Chapter 6

2536 Words
Malapad akong nakangiti habang nakatingin sa masungit naming guro na nagtuturo sa harapan. Sa sobrang saya ko sa ginawang pag-amin sa akin ni Jarred kagabi ay halos hindi na yata ako nakatulog nang maayos, pero nagising pa din ako ng maaga. Hindi ko maipaliwanag 'yung saya na nararamdaman ko. Wala pa akong pinagsabihan tungkol doon ni isa. Wala naman din nagtanong kahit si Shan at Gregg. Gusto ko nga din magpasalamat sa kanila, eh. Pero sa susunod na lang kapag kami na ni Jarred. O kaya ay kapag nag-umpisa na siyang manligaw sa akin na hindi ko naman patatagalin dahil pareho lang kami nang nararamdaman. Hindi na ako magpapakipot pa. Nang matapos ang klase ay tumungo kami sa cafeteria. Panay ang kwento ni Rianne tungkol doon sa lalaking nakilala niya sa bar kagabi na nag-ayang lumabas sa kanya. Tahimik akong umupo habang nakikinig sa mga usapan nila. Si Ivette naman ay mas piniling pasakan ng earphones ang mga tenga. "Aisla!" Enthusiastic na tawag sa akin ni Princess na halos kadarating lang. Nakangiti akong lumingon sa kanya. "Yes?" Sabi ko saka humalumbaba sa mesa. Umupo ito sa bakanteng upuan sa may tabi ko. Hindi naman kami pinansin ng iba naming mga kasama. "Anong sabi ng kuya mo?" Pabulong niyang tanong saka ngumiti nang malapad. "Uh, wala siyang dine-date ngayon," tugon ko. Pero hindi ako sigurado kung wala nga ba talaga, ngunit hindi ko iyon sasabihin sa kanya. Hindi naman sa pinapa-asa ko siya sa kapatid ko. Ayoko lang siyang ma-offend. "Talaga? So... pwede kami? Aisla!" Halos tumili siya. Binalingan kami nang tingin ng mga kasama namin pero saglit lang dahil muli silang nagpatuloy sa pag-uusap. "Hindi pa ako sigurado, ha? Let's see kung anong magagawa ko," sabi ko. "Mag-set ka ng date para sa amin." Kindat niya. "Tapos... basta, tulungan mo ako sa kuya mo at tutulungan kita kay Jarred. Fair enough, isn't it?" Hindi mabura sa mga labi niya ang malapad na ngiti. Gusto kong umismid dahil hindi ko na talaga kailangan ng tulong ng kung sino man ngayon pagdating kay Jarred. Umamin na siya sa akin at magugulat na lang silang lahat kapag naging kami. Tumikhim ako. "No need, Cess. Kakausapin ko 'yung kapatid ko, sige." Kindat ko sa kanya. Nahagip ng mga mata ko si Jarred na tumatawang nakikipag-usap sa mga barkada niya habang papasok dito sa cafeteria. Mabilis akong nag-iwas ng tingin nang bumaling ang mga tingin niya sa akin. Tumingin ako sa mga kasama ko sa mesa na nag-uusap-usap. Kinagat ko ang labi ko nang maramdaman ko ang paglapit ni Jarred sa table namin. Tumili ang mga kasama ko. Tinanggal pa ni Ivette ang earphones niya habang nakangisi nang malapad sa akin. Kumindat naman si Rianne. "Hi, Jarred! How are you?" Tanong ni Rianne sa kanya. "Sasabay ka bang kumain sa amin?" Tanong naman ni Princess saka tumayo. Inalok niyang maupo si Jarred sa upuan niya na nasa tabi ko. "I just want to talk to Aisla," ani Jarred. Nagtilian ulit ang mga kasama ko. Halos hindi ako makahinga sa kinauupuan ko. Gusto ko silang sawayin pero nahihiya ako kay Jarred. Nag-angat ako nang tingin sa kanya kahit nanginginig ang mga kamay ko. Bakit ba ako nagkakaganito sa tuwing lalapit siya sa akin? Calm down, Aisla. Gusto ka niya. "Uh, sure." Ngiti ko saka tumayo. Hinintay niya akong maka-alis sa mesa at sigurado akong gusto niyang mag-usap kami sa labas, malayo sa mga kasama ko. Naglakad ako palabas habang nakasunod siya sa akin. Hindi ko alam kung ano ang pag-uusapan naming dalawa at gusto pa niya na kaming dalawa lang. Baka babawiin na niya 'yung mga sinabi niya kagabi? Baka hindi naman talaga totoo? Huwag naman sanang ganoon. "Uy, kayo na?!" Tanong ng isang usiserang babae nang dumaan kami sa table nila. Hindi ako lumingon at wala din akong salita na narinig mula kay Jarred. Tumili ang mga kasama niya sa table. Kumunot ang noo ko dahil doon. Nang saktong makalabas kami sa cafeteria ay nakasalubong namin si Yosef at Rion na papasok naman. Huminto sila sa paglakad at otomatikong huminto din kaming dalawa ni Jarred. Umiling-iling si Rion habang nakangisi. Sumaludo naman si Yosef kay Jarred na nasa tabi ko. Nagkamayan pa silang dalawa. "Bro, pagkakatiwalaan kita sa pinsan ko," ani Rion ngunit may pagbabanta sa tinig nito. "Ano ba? Hindi pa naman kami, ah!" Nahihiyang sabi ko dahil sa mga sinasabi nila. Agad kong hinila palayo sa kanila si Jarred para maiwasan na ang mga ibang tanong. Hindi ako komportable. Tumungo kami sa likod ng cafeteria kung saan walang masyadong tao. Narinig ko ang parang musika na tawa niya. "Mukhang gusto naman ako ng mga pinsan mo para sa'yo, ah?" Aniya. Nag-init ang buong mukha ko sa tinuran niya. Pilit akong ngumiti. "Bakit mo nga pala gustong makipag-usap ngayon?" Tanong ko. "Free ka ba this Saturday? Tomorrow?" He asked. Inaaya ba niya akong lumabas? Oh, my gosh. Relax, Aisla. Huwag mo siyang pangunahan. "Uh, oo. Wala naman akong lakad." Tumango ako saka ngumiti. Nag-iwas siya ng tingin saka nagkamot ng tenga. "Okay. Sunduin na lang kita sa inyo, okay lang?" Maligalig akong tumango. "Before lunch, Aisla." Muli akong tumango. "Text mo ako kung papunta ka na, ha?" Wika ko. "Ay! Nawala nga pala 'yung phone mo!" Awkward akong tumawa nang maalala ko. "Ite-text kita sa number ni Mommy bukas, para alam mo kung papunta na ako." Ngumiti siya. "Uh, alam mo ba 'yung number ko?" Alangan kong tanong. Tinuro niya ang sentido niya. "Kabisado ko, Aisla." Napangiti ako nang malapad sa sinabi niya. Kabisado niya ang numero ko? Gosh! Ako nga, hindi, eh. Gusto talaga niya ako. Malinaw na malinaw iyon. Sabay kaming bumalik sa loob ng cafeteria. Napuno kami ng pangangatyaw lalo na noong inihatid niya ako pabalik sa mesa kung nasaan ang mga pinsan at kaibigan ko. Pinanood ko siyang naglakad pabalik sa table ng mga kasama niya. At sa tingin ko ay inasar din siya ng mga ito. Lumingon sa akin si Jarred habang nakangiti nang matamis. Nawawala na naman 'yung mga mata niya dahil sa ngiti niya at nagwawala naman ang puso ko sa sobrang tuwa ngayon. "Grabe! Ang haba ng buhok ni Aisla!" Tawa ni Layla. "Madalang lang na mangyari ang ganito sa totoong buhay, ah. 'Yung gusto mo ay gusto ka din!" Aniya pa. "Mabuti pa si Aisla..." buntong-hininga ni Princess. Ibinaling ko ang atensyon ko sa kanya na ngayon ay malungkot ang hitsura habang nakapangalumbaba sa mesa at tinutusok-tusok ang ensaymada sa tray niya. "Free ka bukas?" Tanong ko kay Princess. Tamad itong tumango habang nakatingin sa akin. "Kakausapin ko si Qino, ha? Malay mo, pumayag." Nakita ko ang mukha niya na biglang nagliwanag sa tuwa. Halos dakmain niya ako para mayakap pero nilayo ko ang sarili ko sa kanya. "Asahan ko 'yan, Aisla, ah?!" Masayang sabi niya. Tumango ako. "Hay, girl..." umiiling na sabi ni Rianne habang nakatingin kay Princess. "Gusto mo talagang mapabilang sa mga babaeng pina-iyak niya, 'no?" "Hindi naman siguro, Rianne. Huwag kang panira!" Suway ko sa kanya. Masama niya akong tiningnan. "Sinasabi ko lang naman! Qino flirts with everyone who flirts with him. Oh, sabihin mong hindi?" Hamon nito. Nagkibit-balikat ako. "Ma-swerte ka kung magkakaroon siya ng interest sa'yo. Pero huwag kang mag-assume na seryoso na siya." "Ang harsh mo!" Iritadong sabi ni Princess. Tumawa si Rianne. "Siya 'yung harsh, Cess, hindi ako. Sinasabi ko lang 'to para kung sakali, may ideya ka kung bigla ka man niyang iwan sa ere kagaya nang madalas niyang gawin sa mga babaeng dine-date niya. Huwag kang masyadong mahulog doon sa hitsura niyang mahiyain at maamo. Pare-pareho nating alam na mas gago si Qino kaysa kay Rion." Mahabang pahayag niya saka pa umismid. Ito minsan 'yung ayoko kay Rianne. 'Yung pagiging prangka niya. Para bang hindi muna siya nag-iisip kung may mao-offend siya bago niya palabasin ang mga salita. Parehong-pareho sila ni Amara na matatapang -- walang inaatrasan. Pero may katotohanan naman 'yung sinabi niya. At least, si Rion, nabigyan niya nang maayos na rason ang mga naging girlfriend niya sa kung bakit siya kumalas sa relasyon nila. Ayaw kasi ni Rion ng selosa, clingy at binabawalan siya. Oo, kung iisiping mabuti, hindi siguro masyadong valid iyong mga dahilan na iyon. Pero kumpara naman sa mahal kong kapatid! Hanggang ngayon nga ay hindi namin alam ang totoong dahilan sa kung bakit sila naghiwalay ni Sanya. Kahit nga si Sanya mismo ay hindi malaman ang totoong rason niya sa kung bakit siya nakipag-hiwalay sa kanya, eh. Ang hula namin noon ay mayroong iba si Qino. Pero after naman no'ng break-up nila, hindi na ulit pumasok sa isang relasyon ang kapatid ko. Wala din kaming nakitang ibang babae na kasama niya no'n maliban sa akin at sa mga pinsan namin. Ngayon na lamang talaga siya lumala dahil iba't ibang babae na 'yung nakakasama niya pero alam namin na hindi seryosohan katulad no'ng sa kanila ni Sanya. At imposibleng si Sanya ang mayroong iba noon dahil alam naming lahat na talagang mahal niya si Qino. Tama si Rianne noong sinabi niya na masyadong ma-sikreto ang kapatid ko. At tama din siya nang sinabi niya na mystery unsolved si Qino. Pero pare-pareho lang silang gago, actually. Mas gago nga lang talaga siguro ang kapatid ko. Hindi na ako sumali sa usapan nila. Mas minabuti ko na lang na mag-isip tungkol sa gagawin namin bukas ni Jarred. Kailangan kong matulog ng maaga mamaya para medyo hindi ako mukhang haggard bukas. Pero kailangan ko munang kausapin 'yung kapatid ko para sa date nila ni Princess. Ayokong nakikita si Princess na malungkot. Pipilitin ko nalang si Qino na i-date niya ang kaibigan ko. Nang uwian na ay mabilis akong naglakad tungo sa parking lot para puntahan ang kapatid ko. Habang naglalakad ako ay natatanaw ko siyang may kausap na babae. Hindi ko masyadong mamukhaan kung sino kaya naglakad pa ako palapit sa kanila. Tumaas ang isang kilay ko nang humalik ang babae sa pisngi ni Qino at humawak pa sa dibdib niya. Ngiting-ngiti naman ang kapatid ko na nakahawak sa bewang nito. Tumikhim ako nang makalapit ako sa kanila. Sabay nila akong tiningnan. "Hi, Aisla!" Bati ng babae habang matamis na nakangiti. Hindi ako ngumiti pabalik at tiningnan ko lang siya. Kung hindi na lang sana halata sa ngiti niya na nagpapakitang-tao lang siya dahil kapatid ako ni Qino. "Uwi na kayo?" Baling ng babae sa kapatid ko saka pa humaplos sa braso niya. Umirap ako sa kawalan. "Yup, Gen. See yah!" Kindat ni Qino sa kanya. Nauna akong sumakay sa front seat at pabagsak na isinarado ang pintuan. Sino ba 'tong Gen na 'to? Kung makahawak sa kapatid ko, eh, akala mo girlfriend niya. Tsk. "May gagawin ka ba bukas?" Tanong ko sa kapatid ko pagsakay na pagsakay niya. "Wala. Bakit?" Tugon niya saka na pinaandar ang sasakyan. Nakita ko pang kumaway ang babae sa kapatid ko at ito namang malanding lalaki ay kumaway pabalik. "Okay, so... nag-set ako ng date para sa inyong dalawa ni Princess," pahayag ko. Kunot-noo niya akong nilingon. "Aisla, hindi naman ako pumayag, 'di ba?" Taas-kilay niyang tanong. "Papayag ka din naman, 'di ba? Date lang naman! Huwag mong sabihin na 'yung babaeng 'yun ang ide-date mo?" Iritado kong sabi. Kailangan ko siyang mapilit na makipag-date kay Princess para hindi na ako guluhin ng kaibigan ko. "I'm not in—" "Qino, date lang naman! Pagbigyan mo na 'yung kaibigan ko! Malay mo, 'di ba? Siya 'yung maging dahilan para makapag move on ka kay Sanya," wika ko. "Jesus, Aisla! Naniniwala ka kay OJ na hindi pa ako nakakapag-move on kay Sanya? Really?" Panunuya nito. "Yup! Pansin ko kasi na after niyong mag-break ni Sanya ay hindi ka na nag-seryoso sa ibang babae—" "And do you think I will take Princess seriously?" Tamad niyang tanong. I nodded sheepishly. "Oo, Qino, because why not? Princess is pretty smart. Isipin mo, kapag siya 'yung pinakasalan mo, magiging matalino 'yung mga pamangkin ko. Hindi lang matalino, magaganda at gwapo pa, 'di ba?" Malapad akong ngumiti sa naisip ko. Pagak itong tumawa. "Pakakasalan agad? Okay, sige. I will date your friend," pagpayag niya. See? Konting pilit-pilit lang sa kanya, papayag na siya. Pakipot pa 'tong isang ito, eh. "Thanks!" Masayang sabi ko. "Ikaw na bahala sa kaibigan ko, ha? Bukas na 'yung date niyo. Ikaw na mag-text sa kanya para alam niya." Tumango ito ngunit halata sa mukha niya na hindi siya interesado. Pero alam ko na kapag nakilala niya nang lubusan si Princess, sigurado akong magkakaroon siya ng interest sa kanya. Maganda si Princess at matalino. Maraming nagkaka-interest sakanya pero hindi ko alam kung anong nakita niya sa kapatid ko at sakanya ito nahumaling. Pagdating namin sa bahay ay agad akong sinalubong ni Dominic na kumakain ng chocolate ice cream. Kumalat pa sa bibig niya kaya ang dumi niyang tignan ngayon. "Anyare, Dom? Ang dumi mo!" Natatawa kong tanong saka nag-squat sa harapan niya. Kinuha ko ang wet tissue sa loob ng bag ko at pinunasan ang bibig niya. "You want ice cream, Ate?" Tanong ng inosente kong kapatid. Umiling ako habang pinupunasan pa din ang bibig niya. "Ayan." Tumayo ako at ginulo ang buhok niya nang matanggal ko na ang chocolates na nagkalat sa bibig niya. "You look handsome again." Ngiti ko. "I know," mayabang niyang sabi na ikinagulat ko. "Oh? Nandito ka na pala!" Ani Mommy na kakalabas lang galing sa kusina. "Kuya mo?" Tanong niya. Lumapit ako sa kanya saka humalik. "Ipinapasok 'yung sasakyan niya, My." "Aalis nga pala kami bukas," pahayag niya. "Kailangan tignan ng daddy mo 'yung lugar kung saan itatayo 'yung bagong hotel building na project nila. Gusto niyong sumama?" "Uh, hindi po, My. Maiiwan na lang ako dito. Ilang araw po ba kayo doon? Kasama po ba si Dom?" Nilingon ko ang kapatid ko na ngayon ay nakayakap sa binti ni Qino. At hindi talaga ako sasama dahil may lakad ako bukas. Hindi na ako bata na kailangan kung nasaan ang mga magulang ko ay nandoon din dapat ako. "Mga tatlong araw siguro kami doon. Hindi naman namin pwedeng iwan si Dominic kaya ipinagpaalam ko na siya kanina na hindi siya makakapasok sa lunes." "Saan kayo pupunta, Mom?" Tanong naman ni Qino na kakalapit lang kay Mommy saka humalik. "Titignan ng Dad niyo 'yung lugar kung saan itatayo 'yung bagong project nila," ani Mommy. "Ikaw, Qino? Hindi ka sasama? Marami kang matututunan doon about sa course mo." Kilalang magaling na Engineer si Dad at sumusunod sa yapak niya ang kapatid ko. Pareho silang magaling mag-drawing at hindi basta-basta drawing. 'Yun ang kinaiinggitan ko minsan kay Qino. "Come with us, Kuya!" Ani Dominic. "Sasama ka, Aisla?" Tanong naman sa akin ng kapatid ko. Umiling ako habang nakangiti. "Dito na lang po kami." Good, Qino. Dahil may date kayo ni Princess bukas. Nakita ko ang pagkadismaya ni Dominic. "Oh, sige. Uuwi din naman kami mga lunes ng hapon. Ihatid mo na lang kami ng Daddy mo, Qino. Baka kausapin ka din niya pag-uwi niya." Tumango si Qino. Nagpaalam ako na magbibihis muna. Sumunod naman sa akin si Qino. "Anong oras nga kami magkikita ni Princess?" Tanong niya sa akin. "I-text mo kaya?" Suggest ko. "Okay. Sasama ka sa paghahatid kila Mommy bukas." Aniya saka na pumasok sa kwarto niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD