Madilim na ang kalangitan at maiingay na din kaming magkakasama sa mesa dito sa garden nila Rion. Mayroong kinu-kwento ang isang kaibigan ni Diana na nakakatawa kaya hindi din namin mapigilan ang sarili namin na hindi matawa sa sinasabi niya. Halata din na tinamaan na sila ng alak dahil kanina pa sila umiinom. Nakahiwalay naman sa amin ang mesa ng mga lalaki at nandoon ang kapatid ko na para bang inip na inip ngayon. Naka-upo ito sa isang monoblock na ang sandalan ang nasa harapan niya. Nakahilig ang mga braso niya doon habang bored na nakikinig sa mga pinag-uusapan ng mga kasama niya. Kanina pa niya ako kinukulit sa text na umuwi na kami dahil umuwi na din ang mga magulang namin. Sinabi ko na lang na gusto ko pa na mag-stay dito kahit saglit lang. Sinabi ko din na huwag na muna niya ako