Hindi ako mapakali sa kwarto habang naghahanap ng isusuot. Napa-frustrate ako kapag iniisip ko na aalis kami ng kapatid ko na kaming dalawa lang. Pinag-aayos na niya ako dahil maya-maya lang ay aalis na kami. Sana ay hindi na lang kami pinayagang umalis ng mga magulang namin dahil ayokong sumama sa kanya dahil sa tingin ko ay magiging awkward. Kinuha ko ang skinny jeans sa closet ko saka isinuot. Simpleng navy blue v-neck shirt na lang din ang isinuot ko pang-itaas. Lumapit ako sa shoe rack at kinuha ang pares ng converse ko. What should I wear? Formal clothes? Dammit. This isn't a special day. Nang matapos akong mag-ayos ay lumabas na ako ng kwarto. Bumungad sa mga tenga ko ang ingay mula sa sala. Mukhang nandito ang mga pinsan namin. Hindi ko alam kung matutuwa ako o hindi na nandito