Qino o kaya ay si Princess ngunit pinigilan ko ang sarili ko. Baka nag-e-enjoy ang dalawa at ayoko silang maistorbo. Makikibalita na lang ako kay Qino pag-uwi niya. O kung hindi man sa kanya, kay Princess na lang. Sigurado naman akong iku-kwento niya ang lahat. Humikab ako saka humilig sa backrest. Ipinatong ko din ang mga paa ko sa center table saka pumikit. At bago pa ako tuluyang makatulog dito sa upuan ay napagpasyahan ko na lang na pumasok na sa kwarto. Dinala ko ang baso na may lamang tubig at ang phone ko. Bukas ko na lang tatanungin ang kapatid ko tungkol sa date nilang dalawa ni Princess. Ipinatong ko ang mga dala ko sa bedside drawer at humiga sa kama. Hinintay ko ang kawalan na tuluyan akong lamunin ngunit hindi iyon nangyari dahil bigla na namang sumagi sa isip ko ang kapatid ko at si Princess. Bumuntong-hininga ako saka umupo sa kama at kinuha ang phone. Nangangati na ang mga kamay ko na i-text o tawagan ang isa sa kanila ngunit ayoko talagang maka-istorbo. Kinuha ko ang baso at inubos ang laman nito. Umalis ako sa kama at tinungo ang pintuan para ilagay ang baso sa kusina. Pagbukas ko sa pintuan ng kwarto ay bumungad sa akin ang likuran ng isang tao. Nakaharap ito sa pader at may dalawang kamay na nakasabunot sa buhok niya. Para akong binuhusan ng nagyeyelong tubig nang makarinig ako ng mga mahihinang ungol at tunog na parang may kumakain ng bubble gum. Natulala ako nang bumaba ang ulo na nakikita ko at lumitaw ang mukha ng babaeng nakapikit. Hindi ito pamilyar sa akin at siguradong hindi ito ang kaibigan ko. Nakakagat pa ito sa ibaba niyang labi, halatang gustong-gusto ang ginagawa sa kanya. Biglang nanginig ang mga kamay ko at mahigpit kong hinawakan ang baso na hawak ko dahil baka mabitawan ko ito at mabasag. Napuno din ng galit ang dibdib ko dahil sa kababuyang ginagawa nilang dalawa. Qino's with a girl. But this girl is not my friend. f**k! "What in the world are two you doing?!" Matigas at pagalit kong tanong. Pinigilan kong sumigaw kahit na parang sasabog na ako sa sobrang galit. Hindi nila napansin ang presensya ko? Hindi nila narinig ang pagbukas ko sa pintuan? Mabilis na nagmulat ng mata ang babae at mabilis ding huminto si Qino sa ginagawa. Mukha pa siyang nagulat nang humarap ito sa akin. Agad itong humakbang palapit sa akin ngunit mabilis na humawak sa braso niya ang babae para pigilan siya. "Where the hell is Princess, Qino?" Tanong ko pa habang masamang nakatingin sa kanya. Unti-unting sumisibol ang galit sa dibdib ko. Ayokong isipin na iniwan niya ang kaibigan ko para sa babaeng ito subalit ano pa nga ba? I can't believe him! Naisip ko pa naman na baka nage-enjoy sila, ngunit mas mukhang nag-enjoy si Qino sa iba. "Qino, let's go to your room," anang babae na hindi nakaligtas sa pandinig ko. Mabilis nitong ipinulupot ang mga braso sa katawan ng kapatid ko na para bang hindi niya alintana na nandito ako ngayon sa harapan nila. "Elaine... stop." Pigil ni Qino nang akmang hahalikan siya sa leeg ng babae. Kinalas niya ang mga kamay na nakapalupot sa kanya at bahagyang lumayo. Kitang-kita ko din ang pamumula ng mga labi ng kapatid ko dahil sa ginawa nila. Bumaling ng tingin sa akin ang babae saka ako inirapan. "Girlfriend mo?" Mataray niyang tanong. Qino groaned. "She is... my sister." "Then what's wrong? Kapatid mo lang naman pala siya." Ngumisi ang babae saka hinaplos ang dibdib ni Qino. This b***h! Mas lalong nag-alab ang galit na nararamdaman ko. Handa na akong sumugod para isubsob siya sa sahig ngunit nagsalita si Qino. "Nothing's wrong. She's just my sister." Malamig niyang sabi saka tumingin sa akin. "Tapos na ang date namin ni Princess." Aniya saka hinila ang babae patungo sa may living area. "Qino!" Malakas na tawag ko ngunit hindi niya ako pinansin. Nilingon ako ni Elaine saka ngumisi. Pakiramdam ko ay napahiya ako doon. Sa sobrang pagkapahiya at galit na nararamdaman ko ay naramdaman ko ang mainit na luha na dumaloy sa magkabilang pisngi ko. Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak! I shouldn't be crying over that asshole of a brother! Humugot ako ng isang malalim na hininga sabay punas sa buong mukha ko. Naglakad ako tungo sa kusina. Hindi ko pinansin ang pagsunod ng isang tao sa likuran ko. Plano ko pa man din sanang makipag-ayos sa kanya dahil sa mga sinabi ko kanina ngunit mas mabuting huwag na lang. "We're done with the date," aniya. Nilingon ko siya. Nakahilig siya sa pader ng kusina katabi ang ref. "Of course! You left my friend for that girl!" Nanggigigil na sabi ko. "At talagang inuwi mo pa siya dito? Dahil ba wala si Mommy at Daddy, magagawa niyo ang gusto niyo?" Dagdag ko. "Hindi na ba ako pwedeng magdala ng babae dito, Aisla? Bahay ko din 'to." Nakangisi niyang sabi saka humalukipkip. Galit ko siyang tinitigan. "Yes! Hindi pwede, Qino! Hindi ka pwedeng magdala ng ibang babae dito!" Sigaw ko. "Hindi ka ba nahihiya sa mga magulang natin? Kapag nalaman nila? Iuuwi mo dito kung sino ang gusto mong iuwi? Bigyan mo naman kami ng konting kahihiyan!" "Oh? Mas gusto mo ba na 'yung kaibigan mo ang iuwi ko dito? Hindi siya iba, sabi mo nga, 'di ba?" Nang-iinsulto nitong sabi. Mas lalo akong nanginig sa galit dahil sa sinabi niya. Binaha ako ng mga pwede nilang gawin ni Princess sa kwarto niya. At parang may kung anong pumutok sa loob ko na hindi ko maintindihan. Nagdilim ang paningin ko at mabilis na lumapit sa kanya. Nagulat siya nang malakas na dumapo ang kamay ko sa mukha niya. Rinig na rinig sa buong bahay ang palakpak ng sampal ko sa pisngi niya. "You're really an ass, Qino!" Singhal ko. "Hindi gano'n ang kaibigan ko!" Kinagat niya ang ibabang labi niya habang nakatingin sa akin. Namumula ang pisngi niya dahil sa sampal ko. Bakat na bakat ang kamay ko sa mukha niya. "Am I, really?" Taas kilay niyang tanong at nakita ko ang pamumula ng mga mata niya. Naglakad ito palapit sa akin at sinubukang hawakan ang braso ko ngunit umatras ako palayo. "At ano ba ang pakialam mo kung mag-uwi ako ng babae dito, huh? Dahil ba sa sinabi mo na hindi pwede, Aisla, hindi na pwede?" Nanunuyang sabi niya at naamoy ko ang alak sa hininga niya. "Oo, Qino! Hindi pwede! Ano ba ang ipinagmamalaki mo, ha? Hindi ka ba talaga nahihiya? Pareho pa tayong pinapakain ng mga magulang natin, pero kung umasta ka, parang kaya mo na!" Muli kong sigaw sa mukha niya. "Paano kapag nakabuntis ka? Iaasa mo sa mga magulang natin ang pamilya mo? Hindi 'yon pwede, Qino! Hindi pwede! Kahit sinong babae, hindi pwede!" Pagak itong tumawa. At doon ko lang napansin na parang may mali sa akin. May hindi tama. At kung ano man 'yun? Hindi ko alam. "Oo, Aisla, kaya ko na! Kaya nga kitang buhayin nang hindi umaasa sa mga magulang natin, eh!" Mayabang itong ngumisi. Bigla akong natahimik sa sagot niya. "Tsaka, sino ka ba at ano ba ang pakialam mo, huh? Kapatid lang kita! Mag-uuwi ako ng babae dito hanggat gusto ko at wala kang pakialam!" Madiin niyang singhal saka na naglakad paalis sa kusina. Nangilid ang mga luha ko sa mata dahil sa sinabi niya. May tumusok sa puso ko. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Sino ako? Ha! Napangisi ako sa isip ko. Narinig ko ang malakas at pabagsak na pagsarado ng pintuan at para ba akong nahimasmasan doon. Pero alam ko na may mali talaga dito. Sa akin. Nararamdaman ko. May hindi talaga tama at kung ano man iyon, ayoko ng malaman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD