Nang makapasok kami sa loob ng bahay ay mabilis kaming sinalubong ni Dominic. Agad itong yumakap sa mga hita ko at pagkatapos ay kay Qino naman lumapit. Naka-upo naman sa couch si Mommy habang nakikipag-kwentuhan sa mga Tita namin. Nandito din si Ivette na nilalaro si LJ habang naka-kandong kay Diana. Nandito din si Tita Rina na ina ni Liam. Para bang naging mini family gathering itong 6th monthly birthday ni LJ ngayon. At baka nakikipag-inuman din si Daddy ngayon sa mga Tito ko sa hindi ko malamang lugar dito kila Diana. Masyadong supportive na pamilya ang meron kami sa side ni Daddy. Kahit na maliit lang na okasyon, sisiguraduhin nila na makakadalo silang lahat. Kaya nga mas gusto ko sa pamilyang Fontanilla kaysa sa mga Ortiz. Hindi din kasi pantay 'yung trato nung Lola ko doon sa mga