Chapter 7

2680 Words
Pinapanood ko ang kapatid ko habang inaayos sa likod ng sasakyan ang mga gamit na dadalhin ng mga magulang namin. Panay din ang tingin ko sa phone ko dahil baka biglang mag-text si Jarred at sabihin na papunta na siya. Pero parang medyo imposible dahil before lunch ang usapan at alas otso pa lang ng umaga. Ayoko na talagang sumama sa paghahatid sa kanila para makapaghanda ako at makapili ng isusuot ko mamaya para sa 'date' namin ni Jarred -- kung date nga para sa kanya ito, pero pinilit ako ni Qino at ng mga magulang namin. "Aww! We're gonna ride an airplane!" Masayang sabi ni Dominic habang isinusuot ni Mommy ang ballcap sa ulo niya. Halos siya nga ang gumising sa aming lahat dahil sa sobrang excited niya. Nalaman niya kasi kagabi na kailangan nilang sumakay ng eroplano. Pwede naman daw silang mag-barko ngunit mas pinili ni Daddy na mag-eroplano na lang sila para mas mabilis. Ilang beses din kaming kinausap ni Daddy na sumama na lang sa kanila pero hindi ako pumayag. Hindi din naman pumayag si Qino. "Yes, Dom. You sound so excited, huh?" Ani Qino pagkatapos isarado ang pintuan sa likod ng sasakyan. "I am! I am!" He chanted. "Are you and Ate coming with us now?" Aniya saka ako nilingon. Napangiti ako. Para bang iniisip niya na dahil lang sa sasakay sila ng eroplano ay magbabago na ang isip namin at sasama na sa kanila. "Tignan ko lang ang Dad niyo sa loob! Baka maiwanan pa kami ng eroplano." Paalam ni Mommy saka na nagmartsa papasok sa bahay. "Next time, Dom." Sagot ko naman saka lumakad palapit sa kanya. "I'm gonna miss you, big boy. Three days kang hindi makikita ni Ate." Malungkot kong sabi saka hinaplos ang mukha niya. "It's okay. You'll see me again when we get back. Don't be sad," sabi naman nito na para bang matanda na. Lumapit sa amin si Qino at ipinantay ang sarili kay Dominic kaya gumilid ako. "Behave ka do'n, ah? 'Wag makulit," ani Qino. Tumango si Dominic. "I will take care of my baby girl here." Dagdag pa ni Qino saka ako tinitigan habang nakangiti. Kumunot ang noo ko. At bago pa ako makaramdam ng kung anu-ano ay lumabas na si Daddy at si Mommy sa bahay. Sumakay na kaming lahat sa sasakyan. Ang Titanium na lang ni Qino ang ginamit namin na panghatid sa kanila. Habang nagba-byahe kami ay nagku-kwentuhan si Daddy na nasa passenger's seat at si Qino na siyang driver ngayon tungkol sa Civil Engineering course. Madalas silang magkaintindihan sa ganito dahil pareho silang nasa Engineering field though, nasa third year pa lamang ang kapatid ko. Kahit si Rion ay Engineering din ang kurso niya pero Mechanical Engineering naman 'yung kanya, at nasa iisang department lang sila ni Qino. Hindi naman mapalagay si Dominic na panay ang shift sa pwesto. Minsan ay titingin sa likod o kaya ay sasampa sa sandalan ng upuan. Minsan din ay kukunin ang iPad niya at maglalaro pero kapag nagsawa na ay lilipat sa unahan at magpapakandong kay Daddy. "Take care of your sister, Qino. Tatlong araw lang kaming mawawala, ha? Kasama niyo naman doon si Manang. Tumawag na lang kayo kung sakaling magkaproblema," bilin ni Daddy sa panganay niya habang nasa departure area kami. Tumango si Qino at nagulat ako nang bigla siyang umakbay sa akin. Parang may kuryenteng naglakbay sa katawan ko na ginising ang dugo ko. Siguro dahil hindi talaga kami ganoon ka-sweet na magkapatid ni Qino. "Will do, Dad. Ingat po kayo. Dom, ha? Behave ka lang." Sabi nito. Nakahinga ako nang maluwag nang tanggalin niya ang braso niya sa akin. "Kung gusto niyo, patulugin niyo ang mga pinsan niyo sa bahay para may mga kasama kayo," ani Mommy habang humahalik sa akin. Pagkatapos ng ilan pang mga bilin ay lumakad na sila papasok sa loob. Panay ang kaway ni Dominic na nakasakay sa cart habang hinahawakan siya ni mommy at taga-tulak naman si Dad. Nakaramdam bigla ako ng lungkot habang pinapanood sila. Never pa naman kaming naghiwa-hiwalay lahat. Well, maliban kay Qino noong mga bata pa kami. Pero ngayon ay isang gabi lang siguro o kaya ay isang araw kapag nagsi-sleepover kami sa mga pinsan namin, pero hindi 'yung ganito na hindi ko sila makikita sa loob ng tatlong araw. "You okay?" Tanong ni Qino pagsakay namin sa sasakyan niya. Bumuntong-hininga ako saka tumango. "You know what, pwede ka naman kasing sumama, eh. Bakit nagpa-iwan ka pa?" Tanong niya. Mukha namang walang problema sa kanya na umalis ang mga magulang namin dahil sanay na siya. May pagka-independent kasi siya. "Wala lang. Siguro, para masanay ako." Kibit-balikat ko. Hindi na ito nagsalita pa at tumunganga na sa kalsada. "So, saan kami magkikita ni Princess?" Biglang tanong ni Qino pagkaraan ng ilang minutong katahimikan. Napalundag ako sa upuan ko at mabilis na kinalkal ang bag ko. Kinuha ko ang phone at napamura nang makita ko na may isang text galing sa isang hindi pamilyar na numero. Good morning. Si Jarred 'to. Exact 11 nasa tapat na ako ng bahay niyo. Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na tinignan ang oras. Nakahinga ako ng maluwang nang makita na 10:02am pa lamang. Hindi naman masyadong traffic at alam ko na hindi kami matatagalan sa kalsada. "Hindi mo siya tinext?" Tanong ko kay Qino habang nagta-type ng reply kay Jarred. Okay. See you. Ingat ka! "Wala akong number niya," tipid na sagot nito. Marahas akong napalingon sa kanya. "Meron ka!" Bahagyang tumaas ang boses ko. Kunot-noo niya akong tinignan kaya tumikhim ako. "Ako na lang 'yung magsasabi sa kanya kung saan kayo magkikita -- at sa MarQuee, ha? MarQuee muna kayo magmi-meet. Tapos... bahala na kayo kung saan niyo pa gustong pumunta." Nag-type ulit ako ng mensahe para kay Jarred. Hi. How about magkita na lang tayo sa MarQuee? Para hindi na din masyadong hassle sa'yo. Pagkatapos kong i-send ay pumikit ako at huminga nang malalim. Total ay nakahanda naman na ako kaya pwede na kaming magkita. "Kayo? Kami lang?" Takang tanong ni Qino. Nagmulat ako ng mata saka siya tinignan. Nagtataka din naman ang hitsura nito. "Yup! Alangan namang kasama ako, 'no! Paano kayo makakapag-usap nang maayos, 'di ba?" Ngumiti ako. "Tsaka, may date ako ngayon!" Kinikilig na sabi ko. Tinext ko na din si Princess na magkikita sila ni Qino ngayon sa MarQuee. Sigurado ako na kapag nabasa niya ang text ko ay magmamadali iyon. "Ano?" Gulat na tanong ng kapatid ko. Pina-ikot ko ang mga mata ko. "Date! As in date! Katulad ng gagawin niyo ni Princess." "At sino naman ang ka-date mo, huh?" Mapang-uyam nitong tanong. "Jarred." Tugon ko saka inayos ang buhok ko. "Aisla, no. You can't date him. Iba't ibang babae ang mga nakikita kong kasama niya." Pahayag niya habang umiiling sa akin. "Come on, Qino. Friendly lang talaga si Jarred," depensa ko. "Tsaka, 'di porket iba't ibang babae na ang kasama niya, eh, babaero na siya." I tsked. Kinuha ko ang phone ko nang tumunog ito. Napangiti ako nang makita ang unknown number. Sino pa ba? Eh, 'di si Jarred. Are you sure? Kung gano'n, sige. Malapit lang naman ako sa MarQuee. Saktong nagta-type ako ng reply ay biglang lumitaw ang pangalan ni Princess sa screen. Mabilis kong sinagot ang tawag niya. "Aisla, totoo?" Excited at kinakabahang bungad nito. Sinulyapan ko nang tingin ang kapatid ko na ngayon ay napakaseryoso ng tingin sa kalsada. "Oo nga! Papunta na kami. Nasaan ka ba?" Tanong ko. "Nandito ako sa MarQuee ngayon. Sumakto nga, eh. Gosh, Aisla! Hihintayin ko kayo dito, ha?" Aniya. "Ay, wait! Kasama ka ba?" "Nope. May sarili akong lakad," pagyayabang ko habang nakangiti. Nang matapos kaming mag-usap ni Princess ay kinuha ko sa bag ko ang dala kong maliit na salamin para tignan ang hitsura ko dahil malapit na kami sa MarQuee. Kinuha ko din ang liptint saka nag-apply sa labi ko. "Aisla, you can't date Jarred," ani Qino. Umirap ako sa kawalan saka ibinaba ang hawak ko. "Bakit naman? Sige nga, bigyan mo ako ng mga dahilan kung bakit hindi?" Hamon ko. "Simply, baby, because I don't like him for you," diretsong sabi nito. Umirap ako. "It's fine. It doesn't matter. Tsaka, pwede ba? Huwag kang masyadong pakialamero? Hindi naman kita pinakikialaman sa mga babae mo, ah!" Iritadong sabi ko habang magkasalubong ang mga kilay. Naii-stress ako sa kapatid ko! "Nakikialam ako kasi may pakialam ako. At ayokong mapunta ka sa lalaking 'yon!" Tumaas bigla ang boses niya. "Dahil kapatid kita!" Halos pabulong na dagdag niya. "'Yon nga, eh! Kapatid lang kita! Gosh! Alam ko naman 'yung ginagawa ko! Makikipag-date ako kung kanino ko gusto! At wala kang pakialam do'n!" Nagtaas na din ako ng boses sabay irap sa kanya. Ano ba ang ipinaglalaban nito? At bakit ba kami nagkaka-initan ng ulo ngayon? Ang ayos-ayos naman namin kanina, ah! Bigla akong na-guilty nang makita ko na parang nasaktan ko siya sa sinabi ko. Gusto kong bawiin ang mga salitang binitawan ko pero huli na. Napalabas ko na sa bibig ko at narinig na niya. "Yeah, right. Okay," malamig niyang sabi. At sa sobrang lamig ay para akong napaso. Mabilis niyang pinatakbo ang sasakyan na ikinagulat ko. Napahawak ako sa seatbelt na suot ko hanggang sa makapasok kami sa lot ng MarQuee. Inihinto niya ang sasakyan sa main entrance. "What's wrong with you, Qino?!" Tanong ko habang masamang nakatingin sa kanya. Gusto ko siyang murahin sa sobrang inis at takot. Kaya minsan ay napagsasabihan siya ni Daddy dahil sa pagiging balasubas niya sa pagmamaneho, eh! Okay lang naman sana kung siya lang mag-isa ngayon dito sa loob ng sasakyan niya ngunit hindi! Kasama niya ako! "Nasan si Princess?" Tanong din niya. "Bumaba ka na." Utos nito saka isinenyas ang pintuan ng sasakyan gamit ang ulo. Napalunok ako at nakaramdam ng kurot sa dibdib ko. Parang hindi niya ako kapatid nang sabihin niya iyon. Mabilis kong tinanggal ang seatbelt ko at walang-lingon na bumaba. Para ba akong nanghina at kahit gusto kong ibagsak pasara ang pintuan ay hindi ko nagawa. Muling humarurot ang sasakyan nito kaya napailing na lang ako. Muli kong inayos ang sarili ko at ang suot ko. Kinuha ko din sa bulsa ang phone ko at tinext si Jarred para sabihin na nandito na ako. Tinext ko din si Princess para makipagkita muna sa kanya. Kahit na ganoon ang asta ni Qino ay desidido pa din akong tulungan si Princess na mapalapit sa kanya. Naglakad ako papasok nang matanggap ko ang reply ni Princess na nagsasabing nasa second floor daw siya. Mabilis akong nagtungo doon at nakita ko siyang naka-upo sa may bench. "Cess!" Tawag ko dahil palingon-lingon pa siya. Kumaway pa ako sa kanya. Tumayo naman ito at nagmamadaling lumapit sa akin. "Aisla!" Tuwang-tuwa niyang sabi at halos yakapin ako. "Si Qino?" Tanong pa niya. Tinago ko ang iritasyon nang banggitin niya ang pangalan ng kapatid ko. "Naghahanap ng space sa parking." Tugon ko saka tumingin sa wrist watch ko. Almost 11 na din pala. Siguro ay nandito na si Jarred. Nagulat ako nang biglang hablutin ni Princess ang kamay ko. Nakatingin ito sa white and yellow gold bangle bracelet na suot ko kasama ng relo ko. "Saan mo nabili 'to? Ang ganda, ah. At mukhang pricey pa." Aniya saka na pinakawalan ang kamay ko. "Ito?" Tinaas ko ang kamay ko at tinignan ang bracelet. "Regalo 'to sakin no'ng debut ko." "Sino? Nanliligaw sa'yo, 'no?" Ngumiti ito nang may pang-aasar. Tumawa ako saka nag-umpisang maglakad patungo sa bench para maupo. Sumunod naman ito sa akin. "Baliw! 'Yung kapatid ko 'yung nagbigay nito. Nanliligaw ka diyan!" Suway ko habang natatawa. "Oh?" Gulat niyang sabi. Nilingon ko siya. "Akala ko manliligaw mo. Love knot kasi 'yang symbol, eh. You know? Binibigay lang 'yan sa syota." Tinuro niya ang knot na disenyo sa bracelet ko. Kumunot ang noo ko. Love knot? "Hindi ba pwedeng sa kapatid, Cess?" Pilit akong tumawa. "Hindi lang naman yata para sa mag-syota 'tong symbol na 'to, 'no! Tsaka, baka hindi naman alam ni Qino 'yung tungkol sa mga ganyan-ganyan no'ng binili niya 'to!" "Sabagay. Ako lang yata 'yung nagbibigay ng malisya sa lahat." Tumawa din ito. Nag-excuse ako sa kanya nang tumawag si Jarred. Mabilis na kumabog ang puso ko nang sabihin niyang nandito na siya at tinanong niya ako kung nasaan ako. Nagpaalam ako kay Princess at sinabing pupuntahan ko si Jarred. Nagulat pa siya noong sinabi ko na may date kami. Sinabi ko din sa kanya na tawagan o i-text si Qino kung nasaan siya para mapuntahan siya nito agad. Bago ko tuluyang puntahan si Jarred sa groundfloor ay dumaan muna ako sa CR para i-check 'yung hitsura ko. Nang maayos naman ay dumiretso ako sa may bookstore kung saan siya naghihintay. Ang gusto nga niya ay ako na lang ang puntahan niya ngunit tumanggi ako dahil balak ko talagang magpaganda muna. "Hi! Late ba ako?" Pambungad niya sa akin nang makalapit ako sa kanya. Kaagad kong naamoy ang mabango at manly niyang pabango. "No. Halos kadarating ko lang din," nakangiting sagot ko. Namamangha ako sa kanya dahil kahit ang simple lang ng suot niya ay parang kaya pa niyang mag-stand out sa lahat. "Shall we eat first? O... saan mo gustong pumunta muna?" Tanong niya. "Ikaw bahala. Almost lunch na din naman," tugon ko. Tumango ito saka na ako inayang maglakad. Habang naglalakad kami ay pareho kaming tahimik. Para bang nagkakailangan kaming dalawa. Naiilang talaga ako dahil first time kong makipag-date ngayon. At sakto pa na ang ka-date ko ay ang lalaking gustong-gusto ko. Pumasok kami sa isang resto. Hinayaan ko na lang na siya ang um-order ng kakainin namin. Hindi maalis sa mga labi ko ang ngiti habang nakatingin ako sa kanya na kausap ang waiter. "Sino nga pala ang kasama mong pumunta dito?" Baling niya sa akin matapos idikta sa waiter ang mga order. Napalunok ako at naalala ang hitsura ng kapatid ko. "Uh, si Qino..." wika ko. "May date kasi sila ni Princess." Tumango-tango ito. Nang dumating ang mga order namin ay medyo nahihiya pa akong kumain sa harapan niya. Baka kasi magmukha akong patay-gutom. Ayoko naman din namang magmukhang mahinhin dahil hindi ako mahinhin. Ang ginawa ko na lang ay nagpaka-natural ako. Maayos naman akong kumain kapag nasa bahay. "Kanino kayo mas close sa mga pinsan niyo? Sa mother's side o sa father's side?" Tanong ni Jarred habang kumakain. "Well, ako, mas close ako sa mga pinsan ko sa father's side." Ngiti ko. "Ikaw ba?" "Pareho lang naman." Nakangiti ding tugon nito. Ako kasi, mas gusto kong kasama ang mga pinsan ko sa side ni Daddy kaysa sa mga pinsan ko sa side ni Mommy. Masyadong perpekto at di-makabasag pinggan ang mga pinsan kong babae sa side ni Mommy. Ni hindi man sila umiinom ng alak tulad nila Amara na game sa lahat. At 'yung mga lalaki naman ay masusungit na akala mo kung sino. Hindi ko din kasi sila nakasama simula pagkabata, unlike sa mga pinsan ko dito na nakakalaro ko noong mga bata pa kami. Madalang lang din kaming bumisita doon kila lola kahit na hindi naman sila gano'n kalayo sa amin. Strikto din kasi 'yung lola ko doon at 'yung mga kapatid ni Mommy. Kahit si Qino ay ayaw niyang pumupunta doon. Hindi din siya masyadong close sa mga pinsan namin sa mother's side. Ayos naman 'yung pakikitungo nila sa amin, ngunit kapag nando'n kami, pakiramdam ko ay hindi ako makahinga. Para bang hindi ako belong sa pamilya nila. Hindi tulad sa side ni Daddy na close ako sa lahat ng pinsan ko at sa mga Tito at Tita ko. Gano'n din naman si Qino. Nagpatuloy pa kaming nagkwentuhan ni Jarred habang kumakain. Pilit kong iniiwasan ang mga tanong tungkol sa kapatid ko dahil sa tuwing mababanggit ang pangalan niya ay nagi-guilty talaga ako. I will make it up to him when I get home. Sana ay maayos ang maging resulta ng date nila Princess. At sana ay makalimutan na lang niya 'yung mga sinabi ko. I didn't really meant to say those words. Masyado lang akong nainis kaya ko nasabi ang mga iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD