Pagkatapos ng maghapong klase ay tumungo ako sa parking lot ng univesity kasama si Rianne at Ivette para puntahan si Qino at ang mga pinsan naming naghihintay sa amin. Kasama din namin si Layla at Cherry na excited pumunta kila Diana. Hindi sila matigil sa pag-uusap mula pa kanina. Mukha kasing may crush si Cherry sa mga barkada ni Rion na pupunta din sa kanila. Ilang beses din nilang pinilit si Princess na sumama, ngunit hindi talaga siya nagpatianod sa pamimilit sa kanya. Nainis na naman si Rianne dahil do'n kaya hinayaan na lang nila si Princess. "Parang tanga 'tong si Yosef, eh!" Rinig kong sabi ni Amara sa pikon na tinig nang medyo malapit na kami sa kinaroroonan nila. Kitang-kita ko ang pagsapak niya sa pinsan namin kaya bahagya akong natawa. Tumawa din ang mga kasama ko marahil